Kabanata 9

1542 Words
Kabanata 9 Shelter "And they live happily ever after. The end" Basa ko sa mga huling salita ng librong binasa ko sa mga bata dito sa shelter. Nagpalakpakan silang lahat. Binalingan ko sila at nginitian matapos 'yon. Lahat sila ay nakangiti at tuwang tuwa nang matapos ang kwento. "Nagustuhan niyo ba 'yong kwento?" tanong ko sa kanila at isinara na ang aklat na binasa. "Opo," sabay sabay nilang isinagot 'yon habang nakangiti. Nagtaas ng kamay ang isang batang babae kaya naagaw niya ang atensyon ko. "Yes?" tanong ko. "Gusto ko rin pong maging prinsesa, pero mukhang malabo," malungkot na sinabi no'ng bata. Lahat naman tayo ay nangarap na maging prinsesa. Bata pa lang tayo ay inasam na natin ang bagay na 'yon. Naalala ko rin ang aking sarili noon, sa kagustuhan kong maging prinsesa ay ibinibili ako ni Mama ng kulay asul na gown at korona. Halos araw araw ko iyong suot, nagpapaikot ikot pa ako sa harap ng salamin. Ngumiti ako nang maalala ang sinabi ng isang babae doon sa netflix series na napanood ko. "Well, the most important thing about being a princess is caring about other people and if you do that, then you're a princess in your heart," makahulugan kong turan na siyang nagpangiti sa kanya. Nilapitan na kami ng isang matandang babae kasama sina Carrick, Rhys at Travis. Tumayo ako mula sa pagkakaupo habang hawak 'yong libro. Ang paningin ko ay hindi maalis sa mga bata, miski ang ngiti sa aking labi ay ganoon din. "Mga bata, pasalamatan natin si Senyorita Gabriella," anang matanda sa mga bata. Gusto kong matawa ng tawagin niya akong Senyorita pero hinayaan ko nalang. Natuwa rin ako sa paraan nila ng paguusap. "Thank you po, Senyorita Gabriella!" sabay sabay na namang sabi ng mga bata habang pumapalakpak. I gave them my most sweetest smile. "You're very welcome." Nagsitayuan na ang mga bata at kami nama'y nagtungo sa isang gilid. Dumako ang paningin ko sa kabuuan ng silid. Napaka konti ng libro na nandito, miski laruan at kung ano pa. Bilang na bilang din ang mga kagamitan. "Iyan na ba lahat ng libro nila?" tanong ko at binalingan ang matanda. Para kasi sa 'kin, mahalaga na habang lumalaki ay nagbabasa basa sila ng mga libro. Nakakatulong kasi 'yon para matuto sila at mas maenhance ang kanilang skills, vocabulary. "Opo Senyorita." "Miski mga kagamitan nila ay kakaunti?" tanong ko. Tumango ang matanda. "Bakit po ganoon?" tanong naman ni Carrick. "Hindi po sapat ang budget namin," pag-amin ng matanda. "Pero may mga donations naman po hindi ba? The money that came from the mayor? The government?" sunod sunod na tanong ni Rhys. "Pinagkakasya nalang namin sa kanila, sa dami ng bata rito kada taon, kulang na kulang ang mga 'yon," paliwanag pa ng matanda. "How about toys? Miski papel, lapis and other supplies?" tanong naman ni Travis, muling tumango ang matanda. "Pero ginagawan namin ng paraan para kahit papaano ay mayroon," anang matanda. Nagkatinginan kami nina Carrick. Matapos makipagusap sa matanda ay sabay sabay kaming lumabas. Sinalubong kami ni Mang Daniel, 'yong driver. "Kamusta po ang pagbisita ninyo sa mga bata?" "It was amazing." sagot ni Carrick na tinanguan ko naman. "Kaso, nakakalungkot lang dahil kulang ang mga kagamitan nila," dagdag pa ni Rhys. Gusto kong matawa dahil talagang kanina pa sila nagsasalita ng Ingles, mukhang nahawa na sa mga bata. Binalingan ko si Rhys at nginitian. "Unless magshoshopping tayo," suhestyon ko na siyang nagpangiti sa kanya. I have my own money naman, kahit papaano ay may ipon ako, sapat na siguro 'yon para makatulong ako sa kanila. Umangat ang gilid ng kanyang labi. "Tayong dalawa lang?" "Kasama kami!" sabat ni Travis. "Nako magandang ideya 'yan Senyorita," nakangiting ani Mang Daniel. Binalingan ko isa isa sina Carrick. "What do you think? Wala naman na tayong gagawin pagkatapos nito." "Sure," sabay na sagot nina Rhys at Travis. Binalingan at nilapitan ko si Carrick nang hindi siya sumagot. "Well?" tanong ko na may ngiti sa labi. "Pupunta tayo sa pinakamalapit na mall," anunsiyo niya na siyang nagpasaya lalo sa akin. "O my gosh!" tili ko, sa sobrang saya ay nayakap ko ng mahigpit si Carrick. Ramdam kong nagulat siya kaya humiwalay din ako kaagad. "Sorry, masaya lang talaga ako," sabi ko pa at nag-iwas ng tingin, nangingiti pa rin. "Let's go," ani Carrick at pinagbuksan pa ako ng pinto. Ang dala naming sasakyan ay 'yong van nilang kulay itim. Una kaming pumunta sa book store, kumuha ako ng kumuha ng mga libro na siyang makakatulong sa mga bata. Kumuha rin sina Rhys at Travis ng mga papel, lapis at mga pangkulay. Nakangiti lang ako habang namimili kami. Matapos sa book store, sunod naming pinuntahan ay 'yong toy kingdom. Salit salitan kami ni Carrick sa pagtutulak ng cart, kada may matipuhang laruan ay humihinto kami. "How about this?" tanong ni Carrick habang hawak hawak 'yong kulay puti na teddy bear, napakalaki no'n! Nginitian ko siya. "Maguyustuhan nila 'yan." Patuloy lang kami sa pagiikot hanggang sa mapunta kami sa section ng mga pangbabaeng laruan. Syempre kumuha ako ng mga crowns and dolls para sa mga batang babae. Nang makakita ng baril si Carrick ay kumuha rin siya ng ilang piraso no'n. Nagtapatan pa kami ng baril at pinindot 'yon. Napakaganda! Paniguradong magugustuhan 'yon ng mga batang lalaki dahil sa tunog at iba't ibang kulay. Sina Rhys at Travis naman sa kabilang banda ay pulos mga damit ang binili sa department store. Lalong lumapad ang ngiti ko nang may makita sa isang gilid. Binalingan ko si Carrick. "Nakita mo 'yon?" tanong ko. "Ang alin?" tanong niya. Hindi ko siya sinagot at hinila nalang sa gawing 'yon. "This is twister!" excited kong sinabi. Hindi siya nakasagot kaya batid kong ngayon lang siya nakakita nito. "Hindi ka pa nakakapaglaro nito?" tanong ko. "Ah it's a game," aniya na ang paningin ay nandoon sa sahig, kung nasaan ang mat, tumango ako. Tumitig siya saka umiling. "Nope," pag-amin niya. Ngumisi ako. "E, di ngayon tayo maglalaro." Nangunot ang noo niya. "You sure? Paano kung bawal?" "Hindi 'yan, tanggalin mo na ang sapatos mo bilis." "My shoes?" tanong niya. Mabilis akong tumango. "Oo." Agad naming tinanggal ni Carrick ang aming mga sapatos at sinimulan na ang laro. Ilang minuto kami roon. Talagang nagenjoy kami. Ang iilang mga taong namimili ay pinagtitinginan kami dahil doon pero hindi nalang namin pinansin. As long as masaya kami, ayos lang. "Right hand, red." Natatawa kong binalingan si Carrick, parehas kaming natawa nang makita ang posisyon namin. Ang epic! Sa sobrang saya ay nawalan ako ng balanse at bumagsak sa kanya, napaupo tuloy siya sa mat. Sabay na naman kaming natawa. Matapos maglaro ay binayaran na namin ang mga pinamiling laruan. Nagkita kita kami nina Rhys sa may parking. Nakangiti kaming umuwi dala dala 'yong mga pinamili namin. Nang kinahapunan ay kinailangang umalis nina Rhys at Travis dahil may emergency sa planta. Tuloy ay naiwan kaming dalawa ni Carrick, habang siya ay abala sa pagbabalot ng mga laruan, ako naman ay pumunta ng kusina para gumawa ng cookies. "Hey, ano ng ganap dyan?" tanong ko nang pumasok sa study room. Dinalhan ko si Carrick ng meryenda. "Marami rami pa ang babalutin," sagot niya. Inilapag ko sa gilid niya 'yong dala ko. "Kain kana muna." Kumuha siya ng isang piraso ng cookie at kumagat. "Hmm, masarap." "You liked it?" Tumango siya at inubos pa ang natitirang cookie. Kinagabihan ay nagkaroon kami ng salo-salo. Nagpahanda ulit ng maraming pagkain si Tita Maria dahil darating ang kanyang asawa na si Tito Fred. Nanggaling pa kasi ito sa Hongkong para sa isang business trip. "So, kamusta ang lakad niyo kanina?" pagbasag ni Tita Maria sa katahimikan na bumabalot sa hapag. "It's fun," sagot ni Carrick at tumingin sa akin. Tuloy ay napunta sa akin ang paningin ng mag-asawa. Hinihintay ang magiging sagot ko. "Nakakatuwa ang mga bata," sagot ko habang nakangiti. "I heard from Rhys earlier na namili kayo para sa mga bata roon sa shelter," ani Tito Fred habang ngumunguya ng pork. "That's true Pa," sagot ni Carrick. "Hmm, napakaganda ng ideya niyo." "Actually, it's Gab's idea Pa," pag-amin ni Rhys. Tinanguan niya ako at nginitian. "Oh, good to hear, anong binili niyo para sa mga bata?" tanong ni Tito. Nang magtama ang mata namin ay nakangiti na siya sa akin. "We bought a lot Pa, toys, educational stuffs, clothes." si Carrick. "Nakakatuwang marinig 'yan mula sa inyo Carrick at Rhys, masaya ako na involve kayo sa mga ganyang bagay," muling ani Tito Fred at binalingan ang dalawang anak. "Thanks Pa," sabay na sinabi 'yon ng kambal. "By the way Carrick, kailan ang balik mo ng Manila?" tanong ni tita Maria. Nagpunas si Carrick ng bibig gamit ang table napkin at binalingan ang ina. "Hindi na muna ako babalik doon Ma, dito na muna ako," aniya at sumulyap sa akin. "Hmm, wala pa ba kayong balak magpakasal nitong si Gab?" tanong ni Tito na ikinabigla ko. Nabulunan pa ako, buti nalang at naabutan kaagad ako ni Carrick ng tubig. "Kasal po?" tanong ko nang makainom ng tubig. Tumango si Tito Fred. "Oo, hindi ba't kaya ka nandito ay dahil sa kasal niyo ni Carrick?" Naguguluhan kong binalingan si Carrick, Rhys at tita Maria. Anong kasal ang sinasabi ni Tito Fred?  ~to be continued~
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD