Nag-dinner kami nang hindi sinasabayan ni Mom. Nagkumustahan lang sandali sila Dad at Tita mom, samantalang tahimik lang kaming nakikinig ni Kuya Darian. Nang matapos ang dinner ay nagpaalam si kuya na aakyat na sa kaniyang kwarto. Si Dad naman ay nagpaalam na rin na may gagawin pang trabaho. Kami lang ni tita mom ang naiwan kaya nagpasya siya na mag-catch up sa kwarto ko.
Ang mga bagahe niya ay ipinadala na sa isa pang guest room. Pagkarating sa room ko ay nag-wash up muna ako bago sumunod si tita mom pagkatapos.
Tahimik lang akong naghihintay sa may kama. Binuksan ko ang tv at naghanap ng magandang panoorin, nang walang mahanap ay nag-settle na lang ako sa isang talk show.
“Because for me if you really love that someone, you have to fight for them. But if it’s really not for you guys, you must stop, kasi masasaktan lang kayo kapag ipipilit niyo pa yung pagmamahal na hindi para sa inyo.”
Napatulala ako sa pinapanood ko. Isa ata tong love talk show. Napaisip ako sa sinabi ng host. Tama naman siya. Kahit na hindi pa man ako nagmamahal in a romantic way, sa nakikita at sitwasyon nila Mom, Dad at Tita mom, sapat na yun para maunawaan ko.
“I’m done. What are you watching, hija?” Tanong ni tita mom pagkalabas ng bathroom. Naupo siya sa tabi ko at nakinood din.
“Some random show po.” Sagot ko. Tumango siya at ipinagpatuloy lang ang panonood.
“Hija, do you mind if I ask you a question?” Napaharap ako kay tita mom nang bigla siyang magsalita. Umiling ako at hinintay ang itatanong niya. “Is your Dad and Mom okay? My twin looks stressed and so as your Dad. May nangyari ba?” She looks genuinely concerned. Hindi pa nga pala alam ni tita mom ang nangyaring pag-aaway nila Mom and Dad. I don’t know what to say, or if I’m allowed to say anything, but since she’s also involved, ayoko namang magsinungaling sa kaniya.
“Mom and Dad argued not long ago, tita mom. Mom was furious, dahil ipapatira ni Dad si kuya Darian dito sa bahay. I understand Mom but I also understand Dad.” Tumango si tita mom at iniintindi talaga ang aking kwento. “Tapos ay naungkat na rin po ang tungkol sa inyo ni Dad.” Halata ang pagkagulat kay tita mom sa sumunod kong sinabi. “Si Mom, tingin niya po ay mahal pa kayo… ni Dad.” Dagdag ko. Wala naman akong plano na sabihin pa kung bakit parang mailap at ayaw sa akin ni Mom.
“That’s impossible!” Hindi makapaniwalang aniya. “Naiintindihan ko na ayaw niyang patirahin dito ang anak ng Dad mo kay Vivien. Pero hindi ko maintindihan kung bakit pati ang matagal ng nakaraan ay inuungkat pa niya.” Huminga ng malalim si tita mom. “Hija, I know you understand this situation very well. Hayaan mo, ako na ang kakausap sa kambal ko bukas. I’ll knock some of her senses.” Hinalikan niya ako sa noo. “Good night, hija.”
Pagkaalis ni tita mom sa kwarto ko ay nakatulog na rin ako. Kinabukasan ay nagising ako sa malakas na sigaw ni Mom.
Dali-dali akong bumaba at tiningnan kung anong nangyayari. Nasa may sala sila malapit sa hagdanan. Si Mom ay galit na galit habang nakatingin kila Dad and tita mom. Lito akong tumingin sa kanila. Mukhang hindi nila napansin nasa malapit na baitang lamang ako. Ang mga maid ay tumakbo papunta sa kusina, para siguro hindi madamay sa galit ni Mom.
“Maura, kumalma ka. Natilapid lang si Mauree at muntik mahulog sa hagdan. Kaya mo kami nakitang magkayakap ay dahil sinalo ko siya. Makinig ka naman sa’kin.” Paliwanag ni Dad.
“Maura, ilang beses ko bang sasabihin sa’yo. Tapos na kami ni Archulus.” Seryoso si tita mom at parang ipinaiintindi niya kay Mom na wala na talaga. Tiningnan ko ang reaksyon ni Dad. Nakita kong kumislap ang mata niya ngunit umiwas siya ng tingin.
“Alam kong tapos na kayo, Mauree. Pero yung pagmamahal niya sa’yo nandiyan pa rin!” Nakita kong sunod-sunod tumulo ang luha ni Mom. “Ang hirap hirap mong palitan, kasi alam kong kahit anong gawin ko hindi ko yun magagawa. You’re his first real love. How can I compete with the love I stole?” Nagpatuloy sa pag-iyak si Mom.
Ngayon ko lang siya nakitang umiyak ng ganito. Palagi siyang seryoso at matapang tingnan pero ngayon ay mukha siyang batang inagawan ng laruan.
Nakaaawa ang itsura niya ngayon kumpara sa palagi niyang itsura na matapang at sopistikada.
“Maura…” Tawag ni Dad. Iniangat ni Mom ang tingin niya kay Dad. Tuloy sa paglandas ang luha ni Mom.
“Ang hirap mong mahalin. We’ve been married for years pero ni minsan hindi ko man lang naramdaman na mahal mo’ko. You gave and offered me everything, except your love. Yes you cared for us, but you don’t love me.”
“Maura, that’s enough.” Pigil ni tita mom. “How can you be so sure that he’s still in love with me? Kaya nga ako umalis para magkaroon kayo ng pagkakataon na mahalin ang isa’t-isa. Maura, years have passed. Ilang taon na rin kayong nagsasama, imposibleng hindi niyo mahalin ang isa’t-isa.”
“Maura, let’s talk when you’re calm. Hmm?” Si Dad. Lumapit siya kay Mom para sana aluin siya.
“How can I be so sure, you asked.” Humarap si Mom kay Tita mom bago nagpatuloy sa pagsasalita. “Every time we went to a restaurant, he always ordered me buttered shrimp,” humarap siya kay Dad na ngayon ay nakatungo, “I’m allergic to shrimp at si Mauree ang may paborito noon! And how many times did I remind you that I prefer medical books than luxury bags?” Napabuntong-hininga ng malakas si Mom. “At kung minsan na nag-iiba ang tungo niya sa’kin, umaasa ako na baka natututunan na niya akong mahalin. Pero hindi rin maalis sa isip ko na baka naaalala ka lang niya sa’kin. Na baka iniisip niya na ayos lang na pakasalan ako dahil kamukha mo naman ako. Pwedeng-pwede niyang isipin na ikaw… ako.” Napahagulhol si Mom, samantalang tahimik lang si Dad. Si tita mom ay nagpunas na rin ng luha. Hindi alam ang sasabihin.
Sa totoo lang ay naaawa ako kay Mom. Naiintindihan ko silang lahat. Dahil sa pagmamahal ay naging komplikado ang sitwasyon nila.
Matapos ang ilang sandali, akala ko ay tapos na ang kumusyon pero nagsalitang muli si Mom.
“I know it’s my fault. Siguro karma ko na rin ito dahil ninakaw kita sa kambal ko. If I didn’t get pregnant, kayo sana ang masayang nagsasama at bumuo ng pamilya. Masaya sana kayong dalawa. It’s me who complicate things.” Nanghihina niyang sabi. “I wanted to abort the baby—”
“MAURA!” Sabay na sigaw nila Dad at Tita mom. Napahawak ako sa dibdib ko at hindi ko namalayang unti-unting tumulo ang luha ko.
It’s okay. It’s okay. Mom’s just mad.
“How can you say that?!” Galit na tanong ni tita mom. Kung kanina ay kalmado siya ngayon ay mukhang hindi na. "Walang kasalanan ang bata sa nangyari!"
Hindi pa rin nila ako napapansin. Hindi ko alam pero kahit na nasasaktan ay nakikinig pa rin ako sa kanila.
“Kung wala kaming anak, hindi niyo sana malalaman ang nangyari! At hindi sana siya mapipilitang pakasalan ako. Our parents got mad and he's forced to marry me because of that f*****g child!”
Napahinto si Mom sa mga susunod niya pang sasabihin nang dumapo ang palad ni tita mom sa pisngi niya.
"Enough, Maura! Shut it!" Sigaw niya dito. Nilapitan ni Dad si Mom na nakatungo ngayon at tila nahimasmasan sa nangyari.
“Ginusto kong mabuhay ang bata, Maura! Anak natin si Avalie, paano mong nasasabi iyan?!” Galit na rin si Dad. “Mahal ko ang anak natin, Maura…”
Dahan-dahan akong tumalikod at tahimik na naglakad pabalik sa kwarto. Pagkasara ng pinto ay pabagsak akong humiga sa kama at tahimik na umiyak.
Hindi ko na alam kung anong mararamdaman at iisipin ko. Sobrang bigat ng dibdib ko at gusto ko lang mapag-isa at umiyak nang umiyak.
Sobrang maga na ng mata ko. Hindi ko alam kung tapos na silang mag-usap o kung ano na ang nangyari.
Narinig ko ang mahinang katok sa pinto. Tiningnan ko ang itsura ko sa salamin. Sobrang pula at namamaga ang mata ko mula sa pag-iyak. Medyo namamaos din ang boses ko. Hindi ko alam kung paano ako haharap sa kanila.
“Po?” Tanong ko.
“Baby, kain na tayo.” Si tita mom pala. Pagkatingin ko sa orasan ay past lunch na pala pero hindi man lang ako makaramdam ng gutom.
“Mamaya nalang po ako kakain.” Tipid na sagot ko. Naghintay pa ako ng sasabihin ni tita mom pero katahimikan lang tanging naririnig ko.
Humiga nalang ulit ako at natulog. Sa ngayon ay iyon lang ang makapagbibigay sa akin ng comfort. I don't want to talk to anyone. I just want to isolate myself.
Pagkagising ko ay tiningnan ko ang wall clock, gabi na pala at hindi man lang ako kumain mula kanina, pero kakatwang hindi man lang ako nagugutom.
Nakarinig ako ng mahinang katok. Lumapit ako sa pinto at dahan-dahang binuksan.
“You up? Let’s eat.” Nakangiting aya ni kuya. Napakurap ako at pilit inaalala ang nangyari kanina. Tinitigan niya ako sa mukha at parang pinag-aaralan. “You okay? Umiyak ka ba?” Mahinang tanong niya pa.
Ngumiti naman ako at umiling. Ayokong maging abala sa iba. Mas mabuti na rin na hindi alam ni kuya. Paniguradong may problema din siya ng kaniya, at ayoko ng dumagdag pa.
“I’m okay, kuya. Nanood lang ako ng movie.” naman siya kahit na mukhang hindi siya naniniwala.
Magkasabay kaming bumaba. Pagkarating sa dining ay kumpleto kami. Tahimik ang dining at walang naglakas-loob magsalita.
“You want this one?” Mahinang tanong ni kuya. Nanghihina naman akong tumango at nagpasalamat. Tiningnan ko si Mom, tahimik siya at sobrang seryoso ng mukha. Si Dad naman ay nakayuko lang din habang kumakain, samantalang si tita mom naman ay nakangiti sa akin.
Ipinagpatuloy ko na lang din ang kinakain ko. Pagkatapos ay nagpaalam na mauuna na sa aking kwarto. Si kuya naman ay ganun din. Wala pala siya kanina at dumalaw sa kaniyang mama.
Pagkapasok ko sa kwarto ay naglinis lang ako saglit bago humiga sa kama. Binuksan ko ang phone ko at tiningnan ang gc namin.
Iurii:
So pwede ba? Bilis naaa
Daijon:
Whatever, man. Ikaw bahala.
Vannessa:
I thought sa’tin lang tong five?:/
Sasha:
Add mo, sa’kin okay lang.
I don’t know what they’re talking about kaya naman ay nag-backread ako. Balak pala ni Iurii na i-add dito ang girlfriend niya ngayon.
I didn’t know he has a girlfriend. Ilang araw lang akong hindi nagbasa ng conversation sa gc namin.
Me:
Whatever you guys decide.
Iurii:
Uy! Hi, Avalie.
Iurii:
Add ko na a.
Iurii added Veronica to the group.
Vannessa:
Gtg. May gagawin pa’ko.
Me:
Ako rin. Bye guys.
Ie-exit ko na sana ang messenger ng mag-chat sa’kin si Sasha.
Sasha:
Hey, Av! How’re u?
Me:
Okay naman. Ikaw?
Sasha:
Okay lang din naman. Hindi kasi ako nire-reply-an ni Van. Pwede makisuyo?
Me:
Sure.
Pagka-send ko ay in-open ko ang profile ni Vannessa. She posted her picture while holding a glass of wine. Pero ang nakakuha ng atensyon ko ay ang caption niya.
'Hope you can help me ease the pain.'
May problema ba siya? Is it about her Dad?
I tapped the message button. I composed my text and checked it before sending it to her.
Me:
Hi, Van! Are you okay?
Vannessa:
Hey, Av! Ofc.
Bakit naman hindi?
Me:
Are you sure? Want to talk about it?
Vannessa:
Is this about my post? I’m really okay.
Me:
Ah… okay. Text me if you want someone to talk to. Sasha texted me, hindi ka raw nagrereply.
Vannessa:
I’ll reply to her.
Thanks, Av!
Don’t worry. It’s just a stupid realization.
Bye!
Me:
Sure. Take care!
Stupid realization? I hope it’s not something serious. Napabuntong-hininga ako. Pinatay ko ang phone ko at humiga nalang ulit sa kama.
Thoughts begin to filled my mind. First about Mom. Ganoon pala ang nararamdaman niya for the past years. If she didn’t have me…
Umiling ako at inaalis sa isipan ang mga negatibo. I’m sure she’s just mad. She didn’t mean it.
I hope so.
______________________________________
FB: Shan Calixtro
IG: xxorphicxx/_shxnnnnn
TIKTOK: xxorphicxx
______________________________________
;