Kabanata 4

1561 Words
Kabanata 4 Halik Hindi ako mapalagay matapos naming mag-usap ni Celia, nagdadalawang isip ako kung babalik ako ng Manila, umiiyak siya dahil nagkakaproblema sila ng pamilya niya, alam kong kailangan niya ako ngayon, wala naman siyang ibang malalapitan dahil sa aming magpipinsan ay ako lang ang sinasabihan niya, ako ang higit niyang pinagkakatiwalaan. Gusto ko sanang puntahan siya pero sabi niya'y hangga't maaari ay ayaw niya naman akong maabala, ni ayaw niyang lumuwas pa ako para puntahan siya, pero syempre bilang pinsan, hindi ko naman gugustuhin na manatili rito at walang gawin. Hindi ako mapapalagay knowing na may nangyayaring gano'n sa kanila ngayon. I'm still waiting for her text, sabi niya kanina ay itetext niya ako, pero anong oras na ay wala pa rin akong natatanggap na mensahe mula sa kanya. Nagaalala na tuloy ako. "Gab." Nabalik ako sa realidad nang marinig na may tumawag sa akin. Nilingon ko ang nagmamay-ari ng boses na 'yon. Napatingin ako sa orasan, alas onse na ng gabi at ngayon lang siya dumating, ganoon ba siya kabusy sa farm nila at sa planta? Baka naman may iba pa siyang pinagkakaabalahan? Kung mayroon man, ano namang pakialam ko 'di ba? Gosh Gab! Stop being nosy! "Bakit?" Gosh! Hindi ko na alam ang sasabihin ko, nag-aalala ako para kay Celia kaya hindi ko magawang magisip ng tama o makipagusap manlang ng matagal. "Bakit gising ka pa?" tanong niya at nagsimula ng lumakad palapit sa akin. Nanatili naman sa kanya ang paningin ko, pinanonood ang bawat hakbang niya. Nangunot ang noo niya kaya nakagat ko ang ibabang labi saka sinulyapan ang cellphone ko para maiiwas ang paningin sa kanya. "'Yong pinsan ko kasing si Celia, tumawag kanina..." "Why did she called? Ano raw ang nangyari?" "Nagkakaproblema sila ng pamilya niya, she's not okay, sabi niya kanina ay itetext niya ako pero hanggang ngayon ay wala pa din, nag-aalala na ako, baka kung ano ng nangyari sa kanya," pagkekwento ko. Hindi nagsalita si Carrick, bagkus mas lumapit ito sa akin at yumakap, hindi ako nakagalaw, nagulat ako sa ginawa niya, kung kanina, mabilis na ang t***k ng puso ko, mas mabilis yata ngayon. Ano bang ginagawa mo sa akin Carrick? Bakit ka ganito sa akin? Ano ba talagang gusto mo? Ginugulo mo ang isipan ko! Kung wala ka namang balak panindigan itong pinaggagagawa mo, itigil mo nalang. Natigilan ako nang maramdamang hinaplos niya ang buhok ko. "Magtetext rin sa 'yo 'yong pinsan mo, kumalma ka lang, hayaan mo, dito na muna ako, sasamahan kitang maghintay." Kumalas siya sa yakap pagkatapos ay naupo sa couch, wala naman na akong nagawa kundi maupo na rin sa tabi niya. Dahan dahan ko siyang nilingon. "Carrick, sigurado ka ba na sasamahan mo akong maghintay?" Nakakahiya naman kasi sa isang ito, masyado siyang abala sa trabaho, maaga siyang pumapasok, baka mapuyat pa siya dahil sa akin, imbes na magpahinga siya ay nakaabala pa ako. "Of course," nakangiting ani Carrick. "Pero kasi diba? Maaga kang papasok bukas, dapat ay nagpapahinga kana ngayon, ilang oras na nga lang ang pahinga mo, naaabala ko pa," I sighed. "Alam ko kung gaano ka kabusy sa farm at sa planta, lalo na ngayon na nasa Cebu si Rhys at wala rin sina Tita at Mama, it must be tough." Nilingon ko siya, pero huli na dahil kanina pa siya nakatitig sa akin, matutunaw na yata ako, Carrick is too perfect for me, masyado niyang hinigitan ang mga expectations ko. "Makita lang kita, nawawala na ang pagod ko." Nag-iwas agad ako ng tingin matapos niya 'yong sabihin, hindi ako sanay sa ganito, tipong sasabihan ng mga salitang hindi ko inaasahan. Hindi na ako muling nagsalita pa, hanggang sa sumapit ang ala una ng madaling araw at saka lamang nagtext si Celia, she said she's fine, maayos na sila ngayon kaya 'wag na raw akong mag-alala. Nakahinga ako ng maluwag doon. "Nagtext na si—" Hindi ko na natapos ang sasabihin ko, dahil nang lingunin ko si Carrick ay mahimbing na ang tulog nito. Tumayo ako mula sa pagkakaupo sa couch at bahagyang tinapik si Carrick para magising, yumuko pa ako para mas matapik at mayugyog siya, pero gumalaw siya kaya nawalan ako ng balanse at bumagsak sa ibabaw niya, then the next thing I knew is magkadikit na ang mga labi namin. Nanlaki ang mata ko. Hindi ako nakagalaw, natatakot akong baka isang galaw ko lang ay magising siya, nakakahiya! Baka sabihin niya pinagsasamantalahan ko siya?! Oh no! Hindi ko pwedeng hayaan na 'yon ang isipin niya! Maingat akong humiwalay sa pagkakadikit ng labi namin. Nakahinga ako ng maluwag nang mahimbing pa rin ang pagkakatulog niya. Hindi manlang siya gumalaw. Siguro nga'y ganoon nalang ang pagod niya sa trabaho. Nahawakan ko ang sariling labi bago inayos ang pagkakahiga ni Carrick sa couch. Ang ulo niya ay dahan dahan kong ipinatong sa unan, ang paa niya ay itinaas ko rin doon, ako na rin ang naghubad ng sapatos niya, sinulyapan ko pa siya sandali bago tuluyang tunguhin ang daan papunta sa silid na tinutuluyan ko. Pagkatapos ng nangyari no'ng gabing 'yon ay hindi ko na nakausap o nakita pang muli si Carrick, ang sabi ng ilang katulong ay lumuwas daw ito pa-Maynila dahil do'n naman daw talaga ito nananatili, kung pupunta raw ito dito ay ilang linggo lang inilalagi, ganoon din si Rhys. Hindi ko alam pero para akong nalungkot nang isiping hindi ko na siya makikita, walang kasiguruduhan kung kailan ulit 'yon. Hindi ko rin maiwasang isipin na baka ayaw niya talaga akong makita kaya bumalik nalang siya sa Maynila. Naiwan akong mag-isa rito sa mansyon, wala akong makausap, wala akong masyadong magawa dahil hindi naman ako pinapayagan ng mga katulong na gumawa ng kung ano ano. Palagi nilang sinasabi na kapag nalaman ni Tita Maria na gumawa ako ng mga bagay na sila ang gumagawa ay malilintikan sila. Nang sumapit ang hapon at makaramdam ng pagkaburyo ay nagdesisyon nalang akong maligo sa swimming pool, sa sobrang sabik ko sa paglangoy ay inabot na ako ng gabi, I'm just wearing a white one piece. Binili ko pa ito sa isang mall noon. Kahit mahal ay pinagipunan ko talaga para lang mabili ito. "Hey!" Dahan dahan akong lumingon sa gawi na pinanggalingan ng boses. Nalingunan ko si Rhys na nakangiti habang nakatingin sa akin. Why is he here? Akala ko ba ay nasa Cebu siya? Bakit napaaga yata ang uwi niya? Nginitian ko siya. "Hi! Akala ko nasa Cebu ka?" tanong ko. "Bumalik ako rito, naisip kong wala kang kasama kaya heto," sagot niya na may ngiti sa labi. Ang bait talaga ni Rhys kahit kailan, dinaig pa sa kabaitan ang kakambal, hindi ko inasahang sasabihin niya 'yon kaya ganoon nalang ang tuwa ko. "Swimming tayo?" anyaya ko pa sa kanya, umakto pa itong nag-iisip pero maya maya'y naghubad din agad at lumusong na sa pool. Nagkarera kami sa paglangoy, tinuruan niya akong sumisid, miski iba't ibang estilo sa paglangoy ay itinuro niya rin sa akin. Ilang beses pa akong nagkamali kaya kinailangan niya akong alalayan. Nakangiti ko siyang tinitigan habang ipinaliliwanag niya sa akin ang iba pang bagay, hindi na dapat ako magtaka kung bakit siya ganito, he's a Montefalco, mukhang wala siyang bagay na hindi alam. Sabagay, mayaman sila, kaya kahit anong gustuhin niya ay pu'pwede niyang matutunan kaagad. Naunang umahon si Rhys sa tubig, sumunod naman ako, inalalayan niya ako hanggang sa makaahon mula sa pool, kumuha pa siya ng tuwalya at ibinalabal sa akin, ang kanyang tuwalya ay ginamit pa niya upang tuyuin ang buhok ko. "Narito ka lang pala." Sabay kaming napalingon ni Rhys sa gawi ng pinanggalingan ng tinig na 'yon. Nalingunan namin si Carrick, yes, he's here, right in front of us. Matalim ang tingin na iginawad nito sa akin, napatitig ako kay Rhys, pero mukhang wala lang sa kanya ang nakakatakot na tingin ng kakambal, bagkus ipinagpatuloy pa nito ang pagtuyo sa buhok ko. Ngumiti ito sa akin, pagkatapos ay nagsalita, "Kanina pa ako narito, mainit eh so I decided to joined Gab." Hindi ako makatingin kay Carrick, ang tingin niya ay nagbabanta, nakakatakot, na para bang may ginawa akong masama. Kahit wala naman talaga. Napayuko ako at ngumuso. Hinayaan ko lang si Rhys na tuyuin ang buhok ko. Nang matapos sa ginagawa ay sinulyapan niya ang kakambal at nginitian, maya maya lang ay iniwan na niya kami. He even tapped Carrick's shoulder nang lapitan niya ito. "Ikaw na ang bahala sa kanya," ani Rhys bago tuluyang pumasok sa loob. Bumuntong hininga ako at akmang papasok na sa loob nang bigla akong hilahin ni Carrick sa braso. "What?" tanong ko kaagad. "You're coming with me." Nangunot ang noo ko. "Where are you taking me?" "Sa kwarto mo." "Bakit?" tanong ko pero hindi siya sumagot. Nagpumiglas ako pero dahil sa sobrang lakas niya ay hindi rin ako nagtagumpay. Hinayaan ko nalang tuloy siyang hilahin ako, nakanguso lang ako habang nakasunod sa kanya. "Bakit kasi pupunta sa kwarto ko? Anong gagawin namin doon?" bulong ko sa sarili. "What are you murmuring?" tanong niya, sandali kaming huminto sa hagdan. Umiling ako at sinenyasan siyang maglakad na ulit. What the hell is his problem? Naloloka na ako sa taong 'to ah! Bigla biglang susulpot dito pagkatapos ganito ang gagawin, kakaiba talaga ang saltik niya! Aalis alis siya ng walang paalam tapos susulpot naman siya na parang kabute? Ano 'yon?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD