KABANATA 7: GROUP

2423 Words
Pagkarating sa bahay ay wala pa sila Mom and Dad. Ibinilin naman kami ni Dad kaya inasikaso kami nila Manang at nang isang kasambahay. Agad kaming dumiretcho sa dining. Nakahanda na rin ang pagkain namin. Nagpasalamat kami kila manang at pagkatapos ay kumain na. Sanay akong kahit kasabay sila Mom and Dad ay tahimik ang dining pero ngayong gabi ay kakaiba. Hindi naman sila sobrang ingay pero iba eh. Si Vannessa ay kumakain habang paminsan-minsang nakikipag-usap kay Iurii, si Sasha naman ay tahimik at parang may sariling mundo habang kumakain, si Iurii na tahimik na nakikipag-usap kila Daijon at Vannessa. "Av, ang ganda ng house niyo." Biglang ani ni Vannessa. "Ilan kayo dito?" "Uh, kaming tatlo nila Mom and Dad tapos si manang, isang maid at yung driver. So bale, six." Sagot ko. Tumango-tango naman siya. "Only child ka pala Avalie? May pinsan ka ba na kasing talino at kasingganda mo?" Tanong ni Iurii. Tiningnan naman siya ng masama ni Daijon pero tinawanan niya lamang ito. Napailing-iling naman si Vannessa sakaniya. "May tatlo akong pinsan sa father side. Pero lahat sila lalaki." Sagot ko naman. Napakamot siya ng ulo at natawa ng bahagya. "Auto-pass." Sagot naman niya. Natawa naman si Vannessa sakaniya. "Baka para sa'kin yung isa sa kanila, Avalie?" Natatawang biro niya. Napangiti naman ako ng tipid. Ramdam ko ang biglaang paninikip ng dibdib ko kaya naman ay in-excuse ko muna ang sarili ko at pumunta ng kwarto. Tapos naman na akong kumain at binilin ko naman sila saglit sa kasambahay. Dumiretcho ako sa c.r ko at agad naghubad para mag-shower. Medyo kumalma naman ako nang maramdaman ko ang malamig na tubig. No, I don't want to ruin this night. I don't want to entertain negative thoughts. I will never entertain negative thoughts. That's always been my second motto. I always neglect my feelings. "Oh, Avalie. Pwede makigamit ng comfort room niyo? Magbibihis lang ako." Paalam ni Sasha pagkababa ko. Naabutan ko sila sa living room habang nagku-kwentuhan pa rin. "Sure. Deretcho ka lang dun, tas sa may left." Tumango naman siya. "Okay! Thanks!" Kinuha niya ang damit niya at agad naglakad. Si Vannessa na nag-aayos ng gamit ay kinuha na rin ang damit at agad sumunod. "Wait! Sabay na tayo." Habol ni Vannessa. Napatingin naman ako sa dalawang lalaki. "Kayo? Pwedeng mauna na kayo sa guestroom. May c.r din dun. Babalikan ko nalang sila dito pagkahatid ko sa inyo." Tumango naman sila at dinala na ang mga gamit nila. Umakyat kami at hinatid ko na sila sa guestroom. Pagkahatid ay bumaba agad ako para hintayin ang dalawa pang kasama. Hindi na rin nagtagal ay nakita ko na ang naglalakad na sina Sasha at Vannessa habang nag-aasaran. Pareho silang nakapajama. Kumaway sila sa akin kaya naman nilapitan ko sila at sinabayang maglakad. "So ano nga? Crush mo yon no?" Pang-aasar pa ni Vannessa habang sinusundot ang tagiliran ni Sasha. "Shut up! Hindi no!" Natawa naman ng malakas si Vannessa. Namumula namang napatungo at napatakip ng mukha si Sasha sabay iling. "Av! Loosen up! Masyado kang tahimik." Baling sa'kin ni Vannessa. "Ikaw, sinong crush mo? Crush lang naman." Tatawa-tawa pang tanong ni Vannessa habang mabagal kaming naglalakad. "Or baka naman may-boyfreind ka na? Come on share mo na sa'min." "'Wag mo ngang idamay si Av, sa kalokohan mo, Van. Hindi yan kagaya mo na papalit-palit ng boyfriend." Hinampas niya pa si Vannessa na tatawa-tawa lang. "Huwag ka ngang kj, porket crush mo lang si Daijon eh! Oops!" Bahagya naman akong nagulat. Nagkunwari pa si Vannessa na nagugulat at napatakip ng bibig kahit na halatang sinasadya niya naman. Napa-facepalm naman si Sasha sakaniya at napapikit.. Kita ko pa ang pagpula ng mukha niya. "Vannessa! Hindi nga!" Tanggi niya pa. Hindi ko naman mapigilang mapatawa sa kanilang dalawa. Humarap sa akin si Sasha na parang naghihingi ng tulong. Agad ko namang pinigilan ang tawa ko. "Avalie si Vannessa, oh!" Itinuro niya pa si Vannessa na tawa ng tawa habang nakahawak pa sa tiyan. "Sabi ng konti nga lang! I just find him attractive that's all! Damn it!" "Edi inamin mo rin! Hahahaha!" "Pero ship ko sila ni Avalie." Bawi niya bago sabay na bumaling sa akin sina Sasha at Vannessa. Nakangiti pa sila sa akin na parang nang-aasar. I waved my hands at napailing-iling. "No way." Agad na tanggi ko. "Ang cute niyo kaya together! Akala mo hindi namin nakita na share kayo ng earphones." Pang-aasar pa ni Vannessa. "Oo nga. Tas parehas pa kayong matalino yiiieee." Tinusok niya pa ang tagiliran ko kaya bahagya akong napaliyad. "Stop it! Bilisan na natin para marami tayong magawa." Sabi ko at nagpamaunang umakyat. "Hey! Wait, Av!" Habol ni Sasha na ayaw ata maiwan kay Vannessa. "Wala naman kaming sinabi na iba, sabi lang namin ship namin kayo!" Sigaw ni Vannessa sabay tawa. "Crush mo siya no? Nare-realize mo na?" Binilisan na rin nila ang paglalakad kaya mas lalo kong binilisan. "Wala ah." Cool kong sagot sabay takbo. Humabol naman sila kaya naman dali-dali kong binuksan ang pinto ng guestroom at pumasok. Nanlaki naman ang mata ko at dali-daling tumalikod at agad umalis ulit dahil naabutan ko si Daijon na nagbibihis at topless. Wala akong nakita. Wala akong nakita. Normal lang yun. Kasalanan ko. Nagmamadali ako. Wala akong nakita. O.A lang ako. Keep your cool, Avalie. "Ano? Bakit ka bumalik? Aaminin mo na?" Patuloy na pang-aasar ni Sasha. Umiling naman ako. Akmang lalayo ako nang akbayan ako ni Vannessa. "Uy, saan punta? Pasok na tayo." Napayuko naman ako at walang nagawa kundi ang makisabay sa kanila. Luckily pagkapasok ay hindi na siya topless. Naka-t-shirt na siya at nakalabas na rin ng c.r si Iurii. Agad naman kaming nagsimula. Binabasa muna nila ang chapters samantalang ako ay nags-scroll lang sa laptop dahil nabasa ko na yun kagabi pa. Si Daijon naman ay tahimik lang din. Nang ma-bored siguro ay tumayo siya. Naglakad siya papalapit sa akin. Tiningnan siya ni Vannessa na kasalukuyang nagbabasa habang umiinom, ganun din ni Sasha na nagbabasa habang kumakain. Umupo siya sa tabi ko, bitbit ang laptop niya. Nakakalokong tingin naman ang binigay sa'kin nila Vannessa at Sasha na hindi ko na lamang pinansin. "Hey, uhm..." Napatingin ako kay Daijon nang bigla siyang magsalita. "Can you help me... ano kasi..." Ayan na naman siya sa kinakabahang boses niya kaya natawa ako na agad kong pinigilan. "Are you scared?" Tanong ko. "Saan?" "Sa'kin." Natatawang tanong ko. "Don't worry, I don't bite." Pang-aasar ko pa. "Tsk, 'wag ka na kasing magalit." Mahinang bulong niya pero narinig ko pa rin. Napatigil naman ako saglit at tumikhim. "I said, I'm not mad. Okay na nga tayo." Tumingin naman siya sa'kin na parang naniniguro. Napatango naman ako. Napabuntong-hininga naman siya. "Thank God." Bulong niya pa. Nahagip ng mata ko ang ginagawa niya sa laptop niya. "Gagawa ka ng social media?" Tanong ko. He nodded and gave me his laptop. "Patulong. Mas convenient daw ang communication sa social media, eh." Napatango naman ako bilang pag-sang-ayon, nilapag ko ang laptop ko sa gilid at kinuha ang sa kaniya. Nilagay ko sa chrome at tinuro sa kaniya ang gagawin. After nang ilang minute ay nakagawa na siya ng account sa f*******:. "You should add your picture para madali kang makilala." Wala sa sarili naman siyang napatango. Napaharap siya sa akin ng nakakunot-noo. "Bakit?" Don't tell me... "I don't have pictures." Napanganga naman ako at napatango. "Edi mag-picture ka ngayon or bukas. You can add picture whenever you want. You can also post pictures or what. Share whatever... you know." Tumango-tango naman siya habang nagbubutinting ng cellphone niya. I saw him clicked the camera at nilagay sa front cam. Expected ko nang magpi-picture siya kaya naman bahagya akong lumayo. Tatayo na sana ako para lumipat ng space nang hawakan niya ang braso ko. "Let's take a picture together." Hindi naman ako naka-angal dahil nakatapat na sa'min ang camera. Tumingin nalang ako don at nag-peace sign na nakatakip sa bibig. Siya naman ay nasa likod ko at bahagyang nakasilip at nakangisi. Sumunod na shot ay nakangiti lang ako at nakapeace sign ulit samantalang siya ay nakadila at nagpeace sign din. "*Ehem* Sali naman kami diyan. *Ehem* Tapos na rin kami dito." Uubo-ubong ani ni Iurii. Napatingin ako sakanila at bahagyang napatungo dahil lahat sila ay nakatingin sa'min. Napa-ayos ako nang upo at bahagyang lumayo habang kunwaring busy sa laptop. "Kunwari busy." Si Sasha habang nakatingin sa'kin sabay subo ng chips. "Kunwari walang picture." Si Vannessa habang umiinom ng wine. Sabay silang natawa ni Sasha at nag-high five pa. "Tayo na nga lang magpicture. Gusto ko ganun din." Kinuha ni Vannessa ang phone niya at nagbutinting. "Hoy Iurii dito ka!" Tawag pa ni Vannessa kay Iurii na kasalukuyang inaasar si Daijon. Tumingin lang si Iurii sa kaniya at umiling habang nakangisi. Nanlaki naman ang mata ni Vannessa at agad siyang nilapitan at hinila sa puwesto niya kanina. "Hala bakit ako?" Agad na angal naman ni Iurii. "Parang lugi ka pa ah!" Pinanlakihan niya pa ng mata si Iurii kaya naman ay napatawa ito. "Tas sunod kay Sasha naman. Para ma-experience niya naman yun." Nagpicture-picture sila habang kasama si Iurii, sinali din nila si Daijon at tinawag din ako. Ngumiti nalang ako para matapos na. Hindi ko na alam kung anong pose ang gagawin dahil puro naka-wacky sila Iurii, Sasha at Vannessa. Si Daijon naman ay nakikigaya din. "Guys, stop it, nahihiya na si Av." Natatawang singit ni Daijon. "Simulan na natin yung mga parts natin para matapos na." Dagdag niya pa. "Oookay." Sagot ni Sasha sabay kuha ng isa na namang chips at umupo sa isang gilid. "Sinipag dahil sa picture. Nag-oookay kasi..." Natatawang sabi ni Vannessa. Tumabi siya kay Sasha at nagsimula na rin. "Pagkatapos talaga nito, gala tayo." Si Iurii sabay tingin sa'min. Nagsuot nalang ako ng earphones at hindi na lang sila pinansin. Ia-out ko na sana ang f*******: ko sa laptop nang magpop ang isang notification. Friend request from Daijon. In-accept ko siya pero naagaw ng post niya ang atensyon ko. It's our picture together, kasama din naman sila Vannessa, Sasha at Iurii sa iba pero unang-una kasi ang pictures namin. Imbes na kausapin siya in person ay chinat ko nalang siya. Avalie: Hey! You posted our picture... Hindi ko alam ng sasabihin kaya dinilete ko nalang at nag-compose ng panibago. Avalie: Uh... picture natin...? Napabuntong-hininga ako at dinilete ulit. Hayaan na nga. Eh, ano naman? Hindi ko naman account yun kaya bakit ako nab-bother? Hello?! What if Mom and Dad saw that? Our schoolmates? Ding! Daijon: Hey! Thanks for accepting my friend request. Uh, is it okay lang ba na, I posted our picture? Or you want me to delete it? Daijon: Uh, if you're not comfortable, I can delete it. Napaisip naman ako. It's his account so he can post whatever he wants. I'm glad nagpaalam siya sa'kin. Napabuntong-hininga nalang ako bago tinyped ang reply ko at pagkatapos ay dumiretcho na sa word para gawin ang part ko. Avalie: It's okay. Madaling-araw na nang matapos ko ang part ko. Tinanggal ko ang earphones ko at saka ko sila tiningnan. Tulog na tulog na silang lahat. Nakaunan si Sasha sa thighs ni Vannessa, habang si Vannessa ay nakasandal sa headboard at nakapikit. Si Iurii ay nasa floor nakaupo at nakatungo sa kama. Si Daijon naman ay nakasandal sa sofa, nakatulog na rin gaya nila. Tumayo ako at kinuha isa-isa ang mga laptops nila. Sinave ko muna ang mga files na ginawa nila bago patayin. Nilagyan ko rin sila ng kumot bago lumabas sa kwarto. Bumaba ako sa may kitchen para magtimpla ng coffee. I checked my phone para sa oras. It's already 2:55 am. Hinilot ko ang sintido ko habang umiinom ng kape. Napahikab ako at bahagyang nag-unat. Can I call them my friend now? No. They're just my groupmates. Pinakikisamahan lang nila ako. No one wants to be my friend. Si Uri kaya, kamusta na? Simula nang mag-migrate sila sa Japan, wala na akong narinig mula sakaniya. I can still remember that time, recognition day namin, nang umalis din sila. My mom used to say, na iiwan din ako ng magiging friends ko pati na rin ni Uri. Because no one can stay with the same person until the end. "Hey." Napatingin ako sa kay Daijon. His husky voice tells me that he's still sleepy. "What are you doing?" Nakapikit pa ang isang mata niya nang lumapit siya sa'kin. "Want some coffee?" I asked him. He half-asleep nodded. Tumayo ako para sana ipagtimpla siya kaya lang nauna niya nang inabot ang tasa ko at uminom doon. "Ah! Hot! Hot! Hot!" Napabalikwas siya at nagising na nang tuluyan. Natawa naman ako sa kaniya. "You okay?" Tanong ko. Inabot ko sa kaniya ang tissue bilang pamunas. Kinuha ko ang rug at pinunasan ang natapon. "I'm sorry. Natapunan ba kita? Are you hurt?" Nag-aalalang tanong niya pa. Umiling nalang ako para sabihing hindi. Tumango naman siya at inayos na ang sarili. "Basa yung damit mo. Palitan mo muna." Sabi ko nang mapansing basa ang tshirt niya. "Wala na'kong extra shirt." Tumango ako at hinugasan ang tasa. Nilagay ko sa lalagyan pagtapos at saka nauunang naglakad. "Tara, pahiramin kita." "You have a shirt... for a guy?" I looked at him and for some reason, he looked so serious. I nodded. "Oo, I love oversized shirts kaya minsan bumibili ako. Kasya naman siguro sayo yun." I heard him sigh. Pagkaakyat sa taas ay pumasok ako sa kwarto, pero naiwan lang siya sa labas. Nagtataka naman akong tumingin sakaniya. "Dito nalang ako maghihintay." Sagot niya. Napatango nalang ako at pumasok sa walk-in closet. Dumiretcho ako sa mga oversized shirts ko. Kahit anong color naman siguro okay lang. Kinuha ko ang black shirt na may design na maliit na sun sa gilid. Lumabas na ako at pagkatapos ay inabot na sa kaniya ang shirt. Tinanggap niya yun at sabay kaming dumiretcho sa guestroom. Pumunta siya sa c.r para doon magbihis. Kinuha ko nalang ang laptop ko at pagkatapos ay lumabas na. "Av." Napalingon naman ako kay Daijon. Nakasilip siya sa pinto. "Thanks." He smiled so I smiled back. "Welcome." "Good morning." Natatawang bati niya pa kaya natawa nalang din ako. Imbis na 'good night', 'good morning' na. "Morning." We fell in love when you told me a thing That every day when sun goes down You would walk along with me On this long and winding road With no street lights shining on And you would be the sun that shines upon me _______________________________________ SONG: MAT TROI CUA EM _______________________________________ xxorphicxx FB: SHAN CALIXTRO IG: xxorphicxx/shxnnnnn ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD