KABANATA 5: DINNER

2435 Words
Pinagbuksan ako ng pinto ng staff sa boutique ni ninang. Winelcome nila ako at iginiya sa upuan sa gilid. Doon nalang daw muna ako maghintay kay ninang. Umupo naman ako at tiningnan ang paligid. Masasabi kong hindi basta-basta ang boutique na ito. Halatang mamahalin at maganda ang quality. Elegante rin tingnan kahit simple lang. "Hi hija!" Napatingin ako kay ninang na kapapasok lang. Nagbeso kami at hinawakan niya ang balikat ko at inikutan pa ako. "Grabe, dalagang-dalaga ka na ah. Ang ganda-ganda mo." Napayuko naman ako at napangiti. "Thank you, ninang." Nahihiya kong ani. Napatawa naman siya at iginiya ako sa isang room sa loob ng boutique. "Nandito ang mga new arrivals namin. Nasabi nga ng mom mo na pupunta kayo rito pero mukhang mag-isa ka lang ngayon." Humarap siya sa akin habang inaayos ang pagkakasalansan ng mga clothes. "Busy si Maura?" Tumango naman ako. "I see. Pero nandito ang mga dresses na sure akong approve sa kaniya. Isukat mo lahat, hija." Excited na aniya. Tumango na lamang ako at hinayaan siyang pilian ako ng dress. Unang dress na isusukat ko ay ang kulay white na dress, puffed sleeves, sweetheart neckline, at fit sa katawan. Above the knee ang haba niya. Nang masigurong ayos na ay lumabas ako ng fitting room. Napangiti naman si ninang nang makita niya ako. "Wow! You're so beautiful, hija. Bagay sayo!" Isinukat ko naman ang pangalawa, pangatlo hanggang sa maisukat ko na lahat ng dress niya. Sa huli ay nag-settle kami sa ruffled puff long sleeve dress. Just right for intimate dinner. "Thank you po, ninang." I said as I kissed her cheeks. "Bye po." "You're welcome, hija. Send my regard to Archulus and Maura." Nginitian niya pa ako at hinatid hanggang sa pinto ng boutique niya. Tumango naman ako at umalis na. Habang naglalakad ay iniisip ko kung uuwi na ba ako or manonood pa ng sine. Chineck ko ang oras sa phone ko. Maaga pa naman. I looked around nang maramdaman kong parang may nakatingin sa akin, pero nang makita kong busy naman sila ay ipinagsawalang-bahala ko na lamang. Sumakay ako sa elevator at pinindot ang 3rd floor kung nasan ang cinema. Tiningnan ko ang mga movies at pumili. Bumili muna ako ng ticket at pagkatapos ay bumili rin ako ng popcorn and soda. Inaayos ko ang pagkakahawak ko ng mga pinamili dahil bitbit ko pa rin ang paper bag mula sa boutique pati na ang popcorn and soda. Nalaglag pa ang ticket ko, mabuti nalang at inabot iyon ng isang lalaki. Magt-thank you na dapat ako nang makitang iyon ang lalaki kanina sa restaurant. Napabuntong-hininga naman ako nang makita ang kaniyang ngisi. "Give me back my ticket." Inilahad ko pa ang kamay ko, pero tiningnan niya lamang ito. "What a coincidence? Nagkita na naman tayo. Is this what they called destiny?" Mapang-asar niyang tanong. "Maybe." Sagot ko at nginisihan din siya. I licked my lips and looked at him. "A f****d up destiny." Kinindatan ko pa. Akmang aalis na ako nang hablutin niya ang braso ko. Nalaglag ang popcorn at natapon ang soda. Napataas ang kilay ko at bahagyang napanganga sa gulat, napatingin ako sa kaniya, pero likod ng isang lalaki ang nakita ko sa aking harap. "Leave my girlfriend alone." His cold and serious voice echoed on my mind. Napatingin ako sa lalaking nakita ko sa restaurant. Halatang gusto niya pa sanang sagutin ang lalaki sa harap ko nang mapatingin siya sa mga nagbubulungang tao sa paligid. Napayuko naman ako at napapikit sa kahihiyan. Gumawa na naman ako ng eksena. Dinuro pa kami nang lalaki bago tuluyang tumalikod at umalis. "Are you okay?" Tanong niya. Iniangat ko ang tingin ko at sumalubong sa akin ang nag-aalalang mukha ni Daijon. Nanlaki ang mata ko nang makita siya. "A-Anong ginagawa mo dito?" Nagtatakang tanong ko. "Baka magtitinda, sis." Sarkastikong sagot niya. "What? Are you okay? May ginawa ba siya sayo?" Hinawakan niya ang braso ko at bahagyang hinaplos. "I'm okay. Ikaw?" He shrugged and pinagpagan pa ang shoulder niya. Napatawa naman kami. Kinuha niya sa'kin ang mga dala ko at siya na ang nagdala. "Dami mo namang dala, sis. Ay wait! Bili rin ako ticket, samahan na kita." Pumunta siya sa bilihan ng tickets at pumila. Nang makabili na siya ng ticket ay bumili rin siya ng popcorns and soda. Sabay kaming pumasok sa loob ng sinehan at naghintay hanggang sa magsimula na ang movie. Pagkatapos manood ng movie ay sabay din kaming lumabas ng mall. Hinatid niya ako sa parking lot kung nasan ang car namin. "Bye. See you tomorrow." Kumaway siya at ngumiti pa sa akin. Ngumiti naman ako pabalik. He's so kind to me. Napansin ko rin ang malalim na dimples niya sa magkabilang gilid ng pisngi. "Bye. Thank you and see you." Paalam ko sa kaniya. Tumango naman siya at inilahad ang nakabukas na pinto ng car. Pumasok naman ako pero pinanatili kong nakabukas ang pinto. "If you don't mind," napatingin ako sa kaniya sa biglaan niyang pagtawag, "text me kapag nakauwi ka na. I want to make sure you're safe." Tumango naman ako. "Sure. Bye ulit." Pagkauwi sa bahay ay naligo agad ako at dumiretcho sa kama. This day is so tiring. Napatawa naman ako sa sarili ko. Kelan pa ako natutong makaramdam ng pagod? Napailing na lang ako sa sarili at nahiga. Naalala ko naman ang sinabi ni Daijon kaya kinuha ko ang phone ko. Ite-text ko na sana siya nang maalala kong wala akong number niya. Pumunta ako sa f*******: at sinearch ang pangalan niya. Daijon... Ano nga ulit ang full name niya? Oh! Legrand nga pala. Nagtype ako sa search bar ng Daijon Legrand, pero walang lumalabas. Wala siyang f*******:? It's impossible! It's 21st century na kaya. Dahil hindi ko naman siya mahanap sa f*******: ay tiningnan ko kung mahahanap ko siya sa IG, pero wala rin. May social media ba siya? Hay, hindi bale na nga. Inilagay ko na ang phone ko sa bedside table at pinatay ang wifi. Matutulog na lang ako. Iminulat ko ang mata ko, agad naman akong sinalubong ng nakakasilaw na araw. Bumangon ako at inayos ang kama. Naligo na rin agad ako bago bumaba. Nagulat pa ako ng makita sina mom and dad sa dining. "Good morning mom and dad." Humalik ako sa pisngi nila pagkatapos bumati. "Good morning hon. Tiningnan ko ang dress na pinili mo. It's good naman. Kaya lang, sana pumili ka ng medyo makulay. It's pure white ano?" Puna niya pa. Napakagat naman ako salabi at napatango nalang. "Nga pala, nakausap ko si Itsuki, umuwi ang asawa niya mula sa France kaya makakasama rin natin siya mamaya sa dinner. Sa pagkakaalam ko ay matagal hindi umuwi ang asawa niya. Kinailangan daw ng pamilya sa France para sa mamanahin." "Oh! So, half french, half japanese pala si Daijon?" Bakas pa ang pagkamangha sa boses ni mom. "I'm sure, he's good looking. Right, Avalie?" Muntik ko namang maibuga ang juice na iniinom ko, mabuti't napigilan ko. "Yes, mom." Sag-ayon ko nalang. Napaisip naman ako, he's got hooded eyes, color hazel ang mga mata niya, matangos ang ilong at manipis ang reddish niyang labi. His ash brown hair is soft, bagay na bagay sa kaniyang pale skin. Matangkad din siya at lean ang katawan. Napakamot naman ako sa aking kilay. Ano ba yung iniisip ko? Wala naman, I'm just thinking about his apperance. Si