KABANATA 6: NEWS

2114 Words
Tanghali na ako nagising kaya naman dali-dali akong naligo at nag-ayos. Hinanda ko na rin ang bag ko at nagmamadaling bumaba. Pagkababa ko ay dumiretcho agad ako sa kitchen para magpagawa nalang ng sandwich pero naabutan ko sila manang na nanonood ng tv. "Breaking news, isang virus ngayon ang kumakalat sa bansang China. Hindi pa alam ang pinagmulan nang nasabing virus..." "Oh, hija! Bakit nakabihis ka? May pasok ba kayo kahit Linggo?" Nagtatakang tanong ni manang. Nanlaki naman ang mata ko at napatakip sa bibig. Linggo ba!? Dali-dali kong kinuha ang phone ko at chineck ang araw. Sunday nga! Napatungo naman ako. Ramdam ko rin na nag-init ang pisngi ko. "Kagabi ka pa wala sa sarili, hija. Okay ka lang ba?" Napatingin ako kay manang. Nakangiti siya sa akin. Tumango naman ako at naupo sa counter stool. "Okay lang po. I thought it's Monday." Awkward na paliwanag ko. Nakakahiya naman. "Siya, gusto mo ba ng pagkain? Ipaghahain kita, sandali lang." Umalis saglit si manang at pagkabalik ay bitbit niya na ang ang plato at ulam. Inilapag niya ito sa harap ko at kumuha rin ng pitcher na may lamang juice. "Kanina pa nakaalis ang mommy at daddy mo eh." Patuloy na kwento niya pa habang naghahain. "Is Mom and Dad, okay na po?" Nahihiyang tanong ko. Napatigil naman siya at napatingin sa akin. Ngumiti siya at bahagyang tumango. "Hindi pa rin pinapansin ng Mommy mo and Daddy mo pero ang tingin ko'y patuloy pa rin siyang sinusuyo ng Daddy mo." Paliwanag niya pa. "Manang..." Akmang tatayo na siya ng tawagin ko siya. Tumingin siya sa akin at ngumiti. "Matagal na po kayong nagsisilbi sa amin diba? May... alam po ba kayo kung bakit nagagalit si mom kay dad? May alam po ba kayo sa past nila?" Lakas-loob na tanong ko. Hinawakan niya ang kamay ko at ngumiti lamang. "Hindi ko iyon kwento, hija." Tumango nalang ako at kumain. After ko magbihis ay tumungo ako sa study table ko. Inilabas ko ang mga books ko at napagpasyahan nalang na mag-advance reading. Binuklat ko ang isa sa mga books at binasa, pero hindi pumapasok sa utak ko miski isang sentence. Tumunog ang cellphone ko kaya naman inabot ko ito at chineck. Message from Daijon. Iniisip ko pa kung babasahin ko ba or mamaya nalang. I still can't believe na niloko niya ako. I really thought he's gay. I mean, I have no problems sa mga third gender, in fact, I support l***q Community. Hindi naman ako nagalit, pero naiinis lang siguro. And samahan pa ng iniisip ko, regarding mom and dad. Tumunog ulit ang phone ko pero this time, videocall na. I checked who's the caller at nang makita na si tita mom ay dali-dali ko itong sinagot. "Tita mom! Hi!" "Oh hija! I missed you!" Nakangiting bati niya pa. Mukhang nasa set sila ngayon. My tita mom is still gorgeous as ever. Nasa New York pa rin siya, pero hindi lang dahil model siya, isa na siyang sikat na designer and businesswoman doon. Sobrang ganda ni tita mom na aakalain mong she's still in her mid-20's. "I miss you too, tita mom! How are you?" "I'm good. Still beautiful." She jokingly said. Sabay naman kaming napatawa. Nagkwentuhan pa kami pero sa kalagitnaan ay naalala ko ang about kila mom and dad. "Tita mom, do you mind if I ask you something?" "Hmm, about what ba yan? Lovelife?" She wiggled her eyebrows while smiling sheepishly. "Kinda." Her mouth formed an "O" and she continuously nodded. "Kanino naman?" "Um... sa inyo po?" Patanong na sagot ko. Napahawak naman siya sa dibdib niya at hindi makapaniwalang tumitingin sa akin. "Sa'kin? Bakit sa'kin? Wala ako nun." "Yun na nga tita mom. Bakit wala ka pong boyfriend or husband, ganun?" Pahina nang pahina kong tanong. "Curios lang po ako. Imagine, you're so gorgeous, sexy, successful, kind, and a good woman." Patuloy ko pa. Napangiti naman siya. "Oh my gosh, super naman sa compliment, anak." Natawa pa kami nang sabay bago siya sumeryoso at napaisip. "I don't know. Maybe, wala talagang para sa akin?" Sagot niya habang nakatingin kung saan. Tumawa siya habang nakatingin sa akin at nagkibit balikat. But I can see it in her eyes, that she's hurt. Pero bakit? "Maybe because I was hurt and I already loved too much that it almost wrecked me. I can't love someone anymore, because I already loved someone and gave him all the love that I can give. Wala na akong pagmamahal na kaya pang ibigay sa iba, dahil naibigay ko na sakaniya." Patuloy niya pa. Napanganga naman ako at pilit pino-proseso sa utak ko. Kahit na kinakabahan at may naiisip na ako kung sino ay tinanong ko pa rin. "Is he... The one that you loved... Is he my Dad?" Lakas-loob na tanong ko. She smiled at me. A genuine one. "I'm so busy right now, hija. I promise to tell you once I came back." Then she hanged up. Monday came, as usual ay mag-isa na naman akong naglalakad papasok sa first class ko. Papasok pa lang sa entrance ng Uiversity ay nakita ko nang nakaabang si Daijon doon. Hindi ko na lamang siya pinansin at nagdire-deretcho lang sa paglalakad. "Hey Avalie. Good morning. Breakfast?" Tanong niya habang sinasabayan ako sa paglalakad. He even lifted up his hand kung saan nandun ang take out from isang fast food chain. "No thanks." I answered as I continued walking. Nakita ko naman sa peripheral vision ko na napatango pa siya. "Ah... Nabasa mo ba yung mga texts ko?" Tanong niya pa. Halata pa sa boses niya na medyo kinakabahan siya. For what? Kinakabahan ba siya sa'kin? "You didn't reply..." "I was busy." Nilapag ko ang bag ko sa upuan bago umupo. Nanatili naman siyang nakatayo sa gilid ko habang nakaharap at kinakausap ako. "I'm really sorry, I made you disappointed." Bakas sa boses niya na nagsisisi talaga siya. Hindi naman talaga ako galit. "What can I do to make it up to you?" This time hinarap ko na siya. I smiled genuinely. "It's okay. I'm not mad." Napakurap-kurap pa siya habang hindi makapaniwalang nakatingin sa akin. "A-Ano... Kinakabahan ako sa ngiti mo. Gusto kong makabawi. And sabi mo okay lang pero hindi mo'ko nire-reply-an." Nanginginig pa ang boses niya kaya naman bahagya akong napatawa. "Okay nga lang. I was busy nga kasi." Bahagya pa akong napatawa dahil sa hitsura niya. Ano bang nangyari dito? "Ang cute mo." Bahagya naman siyang napanganga at napahawak sa pisngi niya. "Ang cute ng ears mo namumula." Puna ko pa habang nakaturo sa tenga niya. Dali-dali niya naman itong hinawakan at tinakpan. "A-Ano ba? I'm s-serious. I said I'm s-s-sorry." "Uy pre! Wazzup! Hi Avalie!" Singin ni Iurii. Itinaas ko lang ang kamay ko at nginitian siya ng tipid bilang pagbati. "Anong nangyari sayo, bud? Ba't namu---" "Urusai!" (Shut up!) Sigaw niya pa. Dali-dali siyang pumunta sa upuan niya at hindi na lumingon sa'min. Natatawa naman akong hinarap ni Iurii at sabay kaming natawa. Itinuro niya ang upuan niya kaya naman tumango na lamang ako. Agad nagsimula ang lecture pagdating ng prof. Ni-group niya rin kami para sa isang presentation na kailangang gawin by group. Kagrupo ko sila Daijon, Iurii, Vannessa at Sasha. "Nag-advance reading na ako about this topic. Medyo mahirap pero kaya naman, kaya lang masyadong mahaba." I said while flipping the book pages. Napatango-tango naman sila. "Oo nga, porket nandito kayo ni Daijon binigay sa'tin yung mahahaba at mahihirap. Wala akong ma-gets." Komento ni Iurii kaya naman napatawa ang dalawang babae. "Sa Friday na agad deadline no? Bukas nalang natin gawin. Inom muna tayo para makilala muna natin isa't-isa." Sabi naman ni Vannessa. Agad namang tumutol si Sasha. "Hala, hindi ako pwede. Kumain nalang tayo. Pwede naman yun. Kahit sa resto nalang namin." "We have to finish this first. Besides, kailangan din muna aralin ng lahat, para kapag tinanong ang isa man sa atin ay may maisasagot. Kapag maaga natin sisimulan ay maaga rin matatapos." Daijon said while reading the book. Napatango naman ako. "Tiningnan ko na ang laman ng chapters. Mahaba and medyo mahirap." "Overnight nalang tayo." Suggest ni Vannessa. "You know, para makita natin ang ginagawa ng bawat isa. And besides, hindi naman ganun katalino si Sasha and me. Kayo na nagsabi medyo mahirap." "Yes, I agree." Si Sasha habang patuloy pa rin sa pagkain. Nagtaas naman ako ng kamay kaya napatingin sila sa akin. "I can't. Hindi ako pwedeng pumunta sa kahit saan maliban sa university at sa bahay." Natahimik naman sila at napasip. "What if sa inyo nalang, Avalie?" Tanong ni Iurii. Napaisip naman ako. Papayagan ba'ko nila Mom and Dad? Para sa grades naman ito and besides wala kaming magagawa. "I'll try to talk to my parents tonight. Kelan ba?" "Kahit tomorrow nalang." Tumango naman ang lahat. Later that night, sobrang tahimik ng dining. My mom is so focused on her foods. Si Dad naman ay tahimik din at paminsan-minsang sumusulyap kay Mom. Tumikhim naman ako at naglakas loob magsalita. "Mom, Dad, kailangan po namin mag-overnight para sa groupings namin. The presentation is on Friday and napunta po sa amin ang pinakamahirap na part. Mahaba rin po ang chapters and my groupmates suggested na kung pwede ay kahit dito nalang mag-overnight." Paalam ko. "Sinong groupmates mo?" Tanong ni mom habang naghihiwa ng steak. "Daijon Legrand, Iurii Miyamoto, Vannessa Swertz and Sasha Fries. Five po kami." Napatango-tango naman si Dad. "Sure, you can use the guestroom." Dad said. "Thank you po." Naghari na naman ang katahimikan. Nang matapos kumain si Mom ay tumayo na siya at umalis. Napabuntong-hininga naman si Dad. Akmang tatayo na rin siya ng magsalita ako. "Dad, please make up with mom already." He just nodded and pat my head. Tomorrow came, tinext ko na sila kagabi and sinabi ko na, na pumayag si Dad. Sabi ko ay after class sa main entrance nalang kami magkita-kita. After class ay sabay-sabay kaming sumakay sa van namin—iyon ang ginamit na pang-sundo sa amin dahil marami kami. Nakauniform pa rin sila pero nagdala raw sila ng pamalit para comfortable mamaya. "Nagdala ako ng maraming snacks para mamaya! Pero nagc-crave ako sa pizza. Order nalang tayo mamaya!" Sasha said habang inaayos ang napakaraming foods na dala niya. "Sobra-sobra na 'yan, Sash. Can we make a quick stop sa grocery? I have to buy something." "Baka alak yan, Van. Lagot ka sa Daddy mo." Kontra ni Sasha. "Oh come on! Nasa legal age na tayo." Sagot naman ni Vannessa. Sasagot pa sana si Sasha pero naunahan na siya ni Daijon. "No alcohol's allowed." He seriously said. Napatahimik naman sila at umayos na ng upo. Rinig ko pa ang reklamo ni Vannessa pero tinawanan lang siya ni Sasha. Nakikisama sa asaran si Iurii kaya lalo siyang bumusangot. "I guess, one bottle of wine won't hurt." Singit ko. Nagliwanag naman ang mukha ni Vannessa. Huminto kami sa grocery. Sila Vannessa at Iurii lang ang pumasok sa loob para bumili, samantalang naiwan naman kami nila Sasha at Daijon sa van. Si Sasha ay natutulog habang nakasalpak ang earphones. Kinuha ko rin ang earphones ko and connected it to my phone pero pa-low bat na pala ako kaya naman sinoli ko na lang ulit at pumikit. Naramdaman ko naman ang pagsuot sa'kin ng earphones ng kung sino. Pagmulat ng mata ko ay bumungad sa'kin si Daijon. Umayos siya ng upo at humalukipkip. Tumikhim pa siya at tumingin sa labas. "Are you sure na pwede ang wine?" Mahinang tanong niya. Tumango naman ako at tumingin nalang sa mga tao sa bintana. Karamihan sa kanila ay magkakaibigan o grupo ng mga bata na naglalakad pauwi, o kaya naman ay kagagaling sa kung saan. Lahat sila ay masaya at nagtatawanan. Kelan ko kaya mararanasan ang magkaroon ng kaibigan? Uri, I miss you. Share with me the secrets that you kept in Because it's cold inside It's cold inside (It's cold inside) "Nice! Pwede na'to! Ang haba ng pila." Napatingin kami sa kadarating lang na sina Vannessa at Iurii. Bitbit ang isang plastic na may lamang naka-box na wine. Naupo naman agad sila sa upuan at sinara ang pinto. "Let's go!" Excited na sigaw ni Vannessa. Nagising naman si Sasha kaya hinampas niya ito. Mapang-asar naman siyang sinuyo ni Vannessa pero nakakunot pa rin ang noo niya. Hindi niya rin siguro mapigilan kaya sa huli ay natawa siya. Nakisali pa si Iurii kaya naman lalong umingay sa van. Napangiti naman ako sa kakulitan nila. Naramdaman ko naman ang pares ng mata na nakatingin sa akin. I looked at Daijon who's silently watching me with a ghost of a smile on his lips. _______________________________________ SONG: VULNERABLE BY SECONDHAND SERENADE _______________________________________ @xxorphicxx FB: SHAN CALIXTRO IG: xxorphicxx/ _shxnnnnn ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD