SIMULA
Deretcho lamang ang tingin ko sa aming Professora, habang siya ay nakaupo siya sa teacher's table at nagdi-distribute ng exam results. Dinig na dinig ko pa ang mga bulungan ng aking mga kaklase.
"f**k, I'm not sure kung makakapasa ako this sem. For sure magagalit na naman sa'kin si Dad."
"Damn, bawas na naman allowance ko."
Tinawag ng Professor ang isa sa kanila kaya tumayo ito upang lumapit. Nakita ko ang pagkunot ng noo niya habang nakatingin sa resulta ng exam. He sighed and looked at his friend atsaka umiling.
Bagsak.
Tinawag ako ng prof kaya tumayo ako upang kuhanin ang akin. Ngumiti siya sa akin sabay sabing, "as expected, from the most intelligent student." Bumuntong-hininga lamang ako at nagpasalamat. Rinig ko ang bulungan ng mga kaklase ko habang nakatingin sa akin. Bumalik ako sa aking upuan at itinago ang exam result ko. Wala na akong planong tingnan, sure akong perfect iyon.
Matapos magdistribute ay tumayo ng tuwid ang guro at nagsimulang maglakad-lakad. The clicking sound of her stilettos echoed on the cemented floor, the air from the aircon seems cooler than usual. Walang maririnig na ingay kundi ang mahihinang bulungan at buntonghininga ng aking mga kaklase.
"Okay, so nakita niyo naman siguro ang results ng exam niyo this sem. To be honest, I'm glad na most of the students ay pumasa at hawak ko pa ang pinakamatalino sa buong university," tumingin siya sa direksyon ko at ngumiti, "pero, nakakapanghinayang at may iba pa rin sa inyo ang bumagsak. Ayoko pa naman sana kayong makita sa summer, at for sure ganun din kayo. Kaya sana sa susunod ay ayusin niyo." She sarcastically said.
Nagpatuloy ang lecture at pagdi-distribute ng iba pang exam results mula sa ibang mga Professors. So far, maayos naman ang naging takbo ng buong maghapon. Alam ko na maayos ang lahat ng exam results ko. Pagkatapos magpaalam ng Professor sa huling subject ay tumayo na rin ako para umalis. Sukbit ang bag ay lumabas ako ng room.
Madilim na rin sa labas dahil, 8:00 pm na rin. May mga students na gaya ko ay naglalakad rin, karamihan ay may kasama, kakwentuhan at katawanan kahit na halata ang pagod sa kanilang mukha. Inilagay ko ang earphones ko sa aking tenga at naglakad na papuntang parking lot. Natanaw ko ang kotse namin sa hindi kalayuan. Binuksan ko ang pinto sa backseat atsaka umupo ng tuwid. Pinaandar na ni manong ang kotse deretcho sa bahay. Wala naman akong ibang pupuntahan at isa pa, sa university at bahay lang umiikot ang mundo ko.
I fought it for a long time now
While drowning in a river of denial
I washed up, fixed up, picked up
All my broken things...
Nakakarindi ang music na pinapatugtog ko, kaibahan sa buhay na meron ako. Nakakarindi pero makulay, samantalang ang akin ay tahimik ngunit mistulang patay. Ipinikit ko ang aking mga mata habang naglalakbay ang aking isip.
As expected...
Ito ang salitang palagi kong naririnig sa bawat taong nakakasalamuha ko. It's as if, I'm not allowed to be wrong... to be low. Lately, feeling ko parang may nag-iba. I just can't pinpoint kung ano iyon. Or I can... I know, but I just can't accept it.
I can feel something inside me looking for something unknown. Something that I'm looking and seeking for so long, pero kahit na alam ko kung ano iyon ay tila nagbubulag-bulagan lang ako dahil... mahina ako.
Naramdaman ko ang paghinto ng sasakyan kaya nagmulat ako ng mata. Nasa tapat na kami ng malaking bahay, mansion kung tawagin ng ilan. Pero para sa kanila Dad ay tama lang para sa isang chemist at isang politician. Nandun na rin ang dalawa pang sasakyan kaya for sure ay nandun na sila.
Deretcho ang lakad ko papuntang room ko. Bago humarap sa kanila ay dapat presentable at maayos na ang hitsura. Saglit akong nag-wash up at nang masigurong ayos na, ay dumiretcho na ako sa dining area. Wala pa sina Mom and Dad kaya nauna na akong maupo. Hindi rin naman nagtagal ay dumating na sila. Humalik ako sa pisngi nila bago muling naupo. Sinerve na ng mga katulong ang pagkain kaya naiwan na lamang kaming tatlo sa dining.
"I heard lumabas na ang exam results niyo," si Mom, habang nagpapatuloy sa kaniyang pagkain. Tumingin siya sa akin, "how's it?"
Tumikhim ako at nagpunas ng labi bago sumagot. "It's fine, Mom. Perfect po lahat." Tumango-tango naman sila ni Dad, at nagpatuloy sa pagkain.
"Good. Dapat lang."
Napatango na lamang ako at tinapos na ang pagkain. Matapos magpaalam na mauuna na ay dumiretcho ako sa sariling kwarto. Matapos ang night skin care routine, gaya nang gusto ni Mom, ay dumiretcho ako sa isa pang room sa loob ng walk-in closet ko.
Pagkabukas ng pinto ay bumungad sa akin ang mga instruments at computer ko. I can play four instruments; guitar, piano, violin and saxophone. After learning those, pinatigil ako ni Mom sa pagp-play, baka raw maubos ang oras ko sa instruments at mawalan ng oras sa pag-aaral. And so, I obliged.
My computer is also here, doon ako nagsusulat noon ng mga stories, nang malaman nila Mom, ay pinatigil din nila ako. Pero tuwing free time ay nagpupunta ako dito kahit saglit lamang.
Lumapit ako sa piano at pumindot ng ilang keys. Napabuntong-hininga ako napapikit. Tinungo ko ang aking gitara atsaka inalis ito sa case.
Umupo ako sa couch habang hawak ang gitara. Nagsimula akong tumugtog nang tahimik habang naglalakbay ang aking isip kung saan.
At the age of two, I can count up to one thousand and recite the ABCD song. At the age of three, my parents hired a tutor. At the age of four nang magsimula akong mag-aral as kinder garden. Naalala ko pa noon, my teacher doubted my age kasi masyado raw akong matalino as a four year old child. Pinag-recite niya pa ako noon ng multiplication table sa klase. Pinatawag niya ang parents ko, my parents thought I did something bad that's why they're so mad pero nang malaman ang dahilan ay natuwa sila.
Wala akong naging kaibigan kahit isa. Elementary days nang sinubukan ko, but, ayaw nila. And hindi naman ako yung namimilit. I'm okay on my own. I like to be alone. Pero noong grade three ako, nagkaroon ako ng kaibigan. Kauna-unahang kaibigan pero, umalis siya.
Iginugol ko ang oras ko sa pag-aaral. My parents hired a tutor, one for my acads and one to teach me play instruments. Madalas wala ang parents ko sa bahay, at kung nandun naman sila ay ang pag-aaral ko ang kinukumusta nila, kaya naman sa kagustuhan kong i-please at pasayahin sila ay palagi akong nagsusumikap para maging mataas. My parents expect high from me. I became motivated and expects high from myself too.
Iminulat ko ang mata ko at inilagay na sa case ang gitara. Lumabas ako sa silid na iyon at dumiretcho na sa kama. Humiga ako at pumikit hanggang sa makatulog.
Kinabukasan ay maaga na naman akong nagising. Matapos maligo at magbihis ng uniform ay dumiretcho ako sa dining area. Nandun na rin sina Mom and Dad, hawak ang kanilang mga cellphones at ilang papers. Humalik ako sa pisngi nila bago maupo.
Nagsimula na akong mag-agahan. Tiningnan ko sila, si Mom ay may katawagan tungkol sa trabaho, si Dad ay ganun din habang nagbabasa at nagpipirma ng ilang papeles. Pagkatapos ng isang tawag ay may kasunod na namang isa pa.
Nasa kalagitnaan ako nang pagkain nang tumayo si Dad at binitbit ang coat niya.
"Okay. I'm on my way." Binaba niya ang phone at humarap kay Mom. "Kailangan ako sa munisipyo, mauuna na'ko." Paalam niya. Tumayo rin si Mom bitbit ang bag.
"Mauuna na rin ako, Avalie." Humalik sila sa akin. "Let's go." Aya pa ni Mom kay Dad.
Pagkaalis nila ay naiwan na naman akong mag-isa. Napatingin ako sa plato nilang hindi man lang nagalaw. Hindi na ito bago. Minsan na lamang kaming magsabay-sabay sa pagkain pero hindi na rin bago na sa kalagitnaan ng pagkain ay may emergency sa kanilang trabaho. Busy kasi ang profession na pinili nila. My Dad as a Governor of this town and my Mom as a chemist, studying and experimenting a possible cure or medicine for rare diseases. Tumayo na rin ako matapos kumain at dumiretcho muli sa kwarto ko.
Pagkatapos magtoothbrush ay kinuha ko na rin ang bag ko. Pagkasakay sa car inilabas kong muli ang earphone ko at ikinabit sa tenga. Damned if I do Ya by All time low. Napapasabay ang paa ko sa beat nang hindi ko namamalayan, pero wala akong pake. Tahimik ang buong byahe hanggang sa makarating ako sa university.
Dumiretcho ako sa unang subject ko. Tahimik ang room dahil konti pa lang ang nasa loob. Siguro para sa iba'y masyado pang maaga. Inilabas ko na lamang ang libro ko upang magbasa. Nang ma-bore ay isinauli ko ang book sa bag ko at saka tumayo. Isinukbit ko ang bag, tiningnan ko ang relo at nang makita kong may twenty minutes pa ay lumabas ako ng room. Inilagay ko ang earphones ko atsaka nagtungo sa library.
Pagkarating sa library ay ibinigay ko ang card sa librarian pagpasok. Dumiretcho ako sa mga shelves para hanapin ang book na kailangan ko sa CE Laws subject namin. Nang makita ay kinuha ko agad iyon. I checked the time on my wrist watch at nang makitang ten minutes na lang before mag-start ang klase ay dumiretcho ako sa librarian.
Hihiramin ko na lang ang book. Pinapirma niya ako sa papers at binigyan ng card. Pagkalabas ng library ay itinago ko na rin ang earphones ko bago nagpatuloy sa paglalakad. Hindi rin naman nagtagal ay nakarating na ako sa room. I checked the time again at nakita kong may six minutes pa. I went to my chair and sit down. After one minute ay dumating na ang Prof at nagsimula na rin agad ang klase.
"Good morning class. For today's topic we will be having Water Resources Engineering." Inilapag niya ang librong hawak niya sa table saka niya kami tiningnan isa-isa. "Do you have any ideas about our topic?"
Nagsibabaan ng tingin ng mga ka-blockmates ko, ang iba'y animo'y nag-iisip, nakahawak sa baba at bumubulong. Ang iba'y nagbubuklat ng books at ang iba'y iniiwasan ang tingin ng Prof. Nagtaas ako ng kamay kaya naagaw ko ang atensyon ng Professora. Ngumiti siya at saka nagmwestra na tumayo ako. I heard my blockmates' sigh of relief.
"Water resources engineering is the study and management of equipment, facilities and techniques that are used to manage and preserve life's most plentiful resource." Tumango-tango ang guro at ngumiti.
"Impressive." She said . Umupo na ako at pinagpatuloy niya na ang discussion. May mga tinawag din na blockmates ko, ang iba ay nakakasagot, ang iba naman ay hindi kaya pinatatayo ng Professor.
Paulit-ulit lang ang nangyari buong maghapon, pagkatapos ng klase ay lilipat ako ng room para sa ibang subjects. Tatawagin ng Prof at pupuriin.
Nakakapagod pala na paulit-ulit na lang ang routine. School, bahay, acads, repeat. To fulfill their expectations, I have to give up on my own happiness and prioritize their's.
Napabuntong-hininga ako at pabagsak na umupo sa backseat. Isinara ko ang pinto at sumandal sa bintana. I watched the city lights habang mabagal na umaandar ang kotse.
I now know, what's lacking. What's this feeling. I now know, what I want. No... I've always known, pero ayoko lang i-entertain.
Pagkauwi sa bahay ay nandun na ang parents ko. Humalik ako sa pisngi nila. "Good evening, Mom and Dad. Akyat po muna ako saglit." Paalam ko pa. Tumango naman si Mom at ngumiti.
"Sure, Hon."
Pagkarating sa kwarto ay mabilis akong nag-freshen up at nagbihis. Bumaba ako sa hagdan at nagtungo sa dining. Pagkarating doon ay naka-serve na ang mga pagkain. Umupo ako sa place ko at nagsimula na rin kaming kumain.
Habang kumakain ay todo sa paglikot ang isip ko. Gusto kong sabihin sa kanila kung ano talaga ang gusto ko pero hindi ko mahanap ang tamang salita. I want tell them but my mouth and my mind kept their silent. Ang lakas din ng kabog ng dibdib ko. It's like If I don't say it now, hindi na ako magkakaroon pa ng chance.
Tumikhim si Dad kaya napatingin ako sa kaniya. "Avalie, sa Saturday bibisita ang kaibigan ko mula Japan. Make sure you look presentable. Kasama niya ang unico hijo niya." He said. Napakurap ako at tumango. Just like how the ocean erases the lines I wrote in the sand, Nawala rin ang sasabihin ko.
I can't. I still... can't
"For sure magkakasundo kayo ng anak niya. I heard he's also very talented and intelligent. Make sure you get along, Avalie." Mom said while smiling at me. I forced a smile and nodded. I think I know what they want. I know what they're planning. "His name is Daijon." She added.
Daijon... God's gift of hope.
_________________________________
SONG: DAMNED IF I DO YA BY ALL-TIME LOW
_________________________________
xxorphicxx
FB: Shan Calixtro
IG: xxorphicxx/ _shxnnnnn
;