LIII. MASAYANG NALILIGO SILA Lady kasama ang mga kaibigan niya sa dagat. Todo ingat naman siya sa kilos niya. Ayaw niya lang na mangyari muli ang aksidente kahapon. Nakatayo lang siya mag-isa at panay ingat sa kinatatayuan niya. Iginiya naman niya ang tingin sa paligid at masaya siyang makita na nakikipaglaro ang kasintahan niya kay Edward. Sa tingin niya, nagpabilisan ng langoy ang dalawang guwapong siyokoy. Nilingon naman niya ang mga kaibigan sa paligid at abala ang mga ito sa kalalangoy. Hindi naman niya masisisi ang lahat. Kahit siya ay ganoon din ang nararamdaman. Kung hindi lang siya naaksidente kahapon ay malamang isa siya sa namumuno ng kakulitan ngayon. Bumuntonghininga na siya at sumisid mag-isa. Umaarte pa siyang isang sirena kaya labis ang saya niya. Bumalik lang sa alaala

