When the night came, sabay-sabay ulit kaming tatlo nag-dinner. Hindi pa rin umuuwi si Mom, siguro ay mamaya pa. Napapadalas na rin ang pag-o-overtime ni Mom dahil pinag-aaralan nila ang virus na lumalaganap ngayon.
Nag-aalala rin naman ako sa kaniya, dahil sa pagkakaalam ko malala at nakakahawa ang virus. Simpleng trangkaso lang ay pwedeng ma-diagnose as NCov.
Napabuntong-hininga na lang ako, sa naiisip. Hindi rin naman kasi madalas mag-reply si Mom kaya wala rin masyadong communication. Masyado siyang tutok sa trabaho.
Gabing-gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Tiningnan ko ang oras sa cellphone ko at napansing tatlong oras na pala akong nagbabasa. Kaibahan sa binabasa ko kaninang umaga na about sa academic, isang novel naman ni Nicholas Sparks ang binabasa ko ngayon.
Nilagay ko sa shelf ang libro ko at pagkatapos ay kinuha ko ang phone. Bababa muna siguro ako. Midnight snack dahil hindi ako masyadong kumain kanina.
Pagkababa ko ay nakasara na ang lahat ng ilaw, tanging ang maliit na ilaw lang sa may parteng kusina ang nakabukas. Tiningnan ko ang ref kung may leftover pa pero mukhang naubos na. Kinuha ko na lang ang cookies at karton ng gatas mula sa ref. Mag-co-cookies nalang siguro ako.
Kumuha ako ng baso at sinalinan ng gatas. Tahimik lang akong kumakain nang makarinig ako ng yabag pababa ng hagdan. Kinakabahan naman akong nag-abang kung sino ang dadating.
Shiz, baka pagalitan ako.
Dali-dali kong kinain ang cookies, halos mabilaukan pa ako sa kakamadali ng lumitaw sa pinto si kuya Darian.
Gulat naman siyang tumingin sa akin. Kumalma naman ako nang makitang siya lang pala ang bumaba. Akala ko si Dad. Binagalan ko lang ang pagkain. Itinuro ko sa kaniya ang gatas.
“Gusto mo, kuya?” Alok ko. Umiinom siya ng tubig kaya naman inilingan niya na lamang ako. Tumango lang ako at nagpatuloy sa pagkain ng cookies. Samantalang tahimik niya namang hinugasan ang baso at binalik sa lagayan.
“Gusto mong kumain ng kanin? Ipagluluto kita ng ulam.” Aniya. Siguro’y nagising lang siya at gabi na kaya mas lumalim ang boses niya.
Napaisip naman ako, medyo nagugutom pa nga ako pero ayoko naman siyang abalahin. Kaya lang naalala ko si Mom. Nag-dinner na kaya siya?
“Really?” Tanong ko kunwari. Baka mamaya nagbibiro lang pala siya, napahiya pa ako. Pero alam ko namang hindi siya nagbibiro. Tipid siyang ngumiti bago tumango.
“Medyo nagugutom din ako e.” Sabi niya. Nginitian ko siya bago tumango.
“Tulungan na kita.” Sabi ko pa. Binuksan niya ang ref at nagtingin ng pwedeng lutuin. Tinanong niya pa ulit ako kung anong gusto kong ulam, pero sabi ko ay siya na ang bahala.
Inilabas ni kuya ang mga rekado na gagamitin niya. Sinimulan niyang hugasan ang mga gulay at karne. Hinanda ko naman ang mga lagayan at lutuan na gagamitin.
Tahimik lang kaming gumagawa nang marinig namin ang pagpatay ng makina sa labas. Mukhang nakarating na si mom. Tiningnan ko ang oras sa wall clock at nakitang 1:30 na ng madaling araw.
Nagpaalam ako saglit kay kuya. Naghugas ako ng kamay at inabangan si mom sa may living room.
Pagod na pumasok si Mom sa pintuan. Napataas pa ang kilay niya nang makita ako.
“Bakit gising ka pa? Madaling araw na ah.” Puna niya pa.
“Ah, nagutom lang po. Kumain ka na mom? Baka gusto niyo pong kumain nagluluto kami ni kuya Darian.” Anyaya ko. Napatingin naman siya sa’kin at napahimas sa sintido niya.
“Hindi na. Mauuna na’ko. Sabihin mo sa maid na ilapag nalang sa harap ng pinto sa dulong room yung pagkain ko mamaya.” Habilin ni Mom sabay akyat sa taas. Napayuko naman ako at tahimik na naglakad pabalik sa kusina.
Naabutan ko si kuya na nakasandal sa counter habang nakatingin sa niluluto.
“30 minutes maluluto na ito. Gutom ka na ba?” Tanong niya pa. Umiling lang ako at tahimik na lang ding naghintay.
Pagkatapos maluto ay sabay kaming kumain. Hinintay niya pang mauna akong kumain at tinanong kung anong lasa.
“It’s delicious. Pwede ka na magtayo ng restaurant.” Nag-thumbs up pa ako sa kaniya. Natatawa naman siyang umiling sabay subo ng kanin. At saka ko lang naalala na may restaurant nga pala siya sa Seattle.
Kinaumagahan ay maaga akong nagising. Pagkababa ay sinabi ko agad sa maid ang bilin ni mom kagabi. Pagkagising ko ay nakaalis na raw si Dad, dahil kailangan siya sa munisipyo. Si kuya naman ay nasa labas para mag-jogging.
Tumunog ang phone ko pagkabukas na pagkabukas ko pa lang ng wifi. As usual ang gc namin ang pambungad.
Vannessa:
Good morning!
Sasha:
Taray sa energy… GOOD MORNING!!!
Tukmol:
HAHAHAHAHAHAHA
Tukmol:
Teka ba’t ganto name ko?!
Tukmol:
Sino nagpalit?
Sasha:
Good morning, Avaliee!
Me:
Good morning, guys:)
Vannessa:
Ako @Tukmol, bakit?
Iurii:
HAHAHAHAHAHA sorna agad. Tara ml.
Sungit:
Wth?
Daijon:
Hey.
Panay ang asaran nila Vannessa at Iurii, samantalang nagpaalam na si Sasha para mag-breakfast. Wala rin naman akong sasabihin sa kanila kaya naman ay in-exit ko na rin ang messenger.
Wala akong masyadong gagawin ngayong araw. Baka magbasa nalang ulit ako. Pumunta ako sa kusina para sana mag-breakfast kaya lang napagpasyahan ko na sabayan nalang si Mom at kuya. Habang naghihintay ay nakita ko ang bike sa likod-bahay namin.
Pwede naman siguro akong mag-ikot lang sa loob ng subdivision. Pumunta ako sa kwarto at nagpalit ng maayos na damit. Simpleng leggings at t-shirt tapos nagsuot na rin ako ng face mask. Tinali ko ang buhok ko at nagsuot ng earbuds.
Pagkababa ay nilagyan ko lang ng tubig ang water bottle ko sabay kinuha ko na rin ang bike. Good thing it’s not flat.
Sinimulan ko ng paandarin ang bike. Dito lang naman ako, hindi naman siguro ako papagalitan basta babalik na lang ako habang hindi pa gising si Mom.
Binilisan ko ang pagpapatakbo. Pagkaliko ko ay naabutan ko si kuya na nagjo-jogging habang naka-earphone. Sinabayan ko siya kaya napatingin siya sa’kin. Tinanggal niya angearphone sa isang tainga at nginitian ako.
“Good morning.” Bati niya pa.
“Good morning.” Tahimik ko siyang sinasabayan habang siya naman ay nagpatuloy na rin sa pagtakbo. Pagkaliko namin sa isang kanto ay halos magkabunguan kami ni Daijon. Buti na lamang at napapreno agad ako. Nahawakan din agad ni kuya ang manibela ko.
Anong ginagawa niya dito?
“Thank you, kuya.” Mahinang ani ko.
“Bro, be careful next time. Muntik mo nang mabangga yung kapatid ko.” Seryosong sabi ni kuya sa harap ni Daijon. Nanlaki naman ang mga mata ni Daijon. Napatingin siya sa’kin na parang nagtatanong. Simple naman akong tumango.
“Sorry, Av. Are you hurt?” Concern na tanong niya. Umiling naman ako at ngumiti. Napahinga naman siya ng maluwag. “Sorry po, kuya. I’ll be careful next time.” Nahihiyang paumanhin niya. Napakamot pa siya sa batok sabay ngiti. Tumngo lang si kuya, pagkatapos lumapit sa akin. Hindi niya ata napansin na magkakilala kami ni Daijon dahil hindi niya napuna ang pagtawag ni Uri sa pangalan ko.
Chineck niya ako kung may gasgas at nang makuntento ay nag-aya na siya pauwi. Yayayain ko sana si Daijon mag-breakfast sa bahay pero mukhang pinapauwi na rin siya sa kanila. I don’t even know what he’s doing here. Medyo malayo yung bahay nila sa’min kaya paano nakarating ‘to dito?
Pagkauwi namin sa bahay ay sinalubong kami ni Mom. Naka-roba pa siya at nakakunit ang noo nang sinalubong kami.
Patay.
“Avalie, saan ka galing?” Madiing tanong niya. “Did I allow you to go out of our house?” Dagdag niya pa.
“Mom, I just went out for a ride. Diyan lang naman po ako sa loob ng subdivision. Hindi po ako luma—”
“Did I allow you to go out of our house?” Ulit niya pa. Umiling naman ako at napayuko. “Hindi mo ba alam na delikadong lumabas ngayon dahil sa virus? Hindi ka ba nag-iingat, ha, Avalie?” Sermon pa niya.
“Sorry, Mom. Hindi na po mauulit.”
Napabuntong-hininga si Mom at iiling-iling na pumasok.
“Go take a bath.” Sabi niya pa.
Napatingin ako kay kuya na tahimik lang sa gilid. Nginitian niya ako at niyayang pumasok.
Dumiretso agad ako sa room ko at naligo. I make sure na presentable ang hitsura bago lumabas.
Sa dining table, tahimik lang kaming tatlo. Akala ko ay hindi na magsasalita pa si Mom.
“Hijo, how’s your business in Seattle?” Tanong ni Mom. Tumikhim si kuya bago sumagot.
Seryoso lang din ang mukha ni kuya. Parang nakikipag-usap sa kasosyo.
“It’s fine. Medyo naagkakaproblema lang po sa tauhan na nagha-harvest, because of the virus. Pero ayos naman po ang negosyo.” Sagot niya. Tumingin ako kay Mom. Tumango lang siya at nagpatuloy sa pagkain. Pagkatapos niya ay nagpunas lang siya ng bibig at nauna na.
Tinanaw namin siya ni kuya. Nang mawala siya sa paningin ay nagpatuloy na rin kami sa pagkain.
Sa loob ng bahay ay tahimik lamang kami. Tuwing nandito si Dad ay sila ni kuya ang madalas nag-uusap. Si Mom naman ay palaging nasa trabaho. Ako ay naiwan naman dito sa bahay at maghapon lamang nagbabasa o hindi kaya’y nagco-compose lang ng kanta o ng mga tula.
Lumipas ang ilang araw na purong ganon ang routine ko kaya nakalimutan ko ang sinabi ni tita mom na baka ngayong linggo siya makakauwi.
Kaya naman nagulat kaming dalawa ni kuya nang dumating si tita mom, isang hapon.
“Baby Av?” Napatayo ako nang marinig ang boses ni tita mom. Dali-dali akong bumaba at tumakbo papalapit kay tita mom. Niyakap ko siya ng mahigpit. Sobrang miss na miss ko siya. Huling pagkikita namin ay noong bata pa ako.
“I missed you so much Tita mom!” Maligayang sabi ko. Narinig ko siyang humagikhik at niyakap din ako pabalik.
“Baby, I can’t breathe.” Natatawang aniya. Niluwagan ko naman ng kaunti ang pagkakayakap ko. Pagkatapos ng ilang minuto ay pinaupo ko siya sa sofa.
“Kelan ka pa po dito?” Tanong ko sa kaniya. Uminom aiya sa juice na nasa harap bago sumagot.
“Last week, na kila Mom na’ko, tapos ngayon dumiretso ako dito since I missed you. So kumusta ka na? Ang laki na ng baby ko. You look so beautiful.” Puri niya pa.
“Okay naman po ako. Kayo po? Bagay sa inyo yung kulay ng buhok niyo.” Compliment ko pa. Napakaganda ni tita mom. Parang hindi tumatanda. Mas nagmukha pa siyang bata dahil hanggang balikat lang ang buhok niya at may highlights na blond ang black niya ng buhok. Sobrang sexy rin niya at halatang inaalagaan niya pa rin ang figure niya kahit hindi na siya rumarampa sa runaways.
“Really? Thank you, hija. Gusto mo ba magpa-spa? Sobrang na-stress talaga ako sa virus. I can’t travel. Ngayon na lang ako nagkaroon ng vacation after years tapos may virus pa.”
“Hindi naman po halatang stressed kayo, tita mom. You look so young.”
“Ikaw ah, binobola mo ako. Tell me what do you want, I’ll buy it for you.” Sabi pa niya. Sabay naman kaming napatawa. Ilang sandali pa kaming magkwentuhan ni tita mom, nang bumaba si kuya mula sa kwarto niya.
Naguguluhan namang tumingin si tita mom sa kaniya.
“You look familiar. Have we met before?” Tita mom asked.
“Ah, I’m Darian Rheiz, Ma’am.” Naglahad siya ng kamay kay tita mom. Tinitigan siya ni tita mom na parang kinikilala pa. Inabot ni tita mom ang kamay niya at nakipagkamay.
“Oh! I remember now. Your Vivien’s son.” Napatingin ako kay tita mom. Alam niya? He knew him?
“Kilala mo po siya, tita mom?” I asked. Tumango naman si tita mom sa’min. Ngumiti siya kay Darian.
“Ang laki mo na. Your Archulus’ son, if course I knew him. Nice meeting you, hijo.”
Alam ni tita mom ang tungkol kay kuya. Ibig sabihin ba ay alam din ni Mom ang tungkol sa kaniya? Pero bakit galit si Mom? Dahil hindi niya ba talaga alam o dahil ititira dito ni Dad si kuya?
“Tita mom, are you going to stay here?” I asked. Hindi pa rin okay sila Mom and Dad. Mom refused to talk to Dad. At ngayong nandito si Tita mom, I’m afraid mas lalong magalit si Mom. Or mas lalong mahirapan si Dad na suyuin si Mom.
“Yes, am I allowed?” Natatawa niyang tanong. Alanganin naman akong ngumiti.
“Opo.” I answered. Kahit hindi naman ako sigurado. Nakakahiya naman pauwiin si tita mom sa ganitong panahon.
Hanggang dumating ang kinagabihan. Halos magkasabay dumating sina Mom and Dad, na ngayon lang ulit nangyari.
"What are you... doing here?" Gulantang na tanong ni Mom.
Tahimik lang ako sa isang gilid. Si kuya ay nasa taas, siguro'y inaasikaso ang trabaho niya.
Nakangiti namang ibinuka ni tita mom ang mga kamay niya.
"I'm back!" Masayang sigaw niya.
Napipilitan namang ngumiti si Mom. Napatingin ako kay Dad na nakatitig kay tita mom.
"Kelan ka pa nakauwi?" Tanong ni Dad.
"Last week pa ako kila, Mom." Nakangiting sagot ni tita mom. Tumango naman si Dad.
"Uh, kumain na ba kayo? Avalie, magpahanda ka na ng pagkain at tawagin ang kuya mo." Utos ni Dad. Tumango naman ako at tiningnan pa ulit sila bago nagpamauna.
"Kayo nalang ang kumain. Ipadala niyo nalang sa kwarto ko ang akin." Rinig kong sabi ni Mom. Pagkatapos noon ay purong katahimikan lang ang narinig ko.
______________________________________
FB: Shan Calixtro
IG: xxorphicxx/_shxnnnnn
______________________________________
;