KABANATA 1: Companion

1911 Words
"Avalie baby, say goodbye to mommy." Narinig ko ang tawag ni mom. Tumingin muna ako sa tutor ko para mag-paalam. "Miss, punta po ako mommy." Tumango naman siya at ngumiti. Tumakbo ako at agad lumapit kay mommy. Lumuhod siya para magpantay kami, niyakap ko siya gamit ang maliliit kong braso. "Bye momma." Hinalikan ko siya sa pisngi. Lumuhod din si dad at ginulo ang buhok ko. Lumapit ako sa kaniya at niyakap din siya. "Bye daddy." "Make sure to get a perfect score, Avalie." Dad said. Ngumiti naman ako nang pagkalaki-laki at tumango ng sunod-sunod. "Remember, always aim for the perfect score. You have to be the best. Okay?" Si mom. Kumaway ako sa kanila habang tinatanaw silang sumakay sa sasakyan. Bumalik ako sa tutor ko at pinagpatuloy niya na ang pagtuturo. "Okay, Avalie. Bago tayo mag-proceed sa next topic. Review muna tayo sa last topic." Kinuha niya ang papel at binigay sa akin. Kinuha ko naman ito. "Write your name, first." Gamit ang lapis ay sinulatan ko ito. Avalie Gallegos "Number one..." panimula ni Miss. "eighteen plus four hundred three?" Isinulat ko muna ang binigay niyang numbers bago sinagutan. Nagpatuloy ang review namin hanggang number five. Pagkatapos ng review ay binigyan niya ako ng isang table na naka-laminate. Kuryoso ko itong tiningnan. Binasa ko ang title sa itaas... Multiplication... table. "I asked your parents kung talagang multiplication table ang ituturo ko sa'yo. Honestly at your ages, dapat nasa labas ka at nag-e-explore pero..." napatingin naman ako sa kaniya nang marinig ang mahina niyang bulong, "I-I'm sorry... Don't mind what I said." Ngumiti siya sa akin. "Let's start?" Nakangiti naman akong tumango. "Sige po!" Matiyaga niya akong tinuruan noon hanggang hapon. Sa buong maghapon ay hanggang multiplication table 6 na ang alam ko. Sana matuwa sila Mom at Dad. Kumaway ako habang nakangiti sa papaalis na si Miss. "Goodbye, Miss. Thank you po, bukas ulit." Paalam ko. Humarap siya sa akin at kumaway pabalik. Pumasok ako sa bahay at kinuha ang multiplication table. Dumeretcho ako sa room ko humiga sa kama, habang tinititigan ang multiplication table. "Avalie..." Napakunot ang noo ko at nagmulat. Nakatulog pala ako. "Hi baby." "Mom!" Umupo ako ng maayos at saka siya niyakap. "Miss you, mom!" Naramdaman ko naman na niyakap niya ako pabalik. Bahagya pa siyang tumawa. Inalis ko ang pagkakayakap at saka siya tinitigan. "Tita... mom...?" Napatawa naman siya at tumango. Si tita mom, kakambal ni mommy. Pero sabi ni mom, ay nasa ibang country daw siya. Nagtataka naman akong napatingin sa kaniya. "Kelan po ikaw umuwi?" Tanong ko. Tumayo naman siya at naglahad ng kamay. Inabot ko ito at saka bumaba sa kama. Sinuot ko ang slippers ko, bago kami naglakad palabas ng kwarto. "Kahapon lang, Avalie," tumingin siya at ngumiti sa akin, "after ng appointment ko sa spa ay dumeretcho ako dito kasi..." lumuhod siya upang magpantay kami, ngumiti siya sa akin at ginulo ang buhok ko, "nami-miss ko na ang paborito kong pamangkin! Hindi mo ba na-miss si tita mom?" Malungkot na tanong niya. Gamit ang maliliit na braso ay niyakap ko siya ng mahigpit. "Miss po kita!" sabi ko. Tumayo siya habang hawak ang kamay ko. Dinala niya ako sa dining at nagulat ako nang makita ang maraming chocolates. Nanlaki ang mga mata ko. "WOW! CHOCOLATES!" Napapalakpak ako at tumakbo papunta doon. "Para sa akin po ba ito?" Tanong ko. Tumango naman siya. Tumakbo ako papunta sa kaniya at niyakap siya, pero dahil maliit lamang ako ay hanggang bewang lang ang nayakap ko. "Thank you po tita mom!" Inubos namin ang oras noong hapon sa paglalaro ni tita mom. Binilhan niya rin ako ng doll house kaya naman nagkaroon kami ng tea party gaya nang mga naririnig ko na nilalaro ng mga bata. Nanood din kami ng movies at nag-swimming. Sobrang saya talaga lalo na 'pag nandito si tita mom! Hawak-hawak ni tita mom ang kamay ko habang pababa kami sa hagdan. Tawa pa kami ng tawa dahil sa kwento niya. Gusto ko na rin pumunta ng New York! Sana pumayag si mom! "Mauree, kelan ka pa nakabalik?" Naagaw ng tanong ni mom ang atensyon namin. Napatingin ako sa kaniya, tumakbo ako at niyakap siya. "Hi, Mom!" "Yesterday, Maura. How have you been?" Nagbeso sila ni mom. Nanatili naman ako sa gilid ni mom habang pinagmamasdan silang dalawa. Magkamukha talaga sila! "Good. How's New York?" Inilahad ni mom ang dining kaya doon sila dumiretcho. Nakahawak ako sa laylayan ng damit ni mom habang sinasabayan sila sa paglalakad. "Busy as always." Pagkarating sa dining ay umupo si Mom sa kanan ni Dad, na nauna na pala sa dining. "Hey Archulus! What's up?" Bati ni tita mom at tinapik ang balikat ni Dad. Tumango naman si Dad at ngumiti. "Busy." Napangisi naman si Tita mom at tumango. Nakaupo naman ako sa kabilang side ni Dad. Tiningnan ako ni tita mom atsaka tinabihan. Tinanong niya ako kung anong ulam ang gusto ko. Tinuro ko naman ang pakbet, kinuha niya ito at nilagyan ang plato ko. "Is that enough?" Ngumiti naman ako at tumango. Nilagyan niya rin ang plato niya at saka nagsimulang kumain. Tiningnan ko ang paraan niya ng paghawak ng spoon and fork, kinuha ko naman ang akin at tininganan. Ginaya ko ang paraan ng paghawak niya, pati ang paraan ng pagkain niya. Narinig ko ang pagtikhim ni mom. "Avalie baby." Tawag niya. Tumingin ako sa kaniya. "Yes mommy?" "How's your day?" Nakangiti niyang tanong. "Very good mommy! Nag-play po kami ni tita mom! Tapos, nag-swimming at nanood ng movies, tapos po kumain din kami ng---" "I'm asking about your day with Miss." Putol niya sa akin. "Ah! Alam ko na po ang multiplication table hanggang six!" Natutuwa kong dagdag. "Hanggang six pa lang? Dapat alam mo na hanggang ten." She said. Unti-unting Nawala ang ngiti ko. "Sorry mom." "Hindi ka dapat nag-aabala sa ibang bagay maliban sa acads. Remember, kailangan mong maging mataas. At para maging mataas ka sa lahat ng bagay dapat---" "Maura, that's enough." Putol ni tita mom. "And what? Multiplication table? Hindi ba parang ang aga pa para doon? I mean, she's just three." "Yun na nga, Mauree. Three years old na siya. Malapit na siyang mag-aral, dapat malagpasan niya yung mga magiging classmates niya. Wala siyang dapat pagtuunan ng pansin kung hindi ang pag-aaral. I want her to become successful someday." "But don't you think that's too much? C'mon sis, it's just a 'lil fun. Huwag mo ng pagalitan si Avalie." "Hindi ko siya pinagagalitan. 'Pinagsasabihan' ko lang siya, Mauree." Binalingan ako ni mom. "Right, Avalie?" Yumuko naman ako at tumango. "See? Sumunod ka na lang kay mommy, okay?" Nang matapos ang dinner ay dumeretcho na ako sa room ko. Nag-wash up ako at nagpalit ng pajama. Narinig ko ang katok sa pinto kaya naman lumapit ako para buksan. "Tita mom?" Ngumiti siya at ipinakita ang gatas na dala. "Milk?" Tumango naman ako. Kinuha ko ito at ininom. Pagkaubos ay kinuha niya ang baso at nilagay sa bedside table ko. Kinuha niya ang isang story book at binuklat. "Babasahan kita ng story, okay?" Humiga naman ako at tumango. Nagsimula na si tita mom sa pagbabasa. Unti-unti na ring bumibigat ang talukap ng aking mata. Naramdaman ko ang marahang paghaplos niya sa buhok ko na nakadagdag sa antok. "Hanggang sa nagkaroon ng anak ang hari at reyna. Naging masaya ang kanilang buhay lalo pa't ang sanggol na iyon ang nagmistulang anghel sa kanilang buhay. The end..." Rinig ko. Nakapikit na ang mata ko dahil hindi ko na makayanan. Naramdaman ko ang paghalik niya sa aking noo. "Goodnight, Avalie." Kinabukasan ay papaalis na si tita mom sa amin. Nakayakap ako sa kaniya ng mahigpit habang umiiyak. "T-Tita m-mom, o-one day pa po..." Paki-usap ko. Bumaba siya para magpantay kami at niyakap ako. "Baby, kailangan ko nang umalis e. The next day na ang flight ni tita mom. I have to go to grandma and grandpaps pa." "Sama ako tita mom." Ungot ko pa. Napabuntong-hininga naman siya. "Babalik naman ako. Sige na baby. Stop crying na." Alo niya pa. Halatang nahihirapan na siya kung paano ako patahanin, pero nanatili ang kamay ko na nakahawak sa kaniyang kamay. "Avalie, that's enough." Si mom. Kinuha niya ako at inilayo kay tita mom. Hahabol pa sana ako nang makitang sasakay na siya sa kotse pero hinigpitan ni mom ang kapit sa akin kaya wala akong magawa. Tiningnan ko ang pag-alis ni tita mom. Hihikbi-hikbi ako sa tabi ni mom, pinipigilan ang malakas na pagsigaw. Padarag niyang binitawan ang kamay ko. Bumaba siya para magpantay kami. "Avalie, listen to me. Stop crying." Hihikbi-hikbi pa rin ako habang pilit tinatahan ang sarili. Kahit nahihirapan sa pagpipigil ng iyak ay sinisikap kong huminto. "You have to focus, Avalie. Babalik naman si tita mom. At kung gusto mo siyang makasama... you have to be intelligent and strong. Para masundan mo siya sa New York." Years later, nagsimula na rin ang klase sa elementary. I'm on my third grade now. Nag-aaral ako sa isang kilalang private school. "Look at her, hanggang ngayon wala pa rin siyang friends." "Baka ayaw sa nerd na gaya niya. Wala namang ibang ginawa yan kung hindi ang mag-study." "Siya lagi ang nilalaban sa school competitions." Hindi ko na lamang sila pinapansin. Nang mag-recess ay dumiretcho ako sa cafetria at bumili lang ng snacks. Nang makitang maraming tao sa cafeteria ay umalis ako doon at nagpasiyang pumunta sa music room. Bawal ang food and beverages sa library namin. Pagkabukas ng pinto ay tiningnan ko kung may ibang tao. Wala naman. Pumasok ako at tuloy-tuloy papunta sa piano. Inilapag ko ang juice ko sa sahig nang masigurong malinis naman iyon. Iniangat ko ang takip ng grand piano at sinimulang tipain ang ilang keys. Nang marinig na nasa tono naman ay nagsimula akong tugtugin ang Bubbly by Colbie Caillat. Dalawang beses kong inulit ang intro atsaka nagsimulang sabayan ng mahinang pagkanta. I've been awake for a while now You've got me feelin' like a child now 'Cause every time I see your bubbly face I get the tingles in a silly place It starts in my toes, and I crinkle my nose Where ever it goes I always know That you make me smile, please, stay for a while now Just take your time wherever you go Nang matapos ay pumikit pa ako bago tuluyang binaba ang kamay. Isinara ko na rin ang piano at dinampot ang juice ko. Papaalis na sana ako ng maagaw ng mahinang bulong ang atensyon ko. "Wow..." Napatingin ako at nakita ang isang maliit na batang singkit at may salamin. Kumaway-kaway siya sa akin at lumapit. "Ang galing mo! At ang ganda pa ng boses mo!" Nakakabingi ang lakas ng boses niya kaya napapapikit ako kapag nagsasalita siya. "S-Salamat..." Akmang aalis na'ko ng hawakan niya ang braso ko. "Sandali! Anong pangalan mo? Ako nga pala si Uri!" Naglahad pa siya ng kamay. Inabot ko naman ito. "Av—" "Hi Av! Saan room mo? Gusto mo sabay na tayo? Sana kaklase kita 'no? Baka kaklase kita, hindi ko lang alam? Kasi nakatulog ako sa klase e! HAHAHAHAHA!" Grabe, sobrang energetic niya. Magkasabay kaming umalis ng music room at dumiretcho sa room ko. Noong una ay akala ko ihahatid niya lang ako o sinusundan pero nagulat ako na magkaklase pala talaga kami, hindi lang namin napansin. Simula noon, siya na ang naging kaibigan ko. Siya ang kauna-unahang kaibigan ko. ____________________________ SONG: BUBBLY BY COLBY CAILLAT ____________________________ xxorphicxx FB: SHAN CALIXTRO IG: xxorphicxx/shxnnnnn ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD