Chapter 7: Childhood

1289 Words
"Hey, Kit!" sigaw ni Lindt habang pilit na humahabol sa mabilis na lakad niya patungo sa loob ng mansiyon. Tila naman walang naririnig si Kitkat na patuloy na naglalakad habang nakalagay sa magkabilang bulsa ang mga kamay. Nang mahabol siya ng lalaki ay sinabayan siya nito habang humahangos. "Dati ka bang dragon noong past life mo, Kiting?" tanong nito sa kanya habang pilit pinagtatapat ang mga mukha nila at sinasabayan ang lakad niya. Marahas siyang lumingon habang nangangalit ang mga ngipin at matalas ang tingin. Iyong tipong kung nakakamatay lang talaga ang tingin kanina pa bumulagta si Lindt habang bumubula ang bibig. "Huwag mong sagarin ang pasensiya ko, Del Fuego. Baka mauna pa 'kong itumba ka bago pa ang mga huma-hunting sa iyo," mahinanong wika nito ngunit may hagod ng pagbabanta. Tumawa ito ng mapang-asar at ginaya ang postura na. Nilagay rin nito ang mga kamay sa magkabilang bulsa. "Mas masaya nga kapag sagad hindi ba?" Naningkit bigla ang mga mata niya at walang babalang umigkas ang isang paa niya para sipain ito pero mukhang natunugan siya at humahalakhak na tumakbo. Nang matiyak na malayo na siya sa kanya ay naglakad na ito habang kumekendeng para buksan ang pinto. Napaismid siya para pigilan ang ngiti na gustong sumungaw sa labi niya. Hindi niya maintindihan kung bakit tila naaaliw na siya kapag kumikilos itong parang binabae. Totoong nakakabwisit ang pinagsamang kakulitan at kabaklaan nito pero hindi niya makapa ang totoong inis sa literal na ibig sabihin. Bagkus, tila naaaliw pa siya rito. "G*go!" sigaw niya rito. Lumingon ito at nagbabanta ang tingin na ibinigay sa kanya. Humalukipkip ito at sumandal sa may pinto habang hinihintay siyang makalapit. Ang mga gamit nila ay nasa gilid na rin ng pinto. Nang makatuntong siya sa baitang ay walang babala siya nitong hinila at isinandal sa nakapinid na malaking pinto. Ang mga kamay nito ay nasa magkabilang gilid niya. Sa gulat ay ilang sandali siyang hindi nakahuma at lumaban lamang ng pakikipagtitigan dito. Napakurap siya ng mapagtantong nagsisimula ng unti-unting lumalapit ang mukha nito sa kanya. Ang mga kamay niya ay nasa matigas na dibdib nito. "You and your cussing mouth!" gigil na sambit nito sa puno ng tainga niya. "Ehem!" Sabay naman silang natigilan at napalingon ng narinig nila ang pagtikhim. Nakita nila na nakatayo si Pat habang nakakunot ang noo at nakalapat sa dibdib ang isang palad. Ang mukha nito ay tila naiiyak. "Anong ibig sabihin nito?" Agad naman na kumalas si Lindt sa kanya at lumapit sa babaeng kulang yata sa aruga. Masyadong papansin! "Pat, let's talk some other time okay? We're both tired sa mahabang biyahe." Napatirik ang mga mata niya lalo sa inis ng lumabi ito at tila nag-iinarte. Wari bang gustong magpabebe pa. Ang sagwa! Sa inis ay tumalikod na siya at nauna ng pumasok sa loob. Baka magdilim pa ang paningin niya at kung ano pa ang magawa niya. Padabog niyang binitbit ang travelling bag bago walang lingon-likod na pumasok na sa loob. Inilibot niya ang mga mata sa loob. Mas lamang na mukha itong isang ancestral house. Halata ang mga antiques na mga nakadisplay sa sala. May lumang piano pa sa may sulok na may nakapatong na mga larawan. Mga larawan ng angkan ng Del Fuego. Naglakad siya palapit sa mga paintings na nakasabit sa ibabaw ng lumang piano. Maingat niyang inilapag sa lamesa na nasa gilid ang travelling bag bago muling tumingala. Nakatunghay siya sa painting ni Lola Mila. Bata pa ito room at hindi niya maiwasan na humanga sa kagandahan nitong taglay. No wonder na puro guwapo rin ang tatlong magkakapatid na Del Fuego. Dumako ang tingin niya sa litrato sa piano. Lumapit siya at niyuko ito para tingnan sa malapitan ang mga nasa larawan. May mga family pictures kasama ang buong angkan at mayroon din na solo pictures na karamihan ay mga pictures noong kabataan ng tatlong magkakapatid. Naagaw ang pansin niya ng isang litrato. May dalawang bata na nakaupo sa pabilog na fountain. Isang nakatalikod na batang babae habang nakatingin naman rito ang batang lalaki na nakangiti. Pinasingkit niya ang mga mata at inilapit pa ang mukha rito. Sa sobrang absorb na absorb na pagtingin sa larawan ay hindi niya namalayan ang pagpasok ni Lindt at kanina pa nakamasid sa kanya. "Ang cute ko riyan sa picture no? Sa aming tatlo alam ko ako ang pinaka-guwapo," sambit nito na nagpa-angat ng tingin niya. Muntik pa niyang masagi ang isang frame sa gulat. Pumikit siya ng mariin bago matalim ang mga mata na bumaling sa lalaki. "Makakabasag pa ako ng hindi oras sa iyo eh! Bakit ba nanggugulat ka?" "Kanina pa 'ko andito. Ikaw itong hindi maistorbo riyan. Para kang detective kung maka-tingin sa mga litrato," nakangisi nitong wika. "Tara na, dinner is ready. Nagugutom na 'ko." Reklamo nito sabay hawak sa tiyan. Umirap siya at dinampot ang travelling bag bago humakbang palapit rito. Nakangiti si Lindt sa kanya at muling nagsalita. "Oo nga pala. Welcome to our humble abode--- aray naman!" sigaw nito. Biglang napangiwi ang gwapo nitong mukha ng bigla niyang ihagis dito ang dalang travelling bag na pawang guns and ammunitions ang laman. Nasambot nito ang bag at nabibigatang ibinaba iyon sa sahig. "Anak ng sampung pating! Bakit naman ang bigat nitong bag mo, Kiting? May dala ka bang graba at hollow blocks dito? Muntik nang mabalian ang magaganda kong mga kamay!" nagmamaktol na sambit nito sabay tingala sa kanya. Kasalukuyan na itong nakaluhod sa sahig at sinisimulan ng buksan ang bag niya. Sinimangutan niya ito at tinaasan ng labi. "Tigilan mo nga kakatawag ng Kiting sa akin! Hindi ako pusa! Tsaka malamang mabigat iyan, eh mga baril at magazine laman niyan." Inirapan niya muli ito at nameywang sa harap nito. "Bakit, iyon naman tawag ko sa 'yo dati ah?" Sumingkit ang mga mata niya habang nakaguhit ang pagtataka sa mukha. So, natatandaan na siya nito? Sh*t! "Pinagsasabi mo?" Gusto niyang isipin na nagbibiro lang ito. O baka naman nagaassume lang siya. "Magkababata tayo hindi ba? Nadalaw kayo nila Lola Ofelia sa mansiyon," sagot nito. Pumalatak pa ito bago muling nagsalita. "Tsaka paanong hindi kita maaalala? Eh kung paano ka kumilos at manamit noon wala naman pinagbago hanggang ngayon. Para ka pa ring Prinsesa ng mga kulto!" Nakangisi itong nakatingin sa kanya lalo na ng pasadahan siya nito ng tingin mula ulo hanggang paa. KASALUKUYAN na siyang nasa loob ng kuwarto at matiyagang isinasalansan ang mga baril na dala niya. Ni-loadan niya ng mga bala ang magazine. Ang isang kalibre 45 ay inilagay niya sa ilalim ng unan. Ang dalawa naman ay sa drawer. Ang armalite ay nasa ilalim ng kama. Itinabi naman niya sa walk-in closet ang travelling bag na may mga laman pa ring baril at granada. Humiga na siya sa kama, ipinatong niya sa noo ang isang braso niya habang hindi mapigilan na isipin ang naging engkwentro nila ni Lindt. Hindi siya makapaniwala na naaalala siya nito. "Ang hayup na iyon! Akala mo naman ang guwapo!" inis na mahinang sambit niya. "Eh guwapo naman talaga hindi ba?" sagot naman ng pilyong isip niya. Pumadyak pa siya sa kama habang tumagilid na ng higa. Ipinikit ang mga mata, ayaw na niya isipin iyon. Eh ano naman kung pangit ang tingin sa kanya ng binabae na iyon? Hindi naman niya ikakamatay! Mabilis siyang napadilat mula sa pagkakapikit ng biglang mamatay ang ilaw. Agad siyang bumalikwas at nakiramdam. Agad niyang kinapa ang baril sa ilalim ng unan at ikinasa. Inabot niya rin ang drawer at kinuha pa ang dalawang baril at isinuksok sa garter ng pajama niya. Naghintay siya ng ilang sandali bago nasanay ang mga mata sa dilim. Lalo siyang naging alerto ng may marinig siyang kaluskos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD