LILAC POV “LILAC, sobrang layo pa ng Semana Santa, ha? Pero iyong face mo pang Biyernes Santo! Anong nangyari sa iyo?” Napatingin ako kay Zephanie na siyang nagda—drive ngayon ng sasakyan niya. Huminga akong malalim. “Alam ko namang malayo pa ang holy week... August pa lang naman ngayon. Pero kasi... Sina Mama at Papa ay inaasar ako, maging si ate Bernadette,” sagot ko sa kanya. “Inaasar ka? Bakit naman? Katulad ba nito? Iyong brother in law ni Umara ay nakasunod na naman sa atin... Ano ba naman itong brother in law mo. Hindi naman tayo mawawala... Obsess niyang brother in law mo ha? Hiwalayan mo na kaya, Umara!” sabi ni Zephanie habang nakatingin sa rear view mirror. “Hayaan mo na si Onyx, Zephanie. And, makakatulong siya sa atin sa bar mamaya. Cousin siya ng may—ari nuʼn... Huwag n