mom, kasi tinanong. "I guess, half french din kasi si Itsuki." Ipinagpatuloy ko na lang ang pagkain at hinayaan sila mom na mag-usap sa harap ko. Nang matapos kumain ay nagpaalam na rin ako na sa kwarto lang. Wala naman akong masyadong gagawin ngayong araw dahil tapos ko na ang mga assignments ko. Nagpasya naman akong dumiretcho na lamang sa isa pang room sa walk-in closet ko. Kinuha ko ang gitara ko at nagstrum-strum lang. Gawa kaya ako ng kanta? Napailing naman ako at napatawa sa naisip. For sure, kapag nalaman ni mom. Pagagalitan na naman niya ako. Mabilis lumipas ang oras, namalayan ko nalang na 6pm na. Nagshower muna ako bago nagbihis. Naglagay lang ako ng konting blush on at liptint para hindi ako maputla tingnan. Kinulot ko lang din ang buhok ko para mas magandang tingnan. Nag-sandals lang ako ng hindi kataasan, dahil matangkad naman ako. After kong tingnan ang sarili ko sa full-length mirror at masigurong perfect na ay bumaba na rin ako. Pagkababa ay naabutan ko sila mom and dad na inaabangan ako sa may hagdan. They look so beautiful. Ang ganda ni mom sa white button-down sleeves and fitted pencil cut skirt niya. My dad looks so handsome in his black suit and a white button-down shirt. "You're so beautiful, hija. Kamukhang-kamukha mo ang mom mo." Puri ni Dad. Napangiti naman ako. "Ano ka ba? You look so elegant, sweetie." Si mom. "Thank you po." That was the first time, they complimented me. Sabay-sabay kaming lumabas ng front door nang marinig namin ang pagdating ng sasakyan sa labas. Unang lumabas ang isang singkit at matangkad na lalaki, sobrang puti rin niya at halata mo na agad ang authority. Inalalayan niya ang sunod na lumabas, isang maganda, super sexy and wavy ang buhok na babae. Last na lumabas si Daijon. He looks so handasome in his suit, ang clean din tingnan ng hair niya, sa university kasi ay nakababa ang hair niya and nakapart sa side. "Itsuki! Good evening, how are you? Looking good." Rinig kong bati ni Dad sa papalapit na sina Daijon. Sinalubong pa nila ng yakap ang isa't-isa. "Not as good looking as you, Archulus." Pagkatapos ng yakap ay bumalik siya sa kasama niyang babae at inilagay ang kamay sa bewang nito. "By the way, this is my wife, Dione Zephyrine Legrand." Naglahad ng kamay ang ginang kay Dad, mom, and sa akin. "And this is my only child, Daijon Urien Legrand." He bowed and smiled. "Good evening po, Governor, Ma'am and Avalie." Bati niya pa. "Good evening, young man." Bati ni Dad. Inilahad niya naman kami sa kanila. "This is my wife---" "Oh! I knew it, you'd end up with Mauree." Putol ni Sir Itsuki. Nagugulat naman akong napatingin sa kaniya. Tiningnan ko si mom na nakangisi at kumikibot ang kilay. Kahit hi9ndi ko palaging kasama si mom ay siguradong akong nainsulto siya at nagpipigil lamang ngayon ng inis. "A-Ah, no. This is Maura. Mauree's her twin, Itsuki." Napatigil naman si Sir Itsuki at napanganga. "I'm so sorry. Moushi wake arimasen deshita." (I am really sorry. I feel terrible.) Nagulat naman kami ng bigla pa itong lumuhod at nagbow. "No, it's okay." Si mom. Tumayo naman si Sir Itsuki. Napatingin siya sa akin. "And this is my daughter, Avalie Gallegos." Naglahad siya ng kamay sa akin at ngumiti. "You look like your mom." Papuri niya pa. I smiled and said my thanks. Pumasok na kami sa loob at doon na sa dining ipinagpatuloy ang pag-uusap. Naka-serve na ang mga pagkain, it's french and japanese cuisine. Tahimik lang akong nakikinig sa kanila. Nawala na rin naman ang awkwardness dahil sa nangyari kanina. They started eating and talking kaya sa pagkain nalang din ako nag-focus. Tahimik kaming parehas ni Daijon. Paminsan-minsan ay tinatanong din nila kami. Tita mom? Why would Sir Itsuki think that it's my dad and tita Mauree will end up? May past ba sila? Bakit wala namang nasasabi si tita mom? "Avalie." Napatingin naman ako kay Mom, matapos marinig ang kaniyang tawag. "Kanina pa kita tinatawag. Dione is asking you." Bulong niya pa. Napatingin naman ako sa mom ni Daijon. "I'm sorry, what is it again po?" I smiled and she smiled back at me. "You're an honor student ever since?" I nodded. "Wow! That's amazing! My Daijon is also an achiever. I hope you get along." She said. Ngiti lang ang naisagot ko sakaniya. "Actually mom, we're friends." Nagulat naman ako sa biglaang pagsasalita ni Daijon. What? We're friends? Since when? Napansin ata ni Daijon na natigilan ako at nakatingin sa kaniya kaya tiningnan niya ako at kinindatan. Okay, what the...? "Wow! Really? That's good!" Nang matapos ang dinner ay nagpasiya sila dad na ipagpatuloy ang usapan sa bar counter. Akmang magpapaalam na'ko na pupunta na lang sa room nang unahan ako ni Daijon. "Excuse po, can I excuse Avalie po?" My dad grinned and said yes. Napatingin naman ako kay Daijon. Nakangiti siya sa akin habang nakalahad ang kamay. Tiningnan ko lang iyon at hindi tinanggap. "The plan." Mahinang bulong niya. Napabuntong-hininga naman ako at inilagay ang palad ko sa kamay niya. Kinuha niya ito at dinala ako sa labas sa may garden. "Mahamog na dito." Sabi ko. "What's mahamog?" Nagtatakang tanong niya. Napaisip naman ako kung paano ie-explain sa kaniya iyon. Naririnig ko lang yun sa yaya ko dati tuwing gabi na pero I don't really know what is it. Nagkibit balikat lang ako sa kaniya at naupo sa bench. "So, in-excuse mo'ko because?" Tanong ko. "First of all, you didn't text me. I got worried." "Well, you didn't give me your number and I can't find you on soc med." Napatango-tango naman siya. "I don't have social media account." Inilabas niya ang latest model ng isang sikat na brand ng phone at binigay sa akin. "Give me your number." Kumunot naman ang noo ko at tinitigan lang ito. Ginalaw niya iyon kaya naman wala akong nagawa kundi ilagay ang number ko. Pagkabukas ng phone ay ang default wallpaper ang wallpaper niya at wala pa siyang password. Hindi ko na lang iyon pinuna at tinype na ang number ko. After ko ilagay ang number ko ay ibinalik ko na ito sa kaniya. "So bakit mo nga ako in-excuse?" "Pag-uusapan natin yung plan." Napatango-tango naman ako. "So gaya ng sabi ko noon sa music room. Magp-pretend tayo na we're really getting along, like nagkakamabutihan ganun." "Yeah, I get it. Yun yung sinasabi mo, pero hanggang kelan? What's the point? Enlighten me." "We're going to pretend hanggang kaya mo na." Napakunot naman ang noo ko sa kaniya. "Kaya ko ng what?" "We're going to pretend until you can voice out yourself. Until they can hear your voice." "Hear... my voice?" Tumango-tango naman siya. Napakunot ang noo ko at napaisip. Paano niya? I'm okay. Or not. I know what I want and it's freedom. Hindi ko lang alam paano niya nalaman? Pinabayaan ko nalang iyon sa aking isip. "What about you?" "What about me?" Nagtatakang tanong niya pa. "You're gay, right?" Seryoso kong tanong. Matapos ang ilang segundong katahimikan ay tumawa siya ng malakas. Tawa siya ng tawa hanggang sa kulang na lang sa maglulupasay siya sa damuhan. "Av, I like girls." _________________________________ xxorphicxx FB: SHAN CALIXTRO IG: xxorphixx/shxnnnnn ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD