Kabanata 2

2214 Words
Kabanata 2 Ligaw "Nakakainis 'yong kakambal mo 'no?" sabi ko kay Rhys. Nandito kami ngayon sa pool side. Umiinom ng juice. Nagpatimpla talaga siya ng juice para raw mawala 'yong inis ko at lumamig ang ulo ko. Dapat daw kasi, hindi ako masyadong nagpapaapekto kay Carrick. Kapag nakikita niya akong naiinis ay mas natutuwa pa raw siya. Natawa si Rhys. "He's not really like that." He's not really like that? Eh, bata palang ako masungit na siya sa akin ah o baka naman sa akin lang siya ganito? Nakakainis ang isang 'yon! Pakiramdam ko, hindi ko kakayanin kung maiiwan ako sa iisang lugar na kasama siya. Baka wala pang isang minuto ay nagaaway na kami. Ang hilig pa naman niyang manira ng mood. Akala niya naman nakakatuwa. Nangunot ang noo ko. "He's not really like that huh?" "Mabait si Carrick," nakangiting sagot ni Rhys sabay inom sa kanyang baso. Mabait? Parang hindi ko pa nga nakikitang maging mabait 'yon. Isa pa, ayaw na ayaw niya sa akin, minsan pakiramdam ko, gusto niya akong paalisin at itaboy. "Hindi siya mabait okay?" sabi ko at pinandilatan siya. Hindi naman kasi talaga! "Try to get along, baka sakaling magkasundo kayo," suhestyon niya. Try to get along? Baka hindi pa kami nakapagsisimula ay nagaaway na kami? The nerve of that amaw pa naman! Masyadong mayabang! Akala mo sobrang perpekto! Baka kapag napuno ako sa isang 'yon ay hindi ko mapigilan ang sarili ko. Pasalamat talaga siya at anak siya ni Tita Maria na boss ng mama ko kaya ganito ako, dahil kung hindi, talagang nadale ko na 'yan! No one dares to mess with me. Sa Maynila, wala pang kahit sino ang umakto ng ganito sa akin. Lahat sila ay mababait at maintindihin, pero si Carrick? naturingang matanda ay parang bata pa umasta! Lumaki siya sa mayaman at edukadong pamilya pero ganyan ang ugali? Gosh! Kung alam ko lang na nandito siya ngayon, sana ipinagpaliban ko nalang muna ang bakasyon ko. Kung bakit naman kasi late na ako sinabihan ni Mama. Sinabihan niya ako kung kailang nakababa na ako ng eroplano. Syempre, wala na akong magagawa no'n, ayoko namang bumalik dahil sayang ang pamasahe. Mabilis akong umiling, senyales ng pagtanggi ko sa suhestyon ni Rhys. "I can't, we can't." Sa tingin ko talaga, napaka-impossible ng bagay na 'yon. "Hindi niyo kasi sinusubukan, kaya paano niyo malalaman?" tanong niya at pinagtaas baba pa ang kanyang parehong kilay. Wala akong balak subukan. Kapag bumait bait si Carrick ay baka pwede pa, pero malabo 'yon sa ngayon. "Ah bahala na," sabi ko nalang at mabilis na inubos ang juice na iniinom. Tumayo ako pagkatapos no'n. "Where are you going?" tanong niya. "Going inside, obviously," masungit kong sinabi. Malakas ang loob kong sungitan si Rhys kasi komportable na kami sa isa't isa at ang pagsusungit ko ay kadalasang binabalewala niya lang at tinatawanan. Hindi kagaya ng kambal niya, kapag sinungitan mo ay dobleng kasungitan pa ang ibabalik sa 'yo. "Kaya hindi kayo nagkakasundo ni Carrick kasi parehas niyong sinusungitan ang isa't isa," aniya at tumayo na rin. Paanong hindi ako magsusungit eh sinusungitan niya ako? At saka hindi naman sa lahat ng oras ay hahayaan ko siyang gano'n gano'nin ako. Baka kapag hinayaan ko lang siya ay isipin niyang ayos lang ang ginagawa niya at mas lalo pa 'yong ipagpatuloy. Hindi pa naman mahaba ang pasensya ko sa ganyan. I rolled my eyes. "Tigil tigilan na nga natin ang paguusap sa isang 'yon, naiinis pa rin ako." Hindi ko talaga makalimutan ang sinabi niya. Kahit yata pumikit ako ay paulit ulit 'yong magrereplay sa utak ko. Ngumiwi siya. "Forget about it then." "Forget? E, siya ang kauna unahang nagsabi no'n sa akin!" pagmamaktol ko. Inakbayan niya ako at sabay kaming pumasok sa loob ng bahay nila. "Maganda ka naman para sa akin, kaya cheer up." "Talaga?" tanong ko, ang pagsusungit at pagmamaktol ay wala na sa boses ko. Tumango siya at kinurot ang pisngi ko. "Oo naman, you look like an angel." Rhys really knows how to make me happy. Kapag nalulungkot ako ay nandyan siya palagi to cheer me up. Minsan nga, kapag nasa Maynila siya, magugulat nalang ako na nandoon siya sa bahay namin, may mga oras din na siya pa ang sumusundo sa akin sa school. Tuloy ay napagkakamalan siyang boyfriend ko. May mga pagkakataon din na kapag hirap ako sa homeworks ko at kung ano ano pa ay siya ang gumagawa. He'll stay up late para tapusin 'yon. Kapag naman wala si Mama ay madalas akong tumuloy sa condo ni Rhys, katwiran niya'y malapit daw 'yon sa university na pinapasukan ko, buti na nga lang at pumayag si Tita Maria doon e. "Baka naman binobola mo na ako?" kunwaring tanong ko. Kahit pa sa loob loob ko ay hindi naman si Rhys 'yong tipo ng lalaki na gano'n, iyong puro bola lang ang alam. He knows a way to a woman's heart, swerte ang magiging nobya niya, well kung mayroon man at kung magkakaroon na. "Why would I? Nagsasabi lang ako ng totoo," depensa niya at itinaas pa ang parehong kamay. Natawa ako. "Sige, sabi mo 'yan eh." Matapos naming mag-usap ni Rhys ay nagpaalam akong babalik muna sa kwarto para magpahinga saglit. Pero ilang minuto na akong nakahiga ay hindi ko pa rin magawang umidlip. Nanatili akong nakatitig sa kisame. Sumagi bigla sa isip ko ang mga gagawin ko sa loob ng ilang araw, linggo at buwan kong pananatili rito. Bukod sa pagbisita sa farm at planta ay wala na akong maisip na iba pa. Maaga akong gumising nang sumunod na araw, gusto ko silang ipaghanda ng agahan, para kahit papaano ay masuklian ko ang kabaitang ipinapakita nila sa akin at kay Mama. Naligo na rin ako, nagsuot lang ako ng white shirt at black short para komportableng gumalaw, I tied my hair into a bun. Nang matapos sa pag-aayos ay bumaba na ako at dumiretso sa kusina para maisagawa ang pinaplano ko. "Ate pwede bang ako nalang ang magluto ng agahan?" tanong ko sa katulong na narito sa kusina. Hindi na dapat ako magtaka nang maabutan sila rito ng ganitong oras, gano'n naman kadalasan ang body clock nila. Isa pa, strikto rin kasi si Tita Maria pagdating sa mga gawain dito sa bahay nila. "Ma'am pagagalitan po kami ni Senyora Maria kung pagagawain ka namin ng mga gawaing bahay, bisita ka po," aniya. Ngumuso ako. I knew it, alam kong sasabihin niya 'yon, but I insist. Gusto ko talagang gawin ito, gusto kong bumawi kay Tita Maria at sa pamilya niya. Napakabait kasi nila sa amin ni Mama simula pa noon. Napakalaki ng utang na loob ko sa kanila. "Hayaan niyo nalang po ako, ako ng bahala kay Tita Maria, please po?" pagpupumilit ko. Sana naman pumayag siya, sana talaga... "Ma'am mapapagalitan po kasi kami," sagot niya na halatang nagaalangan pa. Hinawakan ko ang kamay niya. "Ate sige na naman oh, ako naman ang bahalang magpaliwanag kay Tita Maria e," sabi ko pa. Napabuntong hininga 'yong katulong at tumango, nice! Magagawa ko rin ang gusto ko. "Salamat ate," sabi ko pa at nagsimula ng humanap ng mailuluto sa ref. Hinayaan nila akong gawin ang gusto ko. Pinanood nila ako habang nagluluto at naghihiwa. Sinigurado kong masarap ang ihahanda ko dahil ayoko namang mapahiya kina Tita. I want to impress them. Nang matapos sa paghahanda ay nagpatulong ako sa mga katulong na ilagay ang mga 'yon sa lamesa. "Mga ate, pwede pakilagay naman po ito sa dining table," sabi ko habang nakangiti. Tumango ang mga katulong at isa isa na nilang kinuha ang mga pinggan na naglalaman ng pagkain. Dinala ko ang isang pinggan na naglalaman ng french toast sa dining table, saktong pagkalapag ko ng pinggan ay siyang pagsulpot nina Carrick at Rhys. "Wow! May fiesta ba?" nakangiting tanong ni Rhys at lumapit sa may lamesa para tignan isa isa ang inihanda kong mga pagkain. "Wala naman, good morning!" nakangiting bati ko kay Rhys. Lumapit ito sa akin at humalik sa aking noo. "Good morning beautiful, ikaw ba ang naghanda nito?" tanong niya pa. "Oo," mayabang kong sagot. Ngumiti siya. "Wala na talagang hahanapin sa 'yo, pwede ka ng mag-asawa," aniya at naupo na. Naupo na ako sa tabi ni Rhys at nilagyan ng pagkain ang pinggan niya. "Kumain kana," aniya matapos kong lagyan ng bacon ang plato niya. Ngumiti siyang muli. "Thank you," sabi niya at saka nilingon ang kakambal na ngayon ay nakakunot na naman ang noo. "Carrick, ano pang tinatayo tayo mo riyan? Come let's eat." Pag-aaya ni Rhys at isinenyas pa ang katabing upuan sa kakambal. Wala ng nagawa si Carrick kundi maupo at kumain, ngumisi lang ako nang makita ang iritado nitong mukha. "Good Morning!" nakangiting bati ni Tita Maria nang matunton ang dining table, tumayo si Carrick para batiin ang ina at ipinaghila niya ito ng upuan. Sana all gentleman 'di ba? "Good morning Ma," bati ni Rhys. "Good Morning po Tita," bati ko rin sabay ngiti. Iniabot ko kay Tita 'yong mga inihanda ko, panay naman ang kuha niya, sandali naman akong tumayo para kuhanin ang tea niya na ako mismo ang gumawa. Nang makabalik ay kunot noo akong tinignan ni Tita. She even held my arm. "Hija, you don't have to do this, bisita kita rito 'di ba? Isa pa may mga maids naman, para saan pa ang binabayad ko sa kanila kung 'di rin naman sila magtatrabaho." Nakagat ko ang ibabang labi dahil sa hiya. "Tita, pasensya na po, pero ako po ang nagpresinta na maghanda ng agahan natin ngayon, kinausap ko po 'yong mga katulong kahit na ayaw po nila, huwag po kayong magalit sa kanila, ako nalang po ang pagalitan ninyo," paliwanag ko pa, narinig ko ang pagbuntong hininga ni Tita Maria. Gosh, sana naman ay huwag masira ang umaga namin! "Ma, hayaan mo na si Gab, she just wants to make you happy, look, she prepared all of these." Nilingon ko si Rhys matapos niya 'yong sabihin, nginitian lang ako nito. "You prepared all of these hija?" parang hindi pa makapaniwala si Tita Maria. "Opo," nahihiya ko pang sagot. "I'm impressed, magaling ka, manang mana ka sa iyong ina, you have the looks, matalino ka at marunong ka sa mga gawaing bahay, wala ng hahanapin pa sa 'yo hija," ani Tita at ngumiti. Nakahinga ako ng maluwag nang purihin niya ako, cause knowing Tita Maria? hindi siya basta basta namumuri kung hindi niya talaga nagustuhan. "Tama ka Ma, pwedeng pwede na siyang mag-asawa," nakangising ani Rhys. "Pwede na nga, nasa edad ka naman na," ani Tita at sinenyasan na ulit akong maupo sa tabi ni Rhys. Hindi na nakasabay sa aming mag-agahan ang aking ina dahil masyado siyang abala sa kanyang trabaho. "Gabriella," tawag sa akin ni Carrick, agad ko naman itong nilingon. Narito kaming dalawa ngayon malapit sa pintuan. Ano kayang kailangan niya? Sasagot na sana ako pero biglang dumating si Rhys at basta nalang ako hinila palabas ng mansyon, wala namang nagawa si Carrick kundi sumunod sa amin. "Saan tayo pupunta?" kunot noo kong tanong nang makasakay kami sa sasakyan ni Rhys. "Sa farm, ililibot ka namin do'n," sagot nito. Ngumuso ako. "Hindi mo manlang ako hinayaang magpalit, nakakahiya itong suot ko, pambahay lang." Hinawakan ni Rhys ang kamay ko na nasa aking hita, nang lingunin ko siya ay nakangiti na siya sa akin. "Shhh, wala namang masama sa suot mo, isa pa wala naman sa ganda ng suot 'yan, nasa nagdadala, you're beautiful," komento niya na siyang naging dahilan ng pagsilay ng ngiti sa aking labi. "Tss, just start the engine and drive," asik ni Carrick mula sa likuran. Matapos ang maikling byahe ay narating din namin ang farm. Nanguna pa ako sa pagbaba dahil namangha ako sa laki no'n. Napakarami pang tanim na palay. "Gosh! Is this really your farm? Napakalaki naman!" namamanghang sabi ko. Natawa lamang si Rhys sa reaksyon ko, si Carrick naman ay nanatiling blanko ang ekspresyon. "Yup sa amin ito, maraming pananim dito na palay, we can show you the process later." si Rhys. Hindi ko mapigilang mapangiti, natutuwa ako sa nakikita ko, napakasarap naman pala ng ganitong buhay. "You sure? Baka naman bawal?" tanong ko, naniniguro. Binalingan ko si Carrick, tinanguan lang ako nito. That means yes right? Bawat mga pananim na madaanan namin ay may mga tao. Ipinakilala ako nina Rhys at Carrick sa kanila at base sa paraan nila ng pakikipag-usap ay masasabi kong likas sa kanila ang pagiging mabait at magalang. "Napakaganda mo naman." Rinig kong sinabi ng lalaking moreno na nagngangalang Lorenzo. Nginitian ko siya. "Salamat," nahihiya ko pang sagot. Pero sa loob loob ko ay talagang natutuwa ako. Maya maya pa ay naramdaman kong dumami ang mga taong nakapaligid sa amin, karamihan ay mga kalalakihan na kung titignan ay hindi nalalayo ang edad sa akin, may itsura ang mga ito, hindi halatang mga magsasaka. "May kasintahan kana ba Gab? Irereto ko sana sa 'yo ang anak kong si Victor," anang isang matandang lalaki habang nakangiti. "Ahh wa—" Sasagot na sana ako nang bigla akong hapitin ni Carrick palapit sa kanya, naramdaman ko ang mainit niyang palad sa aking baywang, gosh! "Hindi siya nagpapaligaw," masungit na sagot ni Carrick sa matanda. I blinked twice. Ang paningin ko ay nanatiling na kay Carrick lang.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD