LILAC POV HUMAHANGOS na bumalik ako sa private room. Halos mataranta ako dahil hindi ko alam kung saan pumunta si Zephanie. Kung nasaan siya ngayon? Bakit naman kasi bigla siyang nawala sa restroom. “Umara!” malakas kong tawag sa pangalan niya kang buksan ko ang private room namin. Napalingon siya sa akin. “Bakit?” malakas nang tanong sa akin. Sinarado ko ang pinto dahil sa lakas na music mula sa labas, sa dance floor mismo. Napatingin ako sa kanya habang nakahawak sa aking magkabilang bewang. “Tubig?” sabi niya sa akin at iniabot ang baso, ininom ko iyon. “Bakit hinihingal ka? Tumakbo ka ba?” Nakatingin pa rin ako sa kanya habang hinahabol ang hininga ko. “A—ano kasi... W—wala si Zephanie!” bulalas na sabi ko sa kanya. Nakita ko ang pagkunot ng kanyang noo. “Anong wala si Zephan

