KABANATA 10: Dad's side

1409 Words
Ilang minuto na ang lumipas matapos ang nangyari kanina. Umakyat na si mom sa taas at nagkulong sa kwarto. Hindi pa siya ulit bumababa. Nasa dining table kami ni Dad. Wala ring nagsasalita. Tahimik lamang din ako habang kumakain. Hinihintay ang sasabihin niya. “I was a playboy. Bago ko pa makilala ang tita mom mo at ang mom mo.” Napatingin ako kay Dad nang bigla siyang magsalita. “My Dad was a politician and my mom is a successful businesswoman. Madali kong makuha lahat ng gusto ko. I’ve got high grades, high status, I get whatever I want. Even girls.” Tahimik lamang akong nakikinig. Si Dad naman ay nakatingin lang sa kawalan. Tila inaalala ang nangyari noon. “Then one time, there was a transferee student. Your tita mom. She’s very elegant, sweet and kind but she can be a badass too. I fell in love with her.” Humarap sa’kin si Dad. Ngumiti siya ng tipid. “Kaya lang naisip ko na, hindi ang isang katulad ko ang babagay sa kaniya. I changed myself. I stop my bad habits, focused on my studies and made myself better. Then, when I got the courage, I courted her.” Napatungo ako. So Dad, changed himself to be better for tita mom. “After a year she said yes. And, to make the story short, we’ve been together for 7 years. My family loves her and I am accepted by the De Vals'.” I looked at him with a shocked face. 7 years!? Tumango siya at ngumiti. “Hindi mo po siya niyayang… magpakasal?” Nagtataka kong tanong. If you’re together for 7 years, hindi mawawala sa usapan ang marriage, right? “I was planning to ask her.” Huminto siya ng ilang saglit. Nakatitig lang si Dad sa baso niya habang pinaglalaruan ang yelo. Tinungga niya ang alak bago nagpatuloy. “One night after telling our parents about my plan, your mom wants to talk about something. We went to a bar because she said she wanted a drink. I told her about my plan, asking Mauree to marry me. She congratulated me in advance. She told me how much she loves her twin. She told me to take good care of her. I was glad, because I think everything is perfect.” But then something happened, right? “But then the moment we were so drunk, she started crying. I got worried kasi hindi ko alam kung bakit siya umiiyak. Tinanong ko siya kung anong problema niya and what I can do to help her. She looked at me, like she’s begging. Then she confessed her feelings. Ilang taon na raw niyang tinatago. Ayaw niyang sabihin at pinilit niyang alisin dahil ayaw niya na magkasira kami ng kakambal niya pero hindi niya na raw kaya.” Nag-iwas ako ng tingin at pinaglaruan na lamang ang daliri. So mom was hurt too. Yun siguro yung sinasabi ni manang na lahat sila ay nasaktan at nasasaktan. “I’m so drunk nananakit na rin ang ulo ko. I told her na umuwi na kami. Naging unconscious siya after a minute. I can’t let myself drive kaya itinawag kami ng taxi ng waiter. She’s not in good terms with her parents that time kaya sinabi ko nalang sa driver na sa isang hotel nalang muna kami dalhin. Mas kagagalitan siya kapag naabutan siyang ganun. Medyo unclear na ang nangyayari,” napakunot pa ng noo si Dad at napailing, “then the only thing I remember was when she kissed me, I thought she was Mauree. Then it happened.” Napanganga ako at napaiwas ng tingin. Mom, I know it’s hard for you. I’m sorry. Nanlalabo na ang mga mata ko kaya tumungo na lamang ako at hindi tumitingin kay Dad. Nasasaktan ako para kay mom. Akala ni Dad si Tita Mauree yung kahalikan niya. Hindi si Mom yung nasa isip niya, kundi ibang babae. “The next morning, we agreed to not let them know. We agreed to forget what happened. I still plan to propose to Mauree. But after a few weeks, we found out that she’s pregnant. Then, we told them the truth. Your mom’s family was very angry. My parents are disappointed. Pero si Mauree,” pinunasan ko ang luhang pumatak sa mata ko, hindi ko na ata kaya marinig pero kailangan kong malaman, “she’s not mad. She accepted us. I didn’t see her cry. She just smiled at us. she’s telling us that she understands. Hindi ko alam kung anong parte doon ang naiintindihan niya.” Napatingin ako kay Dad ng medyo tumataas ang boses niya. Naiinis ba siya? Bakit, dahil ba gusto niya magalit si tita mom? O ang ipaglaban siya ni tita mom? “They decided to marry us off. And the rest is history.” Pagtatapos niya. I looked away and wipe away my tears. Huminga ako ng malalim para pakalmahin ang sarili ko. Tumungo ako bago nagkalakas ng loob humarap kay Dad. “Do you regret marrying my Mom, Dad?” Lakas-loob kong tanong. I know I may sound rude but I need to know. For my mom. “No. Because I am happy with her. And I care about your mother, Avalie. She may be hard on you and to others but she’s harder to herself. She likes to torture herself and to always aim for the best. One of the reasons why she’s successful. But I want her to rely to someone too, she’s a tough woman but I want her to rely on me and to let me protect her. I want to be that someone.” He answered. Napatango naman ako. Do you regret having me? I wanted to ask that but I am scared. Takot ako sa sagot. Takot ako kasi baka hindi ko kakayanin yung sagot. “Your older brother, nito ko lang din siya nakilala. Vivien, my ex girlfriend on high school, she said nabuntis ko siya pero itinago niya kasi ayaw niyang makagulo sa akin. She thought tatanggihan ko ang bata. Plano niya sanang ipa-abort pero hindi niya kaya. Nalaman ng Dad niya at ipinadala siya sa Seattle. Last year bumalik sila because of their company. Maba-bankrupt na raw. She heard about the virus at nakiusap siya na kung pwede dito muna si Darian. That’s his name. We ran a DNA test to make sure at positive ang result. He’s a farmer, may sariling hacienda at maayos ang business niya sa Seattle. Isinama siya ng mama niya rito sa Pinas para sana makapag-relax but then, may biglang virus na lumalaganap. Nakiusap si Vivien na dito muna si Darian pansamantala habang inaayos niya ang business nila. Ayaw pang pumayag ni Darian noong una pero ako na rin ang nag-insist. Anak,” napatingin ako kay Dad, nakatungo siya at tipid na nakangiti, “I’m sorry.” Napalunok ako at tumango ng marahan. I have no right to be angry. Matagal naman na ‘yun. Wala rin naman ako nung mga panahon na yun. Pero kahit ganun, hindi ko maiwasang hindi masaktan. “Akyat na po ako.” Paalam ko. Tumango lang si Dad at nagpatuloy sa pag-inom. Pagkaakyat ko sa may hagdan ay napahinto ako sa tapat ng kwarto nila mom. Rinig ko ang mahinang hikbi ni mom. Napapikit ako at napatungo. Mom, I’m sorry. Nagpatuloy ako sa paglalakad hanggang sa makapasok sa loob ng kwarto. Tumakbo ako sa may kama at pabagsak na dumapa. Mom, I’m sorry… Hindi ko alam kung hanggang kelan ko sasabihin yun. Kahit ilang ulit ko mang sabihin, hindi naman mababawasan ang sakit na nararamdaman niya. Ngayon nasagot na ang ilang mga katanungan ko. Kaya pala… Kaya pala ayaw ni mom na napapalapit ako kay tita mom. Dahil iniisip niya na baka kamukha ko ang magiging anak ni tita mom ni dad kung sakali. At kaya pakiramdam ko na malayo ang loob sa’kin ni mom, dahil siguro para sa kaniya… isa akong malaking pagkakamali. Humigpit ang yakap ko sa unan at sa hindi malamang kadahilanan, sa unang pagkakataon, ayaw huminto sa pagtulo ng mga luha ko. _____________________________________ xxorphicxx FB: SHAN CALIXTRO IG: xxorphicxx/ _shxnnnnn ;
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD