Kabanata 3

1644 Words
Kabanata 3 Bisita Matapos 'yong sabihin ni Carrick ay hindi na kami nakapagusap ulit. He's back to his usual self again, masungit at nakakunot ang noo. But seriously? I don't even know kung bakit niya 'yon sinabi. Kung ginawa niya 'yon bilang nakatatandang kapatid at dahil gusto niya akong protektahan, naiintindihan ko, pero nasa tamang edad naman na ako para magentertain ng mga manliligaw. I'm not the young Gabriella anymore. I've grown and just finished college. Hindi na ako bata at hindi na ako bumabata. Soon, bubuo na ako ng sarili kong pamilya. So I don't understand why Carrick did that. I just sighed at that thought. Bahala na nga. Ayoko ng isipin. Masasayang lang ang oras ko! Dadagdag pa sa iisipin ko. Dito na kami nananghalian nina Carrick sa may kubo, maraming pagkain ang inihanda ng mga tao, sariwa ang mga gulay at prutas. Paniguradong masarap 'yon. Tuloy ay hindi ko maiwasang hanap hanapin ang luto ng aking ina. Gusto ko na ulit 'yong matikman, kaya lang napakabusy niya masyado rito, sa tingin ko'y wala na siyang oras para roon. Kung mayroon man, ipapahinga nalang niya. Napakasimple ng pamumuhay dito, hindi kagaya sa siyudad. Ang mga tao ay mababait, simple at walang kaarte arte sa katawan. Kahit anong gawain ay ayos lang sa kanila. Maaga silang natutulog, hindi nagbubulakbol, tutok ang kabataan sa pagaaral. Mangilan ngilan lang din ang nagtutungo sa kung saan matapos ang klase. "Gabriella para sa 'yo," ani Lorenzo, nag-angat ako ng tingin sa kanya matapos makita ang kulay pulang rosas na hawak niya. Bukod kay Lorenzo ay may iba pang mga kalalakihan na may dala dalang bulaklak, napa-amang ang bibig ko, gosh! Bakit may ganito? Naninibago ako. Hindi ako sanay na may nagbibigay ng ganito. Sa Maynila ay wala namang masyadong nagbibigay ng ganito, kasi kung may gusto sa 'yo ang isang tao, kadalasan, sa chat nalang idinadaan. Nahihiya man ay nginitian ko sila. "Hindi naman na kailangan nito, nakakahiya naman sa inyo, pero salamat," sabi ko at akmang kukuhanin na isa isa ang bulaklak nang bigla akong hapitin ni Carrick. What's wrong with him? Sumasakit ang ulo ko sa kanya! Akala ko'y tapos na siya sa kalokohan niya pero mukhang hindi pa pala. "Hindi pa ba malinaw sa inyo na hindi siya nagpapaligaw?" may diin ang bawat salitang binibitawan ni Carrick, hindi ko maintindihan. Sandali akong nagpaalam sa mga kalalakihan. Hinila ko si Carrick papunta sa isang tabi at sinamaan ng tingin, matalim ang tingin niya sa akin, mababakasan ang galit sa mga mata niya. What did I do this time? Huwag niyang sabihin na dahil lang doon ay magagalit na siya? Matunog akong bumuntong hininga. "Carrick ano ba! Will you stop that? Ano bang nangyayari sa 'yo? Wala naman akong nakikitang masama sa pagbibigay nila ng bulaklak sa akin, they're just being friendly." He's being unreasonable kasi, ni hindi ko alam kung bakit siya umaakto ng ganyan, he's being territorial, hindi ko siya maintindihan eh. Ang gulo gulo! Ayoko pa naman 'yong ganito, ayoko sa complicated. Sarkastiko siyang natawa. "Tss really Gabriella? friendly? Eh halata namang may gusto sa 'yo 'yong mga 'yon." "Paano mo naman nasabi na may gusto ang mga 'yon sa akin?" tinaasan ko siya ng kilay, Ano bang alam niya? Tumiim ang kanyang bagang. "Lalaki ako Gabriella, alam ko 'yong mga ganoong galawan, palibhasa ay napaka manhid mo, 'di mo alam may gusto na sa 'yo 'yong tao." Hindi ako nakapagsalita agad, ako? Manhid? Really? How can he say such things like that? Ano bang alam niya? Oo nga at lalaki siya pero hindi naman sa lahat ng oras ay tama siya hindi ba? "Lalaki ka, pero sigurado ka ba na laging tama 'yang pakiramdam mo?" tanong ko. Hindi siya sumagot at nanatili ang tingin sa akin. I sighed. Siguro nga'y sumobra ako sa part na 'to. He just wanted to protect me pero minasama ko pa 'yon. "I'm sorry," mahina kong sinabi. Nang muli ko siyang tignan ay wala manlang nagbago sa kanyang reaksyon. Ngumuso ako at lumapit sa kanya. I held his right arm. "Sorry na kasi, alam ko namang gusto mo lang akong protektahan pero minasama ko pa 'yon, pasensya." Dumako ang tingin niya sa kamay ko na naroon sa braso niya, dahan dahan ko 'yong tinanggal dahil baka hindi siya komportable na may humahawak sa kanyang babae. "Sorry ulit," sabi ko. "Okay," aniya. "Alis muna ako," paalam niya. Akala ko ba okay na kami? Nagsorry na ako ah, pero bakit umalis pa rin? Saan siya pupunta? Aish, bahala na nga basta nagsorry na ako. Napabuntong hininga ako nang sundan ang papalayo niyang bulto. Bumalik ako ro'n sa mga lalaki kanina, humingi ako ng paumanhin sa kanila dahil sa inasta ni Carrick, tinanggap ko na rin ang mga bulaklak na dala nila, dahil baka madismaya sila kung hindi ko tatanggapin ang mga 'yon. Bumalik ako sa kubo upang magpahinga, si Rhys ay tinawag saglit ni Mang Ben, isa sa mga magsasaka rito sa farm, si Carrick ay hindi pa bumabalik simula kanina, marahil galit pa ito. "Tulungan niyo ako," iyak ng isang batang babae na nasa loob ng sasakyang tumaob, duguan ito, umiiyak at tila humihingi ng saklolo pero wala ni isa ang lumalapit para sagipin siya. "Tulong!" "Tulong!" "Tulong!" "Gabriella! Wake up!" agad akong nagmulat ng mata, niyakap ko siya, 'yong sobrang higpit, natatakot ako. "Natatakot ako Carrick." Halos hindi ko nakilala ang sarili ko dahil masyado ng garagal ang boses ko, lalo akong napahagulgol nang maalala ang panaginip ko. "Shhh, stop crying, I'm here." Naramdaman kong hinagod ni Carrick ang likuran ko, pinapakalma ako, hinigpitan nito ang yakap niya, hindi ko alam, pero pakiramdam ko ay ligtas ako sa mga bisig niya. Ilang minuto pa kaming nanatili roon ni Carrick. Nakayakap pa rin siya sa akin at wala ni isa sa amin ang nagsasalita. Gabi na nang mapagdesisyunan naming umuwi, hindi ako pinabayaan ng magkapatid hanggang sa makabalik kami ng mansyon, 'di man nila sabihin, alam ko kung gaano silang nag-aalala sa akin. Nabanggit kasi ni Carrick kanina kay Rhys ang nangyari nang madatnan niya kaming magkayakap. "Carrick!" salubong ng isang morenang babae sa amin. Lumapit siya at yumakap kina Rhys at Carrick. Who is she? Carrick's girlfriend? Or maybe Rhys's? Pero bakit si Carrick ang unang tinawag kung gano'n? Pero kung may something sila, I shouldn't care right? "Gianna." si Rhys na mismo ang nagbanggit ng pangalan ng babae dahil halatang gulat pa rin si Carrick sa biglaan nitong pagbisita. Tch ni hindi manlang niyakap pabalik ni Carrick 'yong babae, kakaiba. Kumalas ang babae sa pagkakayakap niya kay Carrick, nakangiti