Pagpasok nila sa loob ng mansiyon ay may naririnig sila na mga tinig ng bata at iyak ng sanggol.
Nang nasa komedor na ay naabutan nila ang panganay at sumunod na Del Fuego. Si Lithe at si Light. Tunay naman nga na napakakikisig ng mga ito at hindi nakabawas sa kaguwapuhan ng mga ito ang paghehele sa kaniya-kaniyang mga cute na supling. Katuwang nila ang kani-kanilang maybahay na kung titignan ay tila mga hindi nanganak ng triplets dahil sa angkin na kagandahan.
"By the way, ito ang mga apo ko. Si Lithe ang panganay at ang asawa nito na si Jent," pagpapakilalang sambit ni Dona Mila sabay turo sa magkapareha. Hawak ni Lithe sa magkabilang braso ang dalawang batang lalaki na parang xerox copy nito. Hawak naman ni Jent ang napakagandang batang babae, hawig ito ni Jent ng bahagya ngunit mas lamang pa rin ang pagkakahawig nito sa ama. Napaka-cute nito at mukhang manyika na may ribbon sa magkabilang buhok at may maliit na bangs. Namumula rin ang balat nito.
"And this is Light at ang asawa nito na si Sunny." Tinuro nito ang mag-asawa na magkatabing nakaupo sa sofa. Mas maliliit pa ang mga sanggol na hawak ng mga ito. Ang isa ay hawak ni Sunny at nagpapa-breastfeed habang may nakatakip na nursing cover. Si Light naman ay inuugoy ang stroller ng dalawa pa. Ang dalawa sa stroller ay kamukha rin ng ama. Hindi niya makita ang karga ni Sunny dahil may takip.
"Kuuu, at mukhang malakas ang dugo ninyo Mila at features ng mga Del Fuego ang nangingibabaw sa itsura ng mga sanggol!" bulalas ng kanyang Lola habang masuyong hinaplos ang isang sanggol sa stroller.
"Sinabi mo pa! Ang sarap sa pakiramdam na anim na agad ang apo ko sa tuhod. Mga sharp shooter!" natatawang wika ng matanda at sabay naman na napasigaw ang dalawang magkapatid.
"Lola!" magkasabay na sigaw nila Lithe at Light na lalong nagpahagikgik sa matanda.
"O bakit? At totoo naman!" tugon nito na umirap pa sa dalawa. Tila nagulat naman ang mga bata sa pagsigaw kung kaya't sabay-sabay na pumalahaw ng iyak.
Ang tatlong matanda naman ay aliw na aliw at tig-iisa sila ng kuha sa mga sanggol at isinayaw-sayaw.
"Nawa ay maging triplets din ang anak mo, Kit. Para naman muling umingay ang mansiyon!" wika ni Lola Ofelia ng bumaling sa kanya na nagpalukot ng mukha niya.
"Ba't ako nadamay diyan, Lola?" mahinang sagot niya rito.
"Magkakaroon ka rin ng ganito soon, apo. Pero sana kasing cute ng mga ito!" At muling umindak-indak habang sapo ang sanggol.
Umikot ang mata niya sa hangin at humalukipkip. "Good luck po, Lola," tanging nasambit na lamang niya.
Nagtinginan pa ang tatlong matanda at nagkindatan.
"Uhmm, walang mahinang semilya sa angkan namin, Ofelia. Sinisigurado ko 'yan sa' yo," tila kinilig pa na turan ni Dona Mila. Dinunggol pa nito ang lola niya sa balikat gamit din ang balikat nito dahil kapwa sila may karga na sanggol.
Ang lola naman niya at si Lola Edel ay tila mga bulate na inasinan sa paghagikgikan.
"Ah Lola, magbabanyo lang ho ako. Lola Mila, saan po ang CR n'yo?" Baling niya sa matanda.
"Sira ang CR dito sa baba, hija. Doon ka na lang sa taas magbanyo. Dulong pinto sa kanan," may kakaibang kislap sa mata na sagot nito. Hindi niya maintindihan kung bakit tila ang hilig ng mga ito na mag-usap sa mata. Kita niya rin na ang dalawang mag-asawa na nagtinginan ngunit hindi rin naman umimik.
Weird!
Humakbang na siya paakyat ng hagdan. Napakagara ng stairway nito na may red carpet pa. Malaki rin naman ang mansiyon nila ngunit kung ihahambing ay walang panama rito sa mga Del Fuego. Nang makarating sa dulong baitang ay hindi niya naiwasan ang ipalibot ang mga mata. Mula sa magarang chandeliers, hanggang sa mga paintings na nasa dingding na obra ng mga sikat na pintor gayundin ang mga muwebles sa pasilyo. Luminga-linga siya habang hinahanap ng mga mata niya ang dulong pinto sa kanan. Napakarami ng mga silid at kung hindi mo tatandaan ay siguradong malaki ang tsansa na maligaw ka.
Pakiramdam niya ay nasa isang five star hotel siya. Na-impress din siya sa ganda ng taste ng mga ito sa designs at color combinations.
Nang marating ang dulo ng pasilyo ay huminto na siya at sinipat ang pinto. "Kung bakit naman kasi sa dulong pinto pa hindi na lang sa unahan?" mahinang reklamo niya.
Marahan niyang binuksan iyon at pumasok. Akmang pipihit na siya matapos isara ang pinto ng biglang nakita niya ang isang bulto na tumatakbo palapit sa kanya sa pinto.
"F*ck!" napamura siya sa gulat.
"Help! Patayin mo, dali! Patayin mo!" naghihisterikal na wika ng lalaki. Nagtago ito sa likod niya at yumakap sa kanya.
"Ano ba'ng patayin ang sinasabi mo? Bitiwan mo nga ko!" Pilit niyang inaalis ang kamay nito na nakapulupot sa beywang niya para malingon ito at makita ang mukha.
"Nandoon sa may kama, patayin mo please!" Tila may kuryente na dumaloy sa katawan niya ng maramdaman ang labi ng estranghero na nasa likod na ng tainga niya habang ang mga braso ay mahigpit na nakapulupot sa beywang niya.
"Kapag hindi ka kumalma riyan baka ikaw ang mapatay ko!" angil niya rito. Kailangan niyang makaalis sa pagkakayakap nito dahil hindi niya nagugustuhan ang nararamdaman niya. Idagdag pa na tila bagong ligo ito at naamoy niya pa ang amoy ng sabon na gamit nito.
Tila napagtanto rin nito na isang estranghero ang niyayakap kung kaya't niluwagan nito ang pagkakayakap sa kanya at lumayo. Ngunit nanatili ito sa likod niya kaya siya na lang ang pumihit para makita ang mukha nito.
"Hoy, mister---!" Natigilan siya. Naiwan nakabitin sa ere ang daliri niya na nakaduro dahil natulala siya sa nakita. Greek God! Machete! Adonis! Ano pa ba? Sh*t!
"Who are you?" Napakurap siya bigla ng marinig ang tanong nito. Biglang ragasa ang mga alaala ng nakaraan. Ang lalaking talipandas na nagsabi na mukha siyang lalaki at hindi siya maganda!
"Maka-who are you ka ngayon sa 'kin? Matapos mo na magsisigaw at mangyakap!" angil niya rito. Mukhang hindi siya nito namukhaan. Sabagay sino nga ba siya para matandaan nito?
"Ahhmm, can you please check kung andoon pa? Please?" Tila hindi na rin ito interesado na malaman kung sino siya.
"Ano ba kasi iyon? Para kang mamamatay sa kung ano mang kinatatakutan mo! At take note, ako pa ang gusto mong pumatay?" Na-distract ang mata niya sa tanawin na nakita niya. Nakatapis lang pala ito ng tuwalya. Jusko! Makasalanang mga mata...
"Sige na, andoon lang iyon sa may kama kanina," sambit nito sabay paling sa kanya patalikod at hinawakan ang magkabilang balikat at itinulak siya papasok. Habang ito ay nakatago sa likod niya.
"Ano ginawa mo pa 'kong shield ngayon? Kung hindi ka ba naman may katok talaga!"
Bigla itong sumigaw muli sabay yakap sa likod niya ng may lumipad... "Holy sh*t! Andiyan pa nga! Ayun!" Sabay turo sa ipis na lumipad at dumapo sa may ibabaw ng kama nito.
"T*ngina! Ipis ang kinatatakutan mo?" sigaw niya rito na hindi makapaniwala. Muling lumipad ang ipis na tila nang-aasar pa.
"That's not just a cockroach! That's a f*ckin' flying cockroach!" Sa ekspresyon ng mukha nito ay tila isang krimen ang sinabi niya. Gusto niyang matawa sa itsura nito pero sa halip na mainis ay tila lalo pa ito'ng naging cute sa paningin niya.
"G*go ka ba? Flying or creeping, still cockroach pa rin 'yan! Ang laki-laki mong tao, para ipis lang!"
"Oh f*ckin' sh*t!" bulalas nito. Humigpit ang yakap nito sa kanya ng muling lumipad ang ipis at dumapo sa may bintana. Sinundan nila ito ng tingin hanggang sa sumuot ito sa may siwang ng bintana.
"Oh ayan wala na, bumitaw ka na! Daig mo pa ang babae makahisterikal ka!" Piniksi niya ang katawan para makahulagpos dito. Nang lumuwag ang pagkakayakap nito ay pumihit siya ngunit nawala ang balanse niya. Hindi sinasadya ay nahagip ng kamay niya ang braso nito para kapitan ngunit dahil hindi rin nito napaghandaan ay kapwa sila natumba sa kama. Siya ang nasa ilalim habang nasa ibabaw naman ay si Lindt na tanging towel lang ang nakatapis.
Napakurap siya ng makita na nakatunghay ito sa mukha niya habang nakatukod ang dalawang siko sa magkabilang gilid niya. "You got a very luscious lips. Ano'ng shade ng lipstick mo?" curious ang mukha na tanong nito.
Tumaas ang kilay niya. Anak ng leche flan! Mukhang confirmed nga! Bakla potah!
"Umalis ka nga! Ang bigat mo'ng impakto ka! At for your information, hindi ako gumagamit ng lipstick! Natural 'yan!" Pilit niya itong itinutulak paalis sa ibabaw niya.
"Ow? Infairness, ang ganda rin ng skin mo. Ano'ng regimen mo?"
Napapikit siya ng mariin ngunit agad din napadilat ng maramdaman ang kamay nito na humaplos sa pisngi niya. Lalo pa siyang nataranta ng may maramdaman na matigas na bagay sa puson niya... at hindi siya inosente para hindi malaman kung ano iyon!
"Hoy! Kapag hindi ka pa umalis diyan, pasasabugin ko 'yang armalite mo na kanina pa tumutusok sa puson ko!" angil niya rito.
Ngumiti ito at tila hindi naman nasindak sa sinabi niya. Yung tipong halos mamatay na sa takot dahil sa ipis na lumilipad pero sa banta niya hindi man lang natinag!
Akmang bubuka ang bibig nito para magsalita ng sakto naman na bumukas ang pinto ng kwarto at niluwa ang tatlong Lola nila.
Ang mga mukha ng mga matanda ay hindi niya maintindihan, gulat ang reaksyon ngunit may pilyang ngiti na naglalaro sa mga labi. At nandoon nanaman ang tinginan at pag-uusap ng mga mata nila.