Pagkatapos kong magwash-up ay hindi na ako bumaba. Nakahiga lang ako ngayon sa kama at nakatulala sa ceiling.
Napahawak ako sa dibdib kong bahagya nang kumakalma.
What is this strange feeling? I am always comfortable around him, like no malice at all. For me, he’s my best friend, nothing more nothing less. I’m comfortable with him.
Pero bakit ngayon, kahit maisip ko lang siya ay naghuhimirando ang puso ko? Parang biglang may paro-parong nagwawala sa tiyan ko? Maayos naman kami noong umpisa. Maayos naman 'ako' noong umpisa. Pero bakit bigla akong may nararamdamang ganito dahil sa kaniya?
Napatingin ako sa cellphone kong nasa bedside table nang bigla itong tumunog. Kinuha ko ito at binuksan ang message.
Vannessa:
Av, are you there? Yohoo!
Sasha:
Baka hindi niya pa nabubuksan phone. Or di niya pa nakikita itong gc.
Ay! Na-seen niya na!
Zup Av!
Avalie:
Hey! Is this another gc?
Sasha:
Yes! Van made this one. Tayong tatlo lang.
Vannessa:
I don’t think I can still communicate with everyone after my realizations. And besides, I don’t want to have any social interaction with ‘his’ girlfriend. And also him.
Sasha:
BitterrrRrrrr
Vannessa:
Whatever.
Avalie:
Oh! Okay. Oh, by the way I have a question.
How did you realize that your in love with Iurii, Vannessa?
If you don’t mine me asking.
Vannessa:
Well, what made you so curious? Hmm…
Sasha:
You finally like someone, Avalie?
Avalie:
What? No, of course not. Haha.
Sasha:
Fishy…
Medyo kinabahan ako sa reply ni Sasha. May alam ba siya? Nahalata ba nila? Was I too obvious? Normal lang naman yung approach ko ah...
Vannessa:
Well, I don’t really know.
All I know is that, one day, after he announced that he has a girlfriend, nasaktan ako. Then our interactions keep flashing into my mind. Rewind ng rewind. Ewan ko ba! Basta bigla na lang. Hindi inaasahan. I only thought of him as a friend, and my enemy. I never thought of him more than that.
Napaisip ako sa sinabi niya. Oo nga, he’s my best friend. I never thought of him as more than that too. Baka naman guni-guni ko lang ‘to? Dahil sa mga problema namin, nagkakahalo-halo. Baka naalog yung utak ko ng very light? Baka nalamigan lang ako.
Sasha:
Yes, ang deep. Frenemies to lovers ba ito?
Ay, may jowa na nga pala kaya hindi na pwede HAHAHAHA
Vannessa:
Siguro, the major factor ay yung he saw my fragile side? Hindi niya pinakita sa’kin na naaawa siya sa’kin, pero pinaramdam niya na malakas ako. He believe that I am brave enough to handle that and he made me feel like I can lean on him, whenever I feel worn out. He makes me feel safe. This is so corny! I’m embarrassed na.
Ah talaga Sasha? f**k you!
Basta, Av… If you starts to feel the same thing to someone. Yung parang siya na yung comfort mo, ay girl! You better run! HAHAHAHA lmao
Sasha:
Tama! Mahirap ma-fall sa isang taong nasa isang relasyon na.
Mag-bestfriends talaga tayo, Van. Parehong broken HAHAHAHA jkkk
Vannessa:
Yea…
Avalie:
Really? Kanino ka ba may gusto, Sasha?
Ah, sorry nga pala kanina. Kuya’s teasing us. Wala siyang boyfriend. He’s single. Baka lang ma-misunderstood niyo.
Sasha:
Are you telling that to lighten up the mood, Av?
And to get my hopes up?
‘Coz it’s working…
Vannessa:
Then is he accepting suitors?
Imma court him rn.
Jokeeee
Sasha:
I mean it’s okay if he’s not straight. I’m not too. We can still work things out.
Talaga Van? Porket broken ka, pati yung akin--ay advAnce HAHAHAHA
Avalie:
He doesn’t swing that way daw. And if it's about courting him, I don't know. I don't want to meddle with his own business.
Sasha:
Really, Van? You wanna fight?
I guess, I'll do it in my own way. Thanks, Av.
Vannessa:
Lol I’m outta here.
Sasha:
Gotta go to bed to.
Avalie:
Sure me too, good night!
Pagkatapos namin mag-usap ay inilagay ko na ulit sa bedside table ang phone ko. Then sinimulan ko na namang isipin ang sinabi ni Vannessa kanina.
Uri, also saw my fragile side. He’s always been there for me. Whenever I needed someone the most, he always show up. Kahit kailan ay hindi niya rin pinaramdam sa’kin na bother at burden ako sa kaniya. Hindi niya rin ako pinakitaan ng awa. Pinalalakas niya palagi ang loob ko. He always try to help me, and to lighten up my mood.
When my life was so dark, he became my light. His name really suits him.
Pero naisip ko naman ang isa niya pang sinabi. I better run. Siguro dahil ayaw niya rin akong masaktan. Ganun siguro kasakit yun na binalaan niya ako para lang hindi mangyari sa’kin ang nararamdaman niya ngayon.
Does this mean… I am falling… in love with him? The fact that I’m questioning myself…
I chewed my lower lip while anxiously thinking. What am I gonna do?
I noticed my phone lit up again. Kinuha ko iyon at binuksan. Akala ko ay sila Vannessa at Sasha na naman ang nag-message, ngunit bumungad sa'kin ang message ng taong dahilan ng pagkahumirando ko. Nag-message si Daijon. Bigla akong kinabahan. Napahawak ako sa dibdib ko at tinapiktapik.
Binuksan ko ang message niya.
Daijon:
Hey, Av! I just arrived. Get some sleep. Good night.
Relax. Wala naman siyang sinabing sobrang special.
Then why do I feel like there’s a tiny drum inside my chest?
Nag-reply lang ako ng ‘Thanks and good night too.’ Bago tuluyang patayin ang phone ko.
Kung totoo nga na, I am falling for him… I need to avoid him. To avoid having problems with our relationship. To avoid confusion. We’re okay as friends. And I’m sure he only sees me as his friend too.
Tumango ako sa sarili. Tama.
Walang magagawang maganda ito. Si Vannessa nga ay nasasaktan dahil doon, ako pa kaya. Ayoko na rin dagdagan pa ng problema ang pamilya namin. Just like what Mom said, I must focus my attention in studying. At tungkol sa pagrereto ay... tsaka ko na iisipin.
Kinabukasan, sabay kaming nag-breakfast ni Kuya. Mukhang aalis na naman siya dahil nakabihis siya ngayon.
Pagkatapos namin kumain ay nag-paalam siya sa’kin na pupuntahan ang kaniyang mama.
Naiwan na naman akong mag-isa dito sa bahay. Wala na naman akong kasama kundi sila manang. Ang Mom at Dad ay maaga ding umalis para sa trabaho.
Mom is busy studying the NCov virus, while Dad is busy answering the calls for help.
Napabuntong-hininga na lamang ako bago umakyat sa kwarto. I went to my own entertainment room, sa loob ng kwarto ko. I opened my laptop and logged in to my dummy account.
Ito ang account na ginagamit ko for my song covers, short stories and poems. Alam ni Mom ang passwords ng lahat ng accounts ko, at hanggang ngayon ay against siya sa pagsusulat at musics na ginagawa ko.
This is the only way I know para hindi niya malaman na gumagawa pa rin ako ng music and writings.
Pagkabukas ko ng account ay bumungad sa’kin ang napakadaming notifications. Napangiti ako at agad tiningnan isa-isa.
I am so glad that many people appreciates my works. Inuulan palagi ng reactions and comments ang bawat akda ko.
Ginanahan naman ako at napaisip na gumawa ng panibagong akda.
Lahat ng ina-upload ko dito is based mostly on my emotions. The song covers, poems, short stories and even in my own song composition.
Lately, I am confused and lonely at the same time. Hindi ko man siya masabi ng deretso, pero nailalabas ko naman lahat iyon sa bawat works ko. As I have said, my works are my voice.
Masaya ako na maraming nakaka-relate at the same time nalulungkot. Dahil hindi lang pala ako ang may nararamdamang loneliness, and longing for love…
We're all human longing for what we lack. Longing for a love that will accept us. Longing for acceptance, understanding, peace and a place we can call home.
Pero ngayon ay hindi ko alam kung anong magagawa ko. I am confused. Alam ko na the more I avoid this feeling of mine, the more na lalala. Kaya napagpasyahan kong hayaan ang sarili kong maramdaman ito.
Mas mabilis mawawala ito. Baka bukas mawala na rin or sa isang araw. Basta. I want this feelings to go away and fade… or so I thought.
Napabuntong-hininga ako matapos tingnan ang tulang nagawa ko. Napapikit ako at napabuntong-hininga na naman.
Naguguluhan na talaga ako. Kung iiwasan ko siya, ibig sabihin ay mawawalan ako ng isang taong nakakaintindi sa’kin. Mawawala yung comfort ko. And the only person that makes me feel safe.
Sana nga mawala na yung nararamdaman ko. Para bumalik na sa dati ang lahat. Para hindi na dadating sa puntong mawawala siya sa'kin. Dahil aminin ko man o hindi, isa siya sa pinakamahala sa'kin. Pero…
Napahawak ako sa dibdib ko. Sa may parteng malapit sa puso.
Kumportable din ako sa nararamdaman kong ito. Hindi ito yung nababasa kong nararamdaman ng iba na masaya o malungkot na pagmamahal. Ito yung pagmamahal na ipararamdam sa’yo na ligtas ka. Para akong tinatahan.
Napatingin ako ng tumunog ang notification sa phone ko. Someone commented on my post. Marami na ring nag-react at nag-comment pero ang isang ito ang nakaagaw ng pansin ko.
Vannessa? Naka-follow pala siya sa akin dito sa dummy account ko?
Vannessa Swertz: I feel you, Siya. I wanna erase this feeling too, pero I can’t. Not now. Just a little more. And hey! You’re in love?? OMG!
Napangiti ako at nag-react lang sa comment niya. I never thought that she’d follow such random writer. Siguro nakakarelate din siya sa ibang mga works ko, since it’s mostly about family.
Ngayon naman, I posted some random love confession poem. Nabasa ko rin ang ibang comments. Nagulat din sila since iba ang topic ko ngayon. Ang iba namang trolls ay nag-re-request ng face reveal. As if. Kaya nga dummy account.
I used a different name. Malayo sa pangalan ko. Siya, as in siya.
Napailing ako at napatingin muli sa tulang ginawa ko.
Hindi naman siguro masama kung ie-enjoy ko muna itong nararamdaman ko… Just a little more. Hanggang mawala. Bago… mawala.
You shine so brightly, my love
That I want to look away and cover my eyes
But I want to hold you in my arms
So tight… that I’ll swallow you with all I have
I’m lost in your eyes, and drunk on your voice
These feelings of mine I want to avoid
But this gave me the comfort and peace too
When will this heart stop beating for you?
Before I become greedy. And before I want or even think of you loving me back. Ayokong dumating sa puntong masira ang pagkakaibigan namin. Hindi ko kaya.
So please heart, habang maaga pa. Itigil mo na.
____________________________________
FB: Shan Calixtro
IG: xxorphicxx/_shxnnnnn
TIKTOK: xxorphicxx
____________________________________
;