KABANATA 17: Sweet Night

2912 Words
Kinawayan ko ang sasakyan na maghahatid kila Sasha at Vannessa hanggang sa hindi ko na sila matanaw. Naunang pumasok si tita mom sa loob, kaya naiwan kami ni Kuya sa labas. Hinarap ko siya at seryosong tiningnan. Ngumiti naman siya ng tipis sa'kin at parang nagtataka. Siguro'y iniisip niya kung may nagawa siya o ano. Matagal ko siyang titinitigan, bago kao nagtanong. "You have a boyfriend?" Tanong ko. I'm really curious. I mean, the first time I met him, he looks so... Napabaling ang ulo ko sa gilid. Oo nga, he looks so clean and presentable. Pino rin ang kilos. Siguro wala lang sa itsura niya kasi sobrang gwapo niya at, he doesn't look like he swings that way. Naputol ang pag-iisip ko nang marinig ko ang mahinang pagtawa niya. Napaharap ako sa kaniya. Teka, is he playing with us? "No offense, but do I look like I swing that way? I am a busy person, Ava. I don't have time for that." Nakangiti ngunit seryoso niyang paliwanag. Napataas naman ang dalawang kilay ko at napatango. "I won't judge you naman if ever." Sagot ko. Tumango lang siya at inanyayahan akong pumasok na sa loob. Ganun pa rin ang scenario sa bahay. Nag-stay lang ng isa pang araw si Tita mom at ngayon nga ay nagpapaalam na siya sa'kin na pupuntahan naman niya sila Grandma and Grandpa. Kahit ilang linggo na siyang nag-stay sa'min at nakapag-bonding naman na kami, nalulungkot pa rin ako. Niyakap ko siya ng mahigpit. Nasa labas na kami at nakaabang na ang sasakyang maghahatid sa kaniya. Wala namang lockdown dito sa area namin dahil kontil lang ang cases, kaya makakaalis na si tita mom. "Take care, Tita mom." Bulong ko. Nahalata ata ni Tita mom na malungkot ang boses ko kaya mas hinigpitan niya pa ang yakap. "I'll come back. Kapag okay na ang lahat. Dadalhin pa kita sa New York." Sabi niya. Napatawa naman ako at tumango. "I'll wait po." Sagot ko. Tinanaw ko ang sasakyan niya hanggang sa mawala na ito sa paningin ko. Ilang araw pa ang lumipas. Medyo nagiging okay na sila Mom and Dad. Medyo kinakausap na kasi ni Mom si Dad at kung minsan ay hinahatid pa ni Dad si Mom sa trabaho. Lihim naman akong nasisiyahan, dahil nagiging okay na sila Dad and Mom. Si Kuya naman ay paminsan-minsang pumupunta sa bahay nila para i-check ang Mom niya at business nila. Tinutulungan niya rin sila kaya mas napapabilis ang pagsasa-ayos ng problema. Katatapos ko lang mag-breakfast at iche-check ko sana ang dummy f*******: account ko nang makitang kong may message sa'kin ang Mom ni Daijon. Hindi ko alam kung bakit pero biglang kumabog ng mabilis ang dibdib ko. Dahan-dahan kong pinindot ang message niya. Dione Zephyrine Legrand: Good morning, hija! Are you free this noon? Let's have some tea. Tea? Bakit? And I'm not sure kung papayagan ako nila Mom. I am afraid to go outside, lalo na ngayon. Hindi ko rin alam kung saan ang bahay nila, dahil hindi pa ako nakakapunta sa kanila. I composed my reply. Pagka-double check ay agad ko na ring isinend. Me: Good morning po, Mrs. Legrand. I don't know if I'm allowed to. I have to tell my parents first. Ding! Dione Zephyrine Legrand: No need. I e-mailed your parents already. They allowed you. Pagkabasa ko ng reply niya ay tiningnan ko ang pictures na isinend niya rin. It's a screenshot from their conversation. They really allowed me! Kinakabahan naman akong pumayag. Napakamot ako sa ulo at hindi alam ang gagawin. Bigla kong naalala na ipinagpa-pair nga pala kami ni Daijon. Dahil sa family problems nitong nakaraan ay nakalimutan ko na iyon. Daijon and I are good friends. He's my bestfriend kaya hindi ko na naisip ang tungkol sa plano namin. Pagkasakay ko sa kotse na maghahatid sa'kin ay tinext ko ang parents ko para magpaalam na aalis ako. Alam kong ipinaalam na ako ni Mrs. Legrand pero hindi ako komportable kapag hindi ako mismo magpapaalam. Pagka-send ko sa kanila Mom ay tiningnan ko ang reflection ko sa phone. I'm wearing a puffed sleeves orange dress, and a two-inch sandals. I tied my hair into a half ponytail. Nakamaliit na sling bag lang din ako na may lamang wallet at phone. I also brought a simple gift para kay Mrs. Legrand. I didn't know if she'll like it. It's a limited edition of scarf ng isang kilalang brand. Tita mom likes that brand kaya binilhan niya ako ng maraming clothes and accessories doon. Pagkahinto ng sasakyan ay tiningnan ko pa ulit ang itsura ko, at nang makuntento ay dali-dali akong bumaba. Sinalubong ako ng nakangiting si Mrs. Legrand. She's wearing a orange pencil cut skirt and a white halter top. She's really gorgeous and sexy. Niyakap niya ako at hinalikan sa pisngi. Nginitian ko lang siya ng tipid bago bumati. "Good noon po, Mrs. Legrand" Bati ko. Grabe mas maganda siya sa malapitan. Parang nakakahiya tumabi. "Why are you so formal, hija? Just call me, Mom." Nakangiting sabi niya. Nagulat naman ako kaya bahagyang nanlaki ang mga mata ko. Nakita niya iyon kaya napatawa siya ng mahina. "I'm not kidding. But you can also call me, Tita." I nodded and gave her a tight-lipped smile. Hinawakan niya ang likod ko at iginiya sa garden nila. Pagkarating namin ay naka-serve na ang tea at dalawang baso. May bulaklak din sa lamesa. Pagkaupo namin ay iniabot ko sa kaniya ang regalo ko. "For you po, tita. Thanks for inviting me." Nakangiting sabi ko. Lumawak ang pagkakangiti niya bago inabot ang maliit na paper bag. "You're so thoughtful, hija. Can I open it? Tanong pa niya. Nahihiya naman akong tumango. Muntik pa akong mapatayo nang mahina siyang tumili. "I love it! I've been searching for this design but it's sold out." She pouted. "Thank you, Avalie." Ngumiti siya at tumayo. Hinalikan niya ako sa pisngi bago muling naupo. Awkward naman akong ngumiti. I didn't know what to do. Please, help me. Kinakabahan ako na hindi mapakali. Tapos wala pa akong kasama. Si Daijon ay hindi ko pa rin nakikita. Nahihiya naman akong magtanong. Luminga ako sa paligid at baka makita ko siya. "If you're looking for, Uri. He's playing basketball with Iurii." Nakangiting sabi niya. Napatango naman ako at ngumiti. Kinuha ni tita ang maliit na kettle at sinalinan ang dalawang tasa. Ininom ko ang tsaa hanggang sa pangahalatian ko. "Sorry for the sudden invitation, hija. I've been bored these days. And I thought of you, so I invited you today. Buti na lang at pumayag si Maura." Bahagya pa akong nagulat nang magtagalog si Tita. I thought hindi siya nakakapagsalita ng tagalog. "Ah, oo nga po. Kaaalis lang din po kasi ni Tita mom. She stayed for a few weeks." Kwento ko. Tumango siya at ngumiti. "So what are your hobbies, hija?" She curiously asked. Napaisip naman ako kung sasabihin ko bang hilig ko ang magsulat at tumugtog. Pero sa huli sa sinabi ko rin. "Composing and writing po, tita. I also like to play instruments." Sagot ko. Nagliwanag ang mukha niya at napatayo. "Really? Can you show me? Play some instruments for me." Nakangiti pa siya habang hawak ang kamay ko. Lihim naman akong napatawa dahil parang bata si Tita, but at the same time, kinabahan. Dahil paano kung magkamali ako. This is the first time na kinabahan ako sa pagtugtog. "Po? Saan po?" Tanong ko pa. Itinayo niya ako at hinila papunta sa second floor. Huminto kami sa tapat ng isang kwarto. Binuksan niya yun at bumungad sa amin ang music room. Ito yung in-story ni Daijon sa IG niya. "You can play whatever you like, hija." Umupo si Yita sa upuan sa harap na para talaga sa audience. "Go! You can do it!" She cheerfully said. Tiningnan ko isa-isa ang mga instruments na nandun. There are drums, guitars both electric and acoustic, keyboard and violin. Kinuha ko ang violin at dahan-dahang tinaggal sa case. Tinesting ko muna ng ilang beses bago nag-isip ng tutugtugin. Huminga ako ng malalim bago sinimulang tumugtog. Pumikit ako at dinama ang tinutugtog ko. This is not some random piece, I composed it. Dahan-dahan kong iminulat ang mata ko. Nakita kong Tita's taking a video. Bahagya naman akong nahiya kaya napaiwas ako ng tingin. Tahimik lang siyang nakikinig, nakita ko pang kumislap ang mga mata niya. Nang matapos ay ibinaba ko ang violin at nag-bow. Pinalakpakan niya ako at nilapitan. Nagulat pa ako dahil bakas ang luha sa kaniya. "You're so good, hija! I cried! Oh my gosh!" Napangiti ako kay Tita. I said my thanks bago nilagay sa case ang violin. "I'm so proud if you." Napahinto ako at sa hindi malamang dahilan, biglang namuo ang luha sa mga mata ko. I don't know but every time someone said they're proud of me, I am always tearing up. Lihim kong pinunasan ang luha ko bago nakangiting humarap kay tita. "Thank you, po." Sinsero kong sagot. Pagkatapos namin sa music room ay bumalik kami sa garden at doon nag-merienda. Nagkwentuhan kami tungkol sa kanila. Kung anong naging buhay nila pag-alis dito sa Pilipinas para manirahan sa Japan. Mostly about kay Daijon. "He's super kulit! And there was a time pa nga, tumakas siya just to go back here. He's desperate to go back because of her friend daw." Natatawang kwento ni Tita. Napangiti naman ako at in-imagine ang batang Uri. He really wants to be my friend, huh. "Mom! I'm home!" Sabay kaming napatingin ni Tita kay Daijon nang marinig namin ang sigaw niya. Ngunit agad akong napaiwas ng tingin nang mapansin kong wala siyang damit pang-itaas. "Oh, Great! Avalie's here. I invited her for a tea." Sabi ni tita. "Really? Bakit hindi mo sinabi, para naagahan ko sana ang uwi, Mom?" Dali-dali siyang lumapit sa'min. Hinalikan niya ang pisngi ni tita bago humarap sa'kin. "Good afternoon, Av." Bati niya. Nakatagilid pa rin ako. Tumango lang ako sa kaniya bago mahinang sumagot. "Good afternoon." "Why don't you take a shower first, son? And put on your shirt. You're making Avalie uncomfortable." Tila natauhan si Daijon at agad umalis ng walang paalam. Kita ko pang napailing si Tita, at bahagyang natawa. "Geez, too obvious." Rinig kong bulong niya. Hindi ko na lang iyon pinansin at kinuha ang bag ko. I checked my phone at nakitang 6 pm na. I need to go home, pero hindi ko alam kung paano magpaalam. Tumikhim ako at dahan-dahang humarap kay tita. Sumimsim siya ng tea at ngumiti nang makita akong nakatingin sa kaniya. "Uh, tita. I have to go home na po. It's 6 pm na." Paalam ko. Ibinaba niya ang tasa at tiningnan ang relo. "Dito ka na lang mag-dinner, hija." Aya niya. Tatanggi sana ako dahil natatakot ako baka magalit si Mom pero inunahan ako ni tita. "I won't take no for an answer." Nakangiti pang sabi niya bago muling sumimsim ng tsaa. Makalipas ang ilang minuto, bumaba na rin si Daijon. Hindi rin nagtagal dumating na si Mr. Itsuki. Bumati ako sa kaniya. Tumango siya sa'kin at bumati rin pabalik. Nagpaalam siya na maliligo muna. Pumunta kaming tatlo sa dining at doon naghintay. Hindi nagtagal ay dumating na rin si Mr. Itsuki. Sabay-sabay kaming nag-dinner. Panay ang tanong ni Mr. Itsuki na sinasagot ko naman. Pagkatapos kumain ay nagpasalamat ako at nagpaalam sa kanila. Inihatid nila ako sa labas ng pinto. Tumango ako sa kanilang lahat bago tumalikod, ngunit nagulat ako dahil hindi kotse namin ang nakaabang. "Ah, pinaalam ko sa parents mo na kami na rin ang maghahatid sa'yo." Humagikhik pa si Tita at bahagyang nagtago sa likod ni Mr. Itsuki. Kita ko rin ang lihim na ngisi ni Mr. Itsuki. Naguguluhan man ay tumango na lang ako. Sumakay ako sa kotse at kumaway sa kanila. Isasara ko na sana ang pinto nang biglang pumasok si Daijon. "What are you...?" Hindi ko na naituloy ang tanong ko. Mukhang nabasa niya ang isip ko kaya agad na siyang nagpaliwanag. "Let me take you home." Nakangiti niyang sabi. Napakurap ako bago dahan-dahang tumango. Tahimik ang buong byahe. Paminsan-minsang nagsasalita si Daijon kaya kinakausap ko siya. Ang awkward nga lang dahil may ibang tao, kaya hindi kami makapag-usap. Nagulat ako nang biglang huminto ang sasakyan ilang kanto ang layo sa bahay. Nagtataka akong tumingin sa driver. "Kuya, sa dulo pa po yung bahay namin." Nahihiya kong sabi. Napakamot naman sa ulo ang driver at nahihiyang ngumiti. "Flat po ata yung gulong, ma'am. Hanggang dito ko nalang po kayo maihahatid. Kung okay lang po kay Sir, baka po pwedeng lakarin niyo nalang. Papalitan ko pa po yung gulong." Dahilan niya. Tumango ako at tumingin kay Daijon. "You don't have to walk with me." Sabi ko. Tinaasan niya lang ako ng kilay bago nangunang bumaba. Inilahad niya pa ang kamay niya para alalayan ako. "I'll take you home. Gabi na at delikado." Ngumisi pa siya. Iiling-iling ko namang tinaggap ang kamay niya. Napaubo ang driver. Hindi ko na lamang pinansin at bumaba na. Tiningnan ko ang gulong sa harap. Pareho namang hindi flat. Baka sa likod. Nagsimula na kaming maglakad. Medyo mabagal ang lakad namin. Malamig na rin dahil mage-9 pm na. Napahimas ako sa braso ko at napatingin sa langit. Hindi naman uulan dahil maraming stars. Bilog na bilog rin ang buwan. Ang ganda... Napatingin ako kay Daijon ng ilagay niya sa'kin ang jacket niya. Hindi naman ito movies kaya hindi na'ko umangal. Nahihiya man pero nilalamig na rin naman ako. "Thank you." Ngumiti siya sa'kin. "Welcome." Sagot niya. "Siya nga pala, kumusta ka na? I didn't ask you kanina kasi may ibang tao." "Hmm, I'm okay. I can say that I'm okay." Seryosong sagot ko. Napatango naman siya at napangiti. "Can you do me a favor?" Napatingin ako sa kaniya nang bigla siyang magtanong. Napaisip naman ako bago tumango. "I heard this song in the internet. Nagandahan ako kaya inaral ko. Hindi ko lang alam kung bagay ba sa boses ko." Natatawang sabi niya. Umiling pa siya at nahihiyang nag-iwas ng tingin. "Parinig nga." Mahina kong sagot. Tumingin siya sa'kin, kaya napatingin din ako sa kaniya. Nang magkasalubong ang paningin namin ay siya ang unang nag-iwas. I saw his ears turned red. Ilang segundo kaming natahimik. Nagtitingin lang din ako sa paligid habang hinihintay ang pagkanta niya. I can't remember the last time na narinig ko siyang kumanta. Kung hindi ako nagkakamali, yun ay noong nasa school kami. "I want you to the bone... I want you to the bone..." Napatingin ako sa kaniya nang magsimula siyang kumanta. Nakaiwas pa rin ang tingin niya kaya malaya ko siyang natitingnan. He has a really nice deep voice. Tama lang. Swabe kung baga. Hindi ko alam kung anong tamang term but I find his voice soothing. Para akong hinehele. Nagulat ako ng bigla siyang humarap sa'kin. Napalunok pa ako habang nakatingin sa kaniya. "I want you to take me home, I'm fallin'... Love me long, I'm rollin'. Losing control, body and soul. Mind too for sure," Seryoso siya habang nakatingin sa'kin. Nagkunwari naman akong seryoso rin habang nakikinig sa kaniya. "I'm already yours..." Pagtatapos niya. Muntik na'kong malunod sa mga mata niya, buti na lamang at natauhan ako. Napakurap-kurap ako at napaiwas ng tingin. Tumikhim ako bago Nag-thumbs up sa kaniya. "Magaling. Ang ganda." Tumango-tango pa'ko para mas mapagtakpan ang awkwardness na nararamdaman ko. Napahawak ako sa dibdib ko at saglit na kinalma ang sarili. Ano iyon? Kinantahan ko rin naman siya dati. Ganto rin ba naramdaman niya or ako lang. No. No. No. I'm not gonna admit it. Dang, I'm doomed if that happens. I have to draw the line and strengthen my wall. Hindi naman ako super naïve pagdating sa mga ganito. Nababasa ko ito sa mga pocketbooks at hindi maganda ang kalalabasan kung ipagpapatuloy ko ito. Huminto kami sa harap ng gate. Humarap ako sa kaniya, ngunit nang salubungin niya ang tingin ko ay napaiwas agad ako. "Thanks for bringing me home. Ingat ka." Paalam ko. Nag-doorbell ako at hinintay na pagbukasan. "You're welcome, Avalie." Ang kaninang kumakalma ko nang puso ay bigla na namang nagwala. Tinawag niya lang ako sa pangalan ko. Magpapa-check up na ba ako? Anxiety siguro 'to dahil sa problema sa bahay. I am just over reacting. Tama. Tama. Pagkabukas ng gate ay kinawayan ko siya. Hinintay ko siyang maglakad paalis pero tinuro niya lang ang bahay namin. Pinapauna niya ako. Shempre dahil sa bahay nila ako nag-dinner. Feeling niya responsibility niya ako. Tumango lang ako sa kaniya para tapos na ang usapan. Pagkasara ng gate ay dumiretcho ako sa loob ng bahay. Wala pa sila Mom and Dad at tanging si Kuya lang ang sumalubong sa'kin. Inaya niya ako mag-dinner pero sinabing kong kumain na'ko. Nagpaalam ako na maliligo muna. Tinanguan niya lang ako kaya dali-dali akong umakyat. Pagkaakyat ko sa kwarto ay dali-dali akong pumunta sa bintana. Itinabi ko ang kurtina at agad kong nakita si Daijon sa labas. Kinuha ko ang phone ko at nag-compose ng message sa kaniya. 'I'm in my room. I can still see you. Umuwi ka na, gabi na.' Kita kong kinuha niya ang phone niya. Siguro'y kadarating lang ng message ko. Iniangat niya ang tingin niya. Nagkasalubong ang nga mata namin. Nginitian niya ako kaya kinawayan ko siya. Tumango siya bago dahan-dahang naglakad papaalis. Tinanaw ko siya hanggang sa mawala na siya sa paningin ko. _____________________________________ FB: Shan Calixtro IG: xxorphicxx/_shxnnnnn TIKTOK: xxorphicxx _____________________________________ I hope you enjoy the story. Please vote, and see you on the next chapter! ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD