Kabanata 6
Pinsan
Malapit na kami sa labasan pero hindi niya pa rin ako binibitawan. "Saan mo ba ako dadalhin ha?" iritado kong tanong habang pinipilit pa ring makawala sa kanya, pinagtitinginan pa rin ako ng mga tao, nakakahiya!
Kanina niya pa ako hila-hila, kung ano ano ng sinabi ko pero hindi naman siya nakikinig sa akin. Ano na bang gagawin ko?
Hindi siya sumagot, hmm ano kayang pwede kong gawin para makawala sa kanya?
Aha! Alam ko na!
"Ahhh!" daing niya nang apakan ko ang kanyang kanang paa, bwahaha dapat lang 'yan sayo!
Nang bitawan niya ang braso ko ay nanakbo ako hanggang sa bumunggo ako sa isang pader-este lalaki pala.
Nag-angat ako tingin upang makita kung sino 'yon, napayakap ako sa kanya sa takot na baka mahuli na naman ako ng lalaki na 'yon. Buti nalang at nandito na sila! Natakot talaga ako, baka kung hindi ako nakatakas sa kanya ay kung saan na ako napunta.
"Gab, what happened to you?" tanong ni Rhys na nasa likuran pala ni Carrick, hindi ako nakasagot.
"Carrick, Rhys kilala niyo ba 'yang babae na 'yan?" Nakalapit na 'yong lalaki sa amin, baka hilahin niya na naman ako, kinalas ni Carrick ang pagkakayakap ko sa kanya, psh!
"Yeah, bakit?" tanong ni Carrick, napayuko ako sa tabi niya, si Rhys naman ay inakbayan ako, pinunasan din niya ang pawis ko at inalis ang iilang hibla ng buhok na nakatabing sa mukha ko, s**t haggard!
"Akala ko ay kung sino lang, akala ko pumuslit dito sa loob," paliwanag no'ng lalaki kay Carrick, napatingin ako sa braso ko na namumula dahil sa higpit ng hawak sa akin kanina, mukhang napansin 'yon ni Carrick at Rhys nang muli silang tumingin sa gawi ko.
"Hindi siya kung sino lang Travis, bisita siya rito." Bakas sa boses ni Rhys ang inis, halatang hindi na nakapag pigil.
"Paumanhin binibini." Hindi ko namalayan na nasa harapan ko na pala 'yong lalaki.
Nag-angat ako ng tingin sa kanya, "Ayos lang, pasensya na rin, nakagulo ata ako rito."
"Nakakahiya naman sa 'yo, pasensya na, nasaktan ka pa," aniya sabay hawak sa braso kong namumula.
"Pasensya na rin, hayaan mo mawawala rin ang pamumula niyan," sabi ko na ang paningin ay nasa braso ko na hawak hawak niya.
"Hmm, ano nga palang pangalan mo?" tanong niya, tumingin muna ako kay Carrick at Rhys, tumango lang ang dalawa at ngumiti.
"Gabriella Alistair Legaspi," pagpapakilala ko, binitiwan niya ang braso ko.
Naglahad siya ng kamay sa akin. "Ako si Travis Montefalco, pinsan nina Rhys at Carrick." Nakipagkamay ako sa kanya, pagkatapos ay ngumiti.
"May kasintahan kana ba?" tanong pa niya na hindi ko na ikinagulat pa.
Sasagot na sana ako nang biglang magsalita si Rhys. "Nako Trav, napakaraming lalaki ro'n sa farm ang nagkakagusto diyan kay Gab, biruin mo, dinalhan pa siya ng mga bulaklak," kwento pa ni Rhys. Nahiya naman ako bigla, hindi naman ako kagandahan para bigyan ng mga bulaklak eh, I'm just me.
Natigilan bigla si Travis, animong may naalala. "Wait Gab, your surname seems familiar, Legaspi hmm? How are you related to Carina Legaspi?" tanong pa niya.
"She's my mom," sagot ko agad.
Niyaya kaming kumain ni Travis sa kanila, gaya ng mansyon nina Carrick, malaki rin ang sa kanila. Hindi lang iyon, dumating din si Gianna. Nalaman ko na isa ang tatay niya sa trabahador ng mga Montefalco kaya madalas talaga siyang nandito.
"So Gab, hanggang kailan ka mananatili rito?" pagbasag ni Travis sa katahimikan.
"Ah hanggang sa Linggo nalang, sakto isang buwan," sagot ko.
"Oh malapit na, akala ko ay magtatagal ka pa rito, sayang at ngayon lang tayo nagkakilala," nakangiting aniya, gaya ni Carrick at Rhys, gwapo rin si Travis, may kaputian ito, kulay itim ang buhok, matangos ang ilong at buong buo ang boses.
"Kailangan ko rin kasing bumalik ng Manila, I need to work, binigyan lang ako ng isang buwan na break ni Mama para makapagtravel since kakagraduate ko lang ng nursing last month," pagkekwento ko pa.
Binalingan ni Travis si Carrick na ngayon ay katatapos lang uminom ng juice. "Bro, 'di ba may hospital kayo rito?"
Dumako ang tingin ko kay Carrick, hinihintay ang magiging sagot niya, pero kung mayroon man siyang hospital dito, hindi na ako magtataka o magugulat manlang, mayaman naman na siya e, kaya hindi impossible ang bagay na iyon.
Tumango siya. "Yeah mayroon, pero baka sa Hunyo pa 'yon magbubukas," kaswal niyang sagot.
"Why don't you hire Gab as one of your nurses? Nangangailangan kayo ng mga doctor at nurse diba?" tanong na namang muli ni Travis na ikinagulat ko.
"Oo nga, that would be great, what do you think Gab?" tanong ni Rhys habang nakangiti.
"Yeah pero pag-iisipan ko, nakapagpasa na kasi ako ng application sa ilang hospital sa Manila," sabi ko pa.
"By the way Gab, talaga bang aalis kana sa Sunday?" tanong ni Gianna dahilan para mapunta sa kanya ang paningin ko. Hindi rin nakaligtas sa akin ang kamay niya na naroon sa braso ni Carrick.
Dumako ang paningin ko kay Carrick, pero mukhang hindi naman siya nabobother sa paghawak hawak ni Gianna, mukhang nageenjoy pa nga siya e. Tuloy ay napairap ako sa isiping 'yon.
Akala ko ba, hindi siya girlfriend? E, bakit kung makapulupot ay parang may namamagitan sa kanila? Ano siya, takot maagawan? Tsk, akala ko pa naman nice talaga siya, pero mukhang nagkamali ako. May tinatago palang ganito.
Nginitian ko siya. Iyong peke na talagang maaasar siya. "Oo, bakit?"
"Gusto pa sana kitang makabonding, ipapakilala na rin kita sa friends ko na taga roon sa Bayan."
Sasagot na sana ako nang bigla akong akbayan ni Rhys. Napunta tuloy sa kanya ang paningin ko. "I know your friends Gianna and I think, hindi na kailangan 'yon, paniguradong hindi babagay doon si Gab."
Nahuli kong tumaas ang isang kilay ni Gianna nang ibalik ko ang paningin sa kanya. "Why did you say so? Mababait naman sila."
"Hindi lang nababagay doon si Gab, she's too precious and special," ani Rhys.
Nahuli kong umigting ang panga ni Carrick. Hindi rin nakaligtas sa akin ang masama niyang tingin sa kamay ni Rhys na naroon sa balikat ko. Nang mahuli akong nakatingin ay sinamaan ko rin siya ng tingin.
Nang matapos kaming mananghalian ay nagdesisyon akong magtungo sa hardin nina Travis. Naburyo na kasi ako sa loob e, sila sila lang ang naguusap. Idagdag mo pa si Gianna na ang kamay ay hindi manlang maipirmi. Laging naroon sa braso ni Carrick.
"Mahilig ka sa bulaklak?" nilingon ko si Travis at tumango.
Lumapit siya sa akin at pumitas ng pulang rosas at sunflower, iniabot niya iyon sa akin. "Here, this is for you."
Wala na akong nagawa kundi kuhanin iyon.
Nginitian ko siya, "Salamat."
"Bakit ka nga pala nag-iisa rito?" tanong niya sa akin.
Ngumuso ako. "E, nag-uusap kasi kayo kanina about sa farm at planta, wala naman akong alam do'n kaya pumunta nalang ako rito."
Ngumisi siya. "Ah I see."
"Pwedeng magtanong?" tanong ko.
Tumango siya. "Yeah, sure."
Nakagat ko ang ibabang labi. "May namamagitan ba kina Carrick at Gianna?"
Pinanliitan niya ako ng mata matapos 'yon kaya naman mabilis kong iniiwas ang paningin ko.
Kung bakit naman kasi itinanong ko pa iyon e. Nakakahiya tuloy!
"Gusto mo si Carrick?" tanong niya.
Tinignan ko siya. Mabilis akong umiling. "Hindi ah!" tanggi ko.
"Hmm, kaya pala ang sama ng tingin mo kanina kay Gianna habang nakahawak siya kay Carrick," aniya na para bang nangaasar.
"Ewan ko sa 'yo Travis," masungit kong sinabi.
Natawa siya. "Sige, hindi na ako magtatanong tungkol doon."
"Sabi mo 'yan ah?"
"Iba nalang ang itatanong ko."
"Ano?"
"Kailan mo pa kilala sina Carrick at Rhys?"
"Bata palang ako kilala ko na sila, no'ng bata ako ay bumibisita rin kasi ako sa opisina nina Mama kaya nakikita ko sila, pero hindi kami gaanong close ni Carrick kasi masungit siya, pero si Rhys madali kong nakasundo kasi palangiti siya, kabaliktaran ni Carrick," pagkekwento ko pa, natawa ng bahagya si Travis sa sinabi ko.
"Ganoon talaga 'yong si Carrick, masanay kana," aniya.
"Yeah, I think, I should," sagot ko habang nakangiwi.
"Ilang taon kana?" tanong niya na naman sa akin, kakaiba ang isang 'to ah! Hindi nauubusan ng tanong.
"22," sagot ko.
"Oh mas matanda pala kami sa 'yo."
Akala ko ay kaedad ko lang si Travis pero mukhang hindi pala.
"Bakit? Ilang taon kana ba? kayo?" tanong ko habang nakataas ang isang kilay.
"Magkakaedad lang kami nina Carrick at Rhys, 27 pero turning 28 na ako sa Mayo, sina Carrick at Rhys naman ay sa Hunyo."
Anim na taon pala ang agwat namin, pero kahit na, wala akong balak na tawagin silang kuya, para kasing ang awkward no'n.
"Nasa edad naman na pala kayo pero bakit wala pa kayong asawa?" Curious lang kasi talaga ako.
"HAHAHAHAHA!" Narinig ko pang may tumawa, paglingon ko, nasa likuran ko na pala sina Carrick at Rhys, pero wala si Gianna. Pero ano bang pakialam ko roon? Tsk kanina pa ba sila dyan?
Bakit tumatawa? May nakakatawa ba sa tanong ko?
Nangunot ang noo ko. "Bakit tumatawa? Wala namang nakakatawa sa tanong ko."
"Wala 'yon," agap ni Rhys.
Ngumuso ako. "Ano nga?"
Bakit kasi ayaw pang sabihin? Mabobother ako lalo kapag hindi ko nalaman 'yon!
"Wala nga." si Travis.
Tinignan ko si Carrick. Tinaasan ko siya ng isang kilay. Nagbabakasakaling may makuhang matinong sagot mula sa kanya.
"What?" tanong niya.
Talagang siya pa ang may ganang magtanong niyan sa akin ha?
"Sabihin mo..."
"Ang alin?"
"Bakit hindi pa kayo nagaasawa?"
Nagkatinginan sina Travis at Rhys, maya maya lang ay iniwan na nila kaming dalawa ni Carrick. Lumabi ako habang nakatingin sa papalayong bulto ng dalawang Montefalco.
"Do you really want to know?" Nabalik bigla kay Carrick ang paningin ko matapos niya 'yong itanong.
"Hmm, sasabihin mo ba?" tanong ko.
Dinilaan niya ang ibabang kabi saka tumitig sa akin. "Kung pipilitin mo ako, baka sakaling sabihin ko sa 'yo."
Sumama bigla ang mukha ko.Talagang gustong gusto ng isang 'to na inaasar ako 'no?
"Nako, hindi na!" Inirapan ko siya at nagmartsa na papasok sa loob ng bahay nina Travis.
Nakakayamot ka talaga kahit kailan!