LIV. ALAS DIYES NA ng umaga pero hindi pa rin lumalabas sa kuwarto nila sina Lord at Lady. Halatang napasarap ang tulog ng mga ito. Hinayaan lang muna nila ito at nagpatuloy lang sila sa kanilang ginagawa. Naghahanda ang iba ng pananghalian nila habang si Edward ay nakaupo sa isang duyan at masayang tinitingnan ang kagandahan ng dagat. Nawala naman ang atensiyon niya nang biglang humarang si Caitlyn at panay kuha ng litrato sa sarili nito. Tinitigan niya ito at napangiti na lang siya nang mapansin na malalim pala ang buloy nito. Pareho pala silang dalawa na may ganoon. Napatingin si Caitlyn sa kaniya kaya napatango siya bilang pagpansin dito. Ang ipinagtaka niya, lumapit ito sa kaniya. Padating nito sa kinauupuan niya, inabutan siya nito ng cell phone. “Edward, pwede kunan mo ako ng litr

