Kabanata 19
Baby
Nagising ako sa isang puting kwarto. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan no'n. Nakita ko si Mama.
Sinubukan kong bumangon. "Mama," tawag ko sa aking kinilalang ina.
Mabilis naman siyang lumapit sa akin. Hinaplos niya ang pisngi ko. "Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong niya.
Sinubukan kong ngumiti. "Maayos na ako Mama, kamusta ang baby ko?" tanong ko at hinawakan ang aking tyan.
She sighed. "The baby's fine."
"Thanked God," nakangiti kong usal at hinawakang muli ang aking tyan.
"Kailan pa 'yan?" tanong ni Mama at naupo sa tabi ko.
"Bago ako umuwi rito. Nalaman ko nalang na buntis ako."
"Sinong ama niyan?"
"Si Carrick Ma," sagot ko kaagad.
"Nabuo ang batang 'yan, pagalis mo rito tama ba?"
Tumango ako. "Opo."
"Alam na ba niya? Alam na ba ng magulang mo at nina Senyora?"
Nakagat ko ang sariling labi at saka umiling. "Hindi pa Ma."
"Kailan mo balak sabihin sa kanila?"
I sighed. "Hindi ko alam Ma."
Hinaplos ni Mama ang kamay ko. "Pasensya kana sa mga nangyari ha? Wala namang araw na hindi ko 'yon pinagsisihan."
I smiled at her. "Kalimutan na natin 'yon Ma, magsimula tayo ng panibago."
"Pasensya kana rin kay Gab ha? Sa kagustuhan niyang yumaman ay nagkagano'n siya, pero maniwala ka, nagsisi na rin siya."
"Nabanggit nga po ni Carrick."
"Sana ay magkausap kayo kapag kaya mo na."
"Opo Mama, we'll get there."
Nginitian niya ako at niyakap ng mahigpit. "Namiss kita anak, masaya ako na binisita mo ako matapos ang nangyari," aniya at humiwalay na sa pagkakayakap sa akin. "Proud ako sa 'yo, sa kabila ng lahat ng pinagdaanan mo ay lumaki ka pa ring mabait at mapagpatawad."
Nakangiti akong tumango. "Iyon ang itinuro mo sa akin noon, Ma."
"Ininda mo lahat, inintindi mo 'ko kahit na iyon lang ang kaya kong ibigay sa 'yo." Nagsimula nang maging emosyonal si Mama.
"Kasi kuntento na ako sa kung anong mayroon tayo Ma at kaya ako nagsikap dahil gusto kitang iahon sa hirap, dahil nakita ko lahat ng sakripisyo mo para sa akin," sabi ko at hinawakan ang pareho niyang kamay. "At hindi 'yon magbabago kahit na anong mangyari, susuklian ko lahat ng ginawa mo para sa akin."
"Salamat anak," aniya at muli akong niyakap.
Hindi ako iniwan ni Mama nang sandaling 'yon. Laking pasalamat ko pa rin na wala siyang pinagsabihan ng tungkol sa pagbubuntis ko, ibig sabihin, inirerespeto niya ang desisyon ko.
Buti na nga lang at hindi niya nacontact si Carrick kanina, dahil hindi pa ako handang sabihin sa kanya ang tungkol sa bata.
Nang sumapit ang hapon ay pinayagan na rin akong umuwi. Binilinan lang ako ng doctor at niresetahan ng mga vitamins para raw maging healthy kami ni baby.
"Dahan dahan," ani Mama at inalalayan akong bumaba ng tricycle.
"Salamat Ma," nakangiti ko siyang nilingon nang tuluyan kaming makababa.
Inalalayan niya ako pabalik ng mansyon. Pagdating namin doon, naabutan ko si Carrick sa may living room. Kaagad siyang tumayo nang makita ako. Lumapit siya sa akin at yumakap.
Tinignan ko si Mama, nginitian niya lang ako at tinanguan. So yeah, niyakap ko rin si Carrick.
"Where have you been? Hindi kita macontact kanina," aniya at hinawakan pa ako sa magkabilang balikat.
Nagkatinginan kami ni Mama at sinenyasan niya akong sumagot. "Pinuntahan ko kasi si Mama, kaya ayon, namasyal kami at nagbonding."
Parang nakahinga ng maluwag si Carrick matapos 'yong marinig. Niyakap niya akong muli at nginitian si Mama.
"Buti naman po at nagkausap na kayo," sabi niya kay Mama habang yakap yakap ako.
"Oo naman, masaya nga ako at nagkaroon kami ng oras na magkasama," sagot ni Mama at sinulyapan ako. "Oh siya, babalik na 'ko sa farm, tawagan mo nalang ako anak kapag may kailangan ka," ani Mama at lumapit sa akin.
Pinakawalan naman ako ni Carrick para mayakap si Mama. "Sige Ma, salamat."
Kinabukasan ay maaga ulit umalis si Carrick para asikasuhin ang iilang trabaho sa farm at planta. Sina Rhys ay biglang umalis kaninang umaga, may aasikasuhin daw siyang mahalaga sa ibang bansa at ilang araw pa bago umuwi.
Nagtaka rin ako nang miski sina Tita Maria, Tito Fred, Mommy, Daddy at Nanay ay umalis din.
Si Via ay naiwan pero madalas namang umalis kasama ni Travis. Tuloy ay wala akong magawa sa bahay. Mag-isa na nga ako, wala pang magawa.
Nakanguso akong pumunta sa dining area. Mag-isa na naman akong kakain ng lunch! Paano nila akong nagagawang iwan mag-isa rito?
"Senyorita may gusto pa po ba kayo?" tanong ni ate Lina. Isa sa mga kasambahay dito sa bahay ng mga Montefalco.
Nilingon ko siya at nginitian. "Ah wala na, salamat."
"Sige po, tawagin niyo nalang ako kapag may kailangan pa po kayo," sabi pa niya bago tuluyang umalis.
Katatapos ko lang kumain nang biglang tumawag si Mama. Pinaalalahanan niya akong uminom ng vitamins. Buti nalang talaga at tumawag siya dahil kung hindi, tiyak na nakalimutan ko na 'yon.
Umalis ulit ako sa bahay ng mga Montefalco at nagtungo sa pinakamalapit na dagat, sa Alli Beach Resort, kung saan ako dinala dati ni Travis. Gusto ko ng fresh air at magandang tanawin. Pakiramdam ko kasi narerelax ako kapag gano'n.
Si Mang Daniel ang nagdrive sa akin papunta sa dagat. Tatanggi sana ako kaya lang ibinilin pala ako ni Tita Maria sa kanya.
"Kaya ko na po, tatawagin ko nalang kayo kapag uuwi na tayo," sabi ko habang dala dala 'yong bag ko.
Ngumiti siya at tumango. "Sige po Senyorita, doon lang ako sa pinakamalapit na upuan," aniya at itinuro ang isang mahabang upuan na hindi kalayuan sa dagat.
Nagpaalam na ako sa kanya. Nang makarating sa buhanginan ay hinubad ko ang aking sapin sa paa, hinawakan ko 'yon at saka ako naglakad lakad sa buhanginan.
Nahinto lang ako nang makahanap ng magandang pwesto. Inilabas ko sa bag ang isang kulay asul na sapin at inilatag 'yon sa may buhanginan. Naupo ako roon matapos. Inilabas ko ang sunblock ko at nagpahid ako no'n sa katawan. Nang makapagbilad sandali sa ilalim ng araw ay hinubad ko ang aking suot na cover up.
Naglakad na ako palapit sa dagat at doon lumublob. Binasa ko ang aking buhok at katawan. Ang sabi ng doctor ay pwede naman daw akong magswimming pero lublob lang at walang padyak padyak, kaya ganito lang muna ang gagawin ko.
Nang manawa sa paglublob ay umahon na ako. Sakto namang pagdampot ko ng tuwalya sa ibabaw ng aking bag ay biglang may lumapit sa akin na lalaki. Halatang kaaahon lang din niya dahil basa ang kanyang katawan at tumutulo pa ang kanyang buhok.
"Hey," bati niya sa akin.
Nakangiti ko siyang nilingon. "Hello," bati ko at ibinalabal na sa aking katawan 'yong twalya.
"Bago ka rito?" tanong niya, hindi pa rin inaalis ang ngiti sa kanyang labi.
"Dati na rin akong nandito, pero kababalik ko lang ulit," sagot ko at inipon ang buhok ko sa likuran.
"Ngayon lang ako nakapunta rito, napakaganda pala," pagkekwento niya at sinulyapan ang paligid.
Tinanguan ko siya. "Oo napakaganda talaga."
"Ano palang pangalan mo?" tanong niya na hindi ko na ikinagulat pa.
"I'm Arabella," pagpapakilala ko.
Ngumiti siya at naglahad ng kamay. "Hi Ara, I'm Kurt," pagpapakilala niya.
Nakangiti akong nakipagkamay sa kanya. Natigil lang 'yon nang biglang may humawak sa bewang ko at halikan ako bigla sa pisngi.
"And I'm Carrick, asawa niya."
Gulat kong nilingon si Carrick, nabitawan ko tuloy 'yong kamay ni Kurt! Bwiset, bigla nalang sumusulpot.
"Nice meeting you," nakangiting ani Kurt at naglahad pa ng kamay kay Carrick.
Nakangiti naman 'yong tinanggap ni Carrick. Nang makaalis si Kurt ay saka ko sinamaan ng tingin ang lalaking bigla nalang sumulpot sa tabi ko kanina.
"Ano sa tingin mo ang ginagawa mo rito?" tanong ko at isa isang iniligpit ang mga gamit ko. Isinuot ko na rin ang cover up ko.
"You left home without telling me!" inis niyang sinabi.
Nang mailagay lahat ng gamit sa bag ay saka ko siya hinarap. "So ano? Lahat ng gagawin ko ay kailangan kong sabihin sa 'yo?"
"Oo, dahil asawa mo 'ko," mariin niyang sinabi.
"D'yan ka naman magaling eh! Ang sabihing asawa mo 'ko pero panay naman ang alis mo! Iniiwan mo 'kong mag-isa sa bahay," sabi ko at nag-iwas ng tingin. Naramdaman ko pang mamasa ang aking mata kaya tinalikuran ko na siya at nauna ng maglakad.
"Baby." Habol niya at hinawakan ako sa braso. Iniharap niya ako sa kanya.
Tinignan ko siya, sakto namang tumulo ang luha ko nang magtama ang mata naming dalawa. "Dati naman, kahit busy ka, sinasamahan mo 'ko sa inyo kapag wala akong kasama pero ngayon alis ka ng alis."
"I'm sorry, I thought you don't want me around," aniya at pinunasan ang luha ko sa mukha.
"Uuwi na ako." Iyon lang ang sinabi ko at nauna na ulit maglakad.
Panay pa rin ang tulo ng luha ko. Nakakainis naman! Ganito ba kapag buntis? Miski maliit na bagay ay iniiyakan?
Lalo pa akong naiyak nang makitang wala na roon ang sasakyan at si Mang Daniel! Paano na ako uuwi nito?
"Let's go home," ani Carrick sabay hawak sa kamay ko. Wala naman na akong nagawa kundi magpahila sa kanya.
Tahimik lang ako hanggang sa makasakay kaming parehas sa kotse niya.
"Bella..."
Naluha na naman ako nang tawagin niya ako sa aking pangalan. Hindi na niya ako tinawag na baby!
Hindi ko siya pinansin at pinunasan nalang ang aking luha.
"Bel—"
"Babalik na ako sa Australia, Carrick," seryoso kong sinabi at ikinabit na ang seatbelt.
Bumuntong hininga siya. "Sige, bigyan mo lang ako ng ilang araw," aniya at sinimulan nang buhayin ang makina ng sasakyan.
I cleared my throat. "I want to go...alone."
"You're leaving me...again?" Halos pabulong niyang sinabi, ang paningin ay nandoon sa manibela.
"Umuwi na tayo sa inyo, let's not talk about it anymore," sabi ko nalang at ipinikit na ang dalawang mata.
Narinig ko siyang bumuntong hininga bago tuluyang paandarin ang sasakyan pero hindi ko na lamang pinansin.
Tahimik ang byahe namin pauwi. Wala ni isa sa amin ang umimik. Nauna akong bumaba ng sasakyan nang sa wakas ay matunton namin ang mansyon nila.
Mabilis akong pumasok sa loob. Umakyat ako sa hagdan at pumunta sa kwarto namin, dumiretso ako sa banyo. Sakto namang paglabas ko ay naabutan ko si Carrick na nakaupo roon sa may paanan ng kama.
Nilingon niya ako. "Baby..." aniya at lumapit sa akin. Nag-iwas ako ng tingin. "I'm sorry," bulong niya at niyakap ako ng mahigpit. "Just please don't leave me again."
Kumawala ako sa pagkakayakap niya at lumabas ng kwarto. Naabutan ko pa si Via roon sa dati kong kwarto na masayang may kausap sa phone.
"Sige puntahan natin 'yan Travis," dinig kong sabi niya sa kausap.
Is she talking to Travis? Iyong pinsan nina Rhys at Carrick?
"Sige, bye," aniya at ibinaba na ang cellphone.
Nakangiwi akong lumapit sa kanya. "Travis Montefalco huh?"
Napatakip siya sa kanyang dibdib nang lingunin ako pero natawa rin maya maya. "Yes! Buti nalang at sumama ako sa 'yo rito 'no? Mukhang dito pa ako makakahanap ng lovelife!" Tumili pa siya saka ako hinampas sa braso.
"Travis is a good man Via, he'll take care of you," nakangiti kong sinabi.
Tumango siya at basta nalang yumakap sa akin. "I know, thank you Bella."
Nang sumapit ang gabi ay umalis sina Via at Travis, nagpaalam silang kakain sa labas kaya naiwan kami ni Carrick sa bahay. Tahimik kaming kumain ng dinner. Miski pagpasok ng kwarto ay hindi kami nagkikibuan.
Sa sobrang bored ay lumabas ako sa teresa ng kanyang kwarto. Mula rito ay tinanaw ko na naman ang napakaliwanag na buwan at mga bituin. Napakaganda nilang tignan!
"Galit ka pa?" dinig kong tanong ni Carrick. Nandito na siya ngayon sa tabi ko.
Hindi ko siya sinagot at pumasok nalang ulit sa loob ng kwarto. Naupo ako roon sa kama at kinuha 'yong cellphone ko.
Naramdaman ko nang tumabi siya sa akin, isiniksik niya pa ang sarili sa akin. Ramdam ko ring sinisilip niya ang cellphone ko. Tch! Napaka talaga kahit kailan!
Bahagya kong inilayo sa kanya 'yong phone ko para hindi niya makita. Pero kahit yata anong layo no'n ay sisilip pa rin siya. Inis kong pinatay ang cellphone at inilapag sa side table.
"What now?" masungit kong tanong.
"I'm sorry," aniya at hinalikan ako sa pisngi, yumakap din siya sa akin at talagang isiniksik pa ang ulo sa may leeg ko.
"Tss forgiven," sabi ko at nginiwian siya.
Nag-angat siya ng tingin at sinilip ang mukha ko. Nahuli ko pang tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Does this mean...hindi kana aalis?"
Ngumuso ako. "Hindi naman talaga ako aalis, sinabi ko lang 'yon dahil sumama talaga ang loob ko kanina."
"I love you!" nakangiti niyang sinabi at niyakap ako ng sobrang higpit.
"Tss bati na ba tayo?" bigla kong tanong na siyang nagpakunot sa kanyang noo.
"Akala ko bati na tayo?"
"Babawi ka dapat hindi ba?"
"Baby..."
"Oo na! Bati na tayo! Nahiya naman ako sa 'yo eh," sarkastiko kong sinabi.
"Tulog na tayo?" bulong niya.
"Tss tulog? Duda ako dyan eh! May iba kang binabalak!" asik ko at tinalikuran siya!
"Hindi mo manlang ba ako pagbibigyan?" tanong niya, sinisilip na naman ang mukha ko.
Pinandilatan ko siya. "Hindi, kaya matulog kana."
Natawa ako nang marinig siyang bumuntong hininga at pabagsak na nahiga sa kanyang pwesto.
Kinabukasan, nagising ako na nasa tabi si Carrick, tinignan ko ang orasan. Anong oras na pero nandito pa rin siya? Hindi manlang ba siya papasok?
Binalingan ko si Carrick na ngayon ay ang higpit higpit ng pagkakayakap sa akin, parang ayaw akong pakawalan e.
Tinusok tusok ko ang kanyang pisngi. "Wake up Carrick."
Gumalaw siya. "Baby, hindi ako papasok today," aniya at mas lalo pang isiniksik ang sarili sa akin.
Nangunot ang noo ko. "Bakit naman?"
"Isang buwan akong nagleave sa trabaho," sagot niya, nakapikit pa rin.
Hinampas ko siya sa braso. "Hoy! Bakit mo 'yon ginawa?"
Iminulat niya ang parehong mata at ngumiwi. "Dahil nagtatampo na ang misis ko, gusto ko siyang makasama ng matagal."
Hinampas ko ulit siya. "Paano na ang farm, planta at hospital kung gano'n?"
"Nandyan naman si Travis at iba ko pang tauhan, they can manage without me," sagot niya at pumikit na ulit.
"Pero makakaya mo bang hindi magtrabaho ng isang buwan?"
Kaya niya nga kaya? 'cause knowing Carrick, mas sanay siya na palaging nagtatrabaho at may ginagawa.
"Oo naman," sagot niya at hinalikan ako sa leeg.
Ngumuso ako. "E, sanay ka na laging nagtatrabaho, sabi mo pa nga noon, pumunta ka lang dito para magtrabaho."
"Dati 'yon, bago kita mahalin, pero iba na ngayon, kung nasaan ka, doon na rin ako syempre," sagot niya na ikinapula ng mukha ko.
"Hilig mo 'kong daanin d'yan sa mga mabulaklak mong salita e 'no?" tukso ko at tinusok muli ang kanyang pisngi.
"Hmm..."
Hindi ko na siya ginulo pa pagkatapos no'n. Hinayaan ko nalang siyang matulog sa tabi ko. Nanatili kami sa kama hanggang sa sumapit ang tanghalian. Bumaba lang kami nang makaramdam na ng gutom.
"Carrick!" tawag ko sa aking asawa na ngayon ay palapit na sa akin. Nandito kami sa labas ng bahay nila. Nakaupo ako habang pinagmamasdan siyang mangabayo.
"Yes baby?" tanong niya nang makarating sa tapat ko.
Ngumuso ako. "May sasabihin ako sa 'yo," sabi ko at sinenyasan siyang lumapit.
Itinago ko pa sa likuran ko ang isang box na naglalaman ng pregnancy test ko at ultrasound. Naisip kong dapat na niyang malaman ang tungkol sa bata, tutal maayos naman na kami at mukha namang wala na talaga sila ni Gab.
Speaking of Gab, sana ay magkaroon kami ng chance na makapagusap.
"What is it this time? Uutusan mo na naman ba akong bumili ng kambal na saging sa bayan?" nakangiwi niyang tanong.
Natawa ako. Pinabili ko kasi siya ng kambal na saging kanina matapos naming mananghalian. Ewan ko ba, gusto ko talagang kumain no'n. Sabi ko, magagalit ako kapag hindi siya bumili. So yeah kahit tinatamad siya ay napilitan siyang umalis para bumili ng saging na gusto ko.
"No! Iba 'to," sabi ko habang natatawa.
"You have a gift for me hmm?" tanong niya, pinipigilang mangiti.
Tumango ako at ipinakita sa kanya ang isang box.
Kunot noo niya naman 'yong kinuha at binalingan. "What is this baby?"
Kinagat ko ang ibabang labi para pigilan ang aking sarili na sabihin sa kanya ang nilalaman no'n. "Secret! Kiss muna!" sabi ko at bahagyang tumingkayad para maabot siya.
Natatawa niyang inilapit ang mukha sa akin saka ako ginawaran ng isang napakasarap at napakainit na halik sa labi.
"I love you," bulong niya bago ulit dampian ng halik ang labi ko.
"That's enough," sabi ko sa gitna nang halikan namin.
Nakangiti niya namang binitawan ang labi ko. "Okay, bubuksan ko na," aniya at tuluyan na ngang binuksan ang box.
Pinagmasdan ko ang kanyang reaksyon. Nakita ko pang lalong nangunot ang noo niya bago kuhanin ang nilalaman no'n.
Una niyang kinuha ang pregnancy test. Napamura pa siya nang makita ang dalawang guhit doon, sunod niyang tinignan ang ultrasound.
Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay basa na ang kanyang mata. Nanggigilid na ang kanyang luha. Pero bago pa siya magsalita ay ginawaran ko na siya ng yakap at halik.
"I love you," bulong ko at binitiwan na ang kanyang labi.
"You're pregnant, I'm going to be a Dad!" sigaw niya at itinaas pa ang pregnancy test at ultrasound na hawak.
Natatawa ko siyang tinignan. "Yes you are."
"Teka, kailan pa 'to?" tanong niya at hinaplos ang tyan ko.
"Pagalis ko rito, nabuo 'yong bata," sagot ko habang nakangiti.
"Hmm, expected ko na rin 'yon, ilang beses ba naman nating ginawa," bulong niya at hinalikan ako sa noo.
Nahampas ko siya dahil sa hiya. "Nakakainis ka! Talagang alam na alam mo 'no?"
"Oo naman, sinigurado ko talagang may mabubuo para wala ka ng kawala sa akin."