Kabanata 1

2146 Words
Kabanata 1 Mindoro Everything started the moment I stepped into that place. It was that one summer na hindi ko inaasahang makapagpapabago ng lahat. After that summer, hindi na ako nakaalis sa lugar na 'yon, revelations from the past are just so unexpected and terrifying. Everything felt like yesterday, sariwang sariwa pa sa alaala ko ang mga nangyari bago ko lisanin ang lugar. "Ma'am Gabriella, naflat po ang gulong natin, ayos lang po ba kung lalakarin nalang natin papunta do'n?" nag-angat ako ng tingin kay Mang Daniel. Napangiti ako nang tawagin niya akong Ma'am, hindi ko alam kung dapat bang sanayin ko siya na 'yon ang itawag sa akin gayong hindi niya naman talaga ako boss o kung ano pa. Isa pa, kung may dapat mahiya sa aming dalawa, ako 'yon at hindi siya. "Huwag niyo na po akong tawagin na Ma'am," sabi ko habang nakangiti. Nakangiwi siyang napakamot sa kanyang ulo. "Eh bisita po kayo nina Senyora, baka po kapag tinawag ko kayo sa inyong pangalan ay magalit siya." Tumango nalang ako bilang sagot at alanganing ngumiti sa matanda. Ngayon ko lamang ito nakilala o nakita, siya ang inutusan nina Mama para sunduin ako sa may airport, magaan ang loob ko sa kanya kahit na ito palang ang unang beses na nagkita kami, maamo ang kaniyang mukha, panay pa ang asikaso niya sa akin kahit hindi naman na kailangan pa, dahil kaya ko naman na ang sarili ko. Saka hindi naman ako pinalaki na palaasa, kung kaya ko namang gawin ang isang bagay ay ako nalang ang gagawa. "Ma'am, iiwan ko nalang po rito ang sasakyan, maglakad na po tayo papunta roon," aniya at bumaba na mula sa driver's seat. "Sige po," sabi ko. Nang pagbuksan niya ako ng pinto ng sasakyan ay muli akong nagsalita. "Gaano pa po tayo kalayo mula roon sa mansyon?" tanong ko. "Malapit na po tayo Ma'am, siguro ay nasa lima hanggang sampung minuto na lakad nalang ay naroon na tayo," sagot niya at kinuha na ang iba ko pang gamit. Kinuha ko na ang mga bag na dala ko at isinukbit iyon sa aking balikat. Pagbaba ko ng van, napa-amang ang bibig ko sa aking nakita, napakaganda ng lugar na ito, nakamamangha ang paligid, hindi ganoon karami ang mga kabahayan, marami rami rin ang mga puno. Pinagtitinginan ako ng ilang mga taong narito, sinusuri nila ang kabuuan ko, marahil ay naninibago sila sa mukha ko. Naiilang akong lumingon sa mga taong nakatingin sa akin, hindi ko alam kung ngingiti ba ako at babati sa kanila. "Ma'am dito po tayo." Iginiya ako ni Mang Daniel sa daan patungo sa mansyon nina Tita Maria. Napatingala ako sa kalangitan, napakaganda ng panahon, kulay asul ang langit at tirik na tirik ang araw. Idagdag mo pa ang sariwang hangin na tumatama sa aking balat. Napakatahimik ng lugar ngayong oras na ito, ang tanging maririnig lang dito ay ang tunog na nagmumula sa mga talahib at mga halaman sa paligid. Nang maaliw sa nakikita ay kinuha ko ang aking camera na nakasukbit sa aking leeg. Parati ko itong dala kahit saan man ako pumunta, gusto ko kasing makuhaan lahat ng magagandang lugar na mapuntahan ko. Para din kapag dumating ang araw ay may alaala ako sa mga ito at masabi ko sa sarili ko na minsan na rin akong nanggaling dito. Sa sobrang abala ko sa pagtingin at pagkuha ng larawan sa paligid ay hindi ko na namalayang nasa harap na pala ako ng mansyon ng mga Montefalco. Miski ang mansyon ay nakakamangha, vintage ang datingan nito mula sa labas pero napaka classy, elegante kung titignan mong maigi. Labas palang ay nakakamangha na. Papaano pa kaya kung ako'y nasa loob na? Isa ang pamilya nina Tita Maria sa mga kilalang tao rito sa Mamburao. Sikat sila dahil sa napakarami nilang pag-aari. May farm at planta sila. Nakwento 'yon sa akin ni Mama no'ng bata ako, sinabi niya rin sa akin kung paano ang pamamalakad sa mga ito at kung paano siyang nagtatrabaho rito. "Pasok na po tayo sa loob Ma'am, hinihintay ka na nila," nakangiting turan ni Mang Daniel at iginiya na ako papasok ng mansyon. Pagpasok ko palang, natanaw ko na sina Mama at Tita Maria. Nakangiti sila habang pinagmamasdan ang paglapit ko. "Hija you're here!" sinalubong ako ng aking ina at ginawaran ako ng isang mahigpit na yakap. Niyakap ko rin siya pabalik. "Yes, finally!" nakangiti kong sinabi ng kumalas sa yakap namin ni Mama. "How was your flight hija?" tanong ni Tita Maria. Nakangiti ko siyang nilingon at ginawaran ng halik sa pisngi. "Smooth ang byahe Tita, salamat po at hinayaan niyo akong manatili rito." Tumango si Tita Maria at hinaplos ang pisngi ko. "Feel at home hija, enjoy yourself," aniya at ngumiti. "I will Tita, thank you," sagot ko pa. Matapos ang pagwelcome nila sa akin ay niyaya naman nila akong kumain. Hindi ko na naman mapigilang humanga nang makita ang samu't saring pagkain na nakahanda sa kanilang mahabang lamesa. "Napakarami naman po nito Tita." Hindi ko na napigilang maisatinig 'yon. Nilapitan ako ni Tita Maria at nginitian. "Nagpahanda talaga ako ng marami para sa pagdating mo." "Salamat Tita," sabi ko at naupo na sa isang silya roon. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain nang biglang magsalita si Carrick. "Gabriella, hanggang kailan mo balak manatili rito?" tanong niya. Si Carrick ay anak ni Tita Maria, he's in his 20s I guess, ang alam ko ay matanda siya sa akin ng ilang taon e, pero hindi ko na siya tinatawag pang Kuya dahil hindi ko naman nakasanayan at ayaw nina Tita. Gusto kasi nina Tita at Tito ay ituring ko raw ang mga anak nila na parang kaedad ko lang, besides it's not like we're blood related. Si Tita Maria ang boss ng Mama ko, she treats me like her real daughter kaya ganoon nalang niya ako pakitunguhan, bukod pa roon, malaki ang tiwala nila sa aking ina dahil matagal na itong nagtatrabaho sa kanila. Kagagaling ko lang sa Manila at dahil katatapos lang ng graduation ko ay hinayaan na akong magtravel ng mama ko, I've been wanting to visit this place ever since pero walang time no'n and now that I'm finally here, susulitin ko na. "A month?" Hindi ako sigurado kung hanggang kailan ako mananatili rito, but I guess, sapat na ang isang buwan o higit pa. Ngumisi si Carrick sabay subo ng pork na hiniwa niya. "Makakatagal ka ba rito? Baka ilang oras palang ay nabuburyo ka na." Tsk ayaw niya lang yata na nandito ako e, bata palang ako ay masungit na sa akin si Carrick, akala mo naman ay parating may dalaw, dinaig pa ang Mama niya sa pagiging masungit. I wonder kung may girlfriend siya at kung nagagawa siyang tagalan nito sa ugali niyang 'yan? Pero hindi naman yata impossible ang bagay na 'yon, mayaman siya, kilala ang pamilya nila rito sa Mamburao kaya hindi malabong may magkagusto sa kanya o kaya'y magkanobya siya. Isa pa, gwapo naman siya, matangkad, malakas ang dating at halatang hindi pinababayaan ang katawan. Balita ko nga'y sa kanilang dalawa ni Rhys, siya ang pinaka hands on sa kanilang business. Saka bihira raw siyang manatili rito dahil doon siya sa Manila namamalagi talaga. Uuwi lang siya rito kapag kailangan at kapag pinapunta nina Tita at Tito, pero sa lahat ng mga araw o oras na narito siya ay ito na yata ang pinakamatagal niyang pamamalagi rito ayon kay Mama. "Of course makakatagal ako rito, napakaraming pwedeng gawin e," sagot ko pa. Naramdaman ko ang matalim niyang tingin habang umiinom ako ng juice pero hindi ko na lamang iyon pinansin. "Bro, you're scaring Gab," ani Rhys, kakambal ni Carrick. Mukhang napansin niya ang matalim na tingin na iginawad sa akin ng kapatid niya kaya ganyan nalang siya kung magsalita. Sila 'yong kambal na hindi magkamukha, kaya madaling malalaman kung sino si Carrick o Rhys sa kanilang dalawa. Si Rhys ay kabaliktaran naman ni Carrick, kung ang kakambal niya ay masungit, siya naman ay palabati. Napakabait niya at madaling pakisamahan. Mabilis akong naging komportable sa kanya dahil sa kanyang ugali at personalidad. Siya 'yong tipo ng tao na kahit mayaman ay hindi nagyayabang, gusto niya, kung anong mayroon siya ay mayroon din ang iba. Carrick Szczepan Montefalco, Kendrick Rhys Montefalco. Pangalan palang ay napakalakas na ng dating. Hindi na kataka taka kung bakit maraming humahanga sa kanilang dalawa. Nakangiti kong binalingan si Rhys. "It's fine, hindi naman ako natatakot sa kanya," sagot ko at sandaling sinulyapan si Carrick na ngayon ay nakakunot na ang noo. "Rhys anak, why don't you escort Gabriella habang nandito siya, pati na rin ikaw Carrick?" binalingan ni Tita Maria ang dalawang anak. Tumango si Rhys at ngumiti. "Yeah, sure Ma." "I'm busy, kaya na ni Rhys 'yan Ma," walang kagana ganang sagot ni Carrick, tsk ayaw lang talaga akong kasama nito! Nilingon ko si Tita Maria. "Tita, it's okay, ako nalang pong mag-isa, ayoko naman pong istorbohin pa sila sa kanya kanya nilang gawain, nakakahiya po masyado." Nakakahiya naman talaga, kung tratuhin nila ako ay para akong prinsesa rito, I don't deserve this kind of treatment, hindi naman ako isang Montefalco, I'm a Legaspi. "It's okay Gab, hindi ka naman na iba sa akin," nakangiting ani Rhys at tinapik pa ang kamay ko na nasa ibabaw ng lamesa. "I insist hija, gusto kong ienjoy mo ang stay mo rito." si Tita Maria. Tumango nalang ako at alanganing ngumiti. Mukhang wala na akong magagawa, paniguradong madidismaya si Tita Maria kung tatanggihan ko ang alok niya. "Sasama si Carrick sa inyo," dagdag pa ni Tita na hindi ko na ikinagulat pa. Nangunot na naman ang noo ni Carrick."But Ma, may trabaho akong dapat tapusin, kaya nga ako narito para magtrabaho hindi ba?" bakas sa kanyang boses ang pagtutol sa kagustuhan ng ina. "Ako na ang bahala sa trabaho mo," sabi pa ni Tita Maria habang nakangiti. Inis na bumuntong hininga si Carrick. Mukhang gaya ko, wala rin siyang magagawa kapag mismong si Tita na ang nagsabi. ****** Pagkatapos kumain ay pinaakyat na ni Tita ang mga gamit ko sa kwartong tutuluyan ko. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan no'n pagkapasok ko. Ang ganda ganda naman dito sa kwarto na ito, napakalaki, may aircon pa! Sosyalin ang mga Montefalco. Lahat kaya ng kwarto rito ay ganito? Binuksan ko na ang mga bag na dala ko at inilagay ang mga damit sa aparador. I think I'm going to enjoy my stay here. Matapos kong mag-ayos ng mga damit ay naligo ako, pakiramdam ko kasi ay bumaho ako gawa ng byahe kanina. Saka haharap ulit ako sa pamilya nina Tita mamaya, ayoko naman na may masabi sila kaya hangga't maaari ay presentable dapat akong tignan sa paningin nila. Nagsuot lang ako ng maong short at tank top, tsinelas lang ang sapin ko sa paa dahil hindi naman ako mahilig magsuot ng mga sapatos. Pagdating naman sa mukha, I just applied some cream, and put some lip gloss on. Inilugay ko ang mala tsokolate kong buhok. Bumaba ako pagkatapos, ayokong ikulong ang sarili ko rito sa kwarto dahil baka kung anong isipin ng mga taong nasa ibaba. "Oh Gab, you look beautiful!" komento ni Rhys nang makita ako. He's wearing a white shirt and a khaki short, nakarubber shoes ito, parang model gosh! Fresh pa tignan, paano kaya nila namemaintain 'yong ganito 'no? Nginitian ko siya. "Thank you, ikaw din, ang gwapo mo tignan, para kang modelo dyan sa pormahan mo," pamumuri ko rin sa kanya. "Tss ang ingay naman!" reklamo ni Carrick, na hindi ko manlang namalayan na nasa likuran ko na. Sa inis ay inirapan ko siya, napakasungit niya! "Gab looks beautiful right?" tanong ni Rhys sa kakambal habang nakangiti. Binalingan ako ni Carrick at tinignan ang kabuuan ko. Nginitian ko siya ng pagkalapad lapad, pero kinunotan niya lang ako ng noo at inilingan. "No," masungit niyang sagot. Awtomatiko namang nawala ang ngiti sa labi ko. Sinamaan ko siya ng tingin. "How dare you!" Ngumisi siya nang makita ang masama kong tingin sa kanya. "Yeah?" "Bawiin mo ang sinabi mo," mariin kong sinabi. Ngumiwi siya at umiling. "No, bakit ko babawiin? E, pangit ka naman talaga." Nakagat ko ang ibabang labi sa inis at walang sabi sabing hinampas siya sa braso. "Ikaw palang ang nagsabi ng ganyan sa akin, nakakainis ka!" Hinayaan niya lang akong hampasin siya. Nakatingin siya sa akin habang panay ang hampas ko sa kanya. Bahagya niyang inilapit ang kanyang labi sa aking pandinig. "Hmm, baka kasi walang lakas ng loob 'yong ibang tao na sabihin 'yon sa 'yo." Tinigil ko ang paghampas sa kanya at saka siya inirapan. "Hey, stop it you two! Para kayong aso't pusa," natatawang ani Rhys, marahil naaliw siyang panoorin kami kaya ngayon lang naglakas ng loob magsalita. "Pangit," sabi ni Carrick at nauna ng lumabas! Hindi raw ako maganda, pangit? What the hell! Sumosobra na talaga siya!
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD