Chapter 5: Cuss or Kiss

1284 Words
Kasalukuyan niyang isinasalansan ang mga baril na dadalhin niya sa ibabaw ng kama ng pumasok si Ivan. Sumandal ito sa may pinto habang nakapasok sa magkabilang bulsa ang mga kamay. "Ang sabi mag-impake ng gamit, eh bakit puro baril yata ang dadalhin mo? Hindi ka magpapalit ng damit doon?" nakangisi nitong turan sa kanya. Hinarap niya ito sabay nameywang. "Misyon ang pupuntahan ko doon hindi naman para rumampa noh!" nakairap na sambit niya. Tumawa ito ng mahina bago lumapit naglakad papasok at naupo sa gilid ng kama. "So, hindi ka nga magpapalit ng damit? O may balak kang naka-bold lang habang nandoon ka? Siguro aakitin mo iyong si Mr. Del Fuego?" Pinasingkit pa nito ang mga mata. Itsura ng nang-iintriga. Tinaasan niya ito ng sulok ng labi. "Pwede na rin, kaysa naman kay Bogart ako bumagsak. Mas okay na ako sa pabakla-bakla na pang-malakasan ang itsura, kaysa naman kay Bogart na mukha na ngang gasul pang-malakasan pa ang kayabangan!" nakangiwi niyang turan. Tumabi siya rito sa gilid ng kama. Tumawa ito at ginulo ang buhok niya. "Mag-iingat ka roon, tanga ka pa naman minsan! Magpapadala ako ng mga tauhan para bantayan ka," turan nito na ikinalaki ng mga mata niya. "Bakit ako ang babantayan? Hindi naman ako ang may death threat ah!" bulalas niya habang nakaturo sa sarili. Umiling ito habang nakangiti. "Blood Gang iyon, mahal na prinsesa. Alam mo kung gaano sila kadelikado," sambit nito na biglang sumeryoso ang mukha at tono habang nakatingin ng diretso sa mukha niya. Totoo naman ang sinasabi nito na delikado ang mortal na kaaway nila na blood gang. Pero parang natapakan yata ang ego niya. Pinitik niya ang pisngi nito. "Hoy! Makapagsalita ka parang ang weak ko ah?" Hinabol nito ang kamay niya na pumitik at hinatak kung kaya't muntik na siyang masubsob sa dibdib nito. Natigilan sila pareho. Ang mga kamay niya ay tumukod sa dibdib nito. Tila ito nanigas at biglang nailang. "Uhm, sige na mag-impake ka na at baka mainip na si Mr. Del Fuego." Marahan itong bumitaw. Tumayo na ito at naglakad papunta sa pinto. Ngunit huminto ito sa kalagitnaan at lumingon sa kanya. "And hindi totoo na weak ang tingin ko sa 'yo, ayoko lang na may mangyaring masama sa iyo. Ingat ka doon, Kit." Napakunot ang noo niya. Napakabihira siyang tawagin nito sa pangalan niya. Hindi na siya nakasagot dito dahil tuluyan na itong nakalabas ng kwarto niya. Nang matapos sa pag-iimpake ay bumaba na siya at nasalubong ang daddy niya. Nagmuwestra ito sa isang tauhan na kunin ang bagahe niya. "Anak, alam ko may misyon ka pero ipapaalala ko sa iyo na ang isang linggo mong palugit ay tumatakbo pa rin," panimulang sambit nito. Sumimangot siya at lumabi. "Grabe naman Pops wala talagang patawad?" maktol niyang turan. Gusto niya magpapadyak sa inis. "No buts! A deal is a deal, anak. Kapag wala kang naiharap sa akin, ako ang pipili ng mapapangasawa mo," mariin nitong sambit. Minsan gusto na niyang mainis talaga sa tatay niya. Wala na sa katwiran ang mga kagustuhan sa buhay! "Barilin mo na lang kaya ako, Pops? Parang mas madali pa iyon kaysa sa ipilit akong ipakasal sa kung sino lang!" Nauubos na talaga ang pagtitimpi niya. Bumuntong-hininga ito bago seryosong bumaling sa kanya. "Sige na. Kumilos ka na kanina ka pa hinihintay ng mga Del Fuego sa labas. Baka gabihin kayo sa byahe." Pag-iiba nito ng usapan. Alam niyang hindi na niya mababali ang desisyon nito. Walang imik siyang nagpatiuna na maglakad. Mabigat ang loob sa tigas ng puso nito, pakiramdam niya daig pa niya ang tutang ibenebenta. Nang makalabas ng mansiyon ay nakita niyang nandoon sa garden ang tatlong matanda habang masayang nag-uusap. Si Lindt naman ay nakasandal sa kotse nito habang kinakalikot ang cellphone. Ngumiti ang lola niya sa kanya ng makita siyang papalapit. Hinapit niya ang kanyang suot na itim na jacket at ipinasok ang mga kamay sa loob ng bulsa nito habang papalapit sa mga matatanda. Bigla rin siyang nailang ng makita sa gilid ng kanyang mga mata ang pagsunod ng titig ni Lindt sa kanya. Na-conscious siya bigla sa suot niya. Baka pinagtatawanan nanaman siya nito sa isip nito at sasabihin nanaman na mukha siyang lalaki. Sa tanang buhay niya, tila ito lamang si Lindt ang nakakapagpa-concious sa kanya. Si Lindt na mas malambot pa yata sa jelly ace. "Hija, magmadali na kayong umalis para hindi kayo gabihin sa daan. Ang sabi ni Ivan ay magpapasunod siya ng mga tauhan sa Rancho sa susunod na araw para magbantay. Nasa transaksiyon pa ang iba kung kaya't habang wala pa ay magdoble ingat kayo. Iyong bullet proof na sasakyan ang gagamitin ninyo," turan ng kanyang Lola. Lumapit ito sa kanya at hinawakan sa magkabilang balikat. Ayun nanaman ang tingin nito na hindi niya mapangalanan. "Sige po, aalis na po kami," paalam niya. Nagmano muna siya sa tatlo bago lumapit kay Lindt. "Let's go," sambit niya rito sabay tango. Hindi niya maintindihan bakit may kakaibang kabog ang dibdib niya sa tuwing magtatama ang mga mata nila o kahit maramdaman niya lang ang presensiya nito. Napaigtad siya ng maramdaman ang kamay nito sa braso niya ng akmang bubuksan na niya ang driver's seat. "Let me drive, little peach," wika nito sa malambing na tono. Tila nagwala ang mga hormones niya at gustong lumabas. Napalunok siya sabay lingon dito, ngunit wrong move yata dahil ang lapit ng mukha nito sa kanya. "O-okay," nauutal na sagot niya. Piniksi niya ang braso sabay nagmamadaling umikot papunta sa passenger's seat. "Sh*t! Bakit ba ganito ang nararamdaman ko sa hinayupak na 'to? Bakit may kakaibang hagod sa akin ang kilos at salita nito?" nalilito at nagpapanic na turan ng isip niya. Nang makaupo sa kotse ay nilingon niya ang tatlong mga lolas at ang mga nakangiti na mga mukha ng mga ito ang nakikita niya. Tila gusto niya umirap. Makangiti akala mo walang death threat ang apo. Pati tuloy siya malalagay na rin sa alanganin. "Let's go?" Pukaw nito sa kanya. Busy kasi siya sa pagmamaktol kaya hindi niya naramdaman na nakasakay na pala ito. Kumalat ang amoy ng pabango nito sa loob ng sasakyan. Amoy mamahalin, ang sarap mahalin. Charot! Nanlaki ang mga mata niya ng makita na dudukwang ito sa kanya. "Hep! Don't you ever dare!" sigaw niya rito habang nakaduro. Ang mukha naman nito ay biglang kumunot sa pagtataka. "What are you saying?" "Alam ko na iyan, nabasa ko na iyan! Mga ganiyan na eksena na dudukwang para ikabit ang seatbelt. Hah! For your information, I can fasten my own f*ckin' seat belt!" Umirap pa siya sabay abot ng seatbelt sa gilid niya at mabilis na ikinabit. Bigla naman siya napatitig sa mukha nito ng malakas itong tumawa. Sumandal pa ito sa upuan habang humahampas sa manibela at tila maluha-luha na sa kasiyahan. Hayup! "Mabilaukan ka sana riyan!" gigil niyang bulong. Pero alam niyang narinig siya nito. Tumigil naman na ito kakatawa at bumaling sa kanya. Pero ang mga mata nito ay tila nagsasayaw sa kaaliwan. "Ganyan ba talaga mga gangster? Advance mag-isip? Kaya ako dudukwang ay hindi para ikabit ang seatbelt mo because I know you can do it on your own. Aabutin ko lang iyong gate pass na nasa dashboard sa harap mo para ma-claim ko ang driver's license ko sa main gate. Hindi ako magni-ninja moves sa iyo, little peach." Inabot nito ang pisngi niya sabay kurot. "The f*ck!" napamura siya dahil madiin ang pagkakapisil nito. Nilingon siya nito. Mukhang nainis sa pagmumura niya. "The next time I hear cussing words from you, I swear I'm gonna punish those lips of yours."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD