KABANATA 3: TRANSFEREES

1597 Words
Pagkamulat ng mata ko ay pinatay ko ang alarm clock ko na kanina pa tumutunog. Naghikab pa ako at bahagyang nag-unat unat ng braso. Tiningnan ko ang wall clock sa kwarto at nang makitang 6am na ay nagsimula na rin akong maghanda para pumasok sa university. Ginawa ko muna ang morning rituals ko at pagkatapos ay nagbihis ng aming uniporme. Kinuha ko ang bag ko at dumiretcho na sa dining. Nandun na sina mom and dad habang may kausap na naman sa kani-kanilang phone. Nagdire-diretcho nalang ako papunta sa aking upuan. "Good morning po." Tinanguan lang nila ako at nagpatuloy sa kanilang ginagawa. Iniwas ko na lamang ang tingin ko at kumuha na lamang ng pagkain. I was chewing my food when my mom finished her last call. "Avalie, what's your schedule for today?" She asked. Nagtataka man ay sinagot ko pa rin ang tanong niya. "As usual, mom. 7am-8pm nasa university po ako, after that uuwi na rin dito sa house." Napatango naman siya. "Why po?" Tanong ko. "Nothing, let's go shopping?" Tanong niya. Nanlaki naman ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. "This Friday." Bukas! Napatango naman agad ako sa kaniya. "Sure Mom!" Na-excite naman ako dahil, this is the first time na mags-shopping kami ni mom. I'm not allowed to go to other places aside from school, kaya naman natutuwa talaga ako. Pagkasakay ko sa sasakyan ay kinuha ko agad ang phone ko at binuksan ang data. I clicked the google app and I typed 'malls' in the search engine. Hindi rin naman nagtagal ay nagload na ang ni-research ko at lumabas ang mga malls nearby. Napapangiti naman ako habang nags-scroll sa phone. May mga fast food chains pala sa loob ng mall, marami ring salon and spa, food stalls at kung ano-ano pa. "Mukhang masaya ka ngayon, Ma'am ah." Napatingin naman ako kay Manong. Sumulyap siya sa rearview mirror habang nakangiti. "Manong, nakapunta ka na ba sa mall?" tanong ko. "Aba'y oo naman. Bakit, may dadaanan ka doon?" Umiling naman ako. "Magm-mall po kami ni Mom sa Friday e. It's my first time po." Napatango-tango naman siya. "Aba, siya nga ano." Simula pagkabata ko ay si Manong na ang driver namin, at noong magsimula akong mag-aral ay siyang palagi ang naghahatid at nagsusundo sa akin. "Mabuti naman at makakapunta ka na ng mall. Maraming mapupuntahan doon at siguradong mage-enjoy kayo ng mommy mo." Dagdag pa niya. Nang makarating sa university ay bumaba na ako ng kotse. Tiningnan ko ang oras sa relo ko at binilang ang minuto bago magpunta ang professor sa room. May 30 minutes pa kaya naman pupunta muna ako ng library. Kinuha ko ang phone ko at saka sinuot ang earphones. Nagsimula na akong maglakad at gaya ng dati, deretcho lamang sa daan ang tingin. Napansin kong may pinagkakaguluhan sila sa gilid. Hindi ko naman ito pinansin at nagpatuloy lang sa paglalakad. "Excuse me." Ani ko sa isang babae na nakaharang sa daan. Tiningnan niya naman ako atsaka inirapan. Umirap din ako pabalik bago nagpatuloy sa paglalakad. "Ang gwapo niya." "Transferee sila diba?" "Buti pinayagan." "Kyaaaaaahhh!!! I heard matalino raw yan!" "Omg! Anong nationality nila?" "I don't know at pwede ba? Move away nakaharang kayo sa future ko." I can still hear their whispers and talking habang naglalakad. Karamihan sa babae ay mga freshmen pa kaya siguro medyo aggressive sila. In-ignore ko na lang sila at binilisan na ang paglalakad papuntang library. Pagkarating doon ay dumiretcho ako sa bookshelves. Hinanap ko ang libro para sa isa naming subject. Habang naglalakad at tinitingnan isa-isa ang pangalan ng mga libro ay hindi ko namalayang nakarating na ako sa mga novels. Aalis na sana ako pero naagaw ng isang libro ang aking atensyon. Kinuha ko ito at tiningnan ang unang pahina. Tiningnan ko ang relo ko at nang makitang may oras pa naman ay kinuha ko iyon at nagtungo sa mga upuan. Nilagay ko ang bag ko sa upuan sa gilid ko, kinuha ko muna ang phone ko at nilagay sa table. Nilipat ko ang music mula sa rock music papunta sa calm and instrumental. Kinuha ko ulit ang book at sinimulang basahin. Nakakaaliw ang istorya kahit nasa simula pa lang. Interesting din ang mga bida. Fantasy ang story at nakamamangha ang flow ng story. Pagkaflip ko sa susunod na page ay nagulat ako dahil chapter 10 na agad ako. Chineck ko ang oras sa relo ko at nagulat na five minutes nlng ay dadating na ang prof. Dali-dali kong inayos ang mga gamit ko atsaka lumabas ng library. Tumatakbo na ako papunta sa room. Mabuti na lang at malapit lang iyon sa library kaya nakarating ako agad. Nang malapit na ako ay tumigil na ako sa pagtakbo at hinabol ang aking hininga. Kinompose ko muna ang sarili ko at nang kalmado na ay pumasok na ako sa room. Naglalakad ako noon papunta sa seat ko sa likod nang humarang ang isang lalaki sa dadaanan ko. "Excuse me." Sabi ko. Nang hindi pa rin siya umaalis ay tiningnan ko siya. Hindi pamilyar. Itinagilid ko ang ulo ko na para bang isa siyang malaking joke. "I said, excuse me, mister." "Sorry miss pero hindi ka pwedeng lumapit kay Daijon. Hindi rin kita mae-entertain kung ako ang ipinunta mo. Kung ako sayo, bumalik ka na sa room mo at mags-start na ang class." Sabi niya na may papikit-pikit pa. Bahagya niya pang tinatapik-tapik ang balikat ko. Napakunot naman ang noo ko sa kaniya. I shrugged my shoulder at pinagpagan ang parte na nahawakan niya. "Who says I'm here for him or for you? This is my room, so please excuse me. You're blocking my way." Sabi ko. Napanganga naman siya at napatabi. "Ah ganun ba? Akala ko naman kasi... Sorry miss." Rinig kong aniya. Nagderederetcho naman ako hanggang sa makaupo sa upuan ko na kapag minamalas nga naman ay ilang block lang ang layo sa kanila. "Songs." Napahawak pa siya sa batok saka tumabi sa sinasabi niyang Daijon. Daijon... parang narinig ko na yon, somewhere? Right! The unico hijo ng friend ni Dad mula Japan. After magpaalam ng professor ko sa first class ay inayos ko na rin ang gamit ko papunta ng second class. Tumayo na ako at dederetcho na sa door nang makita ko ang ilang students na pabalik-balik ng daan doon. I know it's probably because lilipat din ng room ang iba for their class but, I can't help but notice, anong ginagawa ng freshies sa fifth year? Hindi ko na lamang iyon pinansin at nagpatuloy na lamang sa paglalakad. I was minding my own business when a voice from behind called me. "Avalie!" Napalingon naman ako at nakita na ang lalaking humarang pala sa akin sa room iyon. "Why? How can I help you?" Tanong ko. Napahawak naman siya sa dibdib. "Grabe! Wag ka namang masyadong pormal. By the way, I'm Iurii, sorry nga pala kanina, napagkamalan kita." Sinserong aniya. Tumango naman ako at bahagyang ngumiti. "It's fine." Medyo natigilan naman ako sa binaggit niyang pangalan. I know someone na Uri ang pangalan. Imposibleng makalimutan ko siya. Tiningnan ko naman lalo si Iurii sa harap ko. "How do you spell your name?" "I-U-R-I-I. Bakit?" Napailing naman ako. Nagpatuloy na lamang kami sa paglalakad. "Saan susunod na class mo?" Tanong niya. "Humanities and Social studies." "Uy sakto! Doon din ako! Sabay na tayo." Aniya. Nagtagal naman ang tingin ko sa kaniya bago unti-unting tumango. Tahimik akong naglalakad sa gilid habang siya naman ay paminsan-minsang nagku-kwento hanggang sa makarating kami sa class. Umupo ako sa seat ko samantalang siya naman ay naghanap ng vacant seat. Nakatingin lang ako sa labas ng bintana. Nasa gilid ng bintana kasi ang seat ko, pero hindi pwedeng buksan dahil nakabukas ang aircon. Hindi nagtagal ay dumating na rin ang professor, ipinakilala si Iurii pagkatapos ay nag-start na rin ang class. Mabilis lumipas ang oras, hanggang sa mag-breaktime na. Nagpunta ako sa cafeteria at gaya ng inaasahan ay dagsaan na naman ang mga students. Sa isang table sa gilid ay may magkakaibigan na nagtatawanan, sa kabilang gilid ay may group na parang nagpa-plano ng kung ano, sa isang banda ay mayroong magkakaibigang nagja-jamming at sa kabila naman ay may mga nagbabasa ng libro habang kumakain. Dumiretcho nalang ako sa pila habang tinitingnan ang nakasulat sa menu. Buti na lamang at matangkad ako kaya nababasa ko. Sinabi ko ang order ko at agad namang naibigay. Kinuha ko iyon at binayaran saka nagdere-deretcho palabas. Iniisip ko kung saan pwedeng tumambay, kung sa music room ba or sa benches or dederetcho na lang sa next class. Hindi ko namalayan na kusa akong dinala ng paa ko sa music room. Dahan-dahan kong binuksan ang pinto at sumilip sa loob. Bumalot agad sa aking pandinig ang tunog ng violin. Tiningnan ko naman kung sino ang nasa loob. Si Daijon. Totoo nga, talented at matalino. Tanging kaming dalawa lang ang sumasagot kanina sa first class, ang kaibahan nga lang, ako ay kusa at gustong sumagot, samantalang siya ay deadma at sumasagot lang kapag tinatawag. Isasara ko na sana ang pinto nang marinig ko ang mahinang pagkanta niya. Dahil siguro close-space at walang ibang tao ay rinig na rinig iyon. Napapikit naman ako at bahagyang dinadama ang kanta. Hope when you take that jump You don't fear the fall Hope when the water rises You built a wall Hope when the crowd screams out They're screaming your name Hope if everybody runs You choose to stay Nang matauhan ay dahan-dahan kong isinara ang pinto at chineck ang relo. Dali-dali akong umalis at dumiretcho sa next class. ________________________________ xxorphicxx FB: SHAN CALIXTRO IG: xxorphicxx/shxnnnnn ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD