Kabanata 11

1942 Words
Kabanata 11 Confession Nang kinagabihan ay sinubukan kong tawagan si Mama pero out of coverage area raw ito. Nagtext din ako ngunit wala rin akong nakuha na sagot mula sa kanya. Nagaalala na ako sa kanya. Ngayon lang nangyari ito. Hindi si Mama ang tipo ng tao na basta basta nalang hindi magpapakita, hindi macontact. Nakatulugan ko na ang paghihintay sa sagot niya. Kinabukasan ay maaga akong nagising. Nasa hagdanan palang ako ay dinig ko na ang boses ni Tita Maria. She's frustrated, paniguradong dahil pa rin 'yon sa mga tao na hindi pa rin tumitigil. "Maria, huminahon kana muna." dinig kong sabi ni Tito Fred, pinapakalma niya si Tita. "How can I calm down Fred? Hindi tumitigil ang mga 'yon, pilit nilang inaangkin ang lupa natin." Tuluyan na akong bumaba ng hagdan. Gusto kong makatulong kina Tita, kaya dapat may gawin ako. Panigurado namang makikinig sa akin ang mga tao, dadaanin ko 'yon sa maayos na usapan, susubukan ko. Pasimple akong lumabas ng bahay at nagtungo sa kinaroroonan ng mga tao. Hindi ako nahirapang hanapin sila dahil hindi naman nalalayo ang lugar nila sa mansyon. Ingat na ingat ako sa paglapit sa kanila. Nakangiti ako ng bumati sa mga ito. Nangunot pa ang noo nila nang makita ako. Pinalibutan nila ako. "Anong ginagawa mo rito? Hindi ba't ikaw 'yong humarang kahapon at natamaan?" tanong no'ng matandang lalaki, batid kong siya ang pinuno ng mga pumunta sa mansyon kahapon. "Nandito po ako para maayos na makipagusap sa inyo," sabi ko at may inilabas na papel mula sa aking bag. Nagkatinginan silang lahat saka tumango, senyales ng kanilang pagpayag. Hindi na ako nagpaligoy ligoy pa, sinabi ko kaagad sa kanila ang dahilan kung bakit ko sila pinuntahan. Nagsimula na naman silang mag-ingay at mainis lalo na nang banggitin ko ang tungkol sa lupa. Hindi sila naniniwala na binili na 'yon ng mga Montefalco, kaya naman ipinakita ko mismo ang kopya ng titulo. Natahimik sila nang mabasa ang dokumento. Ipinaliwanag nila sa akin ang kanilang side, sinabi nilang kaya lang sila nagkakaganito ay dahil wala raw ipinapakitang dokumento sa kanila sina Tita. Natatakot din daw sila na pati ang lupang tinitirhan nila ay bilhin ng mga ito. Nakipagkasundo ako sa kanila. I told them na, sisiguruduhin ko na hindi bibilhin nina Tita ang lupang tinitirhan nila basta ba'y hindi na sila manggugulo pa sa mansyon. Sumang-ayon sila, kaya wala ng problema. Nakangiti akong bumalik sa bahay ng mga Montefalco. Naabutan ko pa sina Tita, Tito, Carrick at Rhys na nasa living room. Nagulat pa ako nang makita si Rhys, akala ko ba'y matatagalan pa bago siya makabalik pero ano't nandito na siya kaagad? "Ano pong mayroon?" tanong ko. Agad na napunta sa akin ang paningin nila. Kung kanina'y mga hindi sila mapakali, nyayon ay parang nakahinga sila bigla ng maluwag. Mabilis na lumapit sa akin si Tita Maria at yumakap, niyakap ko rin siya. "Saan ka ba galing? Nagalala kami sa 'yo." Nakagat ko ang ibabang labi sa hiya. "Pasensya na po Tita, hindi ako nagpaalam." Bumuntong hininga si Tita at hinaplos ang pisngi ko. "Sa susunod ay magpaalam ka." Tumango ako at alanganing ngumiti. "Opo Tita, sorry po ulit." Sunod naman na lumapit sa akin si Carrick, bakas ang pagaalala sa mukha niya. "Sana ay sinabihan mo ako Gab, nagalala ako," aniya sabay yakap sa akin ng mahigpit. Natawa ako saka siya niyakap pabalik. "Shh, nakauwi naman na ako." "Kamusta na ba ang pakiramdam mo?" tanong niya at sinuri ang mukha ko. "Maayos na ako, salamat," nakangiti ko 'yong sinabi. "Umuwi kaagad ako nang malaman ang nangyari sa 'yo." Nangibabaw bigla ang boses ni Rhys sa likuran ni Carrick. "Rhys..." tawag ko sa pangalan niya. Lumitaw siya sa harapan ko at walang sabi sabi akong niyakap. Mas mahigpit iyon kumpara sa yakap ni Carrick at Tita Maria, pero kahit na ganoon ay nakangiti akong yumakap sa kanya. "Sobra akong nagalala sa 'yo kaya nagpabook agad ako ng flight para makauwi." "Hindi mo na dapat 'yon ginawa, okay naman na ako, nandito naman si Carrick at ang pamilya mo, isa pa..." bumuntong hininga ako saka tumitig sa kanyang mga mata. "Iyong trabaho mo, paano na?" Umiling siya. "Huwag mo ng isipin 'yon, nandoon naman si Travis para asikasuhin ang naiwan ko," agap niya saka ako niyakap muli. "Pero saan ka ba talaga galing hija?" tanong ni Tito Fred. Muli na naman silang tumingin sa akin. Hays how should I say this? Sana ay hindi sila magalit. Gusto ko lang naman talagang makatulong. "Gab?" tawag sa akin ni Rhys nang hindi agad ako makasagot. I sighed. "Pinuntahan ko po ang mga taong nanggaling dito kahapon." "Ano?" gulat na tanong ni Tita Maria, hindi makapaniwala. Marahil hindi sumagi sa isip niya, nila na magagawa ko iyon. "Pasensya na po," sabi ko, napayuko ako habang kagat kagat ang labi ko. Natatakot ako. Baka magalit si Tita! "Anong ginawa mo roon Gab?" tanong pang muli ni Tita, hawak na niya ako sa magkabila kong balikat. "Kinausap ko po sila tungkol sa lupa." Nakagat kong muli ang labi matapos 'yong sabihin. Kinakabahan ako. "Magpaliwanag ka Gab at makikinig kami," seryosong turan ni Tito Fred. Tumango ako at bumuntong hininga. "Narinig ko po kasi kayo kanina, gusto ko lang naman pong makatulong kaya pumunta ako roon." "May ginawa ba sila sa 'yo?" tanong ni Carrick. Umiling ako. "Wala silang ginawa, nakausap ko rin po sila at sinabing hindi na sila manggugulo pa." Napaamang ang bibig ni Tita Maria. "Paano?" "Kinausap ko po sila at pinakita ko ang kopya ng titulo—" Hindi pa man ako natatapos ay pinutol na kaagad ako ni Tita. "Saan mo nakuha ang kopya ng titulo?" tanong niya. Muli kong binalikan ang nangyari kagabi. Lumabas ako ng kwarto para sana uminom ng gatas sa ibaba pero nasa pinto palang ako ay narinig ko na si Tita na may kausap sa telepono. Batid kong nasa tapat siya ng pinto ng silid ko kaya hindi muna ako lumabas at nanatili nalang muna sa kinatatayuan ko. Nang marinig ko ang papalayo niyang yabag ay saka ako nagdesisyon na lumabas. Magdidire-diretso na sana ako nang makakita ng isang dokumento. Nang tignan ko iyon, ay iyong titulo pala ng lupa. Ibabalik ko na sana iyon agad kay Tita pero tulog na sila nang sumilip ako sa kanilang silid, ayoko rin namang pumuslit dahil baka kung anong isipin nila kaya napagisip isip kong itago nalang muna at bukas nalang ibalik. Hindi ko naman inasahan na magagamit ko pala muna iyon bago tuluyang maibalik sa kanila. "Nakita ko po no'ng isang gabi sa hallway, nakalaglag mo po yata," pag-amin ko. "Paano mo sila napapayag? Paniguradong hindi lang dahil sa nakita nila ang titulo," ani Rhys na titig na titig sa akin. "Nakipagkasundo ako..." Ibinalik ko na ang titulo kay Tita. "Hindi na raw po sila manggugulo ulit basta po huwag niyong bibilhin ang lupang tinitirhan nila." Tita sighed. "Iyon lang ang hiling nila?" Mabilis akong tumango. "Opo Tita." "Salamat Gab." Hindi ko inaasahang yayakapin akong muli ni Tita, ang inaasahan ko ay magagalit siya sa ginawa ko, dahil naglihim ako sa kanila at basta nalang umalis ng walang paalam. Niyakap ko rin si Tita. "Masaya po akong nakatulong sa inyo." Nang kinahapunan ay namalagi lang ako sa garden. Dala dala ko 'yong libro na binabasa ko. Hindi ko pa rin 'yon natatapos hanggang ngayon. "Busy ka?" Nag-angat ako ng tingin kay Carrick. Naupo siya sa tabi ko. Umiling ako. "Hindi naman, nagbabasa lang ako bakit?" "Pwede ba kitang yayaing lumabas?" tanong niya na ikinagulat ko. Natigilan ako sa binabasa at nilingon siya. "Niyayaya mo akong magdate?" tanong ko, hindi makapaniwala. Tumango siya. "Yes, may problema ba roon?" Ngumiwi ako. "Wala naman pero nakakagulat lang." Nangunot ang noo niya. "Bakit naman?" "Kasi masungit ka sa akin simula pa noon, tapos ngayon ay bigla kang naging mabait, sweet, caring..." Natigilan ako nang makita siyang nakatitig sa akin. Para akong matutunaw! "Continue," aniya na sinasabing ituloy ko ang sinasabi ko. "And now niyayaya mo akong magdate, naguguluhan ako Carrick." Naisara ko ang libro na binabasa at tumayo. "Hindi pa ba malinaw sa 'yo na gusto kita? Na kaya ako nagsusungit ay dahil gusto kita?" Gulat akong tumingin sa kanya. Sarkastiko ko siyang tinawanan. "Ganoon na pala ngayon? Kapag gusto mo ay susungitan mo?" He shrugged. "Tsk, ewan ko sa 'yo." "Ayan nagsusungit ka na naman," asik ko. "Sagutin mo ako at hindi mo na ako makikitang magsungit," nakangisi niyang sambit. Hinampas ko siya dahil doon. "Wow! Sagutin? Nanliligaw ka ba?" Tumaas ang gilid ng kanyang labi. "Hindi uso sa akin 'yon, it's just a waste of time." Tinaasan ko siya ng kilay. "Just a waste of time? Grabe!" "Totoo naman, liligawan ka tapos puro kagandahan lang ang ipapakita sa 'yo pero kapag kayo na, saka palang lalabas ang tunay na kulay," aniya. May punto naman siya! Hindi ako nakasagot. Nanatili lang akong nakatingin sa kanya. This guy is really something! "What?" masungit niyang tanong. "Watawat." "Umayos ka nga," reklamo niya. "Gusto mo talaga ako?" tanong ko, nakataas ang isang kilay. "Oo," sagot niya agad. "Pakakasalan mo ba ako?" tanong ko, pinipigilang matawa. "Oo," mabilis niyang sagot. Walang pagaalinlangan. "Nagbibiro lang ako," depensa ko. "Walang biro biro sa akin, kaya kitang pakasalan ngayon mismo," mayabang niyang turan. "Tsk, kasal? Ngayon? E, hindi ka nga nanliligaw kaya paano tayo aabot doon?" "I told you, hindi ako nanliligaw," seryosong aniya. Hindi nanliligaw o hindi lang marunong manligaw? Natawa ako sa naisip kong 'yon. "E, 'di 'wag mo ng asamin na magiging tayo," sabi ko at tinalikuran na siya. "But for you, I'll make an exception," pahabol niyang sambit. Natigilan ako at dahan dahang siyanh nilingon. "Eh?" Lumapit siya sa akin at hinawakan ang kamay ko. "Sagutin mo ako ngayon..." "Tapos?" mataray kong tanong. "Liligawan kita araw araw," nakangiti niya 'yong sinabi. Naramdaman ko na namang bumilis ang t***k ng puso ko. Bakit ba ganito siya? Hindi ako nakasagot. Nanatili sa aking isipan ang mga sinabi ni Carrick hanggang sa sumapit ang gabi. Kasalukuyan akong nakahiga sa kama. Hindi ako makatulog dahil sa tuwing pipikit ako ay naaalala ko si Carrick at ang sinabi niya kanina. Pipikit na sana ulit ako nang makitang bumukas ang pinto ng kwarto na tinutuluyan ko. Agad akong napabangon. Itinakip ko sa aking katawan ang kumot. "Carrick, anong ginagawa mo rito?" Halos pabulong kong tanong. Inalis ko ang kumot na nakatakip sa akin at lumapit sa kanya. "Shh, aalis ako, sama ka?" tanong niya. Aalis? Eh gabi na ah? Saan naman kami pupunta ng ganitong oras? "Saan ka naman pupunta ng ganitong oras?" "Dyan lang, sama ka?" Sandali akong nag-isip, hindi ako makatulog kaya sasama nalang siguro ako sa kanya. Hindi naman siguro kami lalayo. "Sige, sasama ako." Pasimple kaming lumabas ng bahay ni Carrick, niyaya niya ako sa kwadra dahil sasakay daw kami sa kabayo niyang si Maximus. Nakakatuwang isipin na may pangalan ang kabayo niya. Inalalayan niya akong makasakay saka siya sumakay. Hindi siya ganoon kabilis magpatakbo, sakto lang. Nanatili akong nakamasid sa bawat lugar na madaanan namin. Pulos mga ilaw nalang ang nakikita ko. Napakarami pang bituin sa langit, idagdag mo pa ang malamig na hangin. Huminto ang kabayo ni Carrick sa isang gilid. Napakaganda dito. Kitang kita ang mga ilaw na nagmumula sa mga kabahayan sa ibaba. Ang saya nilang pagmasdan. "You liked it?" tanong ni Carrick, yakap yakap niya na ako ngayon mula sa likuran. Chansing! Nakangiti ko siyang tinanguan. "Oo naman, ang ganda rito." "Gab, mahal kita," halos pabulong niyang sinabi na siyang nagpahinto sa mundo ko. "Mahal mo rin ba ako?" tanong niya nang hindi ako makasagot at nanatiling nakatingin sa kanya.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD