bc

Entangled Reminiscence (Completed)

book_age16+
961
FOLLOW
4.5K
READ
contract marriage
love after marriage
opposites attract
arranged marriage
self-improved
dare to love and hate
comedy
bxg
humorous
disappearance
like
intro-logo
Blurb

Note: My stories are not perfect, so does my characters, they are flawed, so if you are looking for a story with a unique plot or ideal type of characters, you can't find it here.

She's not Gabriella Alistair Legaspi and she's not the woman who she thought she was...

Date Started: August 01, 2020

Date Finished: September 04, 2020

Plagiarism is a crime.

©2020

chap-preview
Free preview
Simula
*** Disclaimer: This is a work of fiction. All the names, characters, business, places and events are neither the product of the author's imagination or used in a fictitious manner. Any resemblance to the actual persons, living or dead, or actual events is purely coincidental. This is not affiliated with some places that has been mentioned in the story. Plagiarism is a crime. Some scenes and languages may not be suitable for young audiences. Read at your own risk. Date Started: August 01, 2020 ©️ellastic18 *** Special thanks to nekohime14 for creating this book cover of mine, I really appreciate your effort/work ate! ----- Simula Mabilis akong nakarating sa resto na sinasabi ni Nanay, nagulat pa nga ako ng sabihin niyang mauuna na siya roon para hintayin ako. Iginiya ako no'ng staff doon sa table na pinareserve ni Nanay. Nandoon na siya nakaupo. May kasama siyang babae. Akala ko ba'y kaming dalawa lang? Bakit may kasama siyang babae? Sino 'yon? Hindi ko makita ang mukha ng kasama ni Nanay dahil nakatalikod ito sa gawi ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanila. "Nanay," tawag ko sa aking Lola. Sabay silang lumingon no'ng kasama niya. Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ang babaeng kasama niya. It's tita Maria, no... she's Senyora Maria Montefalco. Tumayo si Nanay at Senyora, sabay silang bumati sa akin. Bakit nandito sa Australia si Senyora? Kung wala siyang maibibigay na dahilan ay baka isipin kong sinadya niya pa ako rito. Teka, paano kung pinapasundan pala talaga nila ako? Paano kung alam na nila 'yong tungkol sa pagbubuntis ko? Ano ng gagawin ko? "Kamusta ka Gab—I mean Arabella? Long time no see," nakangiting bati ng Ginang nang tuluyan akong maupo sa tabi niya. Mapait akong ngumiti nang banggitin niya ang pangalang Gab. "I'm okay Senyora, kayo po?" Natawa siya at hinawakan ang kamay ko. "I'm okay, when did you start calling me Senyora? You used to call me tita before ah." Natigilan ako at hindi nakasagot. I pursed my lips. "Nako, nahihiya lang 'yan si Bella," nakangiting ani Nanay. "Gab," tawag ni Senyora. Muli akong natigilan at tumingin sa kanya. "Arabella po ang pangalan ko, hindi Gab," pigil ang inis kong turan. Tumango siya at alaganganing ngumiti nang mapahiya. "Bakit po pala kayo nandito?" tanong ko. Nagkatinginan sina Senyora at Nanay. "May inasikaso akong business, sakto namang nakasalubong ko si Tita Virgie, inimbitahan niya ako," paliwanag ni Senyora. Tumango ako at hindi na nagsalita pa. "My son is getting married," biglang sinabi ni Senyora habang kumakain. Sino sa dalawang anak niya ang ikakasal? For sure, it's Carrick! "Hmm, kailan po?" tanong ko, hindi ipinahalata ang gulat. "Next week," maagap niyang sagot. Alanganin akong ngumiti. "Oh wow, pakisabi nalang po congrats." "Bakit hindi ka nalang ulit pumunta ng Mindoro? Para ikaw mismo ang magsabi niyan sa kaniya?" Natigilan na naman ako nang maramdamang bumilis ang kabog ng dibdib ko. It's been a long time simula no'ng lisanin ko ang lugar na 'yon. Hindi maganda ang mga pangyayari no'ng naroon ako kaya hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang bumalik doon. "May trabaho po ako no'n," pagsisinungaling ko. Biglang nalungkot ang mukha ni Senyora. "Gusto kong nandoon ka anak." Mapait na naman akong ngumiti ng tawagin niya akong anak. "I'll try Senyora," sabi ko nalang. Tumango siya at ngumiti. Hinawakan niya bigla ang kamay ko nang matapos kaming kumain. "We're very sorry sa nangyari noon Arabella, sana ay naghilom na ang sugat dyan sa puso mo." "Hindi po madaling makalimot Senyora." "I know, pero sana'y paunlakan mo pa rin ang alok ko," aniya at yumakap na muli sa akin. Nang makauwi ay pinagsabihan ako ni Nanay. Ang sabi niya'y paunlakan ko na ang alok ng Senyora dahil pupunta din naman daw siya at ang mga magulang ko. Nakakahiya naman daw kung malalaman nilang uuwi ako ng Pilipinas pero hindi bibisita sa kanila. Mabilis na natapos ang mga araw. Naging smooth ang flight at byahe ko pauwi kasama si Via. Kasalukuyan kaming nandito sa yate ng mga Montefalco. Ipinasundo kami ni Senyora Maria. Tuwang tuwa pa raw ito nang malamang kasama ako, nagpahanda siya ng maraming pagkain. Halos lahat 'yon ay paborito ko. Biglang bumalik ang mga alaala ko no'ng araw na 'yon nang matanaw ko ang lugar. Sinalubong kami ng iba pang tauhan ng pamilya nila. Iyon ang naghatid sa amin sa hacienda. Nanatili akong tahimik at nakasunod lang kay Nanay hanggang sa makarating kami sa loob no'n. Nag-iba ang disenyo ng bahay. Mas gumanda ito. Halatang hindi pinabayaan. "Gab," rinig kong tawag ng isang pamilyar na tao. Agad ko siyang nilingon. "It's Arabella, not Gab," pagtatama ko. Tumango siya at ngumiti para maiwasan ang pagkapahiya. Lumapit siya kay Nanay at yumakap. Pagkatapos ay sa akin. "It's been a long time," aniya nang humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Masyado na nga sigurong mahaba ang halos tatlong buwan kong pagkawala. "Yeah, I guess so," sagot ko naman. "Yeah, ang bilis ng panahon 'no?" tanong niya, tinanguan ko na lamang siya bilang sagot. Nabaling lang kay Via ang atensyon ko nang bigla niya akong sikuhin. "Ipakilala mo naman ako," bulong niya. Muntik ko nang makalimutan na kasama ko si Via! Kung bakit naman kasi ngayon lang nagsalita! Palihim akong natawa at saka hinarap na muli si Travis. "Travis, this is Olivia, my best friend," pagpapakilala ko. Awtomatiko namang ngumiti si Travis at naglahad ng kamay kay Via. "Nice meeting you," aniya. "Same here," nakangiting tugon ni Via. "Anak, you're here," ani Senyora na ngayon ay nasa hagdanan at nakangiti ng napakalapad. Tinawag niya na naman akong anak pero hindi ko nalang ulit pinansin. Tuluyan na siyang bumaba ng hagdan at mabilis na yumakap sa akin. "Nagpahanda ako ng maraming pagkain nang malamang kasama ka." Ngumiti ako. "Salamat po, by the way, isinama ko po ang best friend ko, sana ay ayos lang." Dumako ang paningin ni Senyora kay Via. Nginitian niya ito. "Of course ayos lang, feel at home kayo." "Salamat po," sagot ko. "Wait, have you seen Rhys and Carrick?" tanong nito na siyang nagpakaba sa akin. Kung ako ang tatanungin, ayos lang kung makita ko si Rhys, pero kung si Carrick...hindi ko alam kung kaya ko na. Iling lang ang isinagot ko. Binalingan naman ni Senyora si Travis na ngayon ay nasa tabi ko. "Travis, where's Carrick and Rhys?" "Nasa labas—ayan na po pala Tita," sagot ni Travis at itinuro ang pintuan. Narinig ko na namang bumilis ang kabog ng dibdib ko. "Carrick, Rhys, Arabella is here," nakangiting sabi ni Senyora at sandaling sumulyap sa akin. Bakit may kakaiba akong pakiramdam sa nangyayari? Muli na naman akong siniko ni Via. Mukhang naguguluhan siya kung bakit Gab ang tawag ng iba sa akin. Mas lalong hindi niya kilala si Carrick at Rhys. I'll explain everything to her, later. Lumapit ang dalawa kay Nanay at bumati. Hindi ko magawang tumingin sa kanila kaya kung saan saan ko iginala ang paningin ko. "Gab." Nagulat nalang ako nang yumakap sa akin si Rhys. "It's Arabella, by the way hello," sagot ko at niyakap siya. "Ang tagal ka naming hindi nakita," aniya dahilan para hindi na naman ako makasagot. "Nga pala hija, bakit wala ang magulang mo?" tanong ni Senyor Frederick, matapos kong kumalas sa pagkakayakap ni Rhys. Binalingan ko siya at nginitian. "They need to take care of some matters pa po kaya pinauna na nila kami, but they'll be here later." Kasalukuyan kaming nanananghalian nang biglang may dumating na isang magandang babae na hindi ko inaasahang makita. "Good afternoon po," magalang nitong bati. "Good afternoon Gab," bati ni Senyora, sinenyasan niya itong maupo sa gitna nina Rhys at Carrick. Lihim akong ngumiti ng mapakla. That's my seat! "Oh, hi Gab," bati nito sa akin nang makaupo sa gitna ng kambal. "It's Arabella. Not Gab or Gabriella, isa pa, hindi ba't ikaw si Gab?" pagtatama ko. Hindi na niya nagawa pang sumagot dahil sa pagkapahiya. "Don't tell me binabati mo ang sarili mo?" sarkastiko kong sinabi na siyang nagpahiya lalo sa kanya. I'm not Gabriella Alistair Legaspi and I'm not the girl who I thought I was.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

A Soldier's Love Montenegro

read
77.9K
bc

The President -- COMPLETED --

read
205.6K
bc

Want You Back (Filipino)

read
228.0K
bc

Fight for my son's right

read
152.4K
bc

Unwanted

read
532.5K
bc

Bittersweet Memories (Coming soon)

read
90.0K
bc

DALE MONTEMAYOR: CHAOTIC BILLIONAIRE (TAGALOG)

read
78.6K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook