Kabanata 10
Aksidente
Natapos kaming kumain ng main course na tahimik. Sa aming lima na nasa hapag ay wala na ni isa ang nagbalak pa na magsalita matapos sabihin iyon ni Tito Fred.
Isinerve na ang desert pero ang isip ko ay tila hindi matahimik kaya hindi ko na napigilan ang sarili ko. Nagpapalit palit ang tingin ko kina Tita Maria, Carrick at Rhys. Nagbabakasakaling makaramdam sila at biglang sabihin sa akin kung tungkol saan ang sinabi ni Tito Fred kanina.
Nakagat ko ang ibabang labi saka dahan dahang binalingan si Tito. "What are you talking about earlier po? Iyong about sa kasal?" naguguluhang tanong ko.
Tumingin muna siya kina Tita Maria saka bumaling sa akin at umiling. "That was just a joke hija."
Joke? Kung ganoon ay hindi pala magaling magbiro si Tito? "Kung ganoon po ay pangit pala kayong magbiro?" tanong ko at natawa silang pamilya. Weird!
"Walang namamagitan sa amin ni Gab, Pa." si Carrick na hindi ko inaasahang magsasalita nang oras na iyon. Pinanliitan siya ng mata ni Tito pero maya maya'y tinanguan din.
Natapos kaming kumain ng desert. Matapos 'yon ay nagtungo na ako sa aking silid. Mula sa teresa ng bahay ay tinanaw ko ang napakagandang buwan.
Napayakap pa ako sa aking sarili nang maramdaman ang malamig na hangin sa aking balat. Nang magsawa sa katitingin sa buwan ay naupo ako sa harap ng vanity mirror. Kinuha ko ang brush at dahan dahang sinuklay ang aking buhok.
Pinagmasdan ko ang aking sarili mula sa salamin. Mula sa makakapal kong kilay, sa mahaba kong pilik-mata, sa naniningkit kong mata, sa matangos kong ilong at may kakapalan na labi. Napalakas ng awra ko, kaya hindi na ako magtataka kung sasabihin ng iba na mataray akong tignan.
Kinabukasan ay maaga kaming bumalik ni Carrick sa shelter, hindi na nagawang sumama nina Rhys at Travis dahil kailangan nilang pumunta bigla ng Maynila. Ilang araw pa raw bago sila makabalik dito.
"Thank you po!" Sabay sabay na sinabi 'yon ng mga bata habang hawak hawak ang kaniya kaniyang regalo na bigay namin. Nakangiti ko silang pinagmasdan.
"You're welcome." si Carrick na ang sumagot dahil abala ako sa pagtingin sa mga bata. Napakasaya nilang titigan.
Minsan, hindi ko maisip kung bakit may mga magulang na nagagawang ipamigay ang kanilang mga anak e, kung tutuusin, masaya namang magkaroon ng anak o bata sa bahay. Paano nakakaya ng konsensya nila na iwan nalang at ipamigay basta basta ang sarili nilang anak?
Tumugtog si Carrick doon sa piano na naroon sa shelter, iyon ang ginagamit ng mga bata kapag nagaaral sila sa musika. Nakakahangang nagboluntaryo pa siya na gawin iyon, malayong malayo sa Carrick na kilala ko.
Nakakatuwang pagmasdan si Carrick na nakikihalubilo sa mga bata, 'yong tipong parang magkasundong magkasundo sila, iisa ang gusto.
Nang matapos siyang tumugtog ay lumapit ang isang batang lalaki, hawak ang isang baril-barilan.
"Ang astig po nito! Thank you po!" nakangiting anang bata.
Ngumiti si Carrick. "Walang anuman," sagot niya at ginulo ang buhok no'ng bata.
"Senyorita, prinsesa na po ako," sabi naman ng batang lumapit sa akin, siya rin 'yong nagsabi no'ng nakaraan na sana ay pu'pwede siyang maging prinsesa.
Nginitian ko siya at tinanguan, nagawa pa niyang umikot ikot sa harap ko habang suot suot 'yong korona. Kitang kita ko sa mga mukha nila ang saya.
"Balik po ulit kayo rito!" sabay sabay nila 'yong sinabi nang tuluyan na kaming magpaalam ni Carrick.
Hindi namin kasama si Mang Daniel dahil nagkaroon daw ng emergency sa kanila, kaya kaming dalawa lang talaga ni Carrick ang pumunta rito ngayon.
Balita ko pa nga'y may nakaschedule si Carrick ngayon pero kinansela niya para lang dito. Sa puntong ito, nagbago bigla ang tingin ko sa kanya. Ang lalaking inakala kong masungit at panay trabaho ang inaatupag ay may ganito palang ugali.
Napangiti ako nang maisip na hindi na pala kami nagaaway o nagtatalo nitong mga nakaraang araw, na nagiba bigla ang pakikitungo niya sa akin magmula noong bumalik siya rito.
"I'll drive," sabi ko nang makalabas kami at makarating sa tapat ng sasakyan niya.
Umiling siya at binuksan na ang pinto ng shotgun seat, sinenyasan na niya akong pumasok sa loob pero umiling ako.
"Sige na please?" pagpupumilit ko. Hinawakan ko pa siya sa braso, nagbakasakaling papayag siya sa gusto ko.
He sighed. "Saka nalang, let's go home."
Nakanguso ako nang pumasok sa shotgun seat. Hindi manlang ako pinagbigyan tch!
Habang nasa byahe ay panay ang sabi ko kay Carrick na sa susunod ay hayaan niya naman akong magdrive. Hindi kami naalis sa topic na 'yon hanggang sa makabalik sa kanila.
Natigil lamang ako sa pagsasalita nang makarating na kami sa labas ng mansyon pero ganoon nalang ang pagkakakunot ng noo ko nang makitang napakaraming tao ang nakaharang sa may gate. Napakarami talaga nila!
"Carrick, anong mayroon?" tanong ko. I try not to sound nervous pero hindi ko 'yon naitago sa boses ko.
Mabilis na tinanggal ni Carrick ang seatbelts niya."Stay here, titignan ko kung anong mayroon," mariing aniya at bumaba na ng sasakyan.
Nanatili akong nakatingin kay Carrick, sinundan ko siya ng tingin, pero kinabahan na ako nang hindi ko na siya makita pa. Sa sobrang takot at kaba na baka kuyugin siya ng mga iyon at saktan ay bumaba na ako ng sasakyan.
Talagang magkakadikit at siksikan doon kaya nahirapan akong dumaan. Nang sa wakas ay makita ko si Carrick, kaagad akong lumapit sa kanya.
"Ano raw ang kailangan nila?" tanong ko pero hindi manlang siya sumagot at itinago lang ako sa kanyang likuran.
Lalo akong kinabahan nang makitang may mga batong hawak ang iilan sa mga tao. Anong balak nila? Bakit para silang mananakit at galit na galit?
"Pag-usapan po natin 'to ng maayos," ani Carrick sa kalmadong paraan.
Pero lalo lang nag-ingay ang mga tao. Mukhang hindi ito madadaan sa maayos na usapan, gaya ng naiisip ko.
Nanatili ako sa likod ni Carrick, ngunit kinailangan kong harangan siya nang makita ang isang lalaki na magbato ng bato sa direksyon namin. Nasalag ko iyong bato kaya hindi natamaan si Carrick, pero tumama 'yon sa noo ko. Umikot pa ang paningin ko sa lakas ng impact no'n. Kinapa ko ang noo ko at ganoon nalang ang gulat ko nang makitang may kakaunting dugo roon.
Natahimik ang mga tao. Lahat sila ay nakatitig sa akin. Ang iba ay bahagya pang umatras nang makita ang dugo sa aking noo.
"Are you okay?" tanong ni Carrick, hawak na niya ako ngayon sa bewang. Sasagot na sana ako nang biglang magdilim ang aking paningin.
Nagising ako sa silid na tinutuluyan ko rito sa mansyon, medyo masakit pa ang ulo ko, ang paningin ko ay malabo pa no'ng dumilat ako. Inilibot ko ang paningin sa kabuuan ng kwarto.
"Thanked God you're awake!" ani Tita Maria at lumapit sa akin. Naupo siya sa gilid ng kama at hinawakan ang kamay ko.
"Kumusta ang pakiramdam mo?" tanong ni Tito Fred na ngayon ay may katabing Doctor.
"Medyo okay na po ako," sagot ko.
"Doc, she's fine right?" dinig kong tanong ni Carrick na kapapasok lang ng kwarto at may dalang tray ng pagkain.
"She's going to be fine, pahinga lang ng ilang araw," sagot ng Doctor.
Tumango tango si Carrick at inilapag sa side table 'yong tray na dala niya.
Tumayo si Tita Maria at ngumiti sa akin pagkatapos ay bumaling kay Carrick. "Carrick, take care of Gab, ihahatid lang namin ng Papa mo si Doc sa labas."
"Okay Ma."
Nang makalabas sina Tito, Tita at Doc ay saka pa lamang ako binalingan ni Carrick.
"Bakit mo 'yon ginawa?" tanong niya. Madilim ang kanyang mukha. Is he mad?
Ngumuso ako. "Kasi gusto kitang protektahan."
Inis siyang umiling-iling. "Tsk, ako dapat ang gumagawa no'n sa 'yo dahil ako ang lalaki."
"Ang pagprotekta sa isang tao ay walang pinipiling kasarian Carrick."
He sighed. "Kaya mo na bang tumayo?" pag-iiba niya sa usapan.
Sinubukan kong bumangon pero umiikot pa ang paningin ko. "Hindi ko pa kayang tumayo," nakangiwi kong sinabi.
Kinuha niya ang isang unan at doon ako pinasandal. Dinampot niya ang mangkok na naglalaman ng sopas at dahan dahan 'yong inihipan.
"Oh," aniya at isinubo sa akin ang kutsara, awtomatiko namang bumukha ang bibig ko.
"Kaya ko namang kumain mag-isa," sabi ko habang ngumunguya.
"Just let me," may diing aniya saka ulit ako sinubuan.
Nang kinahapunan ay nakababa na ako, inalalayan ako ni Manang Rosa, isa sa tauhan nina Tita Maria.
Naabutan ko pa sina Tito, Tita, Carrick at isang abogado na seryosong nag-uusap sa living room.
"Gab, dapat ay nagpapahinga ka pa," nagaalalang ani Tita Maria, mabilis naman na kumilos si Carrick upang alalayan akong maupo.
"Tita, okay naman na po ako," sagot ko sabay ngiti.
Tinanguan at nginitian ko si Manang nang makaupo sa tabi ni Carrick. "Salamat po, tatawagin ko nalang kayo kung sakaling kailanganin ko ng tulong."
Nagpatuloy ang pag-uusap nila habang nandoon ako, nakikinig. Nalaman kong kaya ganoon nalang ang galit ng mga tao ay dahil inaangkin nila ang lupain ng mga Montefalco. Tita tried to talk to them pero tumatanggi sila. They're claiming na kanila itong lupain.
Binalingan ako ni Tito. "Gab, kailangan mong mag-ingat, hindi titigil ang mga taong 'yon, hindi tayo sigurado kung ano pa ang kaya nilang gawin at kung sino pang maaari nilang saktan."
Mabilis akong tumango at ngumiti sa kanya. "Mag-iingat po ako Tito."
Hinawakan ni Tita Maria ang kamay ko. "Magpasama ka sa mga tauhan kung sakaling lalabas ka, hindi na ito pwedeng maulit," may pagkastriktang ani Tita.
Tumango ako. "Opo Tita, pasensya na po."
"Hindi namin macontact ang Mama mo, nakapagtataka," biglang ani Tito Fred. Nabaling tuloy sa kanya ang paningin ko.
"Huwag na po sanang makarating 'to sa kanya, ayoko pong mag-alala siya." Pakiusap ko na sinang-ayunan naman nila.
Nang makabalik sa silid ay bigla akong kinabahan.
Nasaan ka ba Mama? Bakit hindi ka macontact?