KABANATA 2: MY LIGHT

1567 Words
"That's all for today class! Anyways, welcome to third grade!" Pagtatapos ng teacher namin. Tumango naman kaming lahat at nagpaalam na rin. Sinukbit ko ang bag ko at dinala ang attache case ko na may lamang books. Papalabas na ako ng classroom ng marinig ko ang sigaw ni Uri. "Av! Wait lang! Sabay na tayo!" Nilingon ko siya at nakitang nagmamadaling ilagay ang mga books sa malaking back pack niya. Tumabi ako sa may gilid ng pintuan para hintayin siya. Nang makitang naghihintay ako ay dali-dali niyang sinukbit ang bag niya at tumakbo papunta sa'kin. Nakita ko pang nahihirapan siya dahil sa laki at bigat ng bag niya. Nakangiti siyang lumapit sa akin. "Tara na!" Masigla niyang aya. Tumango naman ako at sabay kaming naglakad papuntang waiting shed. "Ang saya pala maging grade three no? May iba iba tayong teacher sa bawat subject?!" Manghang kwento niya. Nakita ko pa na parang hirap na hirap siya sa bag niyang mas malaki pa sa likod niya. Bahagya naman akong natawa dahil doon, pero nang lumingon siya ay pinigilan ko. "Ha? Bakit ka tumatawa? Share mo naman para tatawa din ako!" Natatawang aniya. "Okay ka lang ba?" Tanong ko. Nagtataka niya namang tiningnan ang sarili. Umikot pa siya sa harap ko at sunod-sunod na tumango. Inayos niya ang salamin niya atsaka ako tinanong kung bakit. "Mas malaki pa yung bag mo kesa sa likod mo e. Ang liit mo kasi." Sagot ko. Napahawak naman siya sa dibdib niya na animo'y nasasaktan. "Grabe ka naman! Mas matangkad ka lang naman sa'kin ng konti! Atsaka magkaedad naman tayo!" "Yun nga, magka-edad tayo pero mas matangkad ako." Napanganga naman siya at bahagyang napanguso. "Tandaan mo, mas tatangkad pa ako sayo. Kapag nangyari yon, dapat kantahan mo'ko." Napangisi naman ako. "I'm always up for challenges. Deal!" Napangiti naman siya. Inilahad niya ang pinky finger niya, inabot ko naman ang akin atsaka kami nag-pinky promise. "Kapag yan, ni-break mo. Puputulin 'yang pinky finger mo." Pananakot niya pa. Natanaw ko naman na kumaway ang yaya ko sa akin. Lumapit siya sa akin at saka kinuha ang dala ko. Kinuha din ng yaya ni Uri ang gamit niya. Kumaway siya sa akin atsaka ngumiti. "Bukas ulit!" Kumaway naman ako at tumango. Pagkarating sa bahay ay nagbihis agad ako at nag-merienda. Maya-maya rin ay dumating na ang tutor ko. Nang mag-six na ng gabi ay natapos na rin kami. Every weekdays ay tutor ko sa acads ang dumadating samantalang, every weekends naman ang tutor sa instruments. Sa ngayon ay piano ang mina-master ko. Kinagabihan ay mag-isa lamang akong kumakain dahil busy sina mom and dad at hindi pa nakakauwi. After kumain ay dumiretcho na rin ako sa room ko, nagwash up muna ako bago nagtungo sa piano. Umupo ako upuan atsaka mabagal na pinindot ang keys sa music piece ni Mozart na Sonata no. 16 KV 545. Ang piece na iyon ay hindi pa natatapos ituro sa akin ng tutor ko kaya naman nakabase lamang ako sa sheet music. Nang matapos sa piano ay dumiretcho na rin ako sa higaan at napagpasyahan na matulog na lamang. Maaga pa ang pasok ko kinabukasan. For sure na mamaya pa uuwi sina mom and dad. Kinabukasan ay mag-isa na naman ako sa dining. Maaga raw umalis sina mom and dad, kumuha lamang ng damit kagabi atsaka umalis na naman. Napabuntong-hininga na lamang ako at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos kumain ay nagtoothbrush lamang ako at naghanda na rin sa pag-alis. Pinagbuksan ako ni manong kaya naman pumasok na ako ng deretcho sa sasakyan kasunod ng aking yaya. Mabilis lamang ang byahe dahil malapit lamang ang village namin sa school. Pagkababa ng sasakyan ay kinuha ko na ang gamit ko sa aking yaya. Balak niya pa sana akong ihatid ngunit tumanggi ako. Habang tahimik na naglalakad sa hallway ay nakita ko ang kumakaway na bata sa labas ng aming room. Tumakbo siya pasalubong sa akin at nakangiti akong sinabayan sa paglalakad. "Good morning, Av! Kumusta agahan mo?!" Malakas na tanong niya. "Maayos naman. Good morning din." Marahang sagot ko. "Ang aga mo rin pala pumasok?! Wala pang teacher! Gusto mo ulit mag-breakfast? Tara sa canteen! Libre kita!" Umiling na lamang ako at tumanggi. "Bakit?! Busog ka pa? Oh siya! Mag-ikot muna tayo sa school! Bago lang ako dito eh! Hindi ko pa nakikita lahat." "Magbabasa pa ako e. Ikaw na lang." Bahagya naman siyang nalungkot, pero ngumiti rin agad. "Sige! Sabayan nalang kita mag-aral!" At tinabihan niya nga ako sa upuan at sinabayan mag-aral hanggang sa dumating ang teacher namin. Bumalik na rin siya sa upuan niya nang dumating si teacher. Nang mag-recess ay kasabay ko rin siya, kahit sa lunch. May iba naman siyang kaibigan, dahil sa kadaldalan niya. Marami siyang nakakausap pero hindi ko alam kung bakit sa akin siya dumidikit. Mabilis na lumipas ang buwan. Namalayan na lamang namin, malapit na mag-exam week, kung saan 'pag natapos iyon ay recognition na. "Av! Mag-rereview ka? Gusto mo sabay tayo?!" Ayun na naman ang malaki niyang ngiti. Ngumiti ako sa kaniya at umiling. "Hindi na. Sa bahay ako magre-review e."Sagot ko. "Edi punta na lang ako sa bahay niyo?! Malaki siguro bahay niyo no!? Marami kayong pagkain!? May chocolates?!" Excited na tanong niya. Na-imagine ko naman ang nakakatakot na tanong ni mom at magiging reaction niya, pati ni dad. Tiningnan ko si Uri. Baka pagalitan ako ni mom at baka pati siya madamay. Alanganin naman akong ngumiti sa kaniya at bahagyang lumunok. "A-Ano... kasi... bawal ako magdala ng kaibigan sa bahay..." Sagot ko. Napaisip naman siya. "Ganun? Kaaway pwede?! Mag-away tayo ngayon, pero kapag kaaway na ba kita, pwede na?" Inosente niyang tanong. Napatunganga naman ako sa kaniya at bahagya pang napanganga. Ano raw? Pero mukha talaga siyang seryoso sa tanong niya. "Pero ayaw kitang kaaway..." Nakanguso niya pang bulong. "S-Sige, sa susunod na lang siguro." Nakangiti na siya. Tumango naman ako sa kaniya. Pagkarating sa bahay ay wala kaming ginawa ng tutor ko kung hindi ang mag-aral at mag-review para sa exam. Matiyaga ko ring inaral at inintindi lahat ng kaniyang sinasabi. Nang kinagabihan ay natuwa ako at kasabay ko sina mom and dad kumain. Nasa kalagitnaan kami ng pagkain noon ng magsalita si mom. "Avalie, I heard exam week niyo na. You know what to do." She sternly said. Tumango naman ako sa kaniya. "Yes, mom." "You have to perfect all the tests, hija." Si Dad. Tumango rin ako sa kaniya. "Uuwi ang tita mom mo sa summer. Pinaalam ka niya sa amin ng mom mo kung pwede ka ba niyang dalhin kina grandma at grandpaps mo. Kapag na-perfect mo ang exams mo, papayagan kita. Okay?" Natutuwa naman akong napatango. "Yes dad! Thank you po! Mom and Dad!" Sa pagkakatanda ko, three years old ako nang huli kong makita sa personal si tita mom pero palagi niya akong mine-message o hindi kaya'y tinatawagan tuwing may time siya. Never pa akong nakapunta sa house nila grandma and grandpaps. Palagi'y sila ang bumibisita sa amin kaya naman excited talaga ako. Kaya naman mas ginanahan ako sa pag-aaral. Tuwing hapon ay nagre-review kami ng tutor ko. Tuwing nasa school naman ay palagi akong nakikinig sa teacher at hindi pinalalagpas ang bawat details and informations na itinuturo niya. Si Uri naman ay kasama ko minsan, o sabihin na nating sinusundan ako sa library at nakikisama sa pagre-review ko. Matalino si Uri at maganda ang kinalalabasan ng pagre-review namin. Nang dumating ang exam weeks ay handang-handa kami. Natutuwa pa ako dahil ang lahat ng nakikita ko sa exam papers ay ang mga ni-review ko. Pagkatapos magsagot ay dinouble check ko muna ang test paper atsaka ipinasa sa teacher. Sa buong week ay ganun ang ginawa namin. Magsagot sa test papers, i-double check at pagkatapos ay ipasa. Palaging ako ang unang natatapos kasunod naman si Uri, o kung minsan pa ay sabay kami. Nang mag-uwian ay sabay kaming naglalakad ni Uri papuntang waiting shed. Napabuntong-hininga siya at napangiti. "Sa wakas! Tapos na ang exam week! After nito, recognition na!" Malakas na sabi niya. Napangiti naman ako at napatango. "Sure ako, ikaw na naman ang top one this grading!" Sabi pa niya. Napatingin naman ako sa kaniya at napangiti. "Nga pala, alam mo ba meaning ng pangalan mo?" Biglaang tanong niya. Napakunot naman ang noo ko. "Bakit?" nagtatakang tanong ko. Nagkibit-balikat naman siya. Napaisip naman ako. Matapos ang ilang sandal ay napatango. "Oo, ikaw? Alam mo meaning ng pangalan mo?" Tanong ko. Umiling naman siya. "Hindi e. Buti ka pa, gusto ko rin malaman yung akin!" Ungot niya pa habang nakanguso. Inayos niya ang salamin niya habang nakatingin sa daanan. Natahimik kami hanggang sa matanaw na kami ng mga yaya namin. Lumapit sila at kinuha ang gamit namin. Humarap siya sa akin at kumaway. "Ba-bye! Bukas ulit?" Tanong niya. Ngumiti naman ako bago sumagot. "My light." ani ko. Nagtataka naman siyang tumingin sa akin. "Ha? Ilaw mo? Asan ang ilaw mo?" Nagtatakang tanong niya. Natawa naman ako. Kahit kelan talaga si Uri. "Ang meaning ng Uri ay my light or my flame sa Hebrew." Paliwanag ko. Napanganga naman siya. "Wow..." Manghang bulong niya. "Bukas ulit." Tumango ako at saka nauna nang sumakay sa sasakyan. Nanatili naman siyang nakatanaw sa amin habang kumakaway. Pinagmamasdan ko sila mula sa bintana hanggang sa hindi na sila maabot ng aking tingin. _____________________________ Avalie- Strength and desire Uri (OO-RI) - My light/ My Flame _____________________________ xxorphicxx FB: SHAN CALIXTRO IG: xxorphicc/shxnnnnn ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD