Chapter 9

1509 Words
“We are not blood related, because-” panimula ni Deimos. “The three of us came from an orphanage.” Ang huling salitang binanggit ni Deimos ay parang isang punyal na sumaksak sa akin. Hindi ko lubos maisip na ang isang katulad ni Eros na parating nakangiti ay may pinagdaanang ganito sa buhay. Hindi ko lubos maisip kung ano ang pakiramdam ng mawalan ng magulang. O, kung gaano ba ito kasakit. Mabilis na lumipat ang aking atensyon mula sa pakikinig kay Deimos, papunta kay Eros, na may malawak na ngiti sa labi habang inaasikaso ang kanilang mga customer. “Is this the reason why he was such an attention seeker?” tanong ko sa sarili ng maalala kung paano ako kulitin at sundan ni Eros sa bawat araw na lumilipas.  “At kaya biglang tumakbo palabas si Eros noong isang araw ay dahil sa trauma niya sa aming dalawa ni Couper. Parati kasi namin siyang binu-bully at napagdidiskitahan noon. Dahil mas nauna kami sa kaniya ng ilang taon sa orphanage at mas matanda kami sa kaniya,” paliwanag ni Deimos na tila ba sa ilang segundong pagpapaliwanag ay nagawa niyang alalahanin ang mga pinagdaanan nila sa bahay ampunan. “Tatlong taon pa lamang kami ni Couper ay nasa orphanage na kami. . .” pagpapatuloy ni Deimos. “Dahil sa sabay na naaksidente ang mga magulang namin at wala maski isa sa mga kamag-anak namin ang may gustong kumuha sa amin. What a coincidence, right?” dagdag niya pa bago ngumiti ng malawak sa akin at tila ba napakaliit na bagay lamang ang nangyaring aksidente. Akala ko ay hindi na siya magkukuwento dahil masyadong personal ang bagay na ‘yon. Isa pa, nasagot na naman niya ang tanong ko. And, that answer was more than enough for me. “I don’t know if I should tell you this-” he continued hesitantly. It was like he was having a battle against himself, whether he should, or, shouldn’t say a word. “Huwag-” “Pero, alam ko namang mapagkakatiwalaan kita. Sasabihin ko na rin ito sa ‘yo. So you could understand him better,” putol ni Deimos sa aking sasabihin. “Dinala siya sa orphanage dahil tanging siya lang ang nakaligtas sa sunog na kumitil sa mga magulang niya,” mahinang sambit ni Deimos. Mahina ngunit sapat na para marinig ko. Gusto kong sabihin kay Deimos na hindi na niya kailangan pa na sabihin sa akin ang tungkol sa nakaraan ni Eros. Dahil mas mabuti na si Eros mismo ang mag kuwento sa akin. It was Eros who should decide if he would tell his story, or, not. But, there is this tiny person inside me that was telling me listen carefully, for me to know more about him. About Eros Zen behind those bubbly attitude and smile of his. “Wala rin siyang kamag-anak na kaya siyang alagaan. Kaya sa orphanage rin ang naging bagsak niya. And then, after another two years, we finally found our new home. Inampon kami ng kinikilala namin ngayon na mga magulang,” muling pagpapatuloy ni Deimos.  Walang pag-aalinlangan niyang ibinahagi sa akin ang kuwento ng tunay na magulang ni Eros at ng kinikilala niya ngayon na magulang. Matalik na magkakaibigan ang mga ito, at katulad namin ni Eros, chemistry majors din ang mga ito at nagtatrabaho bilang researcher sa magkahiwalay na kompanya. Ang mga magulang ni Eros ay parehong nasa pharmaceutical at medicine development. Kaya hindi nakapagtataka na pinili rin ni Eros ang aming kurso ngayon. “That’s a painful childhood memory. But, looks like your parents give you so much love,” wala sa sarili kong sabi bago lingunin si Clyde na ngayon ay nakatayo sa gilid ng lamesa, bitbit ang isang tray na may lamang tatlong tasa ng kape. “Ano ‘yang tingin na ‘yan? Hindi ako ampon, okay,” maagap na depensa niya. “Legal at biological ako na anak ng mga magulang ko. Understood!” madiin niya pang sabi. “Wala naman akong sinasabi, ah,” depensa ko naman. “Kung makatingin ka kasi,” he murmured habang inilalapag sa lamesa ang mga tasa ng kape. Right after that everyone went silent as we began digging in the slices of cake in front of us. Pagkatapos kong maubos ang cake ay nagpaalam na ako sa kanila para pumunta sa basement at ipagpatuloy ang aming group project.  “Cyllene!” tawag ni Eros sa aking pangalan ng sundan niya ako. “Sabihin mo, anong pinag-usapan niyo?” may kataasan ang tono niyang tanong.  Inabot niya ang aking braso at saka ako hinila at isinandal sa pader. And all of a sudden, he slammed his hands on the wall pinning me against it. “Anong sinabi sa ‘yo ni Kuya Deimos?” he asked while he locked his gaze into mine, which I can’t resist. His midnight-black orbs are too mesmerizing to avoid staring at. And now that he was standing in front of me up close, my mind’s now slowly going blank. All I can hear is my heart that is beating fast as if it was about to jump out of my chest. “Why do you wanna know? Iniiwasan mo nga sila, ‘di ba? Kaya imbes na tulungan mo ako sa paggawa sa draft ng project natin ay pinili mong magkahero muna dahil dumating sila,” walang emosyon kong sabi sa kabila ng gulat, mabilis na pagtibok ng aking puso at sakit ng likod, dahil sa ginawang biglaang pagsandal sa akin sa pader ni Eros. Ngunit sa halip na sagutin ang tanong ko ay umiwas lamang siya ng tingin hanggang sa lumipas ang isang minutong katahimikan. “Your brother said that you are avoiding them because they used to teased you when you’re still a child. Hence, the reason why you keep on running away whenever you see them,” pagpapatuloy ko habang abala ang aking utak sa pagpapakalma sa aking puso. “Ha? Hindi kaya!” depensa niya at mabilis pa sa alas-kuwatro siyang umatras. “Kung ganoon? Bakit ka tumakbo palayo noong makita mo sila?” nakataas ang kilay kong tanong habang humahakbang ako palapit sa kaniya. Acting liken this is out of my character because it’s not my hobby, nor, my attitude to try on someone else life. Pero bakit pagdating kaniya ay marami akong gustong malaman? Maraming tanong ang gusto kong itanong sa kaniya. “Because, I hate it,” mahina niyang sabi. “Hate it? Eh, gusto nga nila na pumunta tayo sa birthday celebration ng Kuya Couper mo,” sabi ko ng maalala ang imbitasyon nila sa amin kanina. “I hate it! That’s it. So, don’t ask anymore, and don’t try to pry on it!” singhal niya sa akin.  Sa isang iglap ay tila ba dumilim ang paligid pati ang kaniyang mga mata. Malinaw rin sa kaniyang mukha ang disgusto sa usapin tungkol sa kaniyang pamilya. It was like I accidentally stepped on a landmine that I shouldn’t have. “Fine,” I simply said to drop this conversation. PAGKATAPOS ng huli naming pag-uusap ni Eros ay bigla na lamang siyang tumahimik. Hindi na rin siya nag-iingay, at hindi na rin niya ako kinukulit na samahan siya, o, sabayan sa pagkain. Ngunit kahit na nakapagtataka at nakakapanibago ang katahimikan ni Eros, ay ipinagpapasalamat ko na rin ang biglaan niyang pagbabago. Dahil sa wakas ay naging tahimik na muli ang munti kong mundo. Ngunit iyon ang akala ko.  Dahil ilang araw lamang ang lumipas ay nag-umpisa naman ang halos araw-araw na pagpunta nina Kale at Nix sa aming department para lang mambulabog at mag-ingay.  “Cyllene!” sigaw ng kung sino man mula sa ‘di kalayuan. “Hey! Wait lang, Cyllene,” tawag pang muli nito kaya naman hinanap ko na kung sino man ang taong tumatawag sa akin. “Bakit mag-isa ka? Nasaan si Eros?” nagtatakang tanong ni Couper. Hawak na niya ang dibdib at habol-habol ang hininga ay nagawa pa rin niyang tanawin ang likuran ko, naghahanap kung may kasama ba ako. “I don’t know. It’s not my responsibility to know where he was. Am I right?” sagot ko. “Tama ka nga naman,” natatawa niyang sabi ng sa wakas ay makabawi na siya ng hininga. Anong nakakatawa sa sinabi ko? “Sorry. I didn’t mean to laugh at you,” paumanhin niya ng makita ang nagtataka kong reaksyon. “Nakakatuwa lang kasi ang pagiging straight forward mo,” pagpapatuloy niya.  “I need to go,” I simply said after I fixed the strap of my bag, and the books on my left hand.  “Wait! You’re going to my party later, right?” pahabol na tanong niya. “Party? Later?” I mumbled. “Yes, my party. Remember? My birthday party. Aasahan ko na pupunta ka mamaya kasama si Eros.”  “I’m sorry, but I can’t.” pagtanggi ko sa alok niya. “Basta hihintayin ko kayo mamaya,” he said before he ran away as if he has an emergency situation to attend.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD