bc

She's Dead

book_age18+
0
FOLLOW
1K
READ
dark
BE
mystery
superpower
like
intro-logo
Blurb

Her chestnut eyes went red with blood. Her toenails and complexion were both pallid. Her hair begins to loosen up. She smells like rotten meat.

Maybe because...

She's Dead

chap-preview
Free preview
PROLOGUE
"Anong gagawin natin dito?"  Marahan lang akong nagpatuloy sa paglalakad habang nakasunod kay Geneva na ngayon ay tila ba abala sa papel na hawak niya. Medyo madilim sa gawi namin kaya naman kahit na nahihiya ako sa kanya, hindi na rin ako nakapagpigil na humawak sa blusang suot niya. "Nilulukot mo lang yung damit ko, Morana!" reklamo niya dahilan upang nahihiya kong ibinaba ang mga kamay ko. "Don't tell me natatakot ka sa lugar na 'to?" "Bakit naman ako matatakot?" asik ko na ikinatawa niya. Medyo madilim ang paligid. Mabuti nga at medyo maliwanag ang buwan ngayon dahil kung hindi, baka wala na rin kaming makita ngayon. Nandito kami sa lumang bahay na pagmamay-ari ng mag-asawang namatay nung nakaraang linggo. Maraming natatakot na mapagawi dito dahil sa mga kwentong haka-haka. Na mga mangkukulam daw yung mag-asawang iyon at sa tuwing maliwanag ang buwan, nagsasagawa raw sila ng mga orasyon. Nasa dulong bahagi ng sementeryo ang bahay nila kaya naman aminin ko man o sa hindi, kinikilabutan pa rin ako. "Relax, Morana, nandito lang ako, okay?" natatawa niyang sambit bago niya hinila ang braso ko upang padaliin ako sa paglalakad. "Ang sabi nila ay may iniwan daw na libro rito yung mag-asawa." "Oh?" "Kukuhanin natin iyon ngayon." Agad na umangat ang kilay ko nang dahil sa sinasabi niya. Is she saying na kailangan naming magnakaw ng gamit ng iba? "Geneva, mali itong ginagawa natin ngayon," singhal ko sa kaibigan ko na ikinatawa niya lang. "Baka makasuhan din tayo ng trespassing sa ginagawa natin." Palibhasa kasi, ako lang ang nahahatak niya sa ganitong klase ng mga adventure kuno. "Ano ka ba, Morana. Matagal nang patay yung mag-asawa. May magkaso man sa atin, mga awtoridad na iyon, okay?" natatawa niyang sambit na inismiran ko na lang. "I promise, pagkatapos nating makuha yung libro nila, aalis na rin tayo." Nang makarating kami sa kubo kung saan nakatira ang dalawang mangkukulam na sinasabi nila, dito na ako nagdalawang isip na pumasok sa loob. Naramdaman ni Geneva ang pagtigil ko sa paglalakad kaya naman kunot noo siyang lumingon sa akin nang makarating siya sa pintuan ng kubo. "What are you waiting for, Morana? Halika na," pamimilit niya pa na inilingan ko na lang. "Ngayon ka pa ba aatras?" "Mali itong ginagawa natin, Geneva," mariin kong sambit sa kanya na pabuntong hininga niyang inirapan. "Paano kung may makakita sa atin? Geneva, hindi ko kayang maghimas ng rehas sa selda." "Walang makakakita sa atin kung tatahimik ka, Morana," aniya bago ako sapilitang hinila papasok sa loob. "Sobrang kill joy mo naman. Bakit kaya hindi ka na lang makisabay sa trip ko? Magkaibigan naman tayo, di ba? At isa pa, hindi naman kita iiwanan." Marami pa siyang sinabi sa akin pero agad na naglaho ang lahat ng iyon nang naging abala na rin ang mga mata ko sa pagmamasid sa kabuuan ng kubo. Ang buong akala ko, haka-haka lang ang mga kumakalat sa bayan namin nung mamatay ang dalawang matandang nakatira rito. Hindi ko inaasahan na... tama nga sila. "f**k," mura ni Geneva dahilan upang bumaling ako ng tingin sa kanya. "This place is... awesome!" Oo, awesome para sa kanya dahil mahilig siya sa mga weird stuff. Creepy ang lugar na ito sa akin dahil kung ano man ang ugaling mayroon si Geneva, kabaligtaran no'n ang ugaling mayroon ako. Mahilig ako sa mga girly stuff, hindi tulad niya na mahilig sa mga bagay na katulad nito. Ang sabi ng mga kaklase ko ay nanggaling daw si Geneva sa angkan ng mga mangkukulam at mambabarang, which is hindi ko naman pinaniwalaan dahil wala naman itong katuturan. Mahilig lang siya sa mga bagay na ganito, pero it doesn't mean na galing nga siya sa angkang iyon. Alam ko dahil sinabi niya sa akin. Alam ko dahil maging ang mga magulang niya ay hindi kumbinsido sa libangan niyang ito. Hindi na rin ako nagtataka kung sakali mang itakwil siya ng mga magulang niya nang dahil sa mga gawain niyang ito. "Morana, tingnan mo 'to!" sigaw niya bago nangingiting ibinigay sa akin ang garapon na naglalaman ng mga mata. "Hindi ako makapaniwalang nangongolekta sila ng ganito." Hindi ko na napigilan ang sarili kong maduwal nang ipinakita niya sa akin ang garapong iyon. Hindi siya isang simpleng prosthetic eye dahil... alam ko at natitiyak kong mga mata talaga ng tao iyon. Lumalangoy ang mga iyon sa dugong nasa loob din ng garapon kaya naman hindi ko na naiwasan ang sarili kong masuka. "Ilayo mo nga sa akin yan, Geneva!" singhal ko sa kanya bago itinulak iyon palayo sa kanya. Nang dahil sa naging reakayon ko, mabilis iyong nalaglag sa sahig na naging sanhi kung bakit nabasag ang garapon. Gumulong ang ilan sa mga matang naroroon habang ang dugo naman na naririto ay agad na kumalat sa sahig na gawa sa kahoy. "Tingnan mo kung anong ginawa mo, Morana!" singhal pa ni Geneva sa akin bago siya nagtungo sa isa pang silid kung saan niya siguro nakuha ang garapong iyon. Mas lalo lamang akong nakaramdam ng pandidiri lalo na nang maramdaman ko ang dugong bumalot sa paa ko. Nakasuot lang ako ng tsinelas kaya naman ramdam na ramdam ko sa talampakan ang lapot nito.  Binalewala ko ito at sa halip na manatili sa lugar na iyon, nagpasya na lang akong magtungo sa lugar kung saan nagtungo si Geneva. "Kung alam ko lang na mga mangkukulam pala sila, e 'di sana ay nakipag kaibigan na ako sa kanila bago pa man sila nawala," natatawang sambit ni Geneva na animong nadidismaya pa nang dahil sa nangyari sa dalawa.  "Ang sabi nila ay under investigation daw itong lugar na 'to," saad ko nang maalalang wala man lang police sign sa loob. "Pero bakit mukhang bukas ito sa publiko?" "Duh? Halata namang walang maglalakas ng loob na pumunta rito mula sa awtoridad, Morana. Tayo nga lang ang naglakas ng loob na magpunta rito." "Ikaw lang dahil pinilit mo lang ako," singhal ko sa kanya na ikinatawa niya. May hinahanap siya sa mga drawer na naroon habang ako naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang pagmasdan ang pentagram na nakaguhit sa sahig. Bahagya akong yumuko sa sahig at pinagmasdan ang mga letrang nakaukit sa paligid ng bilog na iyon.  "Symbol ang tawag sa mga yan," saad ni Geneva nang makita niya kung anong tinititigan ko. "Pwedeng nag-cast sila ng spell para makatakas sa mata ng mga awtoridad bago sila mawala. Hindi ka ba nagtataka? Hindi na sila natagpuan nung ni-raid nila 'to?" "Hindi na sila natagpuan dahil tumakas sila," singhal ko. "Exactly, pwedeng gumamit sila nitong pentagram at umusal ng orasyon para makatakas sila." "Pero ang sabi ng mga tao namatay sila." "Namatay pero walang maipakitang bangkay?" natatawa niyang sambit bago umalis sa pagkakaluhod. "Nakuha ko na yung hinahanap ko, pwede na tayong umuwi." Sa kamay niya, may hawak siyang itim na libro. Agad na nangunot ang kilay ko nang makita ko ang pentagram na nakaukit sa balat nito. Napansin ni Geneva ang tintitigan ko kaya naman nangingiti niya itong ipinakita sa akin. "Gusto mo bang tingnan?" Hindi na ako sumagot sa kanya, bagkus ay kinuha ko na lang mula sa kamay niya ang itim na libro at kunot noong pinagmasdan ang mga nakasulat dito. May nakita akong imahe ng dalawang tao sa unang pahina, magkayakap ang mga ito. Sa pangalawnang pahina naman, may nakita akong isang imahe ng tao na nakaluhod sa gitna ng pentagram. Sa ilalim ng mga imaheng iyon ay may mga salitang nakasulat sa latin. "Subukan natin lahat ng ito sa susunod na kabilugan ng buwan, Morana," saad ni Geneva. Kunot noo akong lumingon sa kanya bago ibinalik sa mga kamay niya ang librong ipinahiram niya sa akin. "No, thanks. Hindi mo na ako mapapabalik sa bahay na 'to," singhal ko sa kanya na ikinatawa niya. Palabas na kami sa kwartong iyon nang makarinig kami ng kalabog sa bubungan. Mabilis na yumakap sa akin si Geneva nang dahil sa gulat habang ako naman ay walang ibang ginawa kung hindi ang kunot noong tumingala sa bubungan. "A-Ano yon?" natatakot niyang wika. Nakarinig kami ng huni ng isang ibon mula sa taas. Mukhang ako nga lang ay may matibay na loob sa aming dalawa dahil tila ba ngayon lang ako tinalban ng lakas ng loob. Si Geneva lang yata yung kilala kong mahilig sa mga ganitong klase ng gawain na medyo duwag. "Lumayo ka nga," naiirita kong sambit nang maramdaman ko ang mga kuko niyang bumakat sa balat ko. "Ibon lang iyon. Wag kang mag-alala." "Hindi lang iyon basta ibon lang, Morana! Uwak iyon!" hindi makapaniwala niyang sambit na ikinaangat ng kilay ko. "Alam mo ba kung anong simbolo ng uwak sa mga ganitong klase ng lugar?" "Hindi ko alam," sagot ko na lang bago mahinang napalunok sa sarili. "Umuwi na kasi tayo." Nang makalabas kami sa kubong iyon, halos mapatalon pa kaming dalawa sa gulat nang may lumipad na uwamk sa harapan namin. Tulad ng nakagawian, nanlilisik ang mga mata nito nang mapansin ko ang titig nito sa amin. "Morana, takbo!" sigaw agad ni Geneva bago siya nagtatakbong umalis sa lugar na iyon kasama ng librong hawak niya. Lakas loob kong pinagmasdan ang uwak na ngayon ay nakadapo sa isa sa mga punong naroroon. Matalim itong nakatitig sa akin na nakapag dala ng hilakbot sa akin. Wala na si Geneva kaya naman mabilis kong tinahak ang lugar kung saan siya tumakbo. Hindi ko na siya nakita pa ng gabing iyon pero nang matanggap ko ang mensahe niya pagka-uwi ko ng bahay, doon lang ako nakahinga nang malalim. "Pasensya ka na talaga, Morana!" naiiyak niyang sambit nang nagkita kami kinabukasan sa klase. "Hindi ko talaga alam. Ang buong akala ko, matapang na ako." "Okay lang," sagot ko sa kanya bago umakbay sa balikat nito na ikinabawas ng panginginig niya sa takot. "Anong balak natin mamayang gabi?" Nang mapunta kami sa kubong iyon, doon ko lang na-realize na maganda pala talaga ang ganitong klase ng hobby. Minsan kasi ay wala akong ibang pinagkakaabalahan kung hindi ang maglaro ng online games sa kwarto ko. Hindi ko naman inaasahan na may thrill pala kapag ganito. Doon lang ako nahilig sa mga ganitong klase ng gawain. Ang buong akala ko, inaaksaya lang namin ang oras namin sa mga ganitong klase ng gawain. Hindi ko naman inaasahan na maganda pala... talaga. "Morana!" sigaw ni Geneva nang magkita kami sa hallway. May isang taon na ang nakalilipas simula nang mangyari ang lahat. Hindi na rin naman kami bumalik sa kubong iyon dahil ang balita namin, sinunog na raw ang bahay na iyon. Lahat ng nakumpiska nilang gamit sa kubong iyon ay sinunog nila o hindi naman kaya ay ibinaon sa lupa. Ang sabi nila, lahat daw ng taong sumunod sa kubong iyon ay nangamatay. May ilang nakaligtas pero hindi kalaunan naman ay binigyan ng isang malubhang sakit. Mabuti nga lang at walang ibang nangyaring masama sa amin ni Geneva dahil kung tutuusin, nasa amin pa ang itim na librong pagmamay-ari ng mag-asawa. Na kay Geneva pa ang libro. "Pasensya na kung hindi kita na-update sa thesis natin last week. Nagkaroon kami ng biglaang outing sa Baler kaya..." aniya na marahan kong tinanguan. "May pupuntahan nga pala ako mamayang gabi. Gusto mo bang sumama?" "Kung may kinalaman na naman iyan sa mga walang kwenta mong—" "Matagal ko nang tinigilan 'yon," natatawa niyang saad na ngiwian ko na lang. "Ano? Game ka ba?" Hindi ako kumibo kaya naman marahan siyang umayos sa pagkakatayo. "Don't worry, kasama naman natin sila Giselle at saka si Ning. Ang sabi ni Glaiza ay pupunta rin daw siya para samahan tayo," aniya pa. Nang makita ko ang nangungusap niyang mga mata, wala na akong nagawa kung hindi ang sumimangot at tumango na rin sa gusto niyang mangyari. "Don't worry dahil nandito lang ako... Hindi kita iiwanan, Morana." "Sinabi mo na rin iyan dati, Geneva," asik ko sa kanya dahilan upang natatawa niyang hinampas ang balikat ko na animong nakikipagbiruan ako sa kanya. "Bandang huli, iniwan mo rin ako." "Hindi na, Morana. I promise you, hindi na talaga," saad niya pa na hindi ko na kinibo. "Patayin mo 'ko once na iniwan ulit kita," biro niya pa na inismiran ko na lang. Agad na nangunot ang noo ko nang pinuntahan ko ang address ng bahay nila Geneva kinagabihan. Nakapatay halos lahat ng ilaw na maging ang garahe ay sobrang dilim. Mabuti na lang at medyo maliwanag ang buwan ngayon kaya naman kahit na papaano ay hindi ko na binuksan ang flashlight ng cellphone na dala ko. "Hello? Nasaan ka na, Ning?" tanong ko sa isa pa naming kaibigan sa kabilang kinya. "Nandito na ako sa labas ng bahay nila Geneva." "Huh? Anong sinasabi mo, Morana?" taka nitong tanong dahilan upang taas kilay akong lumingon sa taas ng bintana ng kwarto ni Geneva. "May... sinabi ba siyang magkikita-kita tayo sa bahay nila?" "Hindi ba sinasabi sa 'yo ni Geneva, Ning?" tanong ko na mahina niyang ikinatawa sa kabilang linya. "May dalawang linggo na kaming hindi nag-uusap ni Geneva, Morana. Nag-away kasi kami nitong nakaraan dahil ayaw ko sa mga ipinapagawa niya sa akin. Tanga na lang ang sasakay sa mga trip niya sa buhay," paliwanag nito sa kanya. Agad kong pinutol ang tawag ni Ning nang narinig ko ang kaluskos mula sa loob ng garahe. Nang marinig ko ang pagbukas ng gate at iniluwa nito si Geneva, hindi na ako nagdalawang isip pa na ngumiti pabalik sa kanya. "Kanina ka pa ba dyan, Morana? Kanina pa kita tinatawagan pero busy ang linya mo," aniya bago lumingon sa cellphone kong ngayon ay marahan ko nang itinatago sa likuran ko. "May... problema ba?" "Tinatawagan ko lang si Ning pero... hindi ko kasi siya ma-contact." "Nakausap ko na siya, Morana. Ang sabi niya ay papunta na raw siya," taas-kilay nitong sagot bago isinenyas sa akin na pumasok sa loob na ginawa ko naman. "May niluto nga pala ako para sa inyo." "Marunong kang magluto?" natatawa kong tanong dahilan upang pabiro niya akong siniko sa tagiliran. Nang makapasok sa loob, doon lang nagsink-in sa akin ang lahat. "Bakit nga pala sobrang dilim dito sa bahay niyo?" "Wala kasi kaming kuryente at nasa probinsya naman ang parents ko," sagot niya na nakanguso kong tinanguan. May inabot siyang kandila sa akin, nakatulos na ito nang iniabot niya sa akin. "Hintayin mo na lang ako dito sa salas. Aakyat lang ako para ihanda lahat." Wala akong nagawa kung hindi ang tumango sa kanya. Pinagmasdan ko siyang lumakad patungo sa hagdan bago ko muling tinawagan si Ning. "Hello, Morana?" "Ning, ang sabi niya sa 'kin, papunta ka na raw?" "Ang kulit mo naman, Morana," natatawa niyang sambit na ikinakunot ng noo ko. "Hindi ako pupunta dahil nga nag-away kami at wala na rin akong planong makipag kaibigan dyan sa kaibigan mo kahit na pilitin mo pa ako. Pati nga sila Giselle at Glaiza, lumalayo na rin sa kanya dahil sa mga katarantaduhang ginagawa niya sa buhay." "Si Giselle at Glaiza?" hindi makapaniwala kong sambit. "P-Pero sinabi niya sa akin kaninang umaga na... pupunta rin daw sila rito kasama mo." "Hindi mangyayari iyon, Morana, dahil nakausap ko na sila kanina bago ka pa man tumawag sa akin," sagot niya na kunot noo kong pinakinggan. "Don't tell me... nagpunta ka?" "Nandito na ako ngayon sa salas nila. Nakaupo." "Morana, sinasabi ko sa 'yo, pagsisisihan mo yan," aniya na animong tinatakot pa ako. "Hindi naman sa tinatakot kita pero... paano kung gawin niya sa 'yo lahat ng ginawa niya sa amin nung nakaraang linggo?" "Ginawa niya sa 'yo?" "Nasaan siya?" tanong niya na tila ba binabalewala ang tanong ko sa kanya kanina. "Morana, nasaan siya?" tanong niya nang hindi ko siya sinagot. "N-Nasa taas..." "Nasaan ang parents niya?" tanong pa ni Ning sa isang seryosong tono. "Please tell me, nandyan ang parents niya, hindi ba?" "A-Ang sabi niya ay umuwi raw ng probinsya..." "f**k," singhal niya sa kabilang linya na mas lalo kong ikinagulat. "Umalis ka na sa lugar na yan ngayon din!" "Hindi kita maintindihan, Ning..." "Sinong kausap mo?"  Mabilis kong pinatay ang tawag kay Ning nang marinig ko si Geneva na nagsalita sa likuran ko. Inosente siyang ngumiti sa akin na mas lalong ikinabilis ng t***k ng puso ko.  "A-Ah. Nanay ko. Nagtatanong kung nasaan ako ngayon," sagot ko sa kanya na ikinangiwi niya bago tumango.  "Nasa taas yung pagkain. Nakahain na rin." "H-Hindi ba muna natin hihintayin sila Ning?" tanong ko sa pagbabaka sakaling gumagawa lang sila ng prank para takutin ako. "A-Ang sabi niya ay papunta na rin siya." "Sabihin mo wag na. Hindi ko na siya kailangan," aniya bago umismid at hinawakan ako sa braso. "Bakit nanginginig ka? May problema ba, Morana?" "Wala naman," sagot ko bago kinuha ang kamay ko mula sa kanya na ikinaangat ng kilay niya. "Baka nga... nagugutom lang ako." Nang dahil sa sagot ko, wala siyang ibang nagawa kung hindi ang humagikgik at nagtungo na kami sa taas. Medyo madilim sa loob nang pumasok ako. Agad na nangunot ang noo ko nang makita ko ang mga kandilang nakatirik sa sahig. Sa gitna ng kwarto niya ay may nakaguhit na pentagram. Mas lalo lamang akong kinabahan nang marinig ko siyang isinarado ang pintuan ng kwarto niya. "Anong ibig s-sabihin nito, Geneva?" Bago pa man ako makalingon sa kanya, naramdaman ko na ang isang matigas na bagay na humampas sa gilid ng ulo ko na naging dahilan kung bakit daglian akong bumulagta sa sahig kung saan nakaguhit ang pentagram na gawa niya. "Relax, Morana. Hindi naman ito magiging masakit," aniya sa mapaglarong tinig. "Lalo na kung makiki-cooperate ka na lang sa halip na lumaban." Ramdam ko ang pagguhit ng dugo sa gilid ng ulo ko. Bahagya na ring akong nakakaramdam ng hilo at panghihina nang dahil sa ginawa niya pero sinikap ko pa ring lumingon upang pagmasdan siya mula sa kinahihigaan ko. Nagsimula siyang magbanggit ng orasyon habang nakatitig sa itim na librong hawak niya. Hindi ko alam kung nag-iilusyon lang ako pero... nakita ko kung paanong lumabas ang itim na usok mula sa librong iyon. Hindi nagtagal ay tuluyan na ngang umihip ang isang malamig na hangin mula sa bintana ng kwarto niya. Isa-isang namatay ang mga kandilang nakatulos sa gilid ng kwarto at kasabay nito ay ang pagkulog mula sa kalangitan. "f**k. Nagkamali yata ako ng bigkas," aniya dahilan upang nanghihina akong lumingon sa kanya. "Hindi dapat ganito ang mangyayari! Hindi dapat mamamatay ang mga kandila! Hindi dapat uulan! Hindi dapat kukulog!" dagdag pa niya. Nanginginig niya akong pinagmasdan mula sa sahig at agad niyang nabitawan ang itim na librong hawak niya. "G-Geneva," mahina kong usal upang gisingin siya sa kahibangang ito. "N-Nahihilo ako..." Natatakot niyang nilingon ang librong nasa gilid ko at naluluhang tumakbo palabas ng silid na iyon nang hindi man lang ako tinulungan. Bakas sa mukha niya ang takot at pag-aalinlangan na tulungan ako dahil... natitiyak niya sigurong makukulong siya sa oras na magsumbong ako sa awtoridad. Isang usok ang nakita kong lumabas sa libro nang lumingon ako rito. Nakita ko itong pumasok sa loob ng katawan ko bago ko pa man naramdaman ang matinding pagod na naging dahilan upang tuluyan na rin akong nawalan ng malay.

editor-pick
Dreame-Editor's pick

bc

Mang Julio (SSPG)

read
43.5K
bc

BAD MOUTH-SSPG

read
19.9K
bc

Wife For A Year

read
70.4K
bc

SYLUS MONTENEGRO

read
14.9K
bc

Heiress Bodyguard (Tagalog / SPG)

read
13.8K
bc

In Bed with The Governor-SPG

read
318.3K
bc

Devirginizing My Hot Boss

read
116.3K

Scan code to download app

download_iosApp Store
google icon
Google Play
Facebook