Kabanata 18
Marriage Certificate
Sa inis ko ay umalis ako sa bahay nila. Nagtungo ako sa bayan at naglibot-libot. Natigil lamang ako nang biglang may tumawag sa akin na babae.
"Arabella?" anang babae.
Nilingon ko siya. Wait, who is she?
"Excuse me? Do I know you?" tanong ko. Hindi ko kasi talaga siya mamukhaan.
Natawa ang babae. "Ako ang asawa ni Francis."
Francis? Sino 'yon?
"Who's Francis?"
"Si Francis, 'yong kaibigan ni Carrick na abogado," sagot niya habang nakangiti.
Oh now I remember! Iyong gumawa ng dokumento sa kasal-kasalan namin ni Carrick few months ago.
"Oh yeah, naalala ko na, sorry hindi kita namukhaan," sabi ko, I gave her an apologetic smile.
Tumango siya at ngumiti ulit. "Ayos lang, by the way congrats!"
Nangunot ang noo ko. "Congrats saan?"
"Congrats sa kasal niyo ni Carrick."
"Kasal?" naguguluhan ko pa ring tanong.
Ano bang pinagsasasabi niyang kasal dyan? Ano na bang nangyayari at parang talagang ginigiit ng tadhana na kasal ako kay Carrick?
"Naprocess ang kasal niyo," sagot niya habang nakangiti pa rin.
Hindi ba siya napapagod ngumiti? Pero hindi iyon ang kaso roon, kundi iyong sinabi niya. Tama ba ako ng dinig o nagiimagine lang ako? Talaga bang sinabi niya na naprocess ang kasal namin ni Carrick?
Natigilan ako, mas lalong nangunot ang noo ko. "Anong naprocess ang kasal? E, diba pumirma lang kami sa document na 'yon, saka hindi naman totoo 'yon e kasi kasal-kasalan lang," paglilinaw ko.
"Oo nga kasal-kasalan iyon, pero ipinarehistro 'yon ni Carrick, kaya sa mata batas at mata ng Diyos, kasal kayo," sagot niya. Nawala bigla ang ngiti sa kanyang labi nang makita ang nakakunot kong noo. "Hala hindi mo ba alam? Hindi ba sinabi sa 'yo ni Carrick?" Umiling ako. "Akala ko naman ay alam mo, icocongratulate nga sana kita pero nakaalis kana pala, buti nalang at umuwi ka, usap usapan pa'y naghiwalay kayo, pero mukhang hindi naman dahil nandito kana ulit."
Hindi ko na inintindi pa ang ibang sinabi no'ng babae. Ang isip ko ay nandoon lang sa sinabi niyang kasal ako kay Carrick.
Pinarehistro niya 'yon? Pero—aish! Bakit ko ba kasi naisip na magkasal-kasalan? Hindi ko na inisip na possibleng maparehistro niya 'yon kung gugustuhin niya! We both signed that kaya natural kasal talaga kami.
Nagmadali akong bumalik ng mansyon at mabilis na hinanap si Carrick, naabutan ko siya sa kanilang study room, as usual, nandoon naman siya palagi.
Abala siyang nagtatype sa kanyang laptop. Pero ang mas nakaagaw ng atensyon ko ay 'yong singsing na suot suot niya. Hindi ko iyon napansin kanina! Gosh, hindi ko talaga alam kung nananadya siya eh!
Kung hindi ako nagkakamali ay 'yan 'yong binili niya sa mall. Iyong kaparehas ng sa akin.
Nag-angat siya ng tingin nang maramdaman ang presensya ko. "What do you need?"
"Explain everything to me," inis kong sambit at naupo sa kaharap niyang upuan.
Tumaas ang isa niyang kilay. "Ano naman ang ieexplain ko sa 'yo?"
Tss bipolar! Parang kanina lang ay ang lapad pa ng ngiti niya ah!
"Nakasalubong ko sa bayan iyong asawa ni Francis," sabi ko, giving him a hint about the thing that I wanted him to explain.
"And then?" tanong niya, ang paningin ay naroon na ulit sa kanyang laptop.
"May sinabi siya sa akin, she told me na pinarehistro mo raw ang document na pinirmahan natin kaya kasal tayo," dire-diretso kong sinabi, walang hinto hinto.
"Oo nga," tipid niyang sagot, hindi pa rin ako tinitignan.
Seriously? Iyan lang ang sasabihin niya? What is wrong with him?
"At hindi mo manlang sinabi sa akin?" tanong ko, magkakrus na ang parehong braso at binti.
Nag-angat siyang muli ng tingin at inayos ang salaming suot. "Why? Did you let me explain?"
Natigilan ako at hindi nakasagot. He caught me off guard!
"Hindi mo ako pinakinggan noon, so how come may oras ka ng pakinggan ako ngayon?" aniya na siyang nagpakaba sa akin.
Why is he being like this? Hindi naman siya ganito kanina diba?
Inis akong tumayo at tumingin sa kanya. "Let's not bring that up."
Natawa siya ng sarkastiko. "Really? Why? Kasi may iba kana at sa kanya mo balak magpabuntis gano'n ba?"
Natigilan na naman ako. Napaamang ang bibig ko sa narinig! So that's it? Kaya siya nagkakaganyan ay dahil sa sagutan namin kanina? Grabe!
"What the hell Carrick!" inis kong bulalas.
"Yeah, what the hell Bella," mas madiin niyang sinabi.
"Ano bang problema mo?" tanong ko.
"Ikaw ang problema ko," matigas na aniya. "Hindi ka pwedeng magpabuntis sa iba dahil sa akin ka."
Hindi siya makamove on sa sinabi ko! Napakabig deal na no'n sa kanya! Nakakainis! Akala niya talaga ay gagawin ko 'yon?
"Really? Dahil lang dyan Carrick?"
"Yes! Dahil lang doon, gano'n ako kabaliw sa 'yo."
"Salita lang 'yon, hindi ko naman alam na magiging big deal sa 'yo."
Nakita ko siyang matigilan at umigting ang panga. "So you didn't mean it?" tanong niya sa malambing na tono.
"Let's not talk about that," pag-iiba ko sa usapan.
He sighed. "Mahirap bang sagutin 'yon Bella?"
"Okay fine! I didn't mean it," nauubos na ang pasensya kong sinabi.
Nahuli ko siyang ngumiti ng palihim. Tss attitude! Kung alam mo lang na dinadala ko ang anak mo, baka hindi ganyan ang reaksyon mo.
"So now tell me, bakit mo pinarehistro 'yon?" tanong ko nang hindi siya makasagot sa huli kong sinabi.
"Dahil mahal kita," halos pabulong niyang sagot. "Mahal na mahal pa rin kita at hindi ko kayang mawala ka."
"Pero may relasyon kayo ni Gab."
"Noon 'yon at matagal na kaming tapos."
"But the fact na naghiwalay kayo dahil sa akin-"
"Hindi naging kami dahil may gusto ako sa kanya o kung ano man," seryoso niyang turan at tumitig sa akin.
Tumaas ang isa kong kilay. "So what are you trying to say?" Ngumiti ako ng mapakla. "Alam mo kung kasinungalingan na naman 'yan, stop."
"Hindi ako nagsisinungaling, listen to me first," aniya sa malambing na tono.
Pinanood ko siyang lumapit sa akin. He held both of my hands. Pero ang paningin ko ay naroon lang sa kanyang mukha.
"Naging kami lang dahil inutusan ako ni Mama." He sighed at hinaplos ang kamay kong hawak niya. "Mama wanted to know more about the lost daughter of the Del Valle's at hindi sapat ang hinala niya..."
"Kaya ba kinuha mo ang loob ni Gab at naging kayo? Para makakuha ka ng ebidensya na magpapatunay na ako ang nawawalang Del Valle?" hindi ko mapigilang itanong 'yon.
Tumango siya. "Yeah, that's the reason, I broke up with her nang malaman ang lahat."
"Pero mali 'yong ginawa mo, ginamit mo si Gab."
"Yeah and ginamit niya rin ako." Naramdaman kong humigpit ang pagkakahawak niya sa kamay ko.
Nangunot ang noo ko. "What do you mean?"
"She knew about me and my family, gusto niyang makasal sa akin para makaalis na siya sa poder ng magulang mo at yumaman."
Nakagat ko ang ibabang labi sa mga nalaman. Hindi ko alam na naging gano'n si Gab.
"Pero no'ng isang gabi, nakita ko kayo pinupunasan ka niya, saka no'ng naglalunch tayo, tinapik-tapik niya ang kamay m—" Hindi pa man ako natatapos ay tinakpan na ni Carrick ang labi ko gamit ang kanyang hintuturo.
"That was nothing Bella, nagkausap na kami at nagsisi na siya sa lahat, no'ng nawala ka...napakaraming nagbago." Hinaplos niya ang pisngi ko. "At alam kong hindi madaling paniwalaan, pero totoong nagsisi na sina Tita Carina at Gab."
I sighed. "Hindi ko alam kung kaya ko na silang kausapin, but I'll try."
"Give yourself some time," aniya at hinalikan ako sa noo.
Bahagya akong lumayo sa kanya nang may maalala. "Show me the marriage certificate."
"Baby..."
"Don't call me baby," asik ko, nagsisimula na naman akong mainis sa mukha niya!
"Okay, ipapakita ko na." Bumuntong hininga siya bago pumunta doon sa may desk niya.
Pinanood ko siyang kumilos. Binuksan niya ang cabinet sa ilalim ng kanyang lamesa at may kinuhang envelope roon.
Lumapit siya at iniabot 'yon sa akin. Kinuha ko ito at binuksan. Seryoso lang ang mukha ko habang tinitignan ang dokumento. It's legit and registered! Parehas naming may pirma 'yon at hindi lang 'yon, Arabella ang nakalagay na pangalan doon! Bakit ba hindi ko 'yon napansin? Tuloy ay wala na akong kawala sa kanya!
Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay nakangiti na siya. 'ayun na naman ang inis na nararamdaman ko!
"Don't smile!" asik ko.
Nangunot ang kanyang noo. "Why?"
"Dahil naiinis nga ako," mariin kong sinabi.
"You're really weird baby," naiiling niyang sinabi saka yumakap sa akin. Ang loko ay inaamoy amoy pa ang leeg ko!
"Lumayo ka nga sa akin, bati na ba tayo?" tanong ko, naroon ang pagsusungit.
"Hindi pa ba?"
"Hindi!" masungit kong sinabi at saka siya itinulak. Iniwan ko siyang mag-isa roon sa study room.
Nang sumapit ang gabi ay nagkaroon ng party sa mansyon ng mga Montefalco. Maraming bisita, malamang, sikat ang pamilya nila. Halos lahat ay pormal ang suot, hindi na kataka taka 'yon.
Ipinagdiriwang nila ang nalalapit na kasal ni Rhys, speaking of which, hindi ko pa nakikita ang babaeng pakakasalan niya. Ang sabi'y nasa ibang bansa ito at may mahalagang inaasikaso.
Nanatili lang akong nakaupo rito sa isang tabi, sina Nanay, Mommy at Daddy ay nandoon kasama sina Tita Maria. Pinagmasdan ko ang lahat ng narito, lahat sila ay masaya.
Napayakap ako sa sarili nang maramdaman ang malamig na simoy ng hangin sa aking balat.
Natigilan ako sandali nang maramdamang isinuot ni Carrick sa akin ang jacket niya.
"Take it," aniya at naupo na sa tabi ko.
Carrick never left my side that night, minsan ay nahuhuli ko siyang nakatingin sa akin pero hinahayaan ko nalang.
Nang matapos ang kasiyahan ay pumasok na kami sa loob ng bahay, gustuhin ko mang tumulong pero hindi naman ako hinayaan nina Tita. Bisita raw ako kaya hindi dapat ako gumawa ng kung ano-ano.
Nang mainip ay nagdesisyon nalang akong pumasok sa loob. Aakyat na sana ako sa hagdan nang biglang magsalita si Mommy. "Anak."
Nilingon ko siya agad. "Yes Mom?"
"Ang gamit mo ay ipinalipat namin sa kwarto ni Carrick."
Nangunot ang noo ko. "Ano?"
Hindi ko inaasahan 'yon. Nakakainis naman, ayoko ngang makita ang pagmumukha ni Carrick dahil may mga oras na talagang naiinis ako pero gumagawa naman sila ng paraan para pagsamahin kami.
Ngumiti siya at hinawakan ang kamay ko. "Shh, ang mag-asawa ay dapat sa iisang kwarto natutulog."
Gulat kong tinignan si Mommy. "Alam niyo ang tungkol do'n?"
Sa isip ko ay ilang beses kong namura si Carrick! Paniguradong siga ang nagsabi no'n, kataka taka namang pumagag ang magulang ko ng gano'n gano'n lang, paniguradong may ginawa si Carrick!
Tumango si Mommy. "Oo, sinabi sa amin ni Carrick."
I gritted my teeth. "Hindi manlang kayo nagalit o ano?" tanong ko, hindi naitago ang kakaunting inis.
Nangunot ang noo ni Mommy. "Bakit naman kami magagalit? Kinausap kami ni Carrick ng maayos, isa pa, alam naman naming nasa mabuting kamay ka."
Really? Gano'n gano'n lang 'yon? Ipinagkatiwala na nila ako kay Carrick? Gosh!
"Mommy, maghihiwalay din kami."
"Trust me, hindi 'yan matutuloy," aniya at kumindat.
"Paano niyo nasa—" Hindi pa man ako natatapos ay pinutol na ako ni Mommy.
Bahagya niyang inilapit ang mukha sa akin. "Dahil mahal mo siya at hindi mo gugustuhing makita siya na mapunta sa iba," bulong niya. "Good night anak," aniya at hinalikan ako sa pisngi bago tuluyang umakyat sa hagdan.
Inis akong nagtungo sa kwarto namin ni Via, pero lalo lang akong nainis nang malamang nakalock na 'yon, kasabwat siya nina Mommy panigurado!
Wala akong choice, kundi pumunta sa kwarto ni Carrick. Hindi na ako nagtaka nang malamang bukas 'yon. Naabutan ko siyang kalalabas lang ng banyo. Nakabihis na siya at tinutuyo na ang buhok sa harap ng salamin.
"Nandyan ang damit mo sa cabinet," aniya at itinuro ang cabinet sa loob ng kanyang kwarto.
Lumapit ako roon at kumuha ng damit. Pumasok kaagad ako ng banyo at nagbabad sandali sa bathtub.
Paglabas ko, naabutan ko si Carrick na ang himbing himbing na ng tulog. Dahan dahan akong lumapit sa kama at nahiga sa tabi niya. Hindi ko na nagawang lagyan ng harang ang pagitan namin dahil natatakot akong magising siya.
Sandali ko siyang pinagmasdan. Napangiti ako nang maalala ang unang beses na nakita ko siya. Napakasungit niya sa akin no'n. Ni hindi ko siya malapitan o makausap manlang. Pero ngayon, hindi ako makapaniwala na kasal ako sa kanya. Oo nga at naiinis ako sa ideyang ipinarehistro niya 'yon nang hindi ko nalalaman pero may kung ano sa dibdib ko na sumaya.
Hindi naman nawala ang pagmamahal ko sa kanya. Nasaktan lang talaga ako sa nalaman ko, pero kung hinayaan ko ba siyang magpaliwanag, hindi ko ba kakailanganing umalis ng bansa at lumayo sa kanya?
Naputol na naman ang pagiisip ko nang biglang gumalaw si Carrick, isiniksik niya ang sarili sa akin at yumakap. Chansing pa rin hanggang ngayon!
Napakahimbing na sana ng tulog ko kung hindi lang umikot muli ang sikmura ko. Mabilis akong nanakbo papasok ng banyo at doon nagsuka.
Nagmumog ako ng tap water ngunit gano'n nalang ang gulat ko nang masalaminan si Carrick sa may pintuan! Nagising siya! He followed me here.
Nakakunot na ang kanyang noo ngayon. At alam ko na kahit hindi siya magsalita ay nagtataka siya sa nakitang ginawa ko.
"Here," aniya at iniabot sa akin ang tissue.
Mabilis ko 'yong tinanggap at pinunasan ang bibig ko. "Thank you."
Hindi niya ako iniwan, hangga't hindi ako lumalabas ng banyo. Nagawa niya pa akong alalayan hanggang sa makabalik sa kama.
"Are you okay?" mahihimigan sa boses niya ang pagaalala.
Ngumiti ako. "Of course, may hindi lang siguro ako nakaing maganda kagabi," pagsisinungaling ko.
"You sure?"
"Yes."
"Gusto mong tumawag ako ng Doctor?" tanong niya at akmang aabutin na ang telepono nang pigilan ko.
"Hindi na, ayos lang naman ako," paniniguro ko.
He sighed. "Okay, basta kapag sumama ulit ang pakiramdam mo ay sabihan mo 'ko."
Mabilis akong tumango. "Sige, salamat."
Muli akong nakatulog matapos 'yon. Nang magising ako ay wala na si Carrick sa tabi ko. Agad akong naligo at nagtungo sa ibaba. Nagulat pa ako nang makitang lahat ng tao ay abala.
Ano kayang mayroon?
"Ate anong mayroon?" tanong ko nang makarating sa kusina.
"Nagpapaluto po ng marami si Senyora Maria," sagot niya.
Hindi na dapat ako magtaka, palagi namang fiesta rito sa kanila.
Nagpagala gala ako sa farm nang maburyo. Naabutan ko pa si Mama Carina na nandoon at abala sa kanyang ginagawa.
Matagal akong tumitig sa kanya. Pinakiramdaman ko ang sarili, nawala ang lahat ng nararamdaman kong galit sa kanya noon.
Siguro nagawa kong intindihin siya dahil magiging Mommy na ako. At kapag nanay ka, gagawin mo ang lahat para sa anak mo, kahit pa masakit 'yon sa parte mo, that's why a mother's love is unconditional.
Nagpapasalamat pa rin ako na inaalagaan niya ako at tinuring na parang anak kahit na gano'n ang nangyari, hindi niya ako pinabayaan, she sacrificed for me too. Sapat ng dahilan 'yon para mapatawad ko siya.
"Arabella," halos pabulong niyang tawag sa pangalan ko. Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala siya.
I smiled at her. "Mama, kumusta?"
Nakita kong manggilid ang kanyang luha matapos ko 'yong sabihin. Hindi niya ako sinagot, bagkus niyakap niya ako ng sobrang higpit.
"I'm sorry," muli na naman niyang sinabi. Naramdaman kong tumulo ang luha niya.
Humiwalay ako at hinawakan ang kamay niya. "Napatawad ko na po kayo."
Niyaya akong maglakad lakad ni Mama, she told me everything, lahat ng nangyari magmula nang lisanin ko ang lugar na 'to. She even told me kung paanong nasaktan si Carrick sa pag-alis ko. Hindi raw ito kumakain at lumalabas ng bahay.
She also explained na 'yong Gab na nakatakdang ipakasal kay Carrick ay hindi 'yong anak niya kundi ako. They just said na si Gab 'yon kasi hindi ko pa pwedeng malaman ang tungkol sa katauhan ko no'n.
Naguguluhan man ay pinilit kong intindihin ang lahat. Ayoko rin kasing magtanim ng galit sa kahit na kanino pa, ayoko ng may kinikimkim.
Pabalik na kami ng mansyon nang biglang umikot ang paningin ko. Nahihilo ako! Natigilan si Mama at hinawakan ako sa braso.
"Anong nararamdaman mo?" tanong niya.
"Ma, nahihilo ako," sabi ko habang nakahawak sa aking ulo.
"Sandali, tatawagan ko ang asawa mo," aniya at mabilis na kinuha ang telepono sa kanyang bulsa.
Hindi ko na naintindihan pa ang iba niyang sinabi dahil talagang nahihilo ako at pakiramdam ko, anytime magcocollapse ako.
"Halika, maupo muna tayo roon sa kubo," ani Mama at inalalayan akong maupo roon.
Ilang sandali pa ang lumipas at lalo akong nanghina. Ni hindi ko magawang magmulat ng mata sa sobrang hilo. Idagdag pa ang napakainit na panahon.
"Dinudugo ka," ani Mama na siyang dahilan nang pagmulat ko.
Dumako ang paningin ko sa aking hita. Dinudugo nga ako!
Mabilis na nanggilid ang luha ko dahil sa takot. "Mama pumunta na tayo ng hospital."
Sasagot na sana si Mama nang bigla nalang dumilim ang paningin ko.