niyang hinarap si Rhys. "What are you doing here?" tanong ni Rhys. "I'm staying here for good," sagot niya sabay baling kay Carrick na ngayon ay blanko na ang ekspresyon. Dumako naman ang paningin no'ng Gianna sa akin, sinuri niya ang kabuuan ko. "And who is she?" tanong niya habang naka-arko ang isang kilay. Nginitian ko siya. "Hi, I'm Gabriella," pagpapakilala ko pa, naglahad ako ng kamay sa kanya, agad din naman niya itong tinanggap at pagkatapos ay ngumiti. "Hello Gabriella, I'm Gianna, it's nice to meet you!" nakangiting aniya, she seemed nice. Matapos maghapunan ay nanatili na lamang ako sa aking silid, nawala bigla ako sa mood, gusto ko nalang magpahinga. Nahiga ako sa kama, sinubukan kong matulog pero hindi ko magawa, ayaw akong dalawin ng antok. Ala una na ng madaling araw ng maisipan kong lumabas ng silid at magtungo sa kusina upang magtimpla ng gatas, pero nasa hagdan palang ako ay nahagip na ng mata ko sina Carrick at Gianna roon sa labas. Nakangiti ang dalaga habang kaharap ang binata. Ilang segundo pa ang lumipas ay nagpaalam na si Gianna, pero bago siya tuluyang umalis ay hinalikan niya muna sa pisngi si Carrick. Nang matunugang papasok na si Carrick sa bahay anumang oras ay mabilis kong tinungo ang kusina. Nagpapanggap na walang nakita. Kumuha ako ng baso at kinuha ang fresh milk sa loob ng ref. Pinuno ko iyon. "Hindi ka makatulog?" Halos mapatalon ako sa gulat nang marinig ang boses ni Carrick sa aking likuran. "Yup," sagot ko agad sabay inom ng gatas, hindi na siya nagsalita pa, pero naramdaman ko ang paglapit niya. "Si Gianna..." Hinarap ko siya. "What about her?" s**t, alam kaya ni Carrick na nakita ko sila kanina? "Hindi ko siya girlfriend," diretsang aniya. Natigilan ako sandali at pinanatili ang paningin sa kanya, tinitignan kung may bakas ba ng pagsisinungaling sa kanyang mga mata pero mukhang wala naman at nagsasabi siya ng totoo. "Ah I see," tipid kong sagot pero sa loob loob ko'y masaya ako kahit papaano. "Gabriella..." "Hmm?" tanong ko, ang paningin ay naroon na sa basong hawak hawak ko. "I'm sorry for being mean," sabi niya at mas lalong lumapit sa akin. Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Did you mean it?" Tumango siya. "Yeah I mean it though." Mabilis na natapos ang isang linggo, gaya ng napag-usapan, bumalik na sa trabaho sina Rhys at Carrick, dahilan para bihira ko silang makasama at makita. Tuloy ay wala akong makasama o makausap manlang sa bahay nila. Mag-isa akong nag-agahan dahil umalis sina Tita Maria at Mama papuntang Manila upang asikasuhin ang negosyo, matatagalan sila ro'n. Sa ilang araw na lumipas ay wala akong ibang ginawa kundi manatili sa aking silid, tinatamad akong lumabas dahil pakiramdam ko ay hindi rin naman ako malilibang dahil ako lang mag-isa. Kasalukuyan akong nagbabasa ng libro tungkol sa medesina, pakiramdam ko'y hindi pa sapat ang mga nalalaman ko kaya gusto kong magbasa basa pa, nahanap ko ang librong ito sa silid aklatan ng mga Montefalco. Natigil lamang ako sa pagbabasa nang biglang tumunog ang cellphone ko, pagtingin ko sa caller id, si Celia pala, 'yong pinsan ko. Hindi pa man ako nakapagsasalita ay inunahan na niya ako, umiiyak siya, kaya lalo akong kinabahan.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD