Kabanata 8

1625 Words
Kabanata 8 Regalo Panay ang tukso ko kay Carrick kaya napuno na siya at dahil sa inis ay napalabas na niya ako ng opisina niya. Natatawa akong lumabas nang pagsarhan niya ako ng pinto. Nang tuluyang makababa ay naabutan ko si Rhys na may kausap sa kanyang cellphone. Sinenyasan niya akong lumapit, kaya sumunod naman ako kaagad. Itingil ko ang pagtawa. "Ano 'yon Rhys?" mahina kong tanong. Sinadya kong hinaan ang boses ko dahil baka makaabala ako sa kanila ng kausap niya. "Teka lang po Tita," aniya sa kabilang linya. Iniabot niya sa akin ang cellphone. Nangunot ang noo ko. "Sino ba 'yan?" "It's your Mom, tita Carina," kaswal na aniya. Tinanguan ko siya at kinuha na rin ang cellphone. "Ma," tawag ko sa kabilang linya. [Ngayon ba ang uwi mo sa Maynila?] "Opo, bakit?" [Ipagpaliban mo na muna] Nangunot ang noo ko. "Po? Eh bakit?" [Dyan kana muna anak] Nakaramdam ako bigla ng kaba. "Bakit nga Ma? May nangyari ba?" Narinig ko siyang bumuntong hininga. [Wala naman, masama kasi ang panahon sa Maynila kaya walang babyahe na barko o eroplano] Nawala ang kabang naramdaman ko matapos 'yong marinig. Akala ko naman ay kung ano na, tungkol lang pala roon, pero bakit parang wala naman akong nabalitaan? Napakamot ako sa aking noo. "Oh e, 'di ilang araw lang akong mamamalagi rito, hindi naman siguro aabot ng ilang buwan ang bagyo." [Ay nako Gab!] Nakagat ko ang ibabang labi. "Pero Ma, nahihiya na ako kina Tita Maria e." [Nabanggit ko na ito kay Senyora, ayos lang daw sa kanya] Sinulyapan ko si Rhys na ngayon ay nakatingin lang sa akin. "Pero Mama, gaano katagal pa ako rito kung ganoon?" [Ilang buwan?] "Ha? Ang tagal naman no'n, aabutin ba ng ilang buwan ang bagyo? paano na 'yong mga ospital na pinasahan ko ng application?" [Huwag mo na munang alalahanin 'yon, makinig ka nalang sa akin] "Eh may usapan tayo na magtatrabaho agad ako pagkagraduate." [May pera pa naman tayo, sige na] Sasagot pa sana ako pero binaba na ni Mama ang tawag. Akala ko pa naman ay makakabalik na ako ng Maynila, pero heto siya at sinabing manatili nalang muna ako rito. That's kinda weird, pero wala naman akong choice kundi sumunod, baka mamaya kapag ipinilit ko ay ako pa ang mapahamak. Pero kasi nakakahiya naman kina Tita Maria. Ang usapan ay bakasyon lang, tapos biglang dito nalang muna ako. Ang laking abala ko na ata sa kanila. Si Mama naman kasi e. Natural sasabihin ni Tita na okay lang kasi nahihiya rin iyon! Bumuntong hininga ako saka ibinalik kay Rhys ang cellphone. "Gab, ayos lang sa amin," aniya habang nakangiti. Ngumuso ako. "Nakakahiya na kasi." Ginulo niya ang buhok ko. "Huwag ka ng mahiya, pamilya na ang turing namin sa inyo." Bumalik kami ng mansyon matapos 'yon, pinaakyat kaagad ni Rhys ang mga gamit ko, tuloy ay hindi ko maiwasang mahiya sa kanila kasi todo asikaso talaga sila sa akin una palang. Dinaig ko pa yata ang ibang bisita rito e. "Gab!" umalingawngaw ang boses ni Tita Maria sa kabuuan ng living room. Kapapasok niya lang ng bahay. Nilingon ko siya, kitang kita ko sa mukha niya ang saya. Agad naman siyang lumapit sa akin at tumabi. "Umuwi ako agad nang malamang dito kana muna," aniya at hinaplos pa ang buhok ko. Nahihiya akong ngumiti sa kanya. "Nahihiya na po ako sa inyo Tita." Mabilis siyang umiling. "Nako, hindi ka dapat mahiya, welcome na welcome ka rito." Ngiti lang ang isinagot ko sa kanya. Maya maya'y pumasok ang driver niyang si Mang Daniel. May mga dala itong shopping bags. "Saan ko po ito ilalagay Senyora?" tanong niya kay Tita Maria. Sumenyas si Tita na ilagay 'yon sa lamesa at sumunod naman kaagad ang driver. Iniwan niya na kami pagkatapos no'n. "Gab, binili ko ito para sa'yo," anang Ginang at itinuro ang mga bags na nasa ibabaw ng lamesa. Gulat akong tumitig kay Tita pagkatapos ay doon sa mga bags na nasa harapan namin. "Pero ang dami niyan Tita." Muli na naman akong pinaulanan ng hiya. Bakit ba sobrang bait nila sa akin? Trabahador lang naman nila si Mama, kung tutuusin hindi naman sila ganito sa lahat, sa akin lang. Binuksan niya ang isang shopping bag at inilabas ang isang itim na dress. Fitted 'yon at napakaganda ng tela. Halatang mamahalin. Sinubukan kong hanapin ang price tag pero wala akong nakitang ganoon kaya batid kong tinanggal na iyon ni Tita bago ibigay sa akin. "What do you think? Maganda ba?" tanong niya, ang paningin ay napako na sa akin, hinihintay ang magiging sagot ko. Tumango ako at ngumiti. "Opo, maganda po tita." Lumapad ang ngiti ng Ginang nang malamang nagustuhan ko ang binili niya para sa akin. "Ipalalagay ko ang mga ito sa silid mo mamaya." "Sige po tita, maraming salamat." "Salamat din," nakangiting aniya at yumakap sa akin. Nang kinagabihan ay nagpahanda na naman ng napakaraming pagkain si Tita. Halos lahat 'yon ay seafood. Nakaupo ako sa gitna nina Carrick at Rhys. Sa kaliwa naman ni Rhys ay si Travis. Kukuha na sana ako ng pagkain nang sabay akong abutan ng kambal ng ulam. Gulat ko silang tinignan. Hindi ko inaasahan iyon. Batid kong hindi lang ako ang nagulat, miski si Tita. Una kong binalingan si Rhys. "Gab oh buttered shrimp, I heard paborito mo 'to," ani Rhys, tinanguan ko lang siya at nginitian kaya naman nilagyan na niya ang plato ko. Isinunod ko si Carrick. "Here, have some tahong curry, gusto mo 'to diba?" tanong naman ni Carrick, tinanguan ko rin siya, kaya naglagay din siya no'n sa pinggan ko. "Salamat," nahihiya kong sabi sa dalawa. Tumango lang sila at ngumiti. Akmang susubo na ako nang biglang magsalita si Travis. Nang mag-angat ako ng tingin sa kanya ay may hawak na siyang plate. May laman iyon ng laman ng crab na batid kong hinimay na niya. "Ipinaghimay na kita, I heard na gusto mo rin ito," aniya habang nakangiti. Sinulyapan ko sina Rhys at Carrick bago kinuha iyong ibinibigay ni Travis. "Salamat," nakangiti ko 'yong sinabi. "No problem," sagot niya sabay kindat. Ilang minuto pa ang lumipas at wala na ni isa sa amin ang nagsalita. Binalot kami ng katahimikan sa hapag pero kaagad din iyong nabasag sa biglaang pagtawag ni Tita Maria sa pangalan ko. "Gab," tawag ni Tita, naagaw tuloy niya ang atensyon ng tatlo pang kumakain. "Po?" tanong ko kaagad. "Dinig ko'y mahilig ka raw sa mga bata." Tumango ako. "Opo tita, malapit ang loob ko sa kanila," nakangiti kong sagot. Ngumiti siya at saka pinagdikit ang dalawang palad. "May naginvite kasi sa akin, sa isang shelter," sabi pa niya at sumulyap sandali sa dalawang anak at pamangkin bago ibinalik sa akin ang tingin. "Naisip kong ikaw nalang ang papuntahin doon." Gulat ko siyang tinignan. "Po? Seryoso po ba kayo dyan tita?" "Oo naman, ayaw mo ba?" "Hindi naman po sa ganoon," agap ko. Tumango siya at nginitian ako ng pagkatamis tamis. "Then we're settled, bukas na 'yon ng umaga, suotin mo ang damit na binili ko para sa 'yo." Sasagot na sana ako nang biglang sumabat sina Carrick at Rhys. "I'll go with her," sabay na sabi ng kambal. Gulat silang tinignan ng ina. "Sasama na rin ako kung ayos lang tita?" singit naman ni Travis. Ano bang trip nila? Nako naman! "Sure," maagap na sagot ng Ginang. Nang matapos ang hapunan ay bumalik ako sa aking silid para maligo. Nagsuot ako ng nightgown na kulay itim. Kasalukuyan akong nasa harap ng vanity mirror, nagsusuklay. Katatapos ko lang maglagay ng cream at lip gloss sa mukha. Natigil lamang ako sa ginagawa nang makarinig ng katok sa pintuan. "Gab, gising ka pa?" rinig kong ani Rhys mula sa labas. Anong oras na ah. Bakit gising pa siya? Tumayo ako at mabilis na tinungo ang pintuan. Binuksan ko 'yon. Mukhang nagulat pa si Rhys nang makita ang suot ko. Nag-init tuloy bigla ang mukha ko. "May kailangan ka?" nahihiya kong tanong. Napakamot siya sa kanyang batok at may inilahad sa akin na box. Dumako tuloy roon ang paningin ko. "Ano 'yan?" tanong ko. "Open it," nakangiting aniya. Kinuha ko ang box sa kanya at binuksan 'yon mismo sa harap niya. Nanlaki ang mata ko nang makita ang laman ng karton. Ito 'yong libro na matagal ko ng kinokolekta ah? Alam ko, wala ng ganito ngayon. Paanong nakahanap siya ng kopya? Binuksan ko ang isang libro, lalo akong natuwa nang makitang may pirma 'yon ng sikat na author na may gawa no'n. Nakangiti ko siyang binalingan. "Paano mo nahanap 'to? Wala ng ganito ngayon ah?" "I find ways, Gab." "Thank you so much." Sa tuwa ay hindi ko na napigilang yakapin siya ng mahigpit. Niyakap niya rin ako pabalik. "Nagustuhan mo ba?" tanong niya. Mabilis akong tumango. "Oo, sobra! May pirma pa ng author!" "Masaya ako na napasaya kita," aniya nang humiwalay sa pagkakayakap. "Naappreciate ko 'to Rhys, as in!" Ayon pa rin ang malapad na ngiti sa aking labi. Parang hindi ata 'yon matatanggal agad agad dahil sa regalo niya. "Gab, there's something I need to tell you." Biglang sumeryoso ang mukha niya. "Ano 'yon?" tanong ko na may ngiti pa rin sa aking labi. Umiling siya. "Ah wala pala, good night," aniya at hinalikan ako sa pisngi! Mabilis lang 'yon pero nagdulot ng kakaibang pakiramdam sa akin. "Good night," nahihiya kong tugon. Nakangiti niya akong tinalikuran. Agad naman akong pumasok sa silid matapos 'yon. Napahawak ako sa aking dibdib nang maramdaman ang mabilis na t***k ng puso ko. Hinalikan ako ni Rhys! No'ng una ay kay Carrick pero hindi niya naman alam. Nakakahiya na masyado! Paano nalang kung makarating ito kay Tita Maria? Anong sasabihin ko? Wala na akong mukhang maihaharap kapag nangyari 'yon. Bakit ba kasi ang complicated, e?
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD