Kabanata 12

2958 Words
Kabanata 12 Balita Maaga akong nagising kinabukasan. Nagulat pa ako nang makitang may nakahanda ng agahan sa kwarto ko. May kasama pa 'yong bulaklak at sulat. Napangiti ako ng isiping si Carrick ang may gawa no'n. Good morning baby, eat your breakfast, ako ang nagprepare niyan. I'll see you later. Ganado kong kinain ang inihanda niyang agahan para sa akin. Mukhang sineryoso nga niya ang sinabi niya. Na he'll make an exception for me. Parte ba ito ng panliligaw niya? Nagsisimula na ba siya? Naputol ang pag-iisip ko nang makarinig ng katok sa pintuan. "Senyorita?" dinig kong tawag ni Manang Rosa mula sa labas. Tumayo ako at pinagbuksan siya ng pinto. "Good morning Manang," masaya kong bati sa kanya. Nginitian niya rin ako. "Mukhang maganda ang gising mo ah." Nakangiti akong tumango. "Sobrang ganda Manang." "Oh paniguradong mas sasaya ka rito sa ibibigay ko," aniya. Nangunot ang noo ko. "Ano po bang ibibigay niyo sa akin?" "Ito," aniya at inilahad sa akin ang isang shopping bag na dala niya. Kinuha ko 'yon at binuksan. Naglalaman 'yon ng isang floral dress! Sinong may bigay nito? Nag-angat ako ng tingin kay Manang. "Sino pong nagbigay nito?" "Si Senyorito Carrick," maagap niyang sagot. "Bakit daw po?" tanong ko, pinipigilang mangiti. Nginitian ako ni Manang. "Isuot mo raw 'yan mamaya kapag pinuntahan mo siya." "Ano po bang meron Manang?" Hindi ko na naitago ang excitement sa boses ko. "Nako, huwag ng maraming tanong, maligo kana at isuot 'yan." "Sige po." Mabilis akong nagtungo sa banyo at naligo. Nang matapos ay isinuot ko ang bigay na floral dress ni Carrick. Inilugay ko ang mahaba kong buhok. Naglagay din ako ng lip tint at cream gaya ng araw araw kong ginagawa. Isinuot ko 'yong white flat shoes ko. Nang makababa ay agad na hinanap ng paningin ko si Carrick sa kabuuan ng bahay pero wala siya roon. Nasaan kaya siya? "Nandoon siya sa labas," bulong ni Rhys. Gulat ko siyang nilingon. Hindi ko manlang namalayan na nasa likuran ko siya! "Rhys..." tawag ko sa pangalan niya, bago ko pa man madugtungan ang sasabihin ay yumakap na siya sa akin. Hindi ko maintindihan pero sa oras na 'yon ay iba ang naramdaman ko, kakaiba ang yakap na 'yon kumpara sa dati. "He'll take care of you," bulong niya saka kumalas sa pagkakayakap sa akin. "Salamat, see yoy later," sagot ko at mabilis na nagtungo sa labas. Naabutan ko roon si Carrick, may hawak siyang isang bungkos ng kulay pulang rosas. Ang suot niya ay halos katerno ng sa akin. May nakaset up ding table for two roon. Dahan dahan akong lumapit sa kanya. "Grabe ka naman pala manligaw," nanunukso kong sabi. Agad siyang lumingon. "You liked it?" "What do you think?" Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Of course you would, I'm a Montefalco," sagot niya, walang balak magyabang. "Thank you Carrick, I love it," bulong ko at yumakap sa kanya. Naramdaman ko nang yakapin niya ako pabalik. Isiniksik niya pa ang ulo sa may leeg ko. "Ang bango mo." Humiwalay ako at ngumiti sa kanya. "Of course, I prepared for you." Matapos ang usapan naming 'yon ay ipinaghila na ako ng upuan ni Carrick, pinagsilbihan niya pa ako. Tuloy ay gusto kong mahiya. Isa siyang Montefalco pero heto siya at ginagawa ang mga ganitong bagay para sa akin. Paano nalang kung malaman ito nina Tita Maria at Tito Fred? Ano nalang ang sasabihin nila? Hindi ko nga alam kung boto ba sila sa akin eh. Hindi ko rin alam kung nababagay ba ako kay Carrick, kasi kung levels ang paguusapan, mas angat naman siya sa akin. Mayaman siya, mahirap ako. Langit siya at lupa ako. Napakahirap niyang abutin. Ang nararapat sa kanya ay 'yong kagaya niyang mayaman at hindi gaya ko na halos wala pa sa kalingkingan niya. Ngayon ko lang ata hihilingin na sana ay ipinanganak nalang akong mayaman para pwede kami. Gusto ko si Carrick, gustong gusto ko siya noon pa man. Hindi naman siya mahirap magustuhan, oo nga at masungit siya pero isa 'yon sa dahilan kung bakit ko siya nagustuhan. Isa 'yon sa mga katangian na gustong gusto ko sa kanya. At dahil sa mga ipinakita niya, mas lalo akong nahulog at napamahal sa kanya. Noong una'y hindi ko pa maamin iyon sa sarili ko, pero iba na ngayon. "What's bothering you?" tanong niya, dahilan para matigil ako sa pag-iisip ko ng kung ano ano. Mabilis akong umiling. "Wala." Kinuha niya ang kamay ko at hinawakan. "Alam kong mayroon, halata naman sa mukha mo." "Huwag mo nalang isipin 'yon." "Tell me," malambing na ani Carrick. I sighed. "Bakit mo ako nagustuhan?" Hinaplos niya ang kamay ko. "Kasi totoo ka sa sarili mo, kakaiba ka," nakangiti niya iyong isinagot. "Look Carrick, hindi tayo bagay eh, mali 'to," sabi ko pa. Nagsimula na naman akong makaramdam ng kung ano ano. Oo nga at ako ang nagsabi no'n pero ang sakit sa dibdib. Nangunot ang noo niya, napabuntong-hininga siya. "Paano mo nasabing hindi tayo bagay? We look good together at walang mali rito," seryosong aniya at lalo pang hinigpitan ang pagkakahawak sa kamay ko. Nakagat ko ang ibabang labi saka nag-iwas ng tingin. "Hindi tayo bagay kasi mayaman ka at mahirap ako, ang nararapat sa 'yo ay 'yong kagaya mo ring mayaman." Dumilim ang kanyang mukha. "Wala akong pakialam, f**k levels Gab." "Carrick..." Muli kong ibinalik ang paningin sa kanya. "Gab, listen to me..." aniya at hinaplos ang mukha ko. "I don't care about levels, ano naman kung mahirap ka? Ano naman kung 'yan ka lang? Mahal kita at gagawin ko ang lahat para sa 'yo, tanggap kita, and I can even marry you right now, kayang kaya kitang buhayin." Hanggang sa makabalik sa bahay ay hindi na nawala sa isip ko ang napag-usapan namin ni Carrick kanina. Ganoon niya ba ako kamahal? Kung banggitin niya ang kasal ay para bang nakikita na niya ang hinaharap, na para bang napaghandaan na niya noon pa man. Sinabi niya rin sa akin na alam nina Tita at Tito ang tungkol sa panliligaw niya sa akin, na boto sila sa akin. Ang inaasahan ko ay magagalit sila at paalisin ako rito pero buong puso pa nila akong tinanggap. Dumaan na naman ang mga araw, linggo at buwan. Walang araw na hindi pinaramdam sa akin ni Carrick kung gaano niya ako kamahal, kung gaano niya kagustong makasama ako. Sa ilang buwan niyang panliligaw, mas nakilala ko pa siya. Hinayaan niya akong mas makilala ang totoong siya. Sa panahong 'yon, alam ko na ang mga gusto at ayaw niya, ang mga bagay na pinagkakaabalahan niya, lahat lahat. Miski yata sikreto niya ay sinabi na niya sa akin. Parang wala na siyang tinatago na kahit ano sa akin. Mas dumalas ang mga araw na wala siya sa tabi ko pero hindi ako lumingon sa iba. Kasi para sa akin, he's more than enough at swerte na ako kasi ang isang Carrick Szczepan Montefalco ay may gusto sa akin. Kahit abala si Carrick sa trabaho, hindi siya nawalan ng oras sa akin. He made sure na magkikita kami bago matapos ang araw, sinisigurado niya na natatawagan niya ako at nakakausap kapag wala siya sa tabi ko. Minsan nga, kahit ilang araw pa siya sa Maynila ay umuuwi siya agad. Ang isang linggo niyang pamamalagi roon ay nagiging tatlong araw nalang. Nakakatuwang isipin na gustong gusto niyang umuwi para makita at makasama ako. Wala na talaga akong mahihiling pa. Sa lahat ng magandang pangyayari sa buhay naming dalawa ay nandoon ang isa't isa. Nandoon ako nang magbukas ang hospital na pinatayo nila. Nandoon ako nang sumapit ang kaarawan nila ni Rhys. Ganoon din naman sila sa akin. Hindi sila nawala sa tabi ko, pinaramdam nila sa akin ang pagmamahal ng isang pamilya na buo. Si Mama ay hindi pa bumabalik dito pero ginagawa lahat nina Tita at Tito para mahanap siya. Sinubukan kong itext siya at tawagan pero wala talaga eh. Sana talaga mahanap na siya. Miss na miss ko na kasi siya. Gusto ko na siyang makita at makasama. Gusto kong ibalita sa kanya lahat lahat ng nangyari habang wala siya. Gusto kong ipaalam sa kanya ang panliligaw ni Carrick sa akin. "Gab," tawag ni Tita Maria sa akin. "Po?" tanong ko. "Kumain na muna tayo, for sure uuwi rin si Carrick," aniya at hinawakan ang kamay ko. Kanina pa kasi hindi macontact si Carrick eh, nag-aalala na ako, baka kung ano ng nangyari sa kanya. Ang sabi niya'y uuwi rin siya ngayong gabi, pero anong oras na ay wala pa siya. Tuloy ay hindi ko maiwasang kabahan. Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Rhys. "Ma, nasa news si Carrick." Mabilis kaming nagtungo sa living room, kung saan nandoon ang tv. Napaamang ang bibig ko nang makitang nagcrash ang helicopter na sinasakyan nina Carrick kanina. Parang tumigil ang mundo ko nang mga oras na 'yon. Nanggilid ang luha ko nang marinig na hindi pa raw sila natatagpuan. Bakit kailangang mangyari 'to? Please, kailangan ko si Carrick, keep him safe! Hindi ko kaya kung pati siya ay mawawala sa akin. "Ang anak ko!" emosyonal na ani Tita Maria, umiiyak na rin siya gaya ko. Mabilis siyang nilapitan ni Tito Fred at niyakap. Si Rhys naman ay lumapit sa akin para aluin ako. "Makakauwi rin si Carrick Ma," ani Rhys. Hindi pwedeng mawala si Carrick, hindi ko pa siya sinasagot, hindi ko pa nasasabi sa kanya kung gaano ko siya mahal. Hindi pwede... "Rhys, si Carrick." Lalo akong humagulgol. "Uuwi rin siya," bulong niya at mas lalo pang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Sumapit ang gabi pero wala na ni isa sa amin ang nakakilos. Nanatili nalang kaming lahat sa living room, naghihintay sa balita. Ilang oras ang lumipas at saka pa lang ulit nagkaroon ng update. Nakahinga kami ng maluwag at nabuhayan nang sabihin sa balita na nakaligtas daw sina Carrick at pauwi na ito ngayon. Panay ang pasasalamat ko sa Diyos nang mga oras na iyon. Nagpapasalamat akong ligtas ang lalaking mahal ko at walang nangyaring masama sa kanya. "Thanked God he's safe." Rinig kong ani Tita Maria, lumapit siya sa akin at yumakap. Thanked God he's safe! Ilang sandali pa ang lumipas at bumukas ang pinto, iniluwa nito si Carrick, may sugat siya sa noo! Pero wala na siyang kung ano pang natamo bukod doon. Unang dumako ang paningin niya sa kanyang pamilya. Tuloy ay napatakip ako sa aking mukha para maitago ang matinding pagiyak. Nang tanggalin ko ang palad sa aking mukha ay nakita kong lumapit sa kanya sina Tita Maria, Tito Fred at Rhys, naging emosyonal pa ang mga ito lalo na nang mahawakan at mayakap si Carrick. Sobrang higpit ng pagkakayakap ni Tita sa kanyang anak. Parang ayaw na niya itong pakawalan pa. "Buti at nakauwi ka," ani Tita Maria. Carrick smiled. "Of course, kailangan kong umuwi dahil nandito kayo." Matapos siyang yakapin ng pamilya ay sa akin naman siya pumunta, hindi pa man siya nakalalapit ay lumuluha na naman ako. "Baby," bulong niya at niyakap ako ng mahigpit, naramdaman ko pang hinalikan niya ako sa ulo. "I'm so scared Carrick, takot na takot ako na baka hindi kana makauwi." Hagulgol ko at napatakip na muli sa aking mukha. Mas lalo niyang hinigpitan ang pagkakayakap sa akin. Hinahagod niya ang likuran ko para pakalmahin ako. "Baby, it's okay, nandito na ako." "Why would you scare me like that?" tanong ko habang lumuluha pa rin. Tinanggal niya ang palad ko na nagtatakip sa aking mukha. He quickly wiped off my tears. "I'm sorry, hindi na mauulit, nakauwi naman na ako hindi ba?" "I love you Carrick." Iyon ang isinagot ko. Nakita ko pang nagulat siya. "What?" tanong niya, nakakunot ang noo. I carresed his face. "I love you Carrick." Nakangiti siyang tumitig sa akin. "I love you too, does this mean sinasagot mo na ako?" Mabilis akong tumango at ginawaran siya ng halik sa labi. Wala na akong pakialam kung anong isipin ng pamilya niya. Basta ang mahalaga, siya at ang nararamdaman namin para sa isa't isa. "Congratulations, hindi na ako makapaghintay sa kasal niyo!" masayang ani Tita Maria, ang bilis magbago ng mood! Parang hindi umiyak kanina ah? Grabe, napakaweirdo talaga ng pamilya nila. Bumitaw ako sa halik at muli na namang niyakap si Carrick. Maya maya ay humiwalay siya at nakangiting hinarap ang ama, ina at kapatid. "Kung ako ang tatanungin ay gusto ko na siyang pakasalan agad." Dinig kong sinabi ni Carrick sa kanyang pamilya. Lalo kong inisiksik ang ulo sa kanyang balikat, nakakainis! Paano niya nagagawang sabihin 'yon ng gano'n gano'n lang sa kanyang pamilya? Nakakahiya! "Just tell me anak, I'll call an attorney right away," tugon ni Tito Fred. Nahampas ko si Carrick sa braso, pero ganoon niya rin kabilis iginapang ang kamay pababa sa bewang ko, sa ganoong paraan niya ako niyakap. Hindi umalis si Carrick sa tabi ko, magkatabi kami sa hapag. Tabi rin kaming matutulog sa kama. Magkayakap kami habang nakahiga sa kama ngayon, nilalaro niya ang buhok ko. "I want to marry you right now," bulong niya at muli na namang hinalikan ang ulo ko. "Ilang beses mo ng sinabi 'yan," nakanguso kong sinabi. "Gusto mo totohanin ko na?" Nag-angat ako ng tingin sa kanya. "Darating din naman tayo roon, let's trust the process," sabi ko at dinampian siya ng halik sa labi. Natawa siya. "Okay, no pressure baby." "Natakot talaga ako kanina Carrick," sabi ko. Bigla ko na naman kasing naalala iyong nangyari kanina. Hindi ko talaga alam ang gagawin kung sakaling may mangyaring masama sa kanya. "I know, I'm sorry." "Ang dami kong narealize kanina." "Ano-ano?" "Na hindi pa pala kita nasasagot, na hindi ko pa nasasabi sa 'yo kung gaano kita kamahal." Ngumisi siya. "Kahit naman hindi mo sabihin, alam kong mahal mo 'ko." Tinaasan ko siya ng isang kilay. "Really?" "Yes baby, I can feel it..." aniya at hinalikan ang kamay ko na nakapulupot sa bewang niya. "Natakot din ako kanina, akala ko hindi na kita makikita at makakasama, I'm dreaming of living in the same roof with you, building a family with you." Sinabi niya 'yon sa paraan na para bang nakikita na niya ang future namin na magkasama. Nakakatuwang isipin na nandoon ako sa future na pinaplano niya. Kinabukasan ay nagising ako na katabi si Carrick, maaga akong bumangon upang ipaghanda siya ng agahan. I prepared his favorite coffee, 'yong may cream. I cooked some pancakes, nilagyan ko 'yon ng maple syrup. And of course, banana. Inilagay ko ang mga 'yon sa tray at dahan dahang dinala sa kwarto niya. Nang pumasok ako sa loob ay saktong kagigising niya lang. "Good morning," bati ko nang maupo sa kama. Inilapag ko ang tray sa gilid niya. "Wala ka sa tabi ko paggising," nakasimangot na aniya. Natawa ako at iniabot sa kanya ang kape na ginawa ko. "Here, drink this, I prepared this for you." Kinuha niya ang kape at dahan dahan 'yong sinimsim. Sandali niya pang sinulyapan ang tray na dala ko. "Hindi na ako makapaghintay na pakasalan ka, waking up next to you every morning, is one of the best thing." Natawa ako. "Here you go again, kasal na naman." Natawa rin siya. "I'm sorry baby, no pressure." Pinagsaluhan namin ang ginawa kong almusal, pagkatapos ay magkasama kaming bumaba upang batiin ang kanyang pamilya. "Carrick," ani Tita Maria. "Yes Ma?" "Kamusta ang hospital mo?" tanong ni Tita. Speaking of which, base sa mga narinig ko, Carrick's hospital is doing great, bumabaha ng aplikante. Minsan ay pumupunta kami roon para tumulong. "Maayos naman Ma, doing great," sagot ni Carrick at bumaling sa akin. Tumango tango si Tita. "That's great, I heard magkakaroon kayo ng medical mission, kailan 'yon?" "Yes Ma, next week." Naging abala kami nang mga sumunod na araw, kaya hindi na naman namin napansin ang paglipas ng oras. "Ate ganda, masakit po ba magpabunot?" tanong no'ng batang babae na nandito sa harap ko ngayon. I'm currently checking her breathing. Hinarap ko siya nang matapos sa ginagawa. "Hindi naman, bakit?" "Natatakot po kasi ako," aniya at sumimangot. I held her hands. "Ayos lang 'yan, kapag nabunutan ka ay pwede ka namang kumain ng ice cream." Lumiwanag ang kanyang mukha nang marinig ang ice cream. "Talaga po?" Ngumiti ako at tumango. "Oo naman." Magsasalita na sana ulit ang bata nang biglang lumapit si Carrick sa akin at hawakan ako sa bewang. He's wearing a white coat, ang gwapo niya lalo tignan sa ganoon. "Boyfriend mo po si Doc Carrick?" tanong ng bata. Sinulyapan ko sandali si Carrick bago hinarap ulit ang bata. "Oo." "Magpapakasal na po kayo?" tanong nitong muli. "Oo, soon." si Carrick na ang sumagot no'n. Tinapunan ko siya ng tingin pero ngiti lang ang isinagot niya sa akin. Natapos ang medical mission namin nang araw na 'yon, nakakapagod pero masaya kasi maraming tao ang natulungan namin at napasaya. "Nag-enjoy ka?" tanong ni Carrick nang makabalik kami sa bahay nila. "Yes," sagot ko at naupo sa sofa. Isinandal ko ang ulo ko roon at sandaling pumikit. Naramdaman ko nang umupo siya sa tabi ko. "Baby," bulong niya. "Hmm?" tanong ko, ang parehong mata ay nakapikit pa rin. "I'm hungry," aniya, dahil doon ay nagmulat ako ng mga mata. Nang tignan ko siya ay nakanguso na. Natawa ako sa mukha niya bigla. Ngumiti ako. "Sige, ipaghahanda kita," sabi ko at tumayo na. I was about to go to their kitchen nang bigla niyang hawakan ang kamay ko. "Ibang gutom ang nararamdaman ko," bulong niya. Mukhang nakuha ko na ang gusto niyang mangyari. "Aren't you tired?" tanong ko, ang tingin ay hindi na inalis sa kanya. Umiling siya at yumakap sa akin. "No." Nakagat ko ang ibabang labi saka tumingin sa kanya. Ito na ba 'yon? Ito na ba ang oras?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD