Kabanata 7
Annoyed
Ngayon ang alis ko rito sa Mamburao, nakahanda na ang mga gamit ko kagabi pa, sa ilang araw na nagdaan ay wala akong ibang ginawa kundi bumisita sa farm at planta, niyaya pa akong magswimming nina Rhys sa dagat, nagpahanda pa ang mga ito ng pagkain para sa akin. Sulit na sulit ang pananatili ko rito.
Ihahatid daw ako nina Rhys at Travis sa airport mamaya, hindi ko alam kung may balak sumama si Carrick dahil simula kahapon ay hindi ko pa ito nakikita, ang sabi ni Rhys ay baka sa farm ito namamalagi.
"Ready ka na bang umalis?" tanong ni Travis. Ang aga naman niya, akala ko ay mamaya pa siya darating?
"Ang aga mo naman, akala ko ay mamaya ka pa darating," sabi ko pa. Tumawa lang siya ng bahagya at lumapit sa akin.
Ginulo niya ang buhok ko. "May pupuntahan tayo."
Kumunot ang noo ko ro'n, may pupuntahan? E, ilang oras nalang ay aalis na ako. "Saan? Baka naman maiwan ako ng eroplano niyan."
"Hindi 'yan, trust me," aniya at hinila na ako palabas ng mansyon.
Dinala ako ni Travis sa Alli Beach Resort, maliligo ba kami? Bakit naman ngayon pa? Nakakaloka naman ang isang ito!
"Trav, bakit tayo nandito? Balak mo bang magswimming?" tanong ko. Tinawanan niya lang ako ulit, napanguso naman ako dahil do'n.
Tumigil na siya sa pagtawa. "Hindi, may inihanda lang akong surpresa para sa 'yo," nakangiting aniya na ikinatuwa ko, hindi ko inaasahan iyon.
"Ano naman 'yon?" tanong ko, ang excitement sa boses ko ay hindi ko na naitago pa.
Nagkibit balikat lang siya at dinala na ako sa isang cottage na hindi kalayuan do'n sa dagat. Mula rito ay malinaw kong natatanaw ang linaw ng dagat at ang tirik na sikat ng araw. Napakagandang panahon.
"Dito kana muna," aniya.
Magsasalita pa sana ako pero nakaalis na siya.
Dumaan ang ilang minuto at nakita ko na si Travis. Nakasuot na siya ng rushguard at life vest. Sumakay siya sa isang kulay itim na jetskie na batid kong pagaari niya dahil may nakalagay doon na initials. Tatawagin ko sana siya kaso naisip kong hindi naman niya ako maririnig kaya minabuti kong manahimik nalang at hintayin ang surpresang inihanda niya para sa akin.
Dahan dahan ko siyang pinanood, nakamasid ako sa bawat galaw, kilos niya, mula sa pagsakay sa jetskie hanggang sa pagpapaandar niya nito.
Magaling si Travis, halatang matagal niya na itong ginagawa, sanay na sanay siya. Akala ko ay panay ikot lang ang kaya niyang gawin, pero mali ako.
Isang Montefalco na naman ang nagpahanga sa akin, hinigitan ni Travis ang expectations ko.
Hindi ko alam kung paano niyang nagawang magpaandar ng mabilis at magpaikot ikot hanggang sa may mabuo siyang kung ano sa tubig. Pero ang mas ikinagulat ko ay iyong pagtalon niya sa ere at pabagsak na pagupo sa umaandar niyang jetskie, nakakabilib.
Bukod roon, umikot pa siyang muli, tuloy ay nakabuo siya ng salita, I'll miss you, 'yan ang nabasa ko, hindi ko inaasahan pero natuwa ako, ramdam ko ang sinseridad niya sa tatlong salita na iyon, na kahit hindi niya mismo sabihin sa akin ng diretso ay naramdaman ko na ang epekto.
Sobrang effort na itong ginawa niya, hindi ko naman deserve lahat nga mga ito.
"You liked it?" Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala si Travis, nakangiti siya sa akin. Ang buhok niya ay magulo at basang basa ng tubig.
Nginitian ko siya, pagkatapos ay tinanguan. Sakto namang may towel sa tabi ko kaya kinuha ko 'yon. Tumayo ako at pinunasan ang kanyang buhok. "Oo naman, hindi ko 'yon inaasahan, nakakabilib ka, may itinatago ka palang galing sa pagjejetskie, turuan mo ako sa susunod."
Tumawa na naman siya. "'Yon ay kung may susunod pa," sabi niya, ang saya sa mukha niya ay nawala bigla at napalitan iyon ng lungkot.
Itinigil ko sandali ang pagtuyo sa kanyang buhok. Bumuntong hininga ako. "'Wag ka ng malungkot, marami pang susunod, hindi naman porket nasa Maynila na ako ay hindi na tayo magkikita, pwede mo naman akong puntahan do'n, pupuntahan din kita rito," nakangiting ko 'yong sinabi sa kanya.
Ngumiti si Travis matapos marinig ang sinabi ko, bigla niya akong niyakap ng mahigpit, pero mabilisan lang iyon dahil basa siya.
Bukod sa pagjejetskie ay naghanda rin si Travis ng tanghalian, ipinagmalaki niya pang siya ang nagluto ng mga iyon, aminado naman akong masarap ang mga luto niya, hindi na dapat ako magtaka, isa siyang Montefalco, it runs in their blood.
Pagkatapos naming kumain ay dinala naman ako ni Travis sa farm at planta, gusto raw kasi akong makita ng mga tao ro'n bago ako umalis. Nakakatuwang kahit sandali ko lang sila nakasama ay ganito na ang trato nila sa akin. Isa sila sa mga mamimiss ko sa oras na lisanin ko ang lugar na ito.
Nagulat pa ako nang mapagtantong pati sila ay may inihandang surpresa, ang ibang kalalakihan ay binigyan na naman ako ng mga bulaklak.
"Sana ay makabalik ka pa rito Gab," ani Lorenzo.
Nginitian ko siya. "Oo naman, kapag may libreng oras ako ay babalik ako rito," sabi ko.
Isa isa silang lumapit sa akin at yumakap, hinayaan ko nalang kasi huling araw ko na rin naman dito, isa pa, wala namang magagalit.
"Mag-iingat ka Gab," ani Mang Ben.
Nginitian ko siya. "Opo, kayo rin, mag-ingat kayo rito."
Tumango naman siya bilang sagot.
Inilibot ko ang tingin sa paligid ng farm pero hindi ko nakita si Carrick.
"Mang Ben, si Carrick ho? Nakita niyo?" Kinapalan ko na ang mukha ko, gusto ko siyang makita bago ako umalis.
"Nandoon sa opisina niya sa itaas," sagot agad ni Mang Ben.
Hindi na ako nag-abalang kumatok dahil nakabukas naman ang pinto ng opisina niya.
"Carrick," tawag ko sa pangalan niya. Tinignan niya ako, pero 'yong tingin niya, gaya no'ng una ko siyang nakita, blanko at walang kaemo-emosyon.
"Anong ginagawa mo rito?" Malamig ang boses nito, nakakainis naman.
Ngumiwi ako. "Magpapaalam lang sana ako."
Hindi siya nagsalita, tumayo siya mula sa pagkakaupo sa kanyang swivel chair at lumapit sa akin. "Ang nagpapaalam ay 'yong mga hindi na babalik."
Hindi ako nakaimik, hindi rin ako makatingin sa kanya.
"Iiwan mo ba ako?" tanong niya na ikinagulat ko, pero kahit na ganoon ay umiling pa rin ako para sabihing hindi.
"Carrick," halos pabulong kong tawag sa kanya nang may kung ano siyang isinuot sa leeg ko, bumaba ang tingin ko sa aking dibdib, infinity?
"Hindi naman na kailangan nito," tanggi ko, hinawakan ko 'yong pendant ng kwintas na bigay niya.
Hindi naman ako mahilig sa mga materyal na bagay e. Ayos na sa akin iyong gestures lang o kung anong matamis na salita.
"Kailangan," mariing aniya kaya hindi na ako naglakas ng loob na magsalita pa ng kung ano tungkol sa kwintas.
"Sasama ka ba sa paghatid sa 'kin?" pagiiba ko sa usapan.
Umigting ang kanyang panga habang nakatingin sa akin. "I will, what made you think na hindi?"
Napasimangot ako. "E, kasi hindi ka nagpapakita sa mansyon, kung hindi pa sinabi ng mga tao na nandito ka sa farm ay hindi ko pa malalaman, kung hindi pa kita pupuntahan dito ay hindi pa kita makikita."
Natawa siya sa sinabi ko, tch tawanan daw ba ako?
"Tinapos ko kasi 'tong mga trabaho ko para makasama ako mamaya, isa pa kung umalis ka man dito ngayon, pwede naman tayong magkita pa sa Maynila," nakangiting aniya at hinalikan ako sa noo.
Gusto kong punahin ang ginawa niyang iyon pero mas minabuti ko nalang na itikom ang bibig ko dahil baka mainis siya bigla.
"Hindi na ba tayo magkikita?" malungkot kong tanong.
"Magkikita pa tayo tss, kakasabi ko lang kanina, gusto mo pa bang ulitin ko?" Nagsusungit na naman siya tsk!
"Hindi na," sagot ko, nakanguso.
"Buti pa sa pinsan ko ay nagawa mong sabihin na pupuntahan mo siya rito samantalang ako..."
Natawa ako, nagseselos ba siya? Saka paano niya nalaman iyon? Hmm, nako Carrick!
"Paano mo nalaman? Nandoon ka ba?" sunod sunod kong tanong, pero hindi siya sumagot at nag-iwas lang ng tingin. Pft HAHAHAHA!
Mukhang alam ko na ang sagot, nandoon nga siya.
Ngumisi ako. "Nandoon ka 'no?"
Hindi na naman siya sumagot.
"Sus, ayaw pang aminin," tukso ko at akmang kikilitiin na siya nang mahuli niya ang kamay ko. Natigilan ako at napatitig sa kanya.
"Will you be happy kung sasabihin kong nandoon ako?" tanong niya, titig na titig sa mga mata ko.
Napakurap ako at mas lalo siyang pinakatitigan.
Nangunot ang noo niya at mas lalo akong hinapit, binitawan na niya ang kamay ko, ang pareho niyang kamay ay inilagay niya sa bewang ko.
"Hmm?" aniya nang hindi ako makasagot.
Napalunok ako at nagiwas ng tingin. s**t! Matutunaw na yata ako sa titig niya! Talo na ako!
"Ano..."
"Ano?" sabi niya na ginaya pa ang paraan ko ng pagsabi ng 'ano'.
"Wala," agap ko.
"Nandoon ako, are you happy now?" diretsa niyang sinabi, kakaiba ang intesidad nang boses niya nang sabihin 'yon, hindi ko maipaliwanang.
Muli akong ngumisi. "Sabi na e! Nandoon ka."
"Inamin ko na nga, inulit mo pa," nauubos na ang pasensiya niyang sinabi.
"Bakit ba?"
"Are you making fun of me?"
"What?"
"Are you?" tanong niya at mas lalo pang inilapit ang mukha sa akin.