Kabanata 14

3712 Words
Kabanata 14 Katotohanan "Ma, kilala mo ba sila?" Iyon kaagad ang itinanong ko nang makapasok kami sa loob, dahil hindi ko maintindihan kung bakit ganoon nalang ang kagustuhan ni Mama na umalis kami, kung bakit may mga kasama sina Tita at Tito at ayaw nila kaming paalisin. Wala akong nakuhang sagot mula sa aking ina. Nanatili ang kanyang tingin sa mga bisita ng mga Montefalco. Ano bang nangyayari? Naguguluhan ako. Binalingan ko si Tita Maria na ngayon ay seryoso ng nakatingin kay Mama. "Tita, ano pong mayroon?" "Walang aalis," may diing tugon ni Tita. Sa unang pagkakataon ay nakaramdam ako ng takot sa isang Maria Montefalco. Hindi na ako nagabala pang kumilos. Nanatili lang ako sa aking kinatatayuan. Naramdaman kong tumabi sa akin si Carrick. Hawak niya na ako sa bewang. "Maupo na muna tayo," kalmadong ani Tito Fred, pero wala ni isa sa amin ang kumilos. Hinawakan ko si Mama sa braso. "Mama, ayos ka lang ba?" Doon lang napunta ang tingin niya sa akin. "Oo, ayos lang ako." "Kilala mo ba sila Mama?" tanong ko at muling tinignan ang mga kasama nina Tita at Tito. Hindi nakasagot si Mama. Napayuko lang siya. Ano ba talagang nangyayari? Wala manlang bang magsasabi? "Hindi mo siya dapat tinatawag na Mama," emosyonal na sabi no'ng babaeng kasama nina Tita, iyong parang kaedad niya. "Teka lang po ah..." Pinigilan ko ang inis na namumuo sa loob ko. "Bigla bigla kayong pumunta rito pagkatapos ay sasabihin niyo na hindi ko siya dapat tinatawag na Mama?" Hindi nakasagot ang Ginang. "Hija, makinig ka muna sa amin." si Tita Maria, ang tono ng pananalita niya ay ibang iba sa paraan niya ng pagsasalita kanina. Napuntang muli ang paningin ko sa kanya. "Ano po bang nangyayari Tita? Bakit po ba may mga kasama kayong tao?" Bumuntong hininga si Tita at lumapit sa akin. She held both of my hands. Nang magtama ang mata namin ay halo-halong emosyon na ang nakikita ko roon. Hindi ko na talaga maintindihan! "Tita hindi ko po kasi maintindihan..." "May kailangan ka kasing malaman hija." Hinaplos niya ng paulit ulit ang kamay kong hawak niya. "Ano po? Kasi nagmamadali po si Mama, pwede po bang sa susunod nalang iyan?" Hindi ko alam kung anong pumasok sa isip ko at bigla kong sinabi iyon. Oo nga at ayaw kong umalis kanina pero pakiramdam ko, may kakaibang mangyayari ngayon. At sa kagustuhang makaiwas ay gusto ko nalang sundin si Mama at sumama sa kanya. Wala na akong ibang naisip na paraan kundi iyon. "Hindi na kami papayag na makalayo ka pa ulit Carina," sabat no'ng lalaki na sa tingin ko'y kaedad ni Tito Fred. Tinawag no'ng lalaki si Mama sa kanyang pangalan, does this mean na magkakilala sila? Lalo akong naguluhan, pakiramdam ko ay may alam sila na hindi ko alam. Pinagpalit palit ko ang paningin doon sa lalaki at kay Mama. Hinihintay ang sasabihin nila. Dahan dahang nag-angat ng tingin si Mama. This time, luhaan na siya. "Kuya, hayaan niyo nalang kaming umalis ni Gab." Kuya? E, di kapatid ni Mama iyong lalaki na kasama nina Tita at Tito? Pero bakit hindi naman siya nabanggit ni Mama sa akin? "Hayaan? Hindi pa ba sapat ang mahigit 2 dekada na paglayo mo?" patuyang tanong noong lalaki kay Mama. Nilapitan niya ang aking ina. Hinawakan niya ito sa magkabilang balikat. "And stop addressing my daughter as Gabriella, dahil alam naman natin na hindi siya 'yon," dagdag niya at saka ako sandaling sinulyapan. Nangunot ulit ang noo ko. Nahihirapan akong iproseso ang pinaguusapan at sinasabi nila. Hindi ko talaga maintindihan ang nangyayari. Bakit kasi hindi nalang nila ako diretsuhin? "Mawalang galang na po, pero bakit po ganyan niyo pagsalitaan ang Mama ko?" Hindi ko na napigilang makisabat. Ayokong nakikitang ginaganito ng kahit sino ang Mama ko. Walang ibang pwedeng magsalita sa kanya ng ganyan, kahit pa kamag-anak niya. Binalot kaming muli nang katahimikan. Nabasag lang iyon nang biglang magsalita iyong Ginang na kasama nina Tita. Batid kong siya iyong asawa ng kuya ni Mama. "Hindi siya ang tunay mong ina, kaya hindi mo siya dapat tinatawag na Mama..." Nangunot ang noo ko. f**k! Gulong gulo na ako! "Ano bang sinasabi niyo? Siya ang Mama ko." Umiling 'yong Ginang at lumapit sa akin. Si Tita Maria naman ay bahagyang lumayo upang bigyan ito ng daan. She held both of my hands. "Ako ang Mommy mo." Siya? Siya ang Mommy ko? Paano iyon nangyari? Bata palang ako si Mama na ang nandyan sa tabi ko kaya paanong— Mabilis akong umiling. "Hindi 'yan totoo," sagot ko at binalingan si Mama. Binawi ko ang kamay ko na hawak no'ng Ginang, hinawakan ko si Mama sa kamay. "Ma, anong sinasabi niya? Sabihin mo sa kanila na hindi 'yon totoo, na anak mo ako," pangungumbinsi ko sa aking ina pero panay lang ang iling niya. Nang mag-angat siya ng tingin sa akin ay luhaan na naman siya. "Patawarin mo ako Arabella," bulong niya. Why is she calling me Arabella? Sino ba 'yon? Muli na naman akong umiling. "Ma, bakit mo 'ko tinatawag na Arabella, sino ba 'yon?" Hindi na naman siya sumagot at lalo lang humagulgol. Anong ibig sabihin nito? "Ma, sabihin mo naman sa akin oh, ano bang nangyayari?" "Hindi kita anak," sagot niya. Nabitawan ko ang kamay niya dahil doon. Kasabay din no'n ang biglang pagtulo ng luha ko. Hindi niya ako anak... "Paanong—hindi..." Umiling ako. "Ano ba talagang nangyayari?" Hindi ko na napigilang taasan ang boses ko dahil wala ni isa sa kanila ang gustong sumagot sa tanong ko. Ang Ginang na nagsabing siya ang Mommy ko ay umiiyak na rin ngayon. "Ipaliwanag mo sa kanya ang ginawa mo Carina," matigas na sinabi noong kuya ni Mama. "Kuya, patawarin mo ako," umiiyak na sabi ni Mama, sinubukan niyang hawakan ang kamay noong kapatid niya pero isang malakas na sampal ang natamo niya. "Hindi kita mapapatawad sa pagkuha mo sa anak ko," anang muli nito. Hindi ako nakaimik, ang tingin ko ay nanatili sa kanila. Unti unting pinoproseso ng utak ko ang mga sinabi ni Mama kanina. Hindi niya ako anak. Tinawag niya akong Arabella. Sinabi pa ng kuya niya na kinuha raw ni Mama ang anak niya. Possible bang ako 'yong bata na 'yon? Ako 'yong anak no'ng kapatid ni Mama? "Kuya, ginawa ko lang 'yon para maipagamot niyo ang anak kong si Gab." Lalong humagulgol si Mama habang nakaupo sa sahig. Anak ni Mama 'yong Gab? Kung ganoon nasaan si Gab? Dumako bigla ang tingin ko roon sa babaeng kasama no'ng kapatid ni Mama. Siya ba si Gab? Umiling ang lalaki. "Ipagagamot naman namin hindi ba? Pero anong ginawa mo? Kinuha mo ang anak ko! Sabihin mo sa akin Carina, bakit kinailangang umabot doon?" "Narinig ko kasi na ayaw ng asawa mong tulungan kami ng anak ko, wala na akong ibang naisip na paraan kundi kuhanin ang anak niyo, sa lagay na 'yon ay wala na kayong choice kundi ipagamot ang anak ko," walang prenong paliwanag ni Mama. So that's her reason? Kinuha niya ako sa totoo kong magulang para lang maipagamot ang anak niya? Itinago niya ako ng ilang taon! Paano niya nagawa 'to? May anak din siya. Paanong— "Ipinagkait mo sa akin ang anak ko," galit na sabi no'ng asawa ng kuya ni Mama. Hindi na niya napigilang sabunutan si Mama. Hindi umimik si Mama, hindi manlang siya lumaban. Bigla akong niyakap ni Carrick ng mahigpit. Doon ako tuluyang humagulgol. Buong buhay ko, akala ko...ako si Gab, nabuhay ako bilang siya, pero hindi pala ako siya. Ipinagkait sa akin ni Mama ang tungkol sa totoo kong katauhan, ipinagkait niya ako sa mga magulang ko. At sa nakikita ko, hindi sapat ang rason niya para kuhanin niya ako at ilayo sa mga ito. Kahit saang anggulo tignan, maling mali pa rin ang ginawa niya. "Arabella, anak," naramdaman kong may humawak sa kamay ko kaya pinakawalan ako saglit ni Carrick. "Bakit hindi niyo ako hinanap?" emosyonal kong tanong. Umiling ng umiling ang Ginang. "Walang araw na hindi ka namin hinanap ng Daddy mo." "Pero bakit ngayon lang? Ilang taon na 'yong lumipas." Halos hindi ko na nakilala ang sariling tinig. Garagal na ang boses ko dahil sa pag-iyak. Hinaplos niya ang kamay ko. "Dahil humahanap kami ng tiyempo, dahil sa tuwing malalaman namin kung nasaan kayo, bigla kayong nawawala." Binalingan ko si Mama, ganoon nalang ang pagluha ko nang makita siyang nakatingin sa akin. She keeps on mouthing sorry. Now I know, kaya pala parati nalang kaming lumilipat ng tirahan simula noon kasi may pinagtataguan pala siya. Kaya rin siguro pinigilan niya akong umuwi ng Maynila no'ng nakaraan, kaya pala hindi siya macontact dahil nagtatago siya. It all makes sense now. Malinaw na malinaw na sa akin ang lahat. "Paano niyo nalaman na nandito ako?" tanong ko, pinunasan ko na ang luha ko sa mukha. Binalingan ng Ginang si Tita Maria. "Sinabi sa amin ni Maria." "Matagal ng alam ni Tita?" tanong ko, ang gulat ay naroon pero hindi ko iyon gaanong ipinahalata. Tumango si Tita. "Matagal ko ng alam hija, no'ng nagkita kami, nabanggit nila at pinakita 'yong litrato mo no'ng bata," paliwanag niya. "I gather some evidences para makasigurado...then I realized na 'yong bata na matagal na nilang hinahanap ay ikaw, kaya dinala ko sila rito." "Pero bakit hindi niyo pa rin sinabi Tita?" puno ng emosyon kong tanong. Sa tagal naming magkasama, bakit hindi niya manlang sinabi? "Kasi hindi ko alam kung paanong sasabihin sa 'yo, wala ako sa posisyon para gawin 'yon, sana naiintindihan mo ako," ani Tita Maria, napayuko siya. Hindi ako nakasagot doon. Nabalik lang ang atensyon ko sa Ginang nang marahan niyang haplusin ang pisngi ko. "Ang baby ko... matagal ka naming hinanap." Hindi na niya napigilang humagulgol at yumakap sa akin. Niyakap ko rin siya pabalik. Iyong mahigpit na mahigpit. "Patawarin mo si Mommy anak, hindi na ulit kita hahayaang mawala." Muli na namang pinunasan ni Mommy ang luha ko. "Kung hindi ako si Gab, siya si Gab?" tanong ko at binalingan ang babaeng kasama nila. Mabilis na tumango si Mommy. "Siya si Gab." "At ako ang dapat pakakasalan ni Carrick," nakangising anang dalaga na nagngangalang Gab. Nangunot ang noo ko. "Anong ibig mong sabihin?" Sinamaan niya ako ng tingin. "Matagal na kaming may relasyon ni Carrick and he broke up with me because of you." Binalingan ko sina Tita Maria at Carrick. "Totoo ba 'yong sinasabi niya?" Hindi nakasagot si Tita Maria kaya binalingan ko si Carrick. "Totoo ba 'yong sinasabi niya? Na siya talaga ang pakakasalan mo at hindi ako? Na may relasyon kayo at naghiwalay lang dahil sa akin?" Hindi sumagot si Carrick, silence means yes, so totoo nga? "Mahal kita, ikaw ang mahal ko," paliwanag ni Carrick, pero isang sampal ang iginawad ko sa kanya. "Liar, matagal mo ng alam na hindi ako si Gab at hindi mo sinabi, pero matatanggap ko pa kung 'yon lang e," sarkastiko akong tumawa. "Tapos ngayon...eto? May relasyon pala kayo? And you broke up with her because of me?" Hindi talaga ako makapaniwala sa nabalitaan ko. Hindi ko alam kung kanino ibubunton ang nararamdaman ko. Kung kay Mama, kay Gab o kay Carrick. Carrick lied to me. Matatanggap ko pa na hindi niya sinabing may alam siya tungkol sa pagkatao ko, but the fact na may relasyon sila ni Gab at hiniwalayan niya 'yon dahil sa akin? Hindi katanggap tanggap. "Baby, let me explain," pakiusap niya at hinawakan ang kamay ko, pero mabilis ko 'yong binawi sa kanya. "The show is over Carrick." Gano'n katigas ko 'yong sinabi. Hinubad ko ang singsing na ibinigay niya sa akin kahapon. Nang hindi niya kuhanin ay pilit ko pang inilagay sa kamay niya. Nakita kong mamasa ang mata ni Carrick, kung paano siyang nasaktan pero wala akong pakialam. Ang pagsisinungaling nila sa akin ay higit na masakit sa parte ko. Matapos ang paghaharap na iyon ay mabilis akong nagtungo sa kwarto para kuhanin ang mga gamit ko. Wala na akong rason para manatili pa rito. Wala na... Nasa kalagitnaan ako ng pageempake nang biglang bumukas ang pinto. And to my surprised, it's Gab. Hindi ko siya pinansin at ipinagpatuloy nalang ang ginagawa. "Buti naman at naisipan mo ng umalis." Itinigil ko sandali ang pageempake at tinignan siya. "Wala naman ng rason para manatili rito," sagot ko. Ngumisi siya. "Tama, dahil unang una, hindi ka naman talaga nababagay dito—" Pinutol ko siya. "At sinong nababagay dito? Ikaw?" sarkastiko akong natawa. Sinuyod ko siya ng tingin. Nainis siya sa ginawa ko, bakas na bakas iyon sa kanyang mukha. "Akin si Carrick." "E, di sa 'yo na, hindi ko naman inaangkin." I fired back, pero sa loob loob ko, gusto kong isigaw sa mukha mismo ng pinsan ko na akin si Carrick. Na akin lang siya at walang pwedeng umagaw sa kanya mula sa akin, pero hindi ko kaya. Pagkatapos ng mga nalaman ko? Hindi ko na talaga alam. "Magpapakasal kaming dalawa at bubuo ng pamilya," sabi na naman niya, walang balak magpatalo. Matapos ko iyong marinig ay nakaramdam ako ng kirot sa aking dibdib. Nasaktan ako sa ideyang 'yon dahil alam ko sa sarili ko na si Carrick ang gusto kong pakasalan at makasamang bumuo ng pamilya, pero ewan... "Iyon ay kung gusto ka niyang pakasalan, kasi kung tatanungin mo siya, paniguradong isasagot niya na ako ang mahal niya at hindi ikaw." Akmang sasampalin niya ako nang bigla ko iyong masalag. Nagkatitigan kami, matalim ang tingin na iginagawad niya sa akin habang ako ay nakangisi lang. Tuwang tuwa na nakikita siyang yamot. Talo. "Ako ang nauna sa 'yo," mariin niyang sinabi. I rolled my eyes. "Ano namang pakialam ko? E, di pasensya nalang dahil mukhang ako ang wakas," sagot ko saka binitawan ang kamay niyang hawak ko. "Akin siya! Kukuhanin ko siya sa 'yo." Dinuro-duro niya pa ako. Nakamot ko ang sariling noo. "Look, kung sa 'yo talaga siya, hindi mo na siya kailangan pang kuhanin sa akin." Ngumiwi ako. "Pero mukhang ang lagay ay...ikaw lang ang nakakaalam na pagmamay-ari mo siya, mahirap 'yon." She gritted her teeth. "Sumosobra kana! Mangaagaw ka." She was about to pull my hair nang mahuli ko na naman ang kamay niya. Pinilit niyang kumawala pero hindi ko siya hinayaan. "Ikaw ang sumosobra! At ako...mangaagaw?" Natawa ako ng sarkastiko. "Hindi ba't wala na kayo bago pa naging kami?" Hindi na siya nakasagot pa. "So basically, wala akong inaagaw sa 'yo. Isa pa, kilalanin mo kung sinong kinakalaban mo, hindi mo lang ako basta pinsan, ako si Arabella at mga magulang ko ang nagsalba sa buhay mo, magkaroon ka naman sana ng utang na loob." Binitawan ko na ang kamay niya. "Tsk, maswerte ka dahil tinuring kang anak ng nanay ko, pero ako, ni minsan hindi ako itinuring na anak ng mga magulang mo, palagi nalang ikaw ang bida sa lahat." "Hindi ko na iyon kasalanan, try mo rin kasing magpakabait para may magmahal sa 'yo 'no? Magbago bago ka rin kapag may time." Nang hindi makayanan ang tensyon sa pagitan naming dalawa ay agad niyang nilisan ang silid. Padabog niya ring isinara ang pinto. Umalis kami sa Mindoro matapos 'yon. Ipinaiwan na rin doon si Gab. Kinausap ko ang totoo kong mga magulang. Pinakiusapan ko sila na kung pu'pwede ay sa ibang bansa na muna ako manirahan. Masyado ng maraming nangyari sa Pilipinas, hindi ko na kayang manatili pa roon. Sinanay ko rin ang sarili ko sa pangalang Arabella. Ayoko ng mga bagay na makapagpapaalala sa 'kin na minsan akong naging si Gab. Kasalukuyan akong nandito sa Sydney, Australia, magtatatlong buwan na ako rito. Yes, almost 3 months na. Ganoon kabilis na lumipas ang mga araw. Halos hindi ko na nga napansin dahil inabala ko ang sarili ko sa pagtatrabaho. Dito ako nagsimula ng panibagong buhay. Panibagong buhay na malayo sa mga taong naglihim at nanakit sa akin. I cut all my ties with them, including him. Wala na akong kinausap sa kanila matapos 'yon. Katatapos ko lang puntahan ang pasyente na minomonitor ko at malapit na rin ang out ko kaya tinapos ko na ang charting at nagtungo sa locker para magbihis. Una kong tinignan ang phone ko, may text doon si Mommy, sabi niya'y tumawag ako pagtapos ng duty ko. So I did. I dialled my Mom's number. Ilang rings lang at sinagot na niya ito. [Baby, how are you?] bakas sa boses niya ang excitement, ganyan si Mommy sa tuwing makakausap ako. Ngumiti ako na para bang nakikita niya. "I'm okay Mommy, how are you and Dad?" [We're okay, how's your work? Nakakapagod ba?] "Hindi naman Mom, nageenjoy ako," sagot ko saka isinara ang pinto ng locker. [That's good, tama 'yan enjoyin mo lang, by the way kailan mo balak umuwi?] Uwi? Nakakailang buwan palang ako rito. "I don't know, baka next year?" mapait akong ngumiti nang may maalala. [Anak, magtatatlong buwan kana dyan pero namimiss ka na namin] "Yeah I know, uuwi rin naman ako Mommy, soon." Kinuha ko na ang bag ko na nakapatong sa upuan saka lumabas. [Sana nga umuwi kana, gusto ka na naming makasama ng Daddy mo rito] Lumabas ako ng ospital na kausap pa rin si Mommy, hanggang sa pagsakay ko sa kotse ay ganoon pa rin. [By the way anak, magkakaroon ng medical mission ang hospital natin sa susunod na buwan, makakauwi ka ba?] Yup, may hospital kami. Nagulat pa ako nang malamang may pagaari kaming ganoon. Tamang tama rin dahil nursing ang tinapos ko. "I don't know Mommy, I'll check my sched." Pumasok na ako sa driver's seat. Ang bag ko ay ipinatong ko sa katabing upuan. I heard her sighed. [Anak, don't you think it's time for you to go home? Matagal naman na 'yon] Natigilan ako. "Mom, I'll text you nalang okay? I'm meeting someone." [Okay baby, take care, I love you] "I love you too Mom," then I hang up. Nakarating ako sa resto na sinasabi ni Kenjie. Si Kenjie ay isa sa mga mahalagang tao sa buhay ko ngayon. Hindi niya ako iniwan simula pa noong dumating ako rito. Pinoy din siya gaya ko kaya mabilis kaming naging malapit sa isa't isa. "Hey Bella," bati niya nang makita ako. I smiled at him and gave him a kiss on the cheek. "Hey, kanina ka pa?" "Kadarating ko lang," aniya at iniabot na sa akin ang menu. "So, how's work?" tanong ko habang tumitingin sa menu. "Work is fine, by the way, your Mom called, she wanted us to go home," aniya. Nag-angat ako ng tingin sa kanya saka bumuntong hininga. "Yeah, nakausap ko nga siya, may medical mission daw kasi ang hospital namin." He smiled and held my left hand. "Why don't you go home? Ang tagal na din simula ng huli kang umuwi." "I'll think of it okay?" Pilit akong ngumiti. "Okay," sagot niya at ngumiti. Natapos kaming magdinner ni Kenjie ng gabing 'yon. Nang makauwi ay dumiretso kaagad ako sa kwarto. Naupo ako sa kama at pinag-isipang muli ang sinabi ni Mommy. Oras na nga ba para umuwi ako? Should I go home? Dahil sa pagiisip ay hindi ko namalayang hinila na ako ng antok. Kinabukasan ay nagising ako nang maramdamang bumabaliktad ang aking sikmura. Mabilis akong nanakbo papuntang banyo at doon nagsuka. "Ayos ka lang ba apo?" dinig kong tanong ni Nanay mula sa labas. Mabilis akong nagpunas ng bibig. "Opo Nanay, ayos lang ako." Sandali kong pinagmasdan ang sarili sa salamin. Nitong mga nakaraang linggo ay madalas akong mahilo, ngayon naman ay nagsuka ako. Hindi naman ako stress o kulang sa tulog, kaya bakit? Biglang sumagi sa isip ko na ilang buwan na rin akong delayed. Ipinagsawalang bahala ko 'yon dahil gano'n talaga ang period ko minsan. Pero ngayon, nagsisimula na akong magduda kung bakit ganito ang nararamdaman ko. Dumako ang paningin ko sa tyan ko. Napahawak ako roon. Possible bang buntis ako? Mabilis na nanggilid ang luha ko nang maisip ang possibilidad na buntis nga ako. Nasaktan ako nang isiping muli si Carrick at ang lahat ng nangyari sa pagitan namin. Kung maayos lang sana kami, baka hindi ganito, baka ibinalita ko na 'to sa kanya. Pero hindi gano'n ang nangyari eh. We broke up and I left him. Hindi ko siya pinagexplain kaya dapat lang na pangatawanan ko ang ginawa ko. Isa pa I don't want to burden anyone, kung kaya ko naman. Ako nalang. Umalis ako ng bahay matapos kumain ng agahan. Nagpaalam ako kay Nanay na magshoshopping pero ang totoo ay sa doctor talaga ako pumunta. Pinay ang doctor na napuntahan ko, kaya naging madali sa akin ang magpacheck up. Tinanong niya ako sa mga symptoms na nararamdaman ko for the past weeks. Inexamine niya rin ako at pinagtake ng pregnancy test para sure. "I got your results," anunsiyo niya nang muli akong bumalik matapos ang lunch. Kabado akong tumingin sa kanya. "Anong resulta Doc?" Ngumiti siya sa akin saka hinawakan ang kamay ko. "Congratulations you're 8 weeks pregnant!" Natigilan ako at napahawak sa tyan ko. I'm 2 months pregnant. Magiging Mommy na ako! Pero wala munang dapat makaalam. Sa akin nalang muna 'to. Matapos pumunta sa OB ay naggala gala muna ako sa Black Town at tumingin ng mga damit. Sandali pa akong napadaan sa pambatang section kaya naaliw akong tumingin doon. Napangiti ako habang tinitignan 'yong maliliit na damit at sapatos na pang baby. Napahawak na naman ako sa tyan ko. Ano kayang magiging gender ng anak ko? Lalaki o Babae? Gusto ko sana, lalaki ang maging panganay ko para kapag nagkaroon ako ng isa pang anak, may magtatanggol sa kanya/kanila. Ayos lang din naman sa akin kung babae ang una para may maaayusan ako, kahit anong ibigay ng panginoon ay tatanggapin ko. Anak ko pa rin naman ito kahit na anong mangyari. Nang mapagod sa kalilibot sa Black Town ay nagtungo ako sa McDo, umorder ako ng burger and chips! Namiss kong kumain nito eh. Sarap na sarap ako sa kinakain hanggang sa dumako ang paningin ko sa labas. Natigilan ako nang may makakita ng pamilyar na mukha. Muli ko pang ipinikit ang mata ko pero pagdilat ko, wala na 'to roon sa kinatatayuan niya. Am I imagining things o totoong nakita ko siya? Pero impossible naman na pumunta siya rito, wala namang pinagsabihan sina Mommy tungkol sa pamamalagi ko rito...
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD