KABANATA 15: Fine

2412 Words
errors ahead Gabing-gabi na pero hindi pa rin ako makatulog. Lumabas ako sa kwarto at bababa sana nang makita kong bahagyang nakabukas ang kwarto ni tita mom. Lalagpasan ko na sana ang room niya nang marinig ko ang boses niya. Narinig ko siyang parang may kausap. Lalagpasan ko na sana ang kwarto niya pero napahinto ako dahil narinig ko ang pangalan ko. Who’s she talking to? “Yeah, I’ll just stay for a bit. I gotta make sure Av’s okay first bago ako umuwi.” Mahina lamang ang boses ni tita mom. Siguro dahil gabi na. “I wanted to be with her more but I think wrong timing ako. I’ll call you tomorrow, okay? Bye.” Pagkatalikod ni tita mom ay napatago ako sa gilid. Muntik na niya akong mahuli! Napabuntong-hininga ako at nilakasan ang loob. I want to know what’s on her mind. Pakiramdam ko ay gaya ko, sinasarili lang niya ang nararamdaman niya. Mula pagkabata ay palagi siyang nakikinig sa akin at palagi siyang nandiyan para sa akin. Kahit malayo siya ay hindi siya nagkulang na iparamdam sa’kin na nandiyan siya palagi. Kumatok ako ng dalawang beses sa pinto niya. Narinig ko pa ang mahinang yabag niya papalapit sa pinto. “Yes? Oh, Av?” Nagtataka niya akong tiningnan. Nilawakan niya ang pagkakabukas ng pinto. “Come in. Gabi na a, can’t sleep?” “Opo.” Pauna ko. Umupo kami sa kama niya. Humarap siya sa’kin, nagtatanong ang mga mata niya. Siguro ay nagtataka siya kung bakit ako nandito. “Tita mom, when I was younger you always remind me to be honest. Huwag magsisinungaling and tell you everything that’s bothering me. You always got my back.” Nakayuko ako habang sinasabi iyon. Iniangat ko ang paningin ko para sana tingnan ang reaksyon ni tita mom. Tipid siyang nakangiti sa akin at tahimik na nakikinig. “Now, I want you to be honest with me. I want to know what you really feel for the past years.” “Hija,” hinawakan niya ang kamay ko, “ we shouldn’t talk about this.” Umiling pa siya. Akmang tatayo siya ng magsalita ulit ako. “Tita mom nang magkausap tayo sa phone months before sabi mo po sasabihin mo sa’kin. You promised. Are you going to break your promise, tita mom?” “What do you want to know, hija?” Tanong niya. “What are you feeling, tita mom?” “Of course I’m shocked. I didn’t know na hanggang ngayon mauungkat pa rin yung nakaraang ayoko ng malaman mo pa.” Sabi niya. Bakit ayaw ni tita mom na malaman ko? Hindi ko ba pwedeng malaman, wala ba akong karapatang malaman? Halata siguro ang pagtataka sa’kin kaya nagpatuloy muli siya. “Ayoko lang na mas mahirapan ka pa. Hindi mo na dapat problemahin ang problema naming tatlo. Matagal ng tapos yun. Although your mom's still in pain.” “Do you still love my Dad, Tita mom?” I straightforwardly asked. Napayuko siya at saglit na nanahimik. “Hanggang dito na lang kami ni Archulus.” Simpleng sagot niya. “But do still love him?” Tanong ko pa ulit. Sa totoo lang kinakabahan ako sa magiging sagot ni Tita mom. What if he still loves my Dad? And what if it happens that Dad still loves her? Paano si Mom? Paano kami? Ako? Napalunok ako habang naghihintay ng sagot niya. “I do...” Mahinang sagot niya. “I love him.” Mas malinaw na sagot niya. “But as my brother-in-law. Not as a lover.” Napahinga ako ng malalim. Masama na ba ako kapag sasabihin kong buti na lang? Buti na lang at hindi na niya mahal si Dad. May pag-asa pa ang mga magulang ko. Masama ba iyon? “He’s my greatest love. I already imagined my future with him. Sabi ko pa noon sa sarili ko, kung hindi siya magp-propose sa’kin, ako ang gagawa noon sa kaniya. We already plan our future. Lahat nakaplano na, saan kami titira, our roles, our home, kids...” Ang kaninang maginhawang pakiramdam ay napalitan ng lungkot para kay Tita mom. “Mahirap. Galit na galit ako noon kasi, ako dapat iyon e. Ako dapat yung haharap sa altar. Ako dapat yung pakakasalan. Kami dapat yung bubuo ng pamilya. I felt betrayed…” Napayuko siya at nagpunas ng luha. Pati ako ay nagsisimula na ring maluha. “She’s my twin, he’s my long-time boyfriend. Mas mabilis kong matatanggap kung iba yung pinalit niya o kung sinabi niyang hindi na niya ako mahal. Pero yung kambal ko… tapos may anak pa… Ang sakit. Sobra. Para akong pinaglaruan at pinaasa. Yung mga pangarap naming dalawa… natupad. Pero sa mama mo na, at hindi na sa’kin. Gumuho yung mundo. Ang hirap paniwalaan na yung akala kong future naming dalawa, nawala ng parang bula. Biglang naglaho. I feel lost. Pinapakita kong okay lang ako at naiintindihan ko pero ang totoo, gulong-gulo ako. Wasak na wasak ako. It's like my hearts been torn into million pieces and everyone around me is just deceiving me. Feeling ko napagkaisahan ako kahit hindi.” Panay ang punas ni tita mom kanina ng luha niya pero ngayon ay hinahayaan niya na lamang tumulo. Siguro ay alam niyang kahit anong punas sa luha niya, hindi ito titigil. Dahil hanggang ngayon ganun pa rin kasakit. “Bakit hindi niyo po pinaglaban?” Tanong ko. She can always fight for it. Diba nga sabi pa ni Mom, handa niya akong isuko para sa kanila. “How can I? May batang nabuo. Mahal ko sila pero mas mahal ko ang sarili ko. Ayokong lumaki ka ng walang ama at walang asawa ang mama mo. At saka, ito talaga ang nakasulat sa tadhana namin e. Kaya tinaggap ko na lang at nagpakalayo-layo. Para makalimot at mas makapag-focus sa sarili ko. The first years was very hard. I had to take multiple shoots para hindi ko maisip ang nangyayari sa Pilipinas, pero tuwing uuwi ako sa bahay ko sa New York, at maaabutan kong walang tao. Mag-isa na naman ako.” Umiling siya at napatawa. “But I got used to it. I’m okay now. I finally accepted it. The fact that we’re not together anymore. He has a family, and everything. I accepted it wholeheartedly. And I love you… more than I love your Mom. She’s stubborn, argh!” Sabay kaming tumawa ni Tita mom. Talking to her is so refreshing. Sana napagaan ko rin ang loob ni Tita mom. I want her to be happy. “Tita mom, hindi mo po ba naisip mag-asawa at bumuo ng sarili mong pamilya?” Tanong ko. Curious lang ako, dahil napakaganda ni Tita mom. Kahit sinong lalaki ay swerte sa kaniya. Successful and beautiful inside and out. “Hay nako, hija! Ayan ka na naman. Enough about my love life. Madaling araw na. Go back to your room and sleep. Magb-beauty rest na rin ako. It’s not good for my skin kapag hindi pa’ko natulog.” Natatawa naman akong tumango. Humalik ako sa pisngi niya. Nginitian ko siya bago niyakap ng mahigpit. “I love you, Tita mom. Thank you for sharing your thoughts with me.” “Thank you rin, hija. I love you and good night.” Pagkabalik ko sa room ay nakatulog agad ako. Gumaan ang pakiramdam ko, kaya hindi na rin ako nahirapang makatulog. Kinabukasan ay nagulat ako dahil dumating sila Vannessa at Sasha sa bahay. Tinanghali na ako ng gising dahil napasarap ang tulog ko. Naguguluhan ko silang tiningnan. Nagtataka kung bakit sila nandito. Wala sila Mom and Dad, pumasok na sa trabaho. Si kuya Darian naman ay tulog pa o pumunta sa kanila, dahil hindi ko pa siya nakikita. “Hi!” Masayang bati ni Vannessa. “We missed you kaya pumunta na kami dito. Okay lang ba?” Tanong niya pa. Binatukan siya ni Sasha at natatawang tumingin sa kaniya. “Nandito na tayo, tsaka ka pa magtatanong?” “Av, are you talking to someone?” Sabay-sabay kaming napatingin sa hagdan ng marinig namin si Tita mom na nagsalita. Napaayos ng tayo sila Vannessa at Sasha. Tinago ni Sasha ang chips na kinakain niya at nagseryoso. “Good morning po, tita. Sorry po hindi po kami nagpaalam na pupunta dito.” Paumanhin ni Sasha. Halatang kinakabahan. “Babalik na lang po kami. Bye po.” Akmang aalis na sila ng natatawang umiling si Tita mom. Naguguluhan silang tumingin sa kaniya. Siguro naguguluhan sila sa inaasta ni Tita mom at akala nila si Mom siya. Alam nilang seryoso at ayaw ni Mom na wala sa plano ang pagpunta dito. “Hi ladies! Friend kayo ni Av? Join us for lunch. Hindi niyo na kailangan magmadali. Kararating niyo lang, right?” Nagkatinginan sila Sasha at Vannessa. Kulang na lang ay marinig ko ang iniisip nila. Napangiti ako at itinuro si Tita mom. “Vannessa, Sasha, this is Mauree De Val, my Tita mom. Tita mom, this is Vannessa and this is Sasha, my friends.” Pakilala ko. Nanlaki naman ang mga mata nilang dalawa. Naglahad sila ng kamay kay tita mom na tinanggap niya naman. “You're “The luxurious Mauree” po? Nice to meet you po! Your my idol. Can I call you Tita?” Si Vannessa na excited makausap siya. Napangiti naman si tita mom at tumango sa kaniya. “Sure thing, hija.” “Can I get your autograph po? Tsaka video greet? Picture na rin po!” Si Sasha. Halos masilaw ako sa kinang ng mga mata at laki ng ngiti niya. Tuwang-tuwa sila kay Tita mom. Isang sikat na model nga pala si Tita mom before at ngayon ay sikat na successful entrepreneur. A woman living her life to the fullest. Tuwing magkasama kami ay nakakalimutan ko iyon. “Sige ladies. Mamaya gagawin natin lahat ‘yan. For now, let’s eat lunch. Gutom na rin ako.” Kumalma naman sila Vannessa at Sasha. Sabay-sabay kaming pumunta sa dining table. Naupo kami sa kani-kaniyang pwesto. Nasa harap namin ni Tita mom sila Vannessa at Sasha. Tinawag ni tita mom ang maid, para sana ipa-serve na ang pagkain, pero nagpresinta si Sasha na siya na lang ang kukuha. Si Vannessa naman ay masayang nakikipag-kwentuhan kay Tita mom. Sinamahan ko si Sasha papuntang kusina. Nakaangkla ang braso niya sa’kin at tuwang-tuwa pa siya habang nagk-kwento. “Grabe, super gorgeous ng tita mo! I wish ganun ako kaganda at ka-sexy pagtanda ko.” Patuloy niya pa. Tumango naman ako bilang pagsang-ayon. Pagkapasok ng kusina ay naabutan namin si Kuya Darian na nagluluto. Lalapit na sana ako para batiin siya nang magtaka ako sa biglaang paghinto ni Sasha. Pagkatingin ko sa kaniya ay nakatulala lang siya habang nakatingin kay kuya. Papalit-palit ang tingin ko sa kanila. Si Kuya ay mukhang hindi pa rin kami napapansin dahil nakatalikod siya habang naghahalo. “Sino ‘yan?” Mahinang tanong ni Sasha. “Ah, he’s my brother.” Simple kong sagot. “What’s his name?” Bulong niya ulit. “Darian Rheiz. Why, you know him?” Tanong ko rin. Umiling naman siya bago ngumiti. Tumango lang ako bago humarap kay Kuya. “Kuya, let’s eat lunch!” Napaharap siya sa’min bago ngumiti. “Oh, hey! Sure. Maluluto na rin ito.” Sagot niya sa’kin. Napatingin siya kay Sasha. Itinuro ko si Sasha, “this is Sasha, my friend. Yung isa pa sa loob, si Vannessa. They visited.” Pakilala ko. Tumango naman siya. Pinatay niya ang stove bago nagpunas ng kamay. Lumapit siya kay Sasha at nakipagkamay. Inabot naman ito ni Sasha bago nahihiyang umiwas ng tingin. “Hey.” Bati ni Kuya. “H-Hello po.” Muntik na akong matawa sa pagkautal ni Sasha. Kitang-kita ang pagpula ng mga pisngi niya sa pagkapahiya. Okay I get it. Dahil sa kanila ni Vannessa, hindi na ako masyadong naïve. Pero dahil si Sasha ito, magbibigay ako ng benefit of the doubt. “Mauna na kayo, I’ll get the foods.” Sabi ni Kuya. Ngumiti naman ako at nagpaalam. Halatang gusto pa sanang tumulong ni Sasha pero naunahan siguro siya ng hiya, kaya nagpadala nalang din sa'kin. Nakaangkla pa rin si Sasha sa akin. Tiningnan ko siya at nakitang ang pula pa rin ng pisngi niya. “Ikaw a, why are you blushing?” Bulong ko sa kaniya. Nang-aasar. Napahinto naman siya at napahawak sa pisngi niya. “Hindi a!” Defensive niyang sagot. Tumango naman ako. Kunwari naniniwala. She pouted her lips and looked at me. Pinalapit niya ako sa kaniya. May ibubulong yata. “May girlfriend na ba siya?” Nahihiyang bulong niya. Hindi ko na napigil ang tawa ko. Nag-iwas naman siya ng tingin. Pulang-pula ang mukha niya pero naghihintay pa rin sa sagot ko. “I don’t know. I don’t think so. Wala rin naman siyang nak-kwento.” Sagot ko. Tumango naman siya at ngumiti. “Tara na.” Aya ko. Pagkarating sa lamesa ay naabutan namin si Tita mom at Vannessa na nagpapalitan ng numbers. Natatawa naman si Sasha habang inaasar si Vannessa. Hindi nagtagal, dumating na rin si Kuya. Gaya ni Sasha ay medyo napatigil din si Vannessa. “Hey.” Bati ni Kuya. “Hello po, I’m Vannessa, Avalie’s friend.” Naglahad siya ng kamay na agad namang tinaggap ni kuya. “Pleasure to meet you.” Sabay-sabay kaming nag-lunch. Napatawa pa kami kay Sasha ng medyo napaparami ang kain niya. Sinisi niya pa ang ulam, pero napahinto din siya ng marealize na si kuya ang nagluto. Ngumiti lang si kuya sa kaniya at inanyayahan pa minsan na mag-taste test para sa kaniya. Nahihiya naman siyang pumayag. After lunch ay nagpaalam si Kuya na pupunta na sa room niya para mag-trabaho. Kami namang apat ay naiwan sa baba. Pumunta kami sa entertainment room at nanood ng movie. Hindi namin namalayan ang oras, gabi na pala. Late na naman ata uuwi si Mom. Si Dad naman ay wala pa rin. Sabay-sabay ulit kaming nag-dinner. Uuwi na dapat si Vannessa at Sasha ng i-suggest ni Tita mom na dito na sila mag-overnight. Tuwang-tuwa naman sila at agad pumayag. Katawagan ni Sasha ang Mom niya para magpaalam, samantalang tahimik kaming naghihintay ni Vannessa sa kaniya. Napatingin ako kay Vannessa ng mapansin ang pananahimik niya. “Yes, Mom. Oo na, hindi ako maglilikot. Love you!” “You okay?” I asked. Umangat ang tingin niya sa’kin at ngumiti lang ng tipid. ____________________________________ FB: Shan Calixtro IG: xxorphicxx/_shxnnnnn TIKTOK: xxorphicxx ____________________________________ ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD