KABANATA 4: MALL

1827 Words
Pagkatapos magpaalam ng prof ay lumabas na rin ako ng room. Sinuot ko ang earphones ko at nags-scroll sa playlist ko ng magandang song. Pipindutin ko na sana ang song na napili ko nang marinig ko si Iurii na tinatawag ang pangalan ko. Napatingin naman ako sakaniya. "Wait Avalie!" Nagj-jog pa siya para lang makahabol sa akin. Huminto naman ako sa gilid para hindi makaharang sa ibang students na naglalakad. Tinanggal ko ang earphones at hinintay siya. Nakita ko pang nagbubulungan ang iba sa kanila. Hinaharangan pa siya ng ibang mga babaeng lumalapit sa kaniya at kay... Daijon na nasa likod niya pala. "Excuse lang sandali ano? Wait lang, girls easy lang, mahina kalaban." Narinig ko pa ang reklamo niya. "Wait lang Iurii." "Sabay sabay na tayo umuwi." "Kain muna tayo saglit." "A-Ah... Ayun si Daijon oh!" Itinuro niya pa si Daijon na hindi na halos makita dahil sa mga nakapalibot din sa kaniya. "Sandali lang, may iaabot lang ako." Hindi rin naman nagtagal ay tumabi na ang mga babae. Napahinga naman siya ng malalim at napatingin sa akin bago ngumiti. Nagjog ulit siya papunta sa akin at ng nasa harap ko na ay iniabot niya ang notebook sa akin. Notebook ko pala kung saan ako nagn-notes. "Na-Naiwan mo kanina. Hindi ko agad naibalik n-nung hiniram ko." Hinihingal na aniya. Napatango naman ako. "Okay thank you." Paalam ko. Tinago ko ang notebook sa bag ko at akmang aalis na. "Wait, uuwi ka na? Gusto mo hatid na kita sa parking?" Pigil na tanong niya sa akin. "No, okay lang. Thanks for the offer. Una na'ko." Sagot ko sabay paalam. Ngumiti naman siya at tumango. "Sige ingat!" Kumaway pa siya ng bahagya. Tumalikod na ako at nagsimulang maglakad. Hindi ko alam pero naaalala ko sa kanya si Uri. Kaya siguro magaan ang loob ko sa kaniya. Pagkasakay ko sa car ay pinaandar na agad ni manong pauwi sa bahay. Pagkarating ay dumiretcho ako sa taas sa aking kwarto atsaka dumiretcho sa cr at nag-freshen up agad. Pagkatapos ay bumaba agad ako at dumiretcho sa dining. Nandun sina mom and dad kaya naman natuwa ako. "Good evening mom," humalik ako sa pisngi ni mom bago bumaling kay dad, "dad," at humalik din sa kaniyang pisngi. Tumango naman sila at nilahad ang upuan ko. Umupo ako at kumuha na rin ng pagkain. "How's school?" Tanong ni mom. "Fine, mom." Tipid na sagot ko. "Fine? Perfect?" She asked habang nagpapatuloy sa sariling pagkain. "Yes mom. Perfect... as always." Mapait na sagot ko. Hindi naman nila nahalata iyon. Tumango-tango sila ni dad. "Dapat lang. You have to maintain it, hija. Hanggang sa huli." My Dad firmly said. Lihim naman akong napangisi. "Nga po pala, mom and dad. I'm not sure pero may dalawang transferee sa university namin kanina. Their name's Iurii," napatingin ako kay mom, "and Daijon." Napatingin ako kay Dad, at parehas silang napatingin sa akin. "Did you... talk to them?" My mom asked. "Magka-blockmates po kami." Safe na sagot ko. "Yung Iurii ba na iyon ay iyong Iurii na kaibigan mo dati?" Tanong ni mom habang nagpapatuloy lamang sa kaniyang pagkain. I shrugged my shoulders. "I'm not sure mom." Napatango naman siya. "Hija, what about Daijon? Is he good in your class? How's he?" Tanong ni Dad. Napaisip naman ako, he's good, nakakasagot sa tanong ng prof at... narinig ko pa siyang tumutugtog ng violin kanina. "He's fine, Dad. Matalino at... talented." Napatango-tango naman si Dad. Nakita ko pa ang lihim niyang ngiti, he seems pleased. "Nakakainggit talaga si Itsuki, may lalaking anak na matalino at talented. Balita ko pa'y kaya iyon nag-engineering ay para matulungan siya sa construction company niya." Nakikinig lamang ako kay Dad habang masaya siyang nagk-kwento. First time ko lang siyang makitang ganyan kasaya habang nagk-kwento at first time ko lang makita na ngumiti siya nang ganyan. Dad always wanted to have a child na lalaki. Kaya siguro tuwang-tuwa siya kay Daijon at gusto niyang makipag-close ako. Ganyan din kaya kasaya si Dad kapag kinukwento niya ako sa iba? Or ikinu-kwento niya kaya ako? Kinabukasan ay maaga akong pumasok sa university. Dumiretcho ako sa music room. Hindi naman ako mal-late dahil 1 hour before the class starts ay nandito na ako. Dumiretcho ako sa mga instruments at pinili ang gitara. Umupo ako sa upuan at ini-strum muna ang guitar. Nang masigurong nasa tono na ay nagsimula na rin akong tumugtog. I loved you with a fire red Now it's turning blue, and you say... I'm sorry like an angel Heaven let me think was you But I'm afraid... "It's too late apologize... It's too la---" Hindi ko na naituloy ang pagkanta. Nagugulat ko namang tiningnan ang lalaking dumating. "What? Go on." Utos niya. Naguguluhan man ay tinuloy ko ang pags-strum. "It's too late to apologize, it's too late... I said it's too late to apologize... It's too late... I said it's too late to apologize, yeah... I said it's too late to apologize, yeah... I'm holding on your rope, got me ten feet off... The ground." Pagtatapos niya sa kanta. "You're a good singer." Biglang sabi niya. Napatingin namana ako sa kaniya. "You too." Napangiti naman siya. Inilahad niya ang kamay sa akin. "I'm Daijon, by the way." Inabot ko naman ito. "You're Avalie, right? Daughter of Governor Archulus Gallegos." I nodded. "Your dad's friend." Dugsong ko. Natawa naman siya. "Yeah." Ngumiti naman siya sa akin. "We're supposed to meet... sa Saturday, right?" Tanong niya. Tumango naman ako. Nakaupo kami sa stage, pinagigitnaan ang gitara. "My father, wants me to get along with you. Pero ngayon pa lang ay sasabihin ko na sayo." Bumuntong-hininga siya bago humarap sa akin. Tiningnan ko naman siya. "No worries, I don't fancy you." I straightforwardly said. Bahagya naman siyang napatawa. "Same sis." Napatango-tango naman ako habang nakapikit. Napamulat naman ako nang magsink-in ang tinawag niya sa akin. Nanlaki ang mga mata ko at napatingin sa kaniya. Nagtatanong ang mga mata ko habang nakatingin sa kaniya. Napatango-tango naman siya. Napahawak naman ako sa bibig ko na bahagyang nakanganga. "Woah. I didn't see that coming. Pero no judgement." I assured him. Ngumiti ako sa kaniya. "Alam ng parents mo?" Tanong ko. Umiling naman siya. "Friends?" Umiling din siya. "It's just you. Only you." Napakagat naman ako ng labi at napatango-tango. "You know what our parents are trying to do. Kailangan natin makagawa ng paraan." Sabi niya na ikinabigla ko. Napaisip naman ako. Anong magagawa ko? I can't disobey my parents. "I... don't know what to do." I honestly said. Napabuntong-hininga naman ako matapos makapagbihis. I'm wearing a gray skirt na may brown belt and a brown sweater. Nakaready na rin ang brown shoulder bag ko kung saan nandun ang wallet at phone ko. Hinihintay ko na lang si mom. After ng klase ay nagmamadali akong umuwi. Wala na kaming pasok sa hapon dahil may biglaang meeting ang mga professor namin. Tumunog ang phone ko kaya naman dali-dali ko itong kinuha. Si Mom! 'Avalie, I'm sorry, I can't make it. Ikaw nalang ang pumunta, kaya mo naman siguro?' Bumagsak ang balikat ko at nanlumo. I thought mararanasan ko na ang mag-shopping kasama si mom. Parang ayoko na pumunta. 'It's okay mom. Hindi na rin po ako aalis.' Pipindutin ko na sana ang send button pero napaisip ako. Pinayagan ako ni mom na ako lang! Dinilete ko ang tinype ko at pinalitan. 'It's okay mom. Opo, I can go there naman.' Pagkasend ay dali-dali akong bumaba at sumakay sa sasakyan. "Manong, sa mall po." Kunwari ay hindi excited na ani ko. "Ang mom mo?" Tanong niya. Napayuko naman ako at tumingin na lamang sa bintana. "Busy po." I simply said. Nagtagal naman ang tingin niya sa akin ngunit kalaunan ay tumango na rin at sinimulang paandarin ang sasakyan. Pagkahinto ng sasakyan sa parking ay binuksan ko na ang pinto. Akmang lalabas na ako nang magsalita si manong. "Kaya mo na ba mag-isa?" Tanong niya. "Opo. Kaya ko po mag-isa." Ngumiti pa ako bago sinara ang pinto. Naglakad ako papunta sa entrance. Chineck ng guard ang bag ko bago tuluyang papasukin. Maglilibot-libot muna ako. Tahimik akong naglalakad habang pinagmamasdan ang paligid sa mall. Maraming tao, masasayang nagk-kwentuhan at nagtatawanan. Ang iba ay may bitbit na pagkain habang magkahawak ang kamay, meron namang hawak ang cellphones nila na mistulang may hinihintay. Kinuha ko ang phone ko at binuksan. May message mula kay mom. 'Avalie, pagkarating mo sa mall ay puntahan mo ang boutique ng ninang mo. Mamili ka ng damit for tomorrow. Make sure it's perfect.' Napabuntong-hininga ako bago nag-type ng reply. Inikot ko ang paningin ko at napagpasyahan munang kumain sa isang French Cuisine restaurant dito. Pinagbuksan ako ng waiter. "Bonjour! Do you have a reservation ma'am?" Nakangiting tanong niya. "Uh, none. I didn't know that, I have to make a reservation first, sorry." Tumango naman siya. "It's okay ma'am, table for two po ba or mag-isa lang kayo?" "Table for one lang." "Okay ma'am, meron naman po kaming table pa." Tumango naman ako at ngumiti. Inilahad niya ang kamay niya at iginiya ako papunta sa table. Inalalayan niya pa ako sa upuan at nang masigurong komportable na ako ay tumango siya. "Thank you." I said. Tumango naman siya. Inabot ko ang menu sa table at namili. Sinabi ko sa waiter ang order ko at hindi rin naman nagtagal ay sinerve na rin. I was busy chewing my food nang may isang lalaki ang lumapit sa table ko. Hindi pa nakuntento ay kinuha niya ang upuan niya at nilagay sa tapat ko at pagkatapos ay umupo doon. "Hey there! I was enjoying my food there," itinuro niya pa ang mesa niya sa harap hindi kalayuan sa akin, "and then I saw you. Mind if I join you?" I wore my resting-b***h face before looking at him. Nakangiti pa rin siya na parang walang pakialam. "I mind." I simply said. Napataas naman ang kilay niya. "Come on, beautiful. Huwag kang ganyan. You know, I can buy you if I want to." Kinindatan niya pa ako sabay tingin sa dibdib ko. Napanganga naman ako sa kapreskuhan niya. Okay, nawalan na ako ng gana. Kinuha ko ang wallet ko at naglapag ng 5,000 peso bill bago sinukbit ang bag at tumayo. Nagulat naman ang lalaki sa ginawa ko. Naagaw na rin namin ang atensyon ng mga tao kaya naman nakangiti akong hinarap siya. Lumapit ako sa kaniya at sinadyang apakan ang paa niya bago lumapit sa tenga niya at bumulong. "f**k yourself, you motherfucker." I seductively said. Lumayo naman ako para makita ang mukha niya. Namumula na siya sa galit. Lumapit ang waiter para i-check kung okay lang ba kami. Ngumiti naman ako and I assured them that it's fine. Wala namang nagawa ang lalaki pero nanatili ang masamang tingin sa akin. Pagkalabas ng restaurant ay napabuntong-hininga ako. Naglakad na lang ako para hanapin ang boutique na sinasabi ni Mom. This is not the first time... _____________________________________ SONG: APOLOGIZE ______________________________________ xxorphicxx FB: SHAN CALIXTRO IG: xxorphicxx/ _shxnnnnn ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD