Kabanata 15
Singsing
Hanggang ngayon ay pala isipan pa rin sa akin 'yong lalaking nakita ko sa labas ng McDo no'ng isang araw. Pakiramdam ko ay nakita ko na siya sa kung saan at ang pamilyar niya masyado, hindi ko lang talaga matukoy kung saan dahil hindi rin naman gaanong malinaw ang itsura niya mula sa pwesto ko. Bukod doon ay nandoon siya sa tawid kaya malabong makita ko ang mismong itsura niya.
Baka nga nag-iimagine lang ako, napakaimpossible naman kasi na may nakakaalam ng kinaroroonan ko. My parents assured me na walang nakakaalam, miski ang mga Montefalco, kaya malabo talaga.
Hindi ko rin maisip ang dahilan kung sakaling tauhan nga ng mga Montefalco 'yon, I mean bakit naman nila ako pasusundan at pamamatiyagan dito diba?
Naputol lang ang pag-iisip ko nang maramdamang may kumalabit sa akin. Nag tignan ko kung sino 'yon...si Olivia pala, kasamahan kong nurse rito. Pinay din gaya ko.
"What?" tanong ko at tumingin sa kanya.
Ngumiwi siya. "I've been calling you for so many times na."
Tumaas ang kilay ko. "Why are you calling me?"
"Tsk! Tapos na shift mo hindi ba?" aniya, dahilan para tignan ko ang aking relo.
Napamura ako sa aking isipan nang mapagtantong lagpas 10 mins na matapos ang duty ko pero heto pa rin ako. Nakaupo at tulala sa kung saan! Nakakahiya! Paano nalang kung iba ang nakakita?
Bakit ko pa ba kasi 'yon iniisip? Ano nga bang pakialam ko sa taong 'yon? For sure...wala lang 'yon. Ako na ang kusang pumutol sa pag-iisip kong 'yon.
I know where this is leading me. Umaasa ako na baka kontektado ang taong 'yon sa mga Montefalco, na baka pinasusundan ako ni Carrick dito, umaasa ako na hahabol siya at magpapaliwanag sa akin. Pero ayokong saktan ang sarili ko kaya ako na rin ang kusang tumapos sa isiping 'yon.
"Tulala ka aba!" asik niya at naupo sa tabi ko.
Gano'n ba kalaki ang epekto sa akin ni Carrick at ng mga Montefalco? Nakakahiya!
Ako ang babae pero ako ang mas higit na nakararamdam ng ganito. Hays!
I let out a sigh. "I'm sorry, may iniisip lang."
"Look...naninibago kasi ako sa 'yo eh, kanina tulala ka rin," Sandali siyang huminto at kinapa pa ang noo ko. Iiling-iling siyang tumingin sa akin. "Wala ka namang sakit."
"Wala naman talaga," maagap kong sagot at bahagyang lumayo sa kanya.
"What's bothering you?" tanong niya. Mukhang walang balak tumigil hangga't hindi nalalaman ang nasa isip ko.
"Wala nga," tanggi ko.
Pinanliitan niya ako ng mata. "Sus! Hindi mo 'ko maloloko!"
She's right, hindi ko nga siya maloloko. Sa ilang buwan kong pananatili rito ay isa siya sa mga nakapag-palagayan ko ng loob. Naging kaibigan ko at malapit sa akin. Bukod pa roon, magkaibigan ang mga magulang namin.
"Wala nga," tanggi ko ulit.
Inirapan niya ako. "Tss! Sasabihin ko 'yan kina Tita at Tito," umakto siyang kukunin na ang cellphone sa bulsa nang pigilan ko.
"Sasabihin ko na okay?" mataray kong tugon.
Mabilis siyang humarap sa akin at ngumiti. Pinagtaas baba niya pa ang parehong kilay.
Bumuntong ako saka nagsimulang magkwento. I told her everything, well except the fact that I consulted an OB and found out that I'm pregnant with Carrick's baby.
Olivia knew Carrick, nabanggit ko 'yon sa kanya. Iyon nga lang, hindi ko alam kung anong itsura nito sa isipan niya. Wala naman akong litrato ni Carrick kaya wala akong maipakita sa kanya. Hindi ko rin alam kung may social media account siya, 'cause knowing him? Masyado siyang abala sa pagpapalayo ng negosyo nila.
Nahampas niya ako matapos magkwento. Awtomatiko namang sumama ang mukha ko dahil doon.
"Bakit hindi mo sinabi kina Tita? Paano nalang kung masamang tao pala 'yong nakita mo?"
"I'm not sure okay? Baka nga nag-iimagine lang ako," paliwanag ko para hindi na rin siya magalala masyado.
She sighed and held both of my hands. "Okay, pero kapag nakita mo ulit 'yong lalaki na 'yon, just let me know."
Tumango ako at nginitian siya. "Thank you, just promise me na hindi ito makakarating kina Mommy, you know her, ayokong magalala pa siya."
"Sure, makakaasa ka sa akin," sagot niya naman kaagad.
Matapos ang usapan namin ni Olivia ay saka pa lamang ako nagtungo sa locker room upang magbihis.
Hindi ko dala ang sasakyan ko kaya kinailangan kong maglakad papunta sa bus stop at doon maghintay. Gabi na pero ayos lang naman kasi may mga bus pa rin ng ganitong oras. Ilang minuto lang at may dumating na rin. Nang saktong pagtayo ko, biglang tumunog ang phone ko. Binuksan ko ito at may nabasang text mula sa unregistered number.
From: 0912*******
Binibini, kailan ba kita muling makikita? Ako'y nasasabik sa 'yo, sa yakap at lambing mo.
Napangiwi ako sa nabasa. Hindi ko na lamang nireplayan dahil hindi ko naman siya kilala.
Kaunti nalang at iisipin kong si Carrick iyon, pero hindi naman siya ganoon magmessage. Saka hindi niya alam ang number ko. Anyways medyo malamig ngayon dito sa Australia, kaya naman balot na balot ako.
Kinabukasan ay nagsuka na naman ako. Hindi na bago 'yon lalo na at alam kong buntis ako. I just have to bare with it though.
Natapos akong maligo at mag-ayos. Ngunit gano'n nalang ang gulat ko nang maabutan si Kenjie roon sa may living room. Nakaupo at sumisimsim ng kape. Hindi na ako magtataka kung paano siya nakapasok, he has his own keys!
"Hey good morning," bati ko sa kanya. Naupo ako sa tabi niya.
Awtomatiko namang dumako sa akin ang paningin niya. "Hey beautiful, good morning," bati niya at inilapag ang tasang iniinuman sa lamesa.
Natawa ako sa sinabi niya. "Beautiful ka riyan? Aga aga nambobola ka ha!"
"Hindi ako nambobola, nagsasabi lang ako ng totoo," sagot niya at ngumiti.
Grr! Gusto ko siyang kurutin sa pisngi! Napakalalim ng dimple niya, napakapula ng kanyang labi, ang tangos tangos ng ilong at naniningkit ang mga mata!
Aish, what's happening to me?
"You okay?" tanong niya.
Mabilis akong tumango at ngumiti. "Ah yes."
"Kumain kana ba ng breakfast?"
"Hindi pa," sagot ko, walang pagaalinlangan.
Ngumiti siya at ginulo ang buhok ko. "What do you want to eat?"
Inilagay ko ang hintuturo sa baba ng aking mukha na animong nag-iisip. Ano nga bang gusto kong kainin?
"Hmm?" tanong niya nang hindi ako makasagot agad.
"Hmm, I want..."
"You want what?" tanong niya, nakangiti pa rin.
"I want pancakes." Sinabi ko 'yon habang nakangiti ng pagkalapad lapad, labas ang lahat ng ngipin.
Muli na naman siyang natawa sa reaksyon ko. "Okay then, you want me to cook for you? O sa resto nalang?"
"Cook for me."
"Okay, your request is my command," aniya at ngumiti.
Pinagmasdan kong magluto si Kenjie, kumakanta kanta pa siya habang ginagawa 'yon. Para bang gustong gusto niya ang ginagawa. Hindi manlang siya nagreklamo nang sabihin kong ipagluto niya ako.
Matapos ang ilang minuto ay inilapag na niya sa harapan ko ang isang plato na naglalaman ng tatlong pancake na magkakapatong, may chocolate syrup 'yon sa ibabaw at strawberries sa gilid! Mouth watering!
"O my gosh!" Hindi ko napigilang tumili nang tikman ang niluto niya! Napakasarap no'n. Pakiramdam ko ay kaya kong umubos ng higit pa sa tatlong gano'n!
Naupo siya sa tabi ko at ipinagsalin ako ng gatas sa mug. "So...how was it?" tanong niya habang nagtataas baba ng kilay.
Mabilis ko siyang hinarap at nginitian. "Ang sarap!" sabi ko at muling sumubo no'n.
Paulit ulit kong ninanamnam 'yon sa bibig ko habang ngumunguya, sarap na sarap talaga ako ro'n! Pakiramdam ko ay hahanap hanapin ko 'to sa araw araw!
"Meron pa ba?" tanong ko habang nakangiti. Naubos ko na ang hinanda niya at gusto ko pa ulit!
"Why?" tanong niya, pinipigilang matawa.
Ngumuso ako. "Gusto ko pa."
"Okay, gagawa ulit ako," aniya at iling-iling na pinunasan ang gilid ng labi ko gamit ang kanyang hinlalaki. "Ang kalat mong kumain."
"Sorry," sabi ko at mabilis na nag-iwas ng tingin.
Tatawa-tawa siyang tumayo at nagluto ulit. Gaya kanina, mabilis kong naubos ang inihanda niyang pancakes, ninamnam ko 'yon ng paulit ulit. Nanghinayang ako ng maubos 'yon, pero hindi ko pinahalata. Nahiya na kasi akong magrequest ulit kay Kenjie dahil paniguradong napapagod na siya.
Matapos kumain ng breakfast ay nagtungo ulit kami sa living room at nanood ng movie. Magkatabi kami at nakaakbay siya sa akin. Walang kaso 'yon dahil sanay na ako sa kanya.
Pero imbes na sa movie mapunta ang atensyon ko ay sa kanya 'yon napunta at nabaling. Tinignan niya ako at nginitian nang maramdaman ang titig ko.
"Why?" tanong niya.
"Ang gwapo mo." Wala sa sarili ko 'yong nasabi!
Nagulat siya sa sinabi ko at muling ginulo ang buhok ko. "I know that already."
Ngumiwi ako. "Tsk, yabang."
"Shhh, manood nalang tayo," aniya at isinenyas ang tv.
Nang sumapit ang tanghalian ay nagyaya na si Kenjie na lumabas. Syempre, kumain muna kami, hinayaan niya akong mamili ng kakaininan at siya na rin ang nagbayad no'n! Matapos 'yon ay naglibot libot kami sa World Square.
Pero bigla akong nakaramdam ng kaba. Pakiramdam ko ay may sumusunod sa amin. Abala si Kenjie sa pagtingin ng relo kaya pasimple kong iginala ang paningin sa paligid, pero wala akong nakitang kakaiba roon. Nag-iimagine na naman ba ako?
Bumuntong hininga ako pero gano'n din kabilis nagulat nang may humawak sa braso ko, to found out that it's Kenjie. Medyo nakahinga ako ng maluwag doon.
"Are you okay?" tanong niya, bakas sa mukha niya ang pagaalala.
"Yes, nagulat lang ako," sagot ko at alaganganing ngumiti. Muli ko na namang iginala ang paningin sa paligid bago ibinalik kay Kenjie.
"May gusto ka bang bilhin dito?" tanong niya habang hawak hawak ako sa bewang.
Ngumisi ako. "Bakit? Bibilhin mo para sa akin?"
Tumango siya at seryosong tumingin doon sa mga singsing na nasa harap namin. I like jewelries a lot, isa 'yon sa mga luho ko.
Ngumiwi ako nang makitang seryoso nga siya. "Hey, you don't have to! Napakarami mo ng nagastos ngayong araw."
Tumingin siya sa akin at ngumiti. "It's okay, minsan lang naman."
"You sure?" nagaalangan kong tanong.
"Sure."
Namili ako sa mga singsing na nasa harapan namin. Napili ko 'yong iisa lang ang bato at simple tignan. Nakangiti ko pa 'yong isinukat sa aking daliri, ngunit gano'n nalang kabilis napawi ang ngiti ko nang may maalala.
Si Carrick ang kasama ko sa ganitong store dati, bumili rin kami ng singsing no'n!
Mabilis kong tinanggal ang singsing at ibinalik doon sa babae.
"Are you going to buy this Ma'am?" tanong no'ng babae.
"Nope," mabilis kong sagot.
Awtomatiko namang dumako sa akin ang paningin ni Kenjie. "Why? Akala ko gusto mo 'yan?"
"Ah nagbago na isip ko, kain nalang tayo ng ice cream."
He sighed. Muli niyang sinulyapan 'yong singsing bago nagpahila sa akin. We ended up eating ice cream sa isang sikat na store dito sa mall.
"Bella," tawag ni Kenjie sa akin.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Bakit?"
"May titignan lang ako sa department store sandali, dito ka lang muna ha?" aniya na nakatayo na.
"Sige."
Nang maubos ko ang ice cream ay saka pa lamang bumalik si Kenjie.
"Tapos kanang kumain?" tanong niya nang maupo sa harapan ko.
Tumango ako. "Oo, katatapos lang, natignan mo na ba 'yong sinasabi mo?"
"Oo, may gusto ka pa bang puntahan?"
"Hmm, gusto ko sanang pumunta sa salon."
"Magpapagupit ka?"
"Oo."
"Hanggang saan?"
"Basta maikli." Natawa ako, saka naunang tumayo.
Pumunta kami sa salon. Agad naman akong nilapitan ng isa sa staff doon. Iginiya niya ako sa isang upuan, kaya sumunod naman ako. Tinanong niya ako kung anong gupit ang gusto ko at itinuro ko iyong natipuhan ko sa magazine.
"Tara na?" tanong ni Kenjie matapos kong magpagupit.
Napatingin ako sa cellphone ko. Malapit ng maggabi! Lumalamig na rin, kailangan na naming umuwi. "Oo, tara."
Inihatid ako ni Kenjie sa bahay, akmang baba na ako ng sasakyan niya nang pigilan niya ako.
"What is it?" tanong ko kaagad.
He just smiled. May dinukot siya sa kanya bulsa kaya awtomatiko namang dumako roon ang paningin ko. It's a small blue box! Batid kong singsing o hikaw ang laman no'n!
Gulat ko siyang tinignan nang buksan niya ang maliit na box. Singsing ang laman no'n! Iyon 'yong sinukat ko kanina sa mall! Paanong—o my gosh! Kaya siya nagpaalam sa akin kanina ay dahil bibilhin niya 'yon! Bakit ba, hindi ko manlang iyon naisip?
Bago pa man ako makapagsalita ay naunahan na niya ako. "Bella, wear this ring always, okay?" aniya.
Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. Kusa akong tumango na naging dahilan ng pag-ngiti niya. Nakangiti niyang isinuot sa kaliwang kamay ko ang singsing, doon sa parte kung saan nakasuot ang wedding ring at engagement ring na binili noon ni Carrick.
"Bagay sa 'yo," aniya habang ang paningin ay naroon sa kamay ko. Ilang segundo pa ang lumipas bago niya 'yon tuluyang binitawan.
"Thanks for this Kenjie, this is too much pero alam ko namang magagalit ka kapag binalik ko, kaya I'll keep it nalang," sabi ko at sinulyapan saglit ang kaliwang kamay ko.
Para na akong engage nito eh! Pero wala lang naman 'to, he's just giving me this bilang regalo, wala ng iba pang dahilan.
"Don't just keep it, wear it everyday," aniya at lumapit ng bahagya para halikan ako sa noo.
Napangiti ako sa ginawa niyang 'yon. He made me feel special at all times. He never fails to amaze me every single day. He's such an ideal guy na kahit sinong babae ay mahuhulog.
He's not just handsome, mabait din siya.
"I will, thank you," sagot ko at nginitian siya.
Pagpasok ko palang kinabukasan ay agaw atensyon na ang bagong look ko pero syempre mas napansin nila iyong singsing na suot ko. Marami ang nagtatanong kung kanino galing, of course I told them that it's from Kenjie.
Almost all of my colleagues knew him kaya gano'n nalang ako kung umamin, palagi ba naman akong pinupuntahan dito at dinadalhan ng kung ano ano eh.
Ang iba ay natuwa, karamihan ay kinilig. Ginigiit pa nila na nagpropose na raw si Kenjie sa akin. I denied it kasi hindi naman totoo pero hindi sila naniniwala!
"Patingin nga ng singsing mo," biglang ani Olivia nang maupo sa tabi ko.
Breaktime namin ngayon kaya nandito kami sa ibaba, sa cafeteria.
Bahagya kong inangat ang kamay ko. Mabilis niya naman 'yong kinuha at pinakatitigan.
"O my gosh!" tili niya at tumingin sa akin.
Nangunot ang noo ko. "Bakit na naman?"
"You're engaged!" muli na naman niyang sinabi.
Pero gano'n kabilis kong tinakpan ang bibig niya. Baka may ibang makarinig at isiping totoo nga ang kumakalat na balita na engaged na ako, hindi ko pwedeng hayaan na gano'n ang isipin ng mga katrabaho ko. There's nothing going on between me and Kenjie. Ganoon lang talaga siya sa akin. Natural lang 'yon.
"I'm not engaged," seryoso ko 'yong sinabi.
Awtomatiko namang nanliit ang mata niya. "Sus, dinedeny pa."
I rolled my eyes. "Hindi naman kasi talaga," giit ko.
Ngumiwi siya. "Oh sige nga, paano mo ieexplain sa akin 'yang engagement ring?" tanong niya at tinaasan pa ako ng isang kilay.
"This is not an engagement ring okay? Nagpunta kami kasi sa mall kahapon, he asked me kung anong gusto ko kaya ayan, binili niya para sa akin," kwento ko.
"Sus, hindi mo manlang tinanong kung bakit niya 'yan binili?"
"Iyon na nga mismo ang sagot, dahil gusto ko."
Nasapo niya ang noo at basta nalang sumandal sa upuan. "Tumanggi ka ba?"
"Oo naman, pero nagulat nalang ako, binili niya pa rin."
"May something si Kenjie sa 'yo gaga!" aniya at kinagatan na ang kanyang sandwich.
Umiling ako. "Wala, ganoon lang talaga kami sa isa't isa."
"Ewan ko sa 'yo, kita mo, binabakuran kana nga oh, binilhan ka ng singsing," giit niya na namang muli.
I sighed. "Stop it Via, wala nga 'yang ibang ibig sabihin, he's just like that, thoughtful and very caring."
Nagkibit balikat siya. "Sabi mo eh, pero sinasabi ko sa 'yo, 'yang ganyang galawan nako nako."
Natapos ang duty ko nang araw na 'yon, sabay kaming umuwi ni Via at parehas kaming walang sasakyan, pero gano'n nalang ang gulat namin nang maabutan si Kenjie sa labas, nakasandal siya do'n sa Tesla niyang kulay itim!
Siniko ako ng loka loka kong kaibigan nang tignan kami ni Kenjie at ngitian. He even opened the car door for me and Via!
"Sabihin mo sa akin na wala lang din 'yan," bulong niya habang papalapit kami sa kotse ni Kenjie.
Here she goes again. Kailan ba siya titigil? Nauubusan na ako ng pasensya. Masyado niyang binibigyan ng kahulugan 'yong ginagawa ni Kenjie.
"Wala nga," asik ko.
Binigyan niya lang ako ng nanunuksong tingin bago tuluyang pumasok sa back seat ng sasakyan.