Kabanata 16
Asawa
Panay ang sulyap sa akin ni Olivia sa gitna ng aming byahe pauwi. Binibigyan niya ako ng nakakalokong ngiti, iyong nanunukso. Tanging irap lang ang iginanti ko sa kanya.
Nagkamali ako nang isiping uuwi kami agad dahil nagyaya pa si Kenjie na kumain sa labas, hinayaan niya na naman akong mamili ng kakainan kaya naman lalo akong inasar ni Via.
"Madalas kayo rito?" tanong bigla ni Via habang kumakain.
Napagdesisyunan ko kasing dito kami kumain sa isang sikat na steak house.
"Hindi naman, minsan lang," sagot ni Kenjie bago sumubo ng steak na hiniwa niya.
Tumango tango si Via at sinulyapan ako. "Nga pala Kenjie, nakumbinsi mo ba 'tong si Bella na umuwi?"
Awtomatikong sumama ang mukha ko dahil sa tanong ni Via! Bakit naman kailangan niya pa 'yong itanong dito? Can't it wait?
Sumulyap sandali sa akin si Kenjie kaya napalitan bigla ang ekspresyon ko! Ngisi ngisi akong tinignan ulit ni Via!
"Yeah, nakausap ko na siya about do'n no'ng araw na tinawagan ako ni Tita," sagot ni Kenjie.
Binalingan ako ni Via matapos makakuha ng sagot mula kay Kenjie. "So ano Bella? Uuwi kana ba?"
Nagkibit balikat ako. "I don't know, pinag-iisipan ko pa, saka may trabaho ako eh."
"Umuwi kana, sasamahan kita," aniya na animong excited pa kaysa sa akin. Narinig ko pang natawa si Kenjie sa aking tabi.
Tumaas ang isa kong kilay. "Sasama ka? Pwede ba? Paano tayo makapagpapaalam sa hospital aber?"
Nginitian niya ako ng pagkalapad lapad. "Ako na ang bahala, basta umuwi ka ha! Sabay na tayong magpaalam bukas."
Nangyari ang sinabi ni Via kinabukasan, nagpaalam kami sa hospital at sinabing magbabakasyon lang sandali, hindi ko alam kung paanong pumayag sila pero hindi na rin masama dahil paniguradong matutuwa sina Mommy kapag nalaman ito.
Kauuwi ko lang ng bahay nang salubungin ako ng aking Lola, pero I call her Nanay. Siya ang kasa-kasama ko sa Australia dahil busy ang mga magulang ko sa Pilipinas kaya hindi nila ako masamahan dito sa mga oras na ito.
Nakangiti siya nang lumapit sa akin. "Buti naman at nakauwi kana."
Tumango ako at yumakap sa kanya. "Hmm, anong oras ka po dumating?"
Umalis kasi si Nanay kanina. Ang sabi niya'y maggagala lang siya kaya hinayaan ko na. Sasamahan ko sana siya pero ayaw niya naman daw akong maabala kaya hindi ko na rin ipinilit pa.
"Kanina lang," sagot niya. Naupo kami sandali sa sofa at nagkwentuhan tungkol sa nangyari sa buong araw ko.
Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa trabaho. Isa na akong nurse rito. Pero next week ay nagbabalak akong umuwi ng Pilipinas, gusto kong pagbigyan si Mommy. I want to spend some time with them. Sapat na siguro 'yong mahigit 2 buwan akong lumayo sa kanila.
"Arabella oh," anang isa sa kasamahan kong nurse na si Ashley. Gaya ko, isa rin siyang Pinay.
Nilingon ko siya sandali pagkatapos ay ibinalik sa chart ang paningin.
"Ano 'yon?" tanong ko.
She handed me a cup of coffee at isang box ng slice cake.
Kunot-noo ko siyang sinulyapan saka ibinalik ulit sa chart ang paningin. "Ano 'yan?"
"Kape at cak—" Hindi pa siya natatapos ay pinutol ko na agad.
Tinapos ko ang charting at nilingon siya. "Alam kong kape at cake 'yan."
Natigilan siya at hindi nakapagsalita.
"Ang ibig kong sabihin ay bakit may ganyan?" paglilinaw ko.
"Pagkain ang tawag dito Bella," aniya at ngumiwi.
I raised a brow. "Oh, bakit nga may pagkain?"
"May nagpapabigay," sagot niya, na nakabungisngis pa. Paniguradong kinikilig na naman siya.
"Sino?"
Nagkibit balikat siya at inilagay sa tabi ko 'yong kape at box ng slice cake.
Sandali ko 'yong sinulyapan. "Sa 'yo nalang 'yan," pagtanggi ko at tinalikuran na siya.
Sa ilang buwan kong pagtatrabaho rito ay hindi na bago sa akin ang mga ganyan, iyong mga nagpapadala ng pagkain at ng kung ano ano pa. Nasanay na ako. Kadalasan ay ibinibigay ko sa mga katrabaho ko dahil ayokong tumanggap ng ganoon sa kung sino lang.
Naglalakad ako sa hallway nang biglang may tumabi sa akin. Siniko niya ako.
"Uy Bella," ani Nicole, isa sa mga kasamahan kong nurse na Pinay din.
Nilingon ko siya. "Bakit?"
"Balita ko'y may nagpadala na naman sa 'yo ah," aniya, sa paraan palang ng pananalita niya ay halata ng nanunukso.
"Oo nga," kaswal kong sagot, hindi na lamang pinansin ang panunukso sa kanyang boses.
"Hindi mo manlang ba aalamin kung sinong nagpapadala no'n?" tanong niya.
Umiling ako. "Wala akong panahon na alamin kung sino siya."
Ngumuso siya. "Eh paano kung gusto ka talaga niya?"
Natigilan ako sa paglalakad saka siya hinarap. "Kung gusto niya talaga ako, harapin niya ako at magpakilala siya mismo."
"Eh baka natotorpe," sabi pa niya.
Nagkibit balikat ako at niyaya nalang siyang pumunta sa may locker upang makapagbihis na. Kailangan na naming umuwi. Tapos na ang shift namin sa araw na 'to.
Isa si Nicole sa mga malalapit kong kaibigan na nurse rito sa hospital, bukod kay Via ay siya ang kasa-kasama ko sa araw araw.
"Bella, may dadaanan ka pa ba bago umuwi?" tanong niya nang makalabas kami ng hospital. Narito na kami sa labas, sa may parking, kung saan nandoon ang aming sasakyan.
Pumunta kami sa tapat ng kanya kanyang kotse. Binuksan ko ang pinto ng sariling sasakyan at saka siya hinarap.
"Bakit?"
"Yayayain sana kita," nakangiting aniya.
Sandali akong nag-isip. Hindi ako pwede ngayon. Nagtext si Nanay, nagyaya siyang magdinner kaming dalawa. Kaming dalawa lang kasi ni Nanay sa bahay, ayoko namang mapagod siyang magluto dahil may katandaan na rin.
"May dinner kami ni Nanay ngayon e, sorry." I gave her an apologetic smile.
Tumango tango siya at ngumiti. "Sige, sa susunod nalang," aniya at binuksan na ang pinto ng sariling kotse.
"Sige, ingat ka," sabi ko bago tuluyang sumakay sa sariling sasakyan.
Mabilis akong nakarating sa resto na sinasabi ni Nanay, nagulat pa nga ako ng sabihin niyang mauuna na siya roon para hintayin ako.
Iginiya ako no'ng staff doon sa table na pinareserve ni Nanay. Nandoon na siya nakaupo. May kasama siyang babae.
Akala ko ba'y kaming dalawa lang? Bakit may kasama siyang babae? Sino 'yon?
Hindi ko makita ang mukha ng kasama ni Nanay dahil nakatalikod ito sa gawi ko. Dahan dahan akong lumapit sa kanila.
"Nanay," tawag ko sa aking Lola. Sabay silang lumingon no'ng kasama niya.
Nanlaki ang mata ko ng mamukhaan ang babaeng kasama niya. It's tita Maria, no... she's Senyora Maria Montefalco. Tumayo si Nanay at Senyora, sabay silang bumati sa akin.
Bakit nandito sa Australia si Senyora? Kung wala siyang maibibigay na dahilan ay baka isipin kong sinadya niya pa ako rito.
Teka, paano kung pinapasundan pala talaga nila ako? Paano kung alam na nila 'yong tungkol sa pagbubuntis ko? Ano ng gagawin ko?
"Kamusta ka Gab—I mean Arabella? Long time no see," nakangiting bati ng Ginang nang tuluyan akong maupo sa tabi niya.
Mapait akong ngumiti nang banggitin niya ang pangalang Gab. "I'm okay Senyora, kayo po?"
Natawa siya at hinawakan ang kamay ko. "I'm okay, when did you start calling me Senyora? You used to call me tita before ah."
Natigilan ako at hindi nakasagot. I pursed my lips.
"Nako, nahihiya lang 'yan si Bella," nakangiting ani Nanay.
"Gab," tawag ni Senyora.
Muli akong natigilan at tumingin sa kanya. "Arabella po ang pangalan ko, hindi Gab," pigil ang inis kong turan.
Tumango siya at alaganganing ngumiti nang mapahiya.
"Bakit po pala kayo nandito?" tanong ko. Nagkatinginan sina Senyora at Nanay.
"May inasikaso akong business, sakto namang nakasalubong ko si Tita Virgie, inimbitahan niya ako," paliwanag ni Senyora. Tumango ako at hindi na nagsalita pa.
"My son is getting married," biglang sinabi ni Senyora habang kumakain.
Sino sa dalawang anak niya ang ikakasal? For sure, it's Carrick!
"Hmm, kailan po?" tanong ko, hindi ipinahalata ang gulat.
"Next week," maagap niyang sagot.
Alanganin akong ngumiti. "Oh wow, pakisabi nalang po congrats."
"Bakit hindi ka nalang ulit pumunta ng Mindoro? Para ikaw mismo ang magsabi niyan sa kaniya?"
Natigilan na naman ako nang maramdamang bumilis ang kabog ng dibdib ko. It's been a long time simula no'ng lisanin ko ang lugar na 'yon. Hindi maganda ang mga pangyayari no'ng naroon ako kaya hindi ko alam kung gugustuhin ko pa bang bumalik doon.
"May trabaho po ako no'n," pagsisinungaling ko.
Biglang nalungkot ang mukha ni Senyora. "Gusto kong nandoon ka anak."
Mapait na naman akong ngumiti ng tawagin niya akong anak.
"I'll try Senyora," sabi ko nalang. Tumango siya at ngumiti.
Hinawakan niya bigla ang kamay ko nang matapos kaming kumain. "We're very sorry sa nangyari noon Arabella, sana ay naghilom na ang sugat dyan sa puso mo."
"Hindi po madaling makalimot Senyora."
"I know, pero sana'y paunlakan mo pa rin ang alok ko," aniya at yumakap na muli sa akin.
Nang makauwi ay pinagsabihan ako ni Nanay. Ang sabi niya'y paunlakan ko na ang alok ng Senyora dahil pupunta din naman daw siya at ang mga magulang ko. Nakakahiya naman daw kung malalaman nilang uuwi ako ng Pilipinas pero hindi bibisita sa kanila.
Mabilis na natapos ang mga araw. Naging smooth ang flight at byahe ko pauwi kasama si Via. Kasalukuyan kaming nandito sa yate ng mga Montefalco. Ipinasundo kami ni Senyora Maria. Tuwang tuwa pa raw ito nang malamang kasama ako, nagpahanda siya ng maraming pagkain. Halos lahat 'yon ay paborito ko.
Biglang bumalik ang mga alaala ko no'ng araw na 'yon nang matanaw ko ang lugar.
Sinalubong kami ng iba pang tauhan ng pamilya nila. Iyon ang naghatid sa amin sa mansyon.
Nanatili akong tahimik at nakasunod lang kay Nanay hanggang sa makarating kami sa loob no'n. Nag-iba ang disenyo ng bahay. Mas gumanda ito. Halatang hindi pinabayaan.
"Gab," rinig kong tawag ng isang pamilyar na tao.
Agad ko siyang nilingon. "It's Arabella, not Gab," pagtatama ko.
Tumango siya at ngumiti para maiwasan ang pagkapahiya. Lumapit siya kay Nanay at yumakap. Pagkatapos ay sa akin.
"It's been a long time," aniya nang humiwalay sa pagkakayakap sa akin. Masyado na nga sigurong mahaba ang halos tatlong buwan kong pagkawala.
"Yeah, I guess so," sagot ko naman.
"Yeah, ang bilis ng panahon 'no?" tanong niya, tinanguan ko na lamang siya bilang sagot.
Nabaling lang kay Via ang atensyon ko nang bigla niya akong sikuhin.
"Ipakilala mo naman ako," bulong niya.
Muntik ko nang makalimutan na kasama ko si Via! Kung bakit naman kasi ngayon lang nagsalita!
Palihim akong natawa at saka hinarap na muli si Travis. "Travis, this is Olivia, my best friend," pagpapakilala ko.
Awtomatiko namang ngumiti si Travis at naglahad ng kamay kay Via. "Nice meeting you," aniya.
"Same here," nakangiting tugon ni Via.
"Anak, you're here," ani Senyora na ngayon ay nasa hagdanan at nakangiti ng napakalapad.
Tinawag niya na naman akong anak pero hindi ko nalang ulit pinansin.
Tuluyan na siyang bumaba ng hagdan at mabilis na yumakap sa akin. "Nagpahanda ako ng maraming pagkain nang malamang kasama ka."
Ngumiti ako. "Salamat po, by the way, isinama ko po ang best friend ko, sana ay ayos lang."
Dumako ang paningin ni Senyora kay Via. Nginitian niya ito. "Of course ayos lang, feel at home kayo."
"Salamat po," sagot ko.
"Wait, have you seen Rhys and Carrick?" tanong nito na siyang nagpakaba sa akin.
Kung ako ang tatanungin, ayos lang kung makita ko si Rhys, pero kung si Carrick...hindi ko alam kung kaya ko na.
Iling lang ang isinagot ko.
Binalingan naman ni Senyora si Travis na ngayon ay nasa tabi ko. "Travis, where's Carrick and Rhys?"
"Nasa labas—ayan na po pala Tita," sagot ni Travis at itinuro ang pintuan. Narinig ko na namang bumilis ang kabog ng dibdib ko.
"Carrick, Rhys, Arabella is here," nakangiting sabi ni Senyora at sandaling sumulyap sa akin. Bakit may kakaiba akong pakiramdam sa nangyayari?
Muli na naman akong siniko ni Via. Mukhang naguguluhan siya kung bakit Gab ang tawag ng iba sa akin. Mas lalong hindi niya kilala si Carrick at Rhys. I'll explain everything to her, later.
Lumapit ang dalawa kay Nanay at bumati. Hindi ko magawang tumingin sa kanila kaya kung saan saan ko iginala ang paningin ko.
"Gab." Nagulat nalang ako nang yumakap sa akin si Rhys.
"It's Arabella, by the way hello," sagot ko at niyakap siya.
"Ang tagal ka naming hindi nakita," aniya dahilan para hindi na naman ako makasagot.
"Nga pala hija, bakit wala ang magulang mo?" tanong ni Senyor Frederick, matapos kong kumalas sa pagkakayakap ni Rhys.
Binalingan ko siya at nginitian. "They need to take care of some matters pa po kaya pinauna na nila kami, but they'll be here later."
Kasalukuyan kaming nanananghalian nang biglang may dumating na isang magandang babae na hindi ko inaasahang makita.
"Good afternoon po," magalang nitong bati, nagawa pang ngumiti, pero nang makita ako ay unti unti iyong napawi.
"Good afternoon Gab," bati ni Senyora, sinenyasan niya itong maupo sa gitna nina Rhys at Carrick, pero hindi manlang siya kumilos at pinanatili ang tingin sa akin.
Binalingan niya si Senyora saka alanganing ngumiti. "Sa ibang araw nalang po siguro ako sasabay sa inyo," aniya at itinuro pa ang daan palabas. "Aalis nalang po ako." Tinalikuran na niya kami, pero nakakailang hakbang palang siya nang bigla akong magdesisyong tumayo.
"Ganyan mo ba i-welcome ang pinsan mo Gab?" tanong ko, kaya natigilan siya at dahan dahan akong nilingon.
"Gab..." mahina niyang tawag sa akin, pero sapat na para marinig ko.
Ngumiti ako ng mapakla nang tawagin niya akong Gab. "It's Arabella. Not Gab or Gabriella, isa pa, hindi ba't ikaw si Gab?" pagtatama ko. Hindi na niya nagawa pang sumagot dahil sa pagkapahiya. "Don't tell me binabati mo ang sarili mo?" sarkastiko kong sinabi na siyang nagpahiya lalo sa kanya.
Sandali kaming natahimik matapos 'yon. Nabasag lang ang katahimikan nang magsalita si Tito Fred.
"Arabella," tawag nito sa akin.
Mabilis akong nag-angat ng tingin sa kanya. "Yes po Senyor?"
Natawa siya. "Call me Tito gaya ng dati, masyadong formal ang Senyor."
Tumango ako at alanganing ngumiti. "Sige po...Tito."
"Nga pala nabanggit ng magulang mo na may medical mission daw kayo?" tanong ni Tito.
Kinuha ko ang table napkin at pinunasan ang aking labi. "Opo, isa 'yon sa dahilan kaya ako umuwi."
"Nabanggit ba nila na dito gagawin ang medical mission?" tanong muli ni Tito.
Natigilan ako. Hindi nabanggit ni Mommy na dito ang medical mission. Sa dinami rami ba naman ng lugar, dito pa?
Umiling ako. "Hindi po nila nabanggit."
"Oh," Tumango si Tito pagkatapos ay ngumiti. "Anyways, kumusta ka? Nabanggit ni Maria na nagkita kayo sa Australia last time."
Naramdaman kong natigilan si Carrick sa pagkain at tumingin sa akin.
Ngumiti ako. "I'm okay Tito, doing better, nurse na po ako sa Australia kaya kailangan ko ring bumalik, I'm just here for a vacation," pagkekwento ko at binalingan si Via na ngayon ay panay ang kain.
That's true, nagbabakasyon lang kami rito, pero babalik din kami sa Australia matapos ang ilang linggo o buwan.
"Sayang naman, sana ay maabutan mo ang kasal ni Rhys." si Tita Maria na ang nagsabi no'n.
Muli na naman akong natigilan. Si Rhys ang ikakasal at hindi si Carrick?
"Eh 'di ba po next week na ang kasal ni Rhys?" naguguluhan kong tanong. How come hindi ko 'yon maaabutan eh next week na?
Ngumiwi si Rhys. "Napostponed, 'yong fianceé ko kasi marami pang inaasikaso."
"Oh, sana nga maabutan ko," sabi ko at sinulyapan sandali si Carrick. Lumakas ang kabog ng dibdib ko nang makitang nakatingin na rin siya sa akin.
"What?" masungit nitong tanong.
"Wala, I thought ikaw ang ikakasal," diretsa kong sinabi.
Natawa siya sa sinabi ko. "Makakaya mo bang makita akong ikasal sa iba?"
Hindi ko inaasahan ang sagot niyang 'yon! Napaka-kapal talaga ng mukha.
Imbes na mainis ay nginitian ko siya ng pagkalapad lapad. "Oo naman, bakit hindi?"
Hindi siya nakasagot. Sumama bigla ang kanyang mukha.
"But Carrick is married," biglang sabat ni Gab. Tsk! Kasali ba siya sa usapan?
Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Oh, kanino?"
Tinapik tapik ni Gab ang kamay ni Carrick na nasa ibabaw ng lamesa. Hindi 'yon nakaligtas sa paningin ko. "Tell her Carrick."
"Hindi na kailangan, hindi naman ako interesado sa asawa niya," sagot ko.
Matapos kumain ay ipinalagay ni Tita Maria ang gamit ko sa dating kwarto na tinutuluyan ko rito, ipinagpilitan ko rin na makasama si Via sa kwarto. Pagpasok palang sa silid ay napansin ko na agad ang pagbabago ng kabuuan no'n. Gumanda at mas naging elegante ang dating.
Inilabas ko lahat ng gamit ko at inilagay 'yon sa cabinet. Nang matapos sa ginagawa ay lumabas ako para magpahangin, si Via ay matutulog lang daw sandali dahil napagod sa byahe kaya hinayaan ko na. Nanatili ako sa garden at nakangiting pinagmasdan ang mga halaman doon.
Naalis lang ang paningin ko roon nang biglang magring ang phone ko. It's Kenjie!
Agad ko 'yong sinagot. Nakavideo call kami.
Nakangiti ko siyang kinawayan. "Hey, kamusta?"
[I'm okay, miss na kita agad]
"Miss na rin kita, sana kasi ay sumama ka nalang dito pauwi."
He sighed. [Gusto ko naman kaya lang hindi ko maiwan ang trabaho ko rito]
"Yes I know, hayaan mo mabilis lang naman ako rito, babalik din ako riyan as soon as possible."
[Take your time, I'll wait, anyways I need to go, tinawagan lang talaga kita para icheck kung okay ka]
"Okay, take care, bye I love you."
[Bye, I love you too] sagot niya bago ibinaba ang tawag.
I sighed. Makakatagal kaya ako rito? Paano kung mahalata nila ang pagbubuntis ko? Alam kong sooner or later magkakaroon na ng umbok ang tyan ko at hindi malabong mapansin nila 'yon.
"So, you're in a relationship with someone?"
Nilingon ko ang nagsabi no'n. "Why do you care? Hindi ba't may asawa kana?"
Natatawa siyang lumapit sa akin. "Oo nga."
"E, di tigilan mo ako," matigas kong sinabi.
"Wala naman akong ginagawa sa 'yo," inosente niyang tugon.
Lalong sumama ang mukha ko. "Babalik na ako sa loob," sabi ko nalang. Sa tingin ko'y hindi ako makakatagal sa isang lugar na kasama siya.
Tsk, ganitong ganito kami dati. Parang aso't pusa.
Hindi pa man ako nakalalayo ay nahuli na niya ang palapulsuhan ko. "Arabella," bulong niya at basta nalang akong niyakap.
Natigilan ako at hindi nakagalaw. "Ano bang ginagawa mo?" tanong ko.
Hindi siya sumagot at basta nalang akong pinakawalan.
Nag-iwas siya ng tingin. "Wala, bumalik kana sa loob."
"Sige," sagot ko at mabilis na pumasok sa loob ng bahay nila.
Nang kinahapunan ay dumating sina Mommy at Daddy. Sinalubong namin sila. Tuwang tuwa rin sila nang makita ako.
"Masaya kami na umuwi si Bella at pinagbigyan kami," nakangiti 'yong sinabi ni Mommy habang kumpleto kaming nagmemeryenda sa hapag.
"Nako Tita, wala pa 'yang balak umuwi kung hindi pa namin kinumbinsi ni Kenjie," sumbong ni Via kaya naman siniko ko siya.
"Bakit nga pala hindi nakasama si Kenjie?" tanong ni Daddy.
Nagkatinginan kami ni Via, sinenyasan niya akong sumagot.
"Busy siya Dad eh, pero gusto niya talagang sumama, sayang nga lang," sagot ko.
"Kami rin, masaya na finally bumalik na siya," ani Tita Maria na hindi ko inaasahan.
Sandali kong inilibot ang paningin sa mga taong nandito sa bahay. Wala yata si Gab at Mama? Where are they?
"May hinahanap ka?" tanong ni Carrick nang mapansin na para akong may hinahanap.
"Ah yeah, I'm just wondering kung bakit wala ang asawa mo ngayon?"
Ramdam kong lahat sila ay natigilan at napunta ang paningin sa akin.
Tumaas ang gilid ng labi ni Carrick. "My wife is here," sagot niya na nasa akin ang paningin.
Nangunot ang noo ko at muling iginala ang paningin sa kabuuan ng hapag. "Where?"
"Here...right in front of me."
Kumabog na naman ang dibdib ko. Is he pertaining to me?