KABANATA 11: Friends

2881 Words
Kinabukasan ay tanghali na ako nagising. As usual, mag-isa na naman akong kumain. Hindi pa rin maalis sa isip ko ang napag-usapan namin kagabi ni Dad. Hanggang ngayon ay parang hindi pa rin siya nagsi-sink in sa akin. Hindi ko pwedeng sisihin si Dad, dahil wala pa naman si tita mom or ang mom ko noong nakabuntis siya. And he also confessed that he was a playboy. I can’t blame my tita mom because she’s also a victim. Naalala ko pa ang sinabi niya noon na she already loved too much that it almost destroyed her. Sandali akong napatigil sa pag-iisip. Sabi ni Dad ay hindi raw nagalit si tita mom sa kanila. I wonder why. Kahit anong isip ko kagabi hindi ko mapagtanto kung bakit hindi siya nagalit, and the fact that Dad said na naiintindihan daw ni tita mom. Napapikit ako at napahilot sa sintido. Nagmulat ako at napabuntong-hininga. My mom is also hurt. Imagine the pain that she had to endure. Her husband’s the supposed-to-be-fiance ng twin niya. Minahal at minamahal niya for how many years. ‘Pero paano naman ako?’ Naibagsak ko ang kutsara’t kutsilyong hawak ko. Dali-daling lumapit si manang mula sa kusina. “Anong nangyari? Ano yung narinig kong nabagsak?” Dali-daling tanong niya. “May nabasag ba? Ano saan ka nasaktan?” Umiling lamang ako. “Yung knife at spoon lang manang. I’m okay naman po.” Tumango siya at napabuntonghininga. “Mabuti naman. Huwag kang masyadong mag-isip ng kung ano, hija. Sige ka, tatanda ka agad niyan.” Biro niya pa. Ngumiti lamang ako ng tipid at nagpasalamat. Pagkatapos ng tanghalian ay pumunta na ako sa kwarto para mag-aral. This is the only way I know to make my mom feel good. Kinuha ko ang mga libro ko at sinimulan ng magbasa. Nasa kalagitnaan ako ng pagbabasa ng tumunog ang cellphone ko. Tiningnan ko lang iyon at hindi na lamang pinansin. Nagpatuloy na lamang ako sa pag-aaral. “What? I don’t get it. Bakit niya ipagpapalit yung anak niyang nakasama niya for how many years sa anak niyang kakikilala niya lang?” Napailing ako at nagpatuloy sa pagbabasa. “I mean, I get it. He wants to have a child that will bear his surname. Pwede namang hindi magpalit yung daughter niya.” Hindi ko mapigilan ang mainis at mahinang bulong patungkol sa akin binabasa. Our prof in Filipino told us to read this certain story and give our thoughts about it. Matagal pa naman ang deadline pero ginagawa ko na ngayon para ma-divert ang atensyon ko at maiwasan ang mag-isip. Sinarado ko ang libro at sandaling napaisip. Napatulala ako sa kawalan. Maraming thoughts na pumapasok sa utak ko na ayaw kong i-entertain. ‘Yan. Diyan ka magaling, Avalie. Ang tumakas sa mga bagay na kinatatakutan mo. You’re so coward.’ But I just want to protect my self. My inner peace. ‘Hindi ka magkakaroon ng inner peace kung tatakas ka lang sa problema mo.’ Ginulo ko ang buhok ko sa pagkainis. Pati sarili ko nagtatalo na. Hindi naman siguro ako ipagpapalit ni Dad. Mas matagal kaming magkasama. Nanlaki ang mga mata ko sa naisip. ‘No! No! Hindi ‘yan ang Avalie na kilala ko. Hindi ako yun!’ Kinuha ko ang cellphone ko at padabog na tiningnan kung sino ang nag-message. Daijon: Hey, Av! Free ka ba today? Iurii, Sasha and Vannessa wants to hang out for no reason. Ipinaalam na kita sa parents mo, pumayag naman sila. If you’re not comfortable lumabas ng bahay because of the virus, pwede naman daw kahit sa inyo nalang sabi ni Gov. Archulus. Si Daijon pala, at kanina pa siya nag-message. I typed my reply bago tumingin sa salamin. I looked fine so I guess it’s okay. Aayusin ko naman sana ang room ko nang mapansin na medyo puffy ang mga mata ko. Dali-dali kong kinuha ang concealer at nilagyan ang mata ko. Naglagay na rin ako ng konting powder para mas presentable ang hitsura ko. I also sprayed a perfume bago nagligpit ng mga kalat ko. Pagkababa ko ay saktong pagpasok nila sa bahay. “Hey, girl! How are you?” Bati ni Vannessa sabay akbay. Si Sasha naman ay kakaway-kaway na lumapit din sa’min. “Buti pumayag parents mo, Av. Kinakabahan kami kanina baka hindi ka payagan.” Bulong ni Sasha. Napangiti naman ako. “Anong gagawin natin dito?” Tanong ko. “Kikilalanin ang isa’t-isa.” Sagot ni Iurii sabay hagikhik. Napakunot-noo naman ako at napatawa. Parang nandidiri namang tumingin si Vannessa sakaniya, si Sasha naman ay umakto pang nasusuka. Tinapik ni Daijon sa balikat si Iurii sabay iling. “Bro, sabi nga nila. Malala ka na.” Hindi naman namin napigilan ang matawa ng makita ang gulat na hitsura ni Iurii. “C’mon dude. That was a joke. What I mean is, why don’t we use this opportunity to get to know each other, as a group ganun.” Paliwanag niya. “Ginagawa niyo kong clown ng group ah.” Dagdag niya pa. Umakto pa siyang galit. Humalukipkip siya at ngumuso kay Daijon. “Suyuin mo’ko!” Sigaw niya. Pero tinaasan lang siya ng kilay ni Daijon bago lumapit sa’kin. Inilahad niya sa akin ang dalawang plastic na puno ng pagkain. Nagtataka ko namang tiningnan yun. “These are our snack. It’s embarrassing to go kapag walang bitbit.” Sabi niya sabay ngiti. Ngumiti naman ako pabalik at akmang kukunin na sa kaniya pero iniwas niya naman sa akin. Nagtataka ko siyang tiningnan. “Ako nalang magbibitbit.” Sabi niya. Tumango naman ako at humarap kila Sasha. “Anong gusto niyong gawin? Sa entertainment room nalang muna tayo. Nag-lunch na ba kayo?” Tumango silang lahat kaya iginiya ko na lamang sila sa aming entertainment room. Compared sa ibang bahay, nasa first floor ang entertainment room namin. Bukod sa wala naman masyadong nagpupunta sa bahay ay ayaw din ni Mom na maraming umaakyat sa second floor namin. It’s our privacy daw. Tama lang ang laki ng entertainment room namin. May 75-inch na flat screen TV, sa magkabilang gilid ay may shelves kung saan nandun ang mga DVDs, may dalawang malaking sofa bed. May tig-isang cabinet din sa gilid ng sofa bed na naglalaman ng mga snacks. “Feel free to choose whatever you like to watch. Pwede rin kayo kumuha ng snacks sa cabinet. Feel at home.” Sabi ko. Tumango naman sila at nagpasalamat. Kaniya-kaniya kami ng pwesto. “Ako na mamimili!” “Ako na! Ako nauna e!” “Ikaw naman palaging nasusunod kaya ako naman.” “Ganun talaga lady’s choice!” “Huh!? Anong lady’s choice? Kelan ka pa naging palaman?” “Eh, ako pipili. Ikaw na lang mamaya.” “Eh! Tapos mamaya ikaw na naman pipili.” “Ako na kasi muna.” “Ako nga…” “ Ako na. Babae ako kaya dapat pagbigyan mo’ko.” “Ano yun? Gender equality tayo dito kaya—” “Kaya ako na ang pipili.” Putol ni Sasha sa kanila Iurii at Vannessa. “Parang mga bata. Ito! Mag-horror tayo. Ang matakot sa inyo siya talo, ang mananalo siya mamimili ng panonoorin mamaya.” Sabi niya sabay salang ng DVD. Tahimik lang ako sa isang gilid. Kinuha ko ang kumot at ibinalot sa aking katawan. Kampante naman ako sa mga horror. Kaya ko naman manood, yun nga lang ‘wag yung mga true to life kasi napapanaginipan ko kaya hindi ako makatulog. Ganun din sa mga sobrang nakakatakot para sa’kin gaya ng Wrong Turn. Nanlaki ang mata ko matapos mabasa ang title ng panonoorin namin. “Maganda yan. Medyo nakakadiri nga lang.” Halata ang excitement sa boses ni Sasha kaya naman imbis na papapalitan ko ay hindi ko na magawa. Kumuyom ang kamay ko. Itinabon ko ang kumot hanggang sa mata na lamang ang kita sa akin. Kalagitnaan ng panonood ay parang may malamig na hangin na umiihip. Umiling lang ako at ipinagsawalangbahala na lamang ang naramdaman. “NASA LIKOD MO!” “TANG INUMIN MO ‘WAG MILO! ‘WAG KA NGA MAINGAY!” “IKAW NGA SUMISIGAW DIN E--- HOY AYAN NA YUNG PANGET! TAKBO!” “HAHAHAHA ANG PANGIT NIYO KA-BONDING NAPAKAMATATAKUTIN PARANG HINDI COLLEGE.” Dinig na dinig ko ang ingay nila kaya unti-unti na rin akong kumalma. Handa na sana ulit akong manood ng magulat ako sa biglaang pagsigaw nila Vannessa at Sasha. Nalaglag pa si Iurii sa sobrang takot. Napapikit ako at nagtalukbong na lang ng kumot. “Alam mo masama raw yung nagtatalukbong ng kumot kapag nanonood ng horror or natatakot kasi it’s possible na sa ilalim sila pupunta.” Bulong ng isang malalim na boses. Napasigaw ako sa pagkagulat. Nahampas ko pa ng malakas kung sino man yun. Nang mahimasmasan ay nagulat ako nang makita si Daijon na hawak ang panga niya. “Itai… Itai…” “Hala! Sorry! Hindi ko sinasadya. Ikaw kasi bakit ka nananakot?!” “Hindi naman kita tinatakot.” Tanggi niya pa pero halata namang nang-aasar siya dahil pinipilit niyang hindi tumawa. “Matatakutin ka pala. Don’t worry you can hug me if you want.” Biro niya pa. Tumaas naman ang kilay ko sa kaniya na agad niyang napansin. Itinikom niya ang bibig niya sabay nag-peace sign. Hindi ko na lamang siya pinansin at nag-focus na sa pinapanood. Pagkatapos ng movie ay nag-decide sila na maglaro naman. “Bilis na form a circle na.” Sabi ni Sasha. “Bakit pa kailangan mag-circle? Magkakatabi naman na tayo.” Alma ni Vannessa habang nakahiga. “Para dagdag sa mood ano ba.” Hinila niya si Vannessa paupo kaya naman wala na rin siyang magawa. Umayos na ein ng upo sila Iurii at Daijon samantalang nanatili na ako sa aking pwesto. “Anong laro? Parang awa mo na Sasha tama na yung truth or dare.” “Hindi nga. Never have I ever nalang.” Kinuha niya ang limang bowl na may lamang mga chips at nilagay sa tapat namin. “You guys know the rules naman so hindi ko na sasabihin. Basta kapag yung sinabi ng nagtanong ay nagawa mo na kakain ka ng chips. Kung sinong talo, sila magluluto. Dalawang round tayo. Game na!” Excited na sabi niya pa sabay palakpak. “Hindi raw ie-explain pero ang haba ng intro. Ako na mags-start. Never have I ever nagkagusto sa ka-blockmate.” Natatawang sabi ni Vannessa. Ngumuso naman si Sasha sabay kuha ng chips at kinain. “I know girl.” Natatawang komento pa niya. “Ikaw rin, Daijon?” Napatingin kaming lahat kay Daijon na kasalukuyang ngumunguya habang nakatakip sa kaniyang bibig. Uminom pa siya ng tubig sabay ngisi kay Vannessa. “Sorry Daijon. Yes you’re so gwapo and matalino but you’re not my type.” Seryoso si Vannessa sa pagkakasabi niya. Napayuko naman si Daijon na hindi ko inaasahan. Omg? May gusto si Daijon kay Vannessa? Nag-angat ng tingin si Daijon at nagkatinginan sila ni Vannessa at sabay silang tumawa. Napailing na lang kami sa kanila at nagpatuloy na sa paglalaro. “Ako naman. Gaganti ako. Never have I ever nalasing sa bar at nakipagmomol sa stranger.” Pumalakpak pa si Sasha sabay tayo at nagtatakbo paikot. Kunot-noo namang kumain si Vannessa ng chips. “Quit it, Sash. Hindi ko na gustong maalala yun.” “Why? Because you found out na nago-OJT siya sa company ng Dad mo?” Patuloy na pang-aasar pa ni Sasha. Umirap lang si Vannessa at itinuro si Iurii. Napaturo naman si Iurii sa sarili at umiling. “Magtanong ka na. Anong iniiling mo diyan?” Masungit na tanong niya pa. Suminghal naman si Iurii sabay umaktong nag-iisip. Hindi ko sila masabayan kaya kinalabit ko si Daijon para magtanong. Humarap naman siya sa'kin agad. "I have a question. Uh, what's momol?" Bulong ko. Napaubo-ubo naman siya sabay iling. Napakurap naman ako sa naging reaksyon niya. Is it bad? Ano ba kasi yun? "Make out. Yun yung momol." Mahinang sagot niya. Napalayo naman ako sa kaniya at napapikit sa kahihiyan. "Sorry." Mahinang sabi ko. Tumango naman siya at nag-iwas ng tingin. Nahagip pa ng mata ko na ang namumula niyang tenga. Nakakahiya! “Never have I ever, nakipag-date sa same gender?” Patanong na sabi ni Iurii. “I don’tknow wala akong maisip, tho I support LGBT a, baka may ma-offend sa inyo.” Kumuha ng chips si Sasha sabay subo. Si Vannessa naman ay ganun din ngunit ang pinakanakakagulat sa lahat ay si Daijon. Nanlaki ang mga mata ko at pasimpleng tinakpan ang bibig. Akala ko ba he like girls? “What?! I don’t expect na pati ikaw Daijon.” Gulat na tanong ni Vannessa. “True, maniniwala pa ako kung si Iurii.” Komento rin ni Sasha. Tiningnan ni Daijon ng masama si Iurii sabay may sinabi na hindi ko na narinig pa. Nag-peace sign lang si Iurii sabay tawa. “Don’t get the wrong idea. I had a classmate back when I was in high school. He’s gay at friends kami but it turns out that he likes me. He confessed nung malapit na mag-graduation and lilipat na raw sila ng fam niya. His last wish was I take him out on a date. That’s the first and last, guys.” “Date mo rin ako, papi Daijon.” Asar pa ni Iurii sa kaniya. Binatukan naman siya ni Daijon sabay iling. “Ako naman, I kinda question my gender so I tried dating girls and ends up… I like dating girls more.” Paliwanag ni Sasha sabay ngiti. Tumango naman ako. “You’re nice and I think you’ll be a great girlfriend. Sa kahit anong gender.” I said. Napangiti naman siya sabay angkla ng braso niya sa’kin. “Why don’t you date me, then?” She asked na nagpagulat sa’kin. Tumawa siya ng malakas sabay tapik ng balikat ko. “Joke lang. Masyado ka kasing seryoso, Av. Loosen up.” Payo niya pa at saka siya ngiti. “Mine was experimental din. I tried dating girls but, not my cup of tea kaya hindi ko na ulit inulit.” Si Vannessa. “Game na ulit!” “Never have I ever… been kissed.” Nakangising sabi ni Daijon. Napanganga naman sila Sasha at Vannessa. Si Iurii naman ay kumuha ng chips sabay kain. “Seryoso ba?!” “Hindi ako naniniwala.” “Scam ‘to si Daijon. It’s impossible. Come on!” Gulat pa rin na angal nila Vannessa at Sasha. Tumango-tango pa sila na tila sinasang-ayunan ang sinasabi ng isa’t-isa. Nanatili namang tahimik si Daijon. “Hala, seryoso nga siya girl!” Si Vannessa na gulat pa rin. Natatawa namang napailing si Daijon sa kanila. “Eto na lang. Since, para magkakilala tayo kaya naman nangyari ang chill na ito,” inawat ni Vannessa ang kamay niya sa gitna habang nakatingin kay Daijon, “bakit hindi ka pa naki-kiss. You mean the romantic kiss right?” Daijon just shrugged his shoulder kaya naman pinilit pa siya ni Vannessa na sumagot. “Because I want her to be my first in everything.” He simply answered. Napahinto naman sa pangungilit si Vannessa. “Sinong her?” Curious na tanong niya pa. “Her.” Nakatingin sa kawalang sagot ni Daijon. “My first love.” “Never have I ever, been into an amusement park.” Sabi ko. Gulat naman silang napatingin sa’kin. “Really? Seryoso?” “Edi hindi ka pa nakakasakay ng mga rides?” “Horror house? Ferris wheel?” Umiling lang ako sabay ngiti. “I’m busy.” Simpleng paliwanag ko. Natahimik naman sila ng ilang saglit at hindi na nagtanong pa. “Then,” napatingin kami kay Daijon nang bigla siyang magsalita, “why don’t we all go to the amusement park?” Napangiti naman ang lahat sabay tango. “I can’t.” Putol ko sa kasiyahan. “Kayo nalang siguro. My parents won’t allow me.” Bumagsak naman ang balikat nila. “Pero mas gusto namin na kasama ka. Like complete.” Sabi ni Vannessa. “Yeah, and if you will not go, hindi na rin ako sasama.” Si Sasha sabay iling. “Kapag hindi complete, ayoko na rin.” Ngumuso sabay halukipkip pa si Iurii pagkatapos sabihin yun. “I’ll talk to your parents. At hindi pa naman ngayon. We can still talk about when and where.” Sabi ni Daijon. He smiled and I feel like crying. “Are we… friends now?” Mahinang tanong ko. Napangiti naman sila sabay tango. Napangiti rin ako sabay tingin sa kaniya. He’s smiling at me. Look Uri, I got friends now. Tumango siya sa’kin na parang narinig ang sinabi ko sa isip. _____________________________________ xxophicxx FB: SHAN CALIXTRO IG: xxorphicxx/ _shxnnnnn ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD