Chapter 8

1684 Words
“Bakit ba dito pa tayo gagawa ng report para chemical experiment natin? Kung puwede naman na sa library na lang natin gawin,” reklamo ni Thyone ng makarating kami sa tapat ng coffee shop nila Eros. Today one of our professors grouped us into three people in each group for a chemical experiment and research that we need to finish within the week. “Huwag ka na nga lang magreklamo liit,” tila naiinis ngunit mapang-asar na sabi ni Eros. “Sinong liit? Ha!” asik ni Thyone kay Eros at saka niya ito mahinang sinipa sa paa. “I have my own makeshift laboratory sa basement nitong cafe,” sabi ni Eros na hindi pinansin ang ginawa ni Thyone. “Kaya hindi na natin kailangan kumuha ng access pass para gumamit ng lab room sa campus at doon ipagpatuloy ang experiment. Kaya tara na.” I just mentally heaved a sigh as I shook my head at the sight of these two. Can I just do my report and continue the experiment on my own? Because I would gladly conduct and do it on my own. Instead of being stuck with these two, who keep on bickering ever since the groupings have been decided. “Eros!” masiglang bati ni Deimos at ng katabi nitong lalaki pagpasok namin sa cafe. “Who are-- Teka! Eros,” hindi ko na naituloy ang nais kong itanong dahil bigla na lamang tumakbo si Eros palabas ng cafe. Takot ba siya sa dalawang ‘to? May atraso ba siya sa kanila? O, baka naman may kasalanang nagawa si Eros sa kanila kaya ganoon na lamang ang reaksyon niya. “Let him be for now,” bulong ni Clyde na ngayon ay nasa tabi ko na at katulad ko ay nakatanaw sa glass door. Naguguluhan kong nilingon si Clyde. Habang si Thyone naman ay tahimik lamang na nagmamasid. “He’s been like that whenever we visit him,” mahinang sambit naman ni Deimos. “Visit him? Are you his friends?” I asked, full of curiosity. “No. Kapatid niya kami,” mabilis na sagot ng lalaki na nasa tabi ni Deimos. “I’m Couper, their older brother,” dagdag pa nito bago ilahad ang kaniyang kamay. Which I hesitantly accept. “Nice to meet you,” nakangiti niyang sambi. Kung katulad ako ng mga babaeng kasing edad ko at ng mga babae na narito sa cafe, baka kinikilig na rin ako at hindi magkandaugaga kung ano ang dapat gawin dahil sa ngiti ni Couper. But I’m not them. Kaya wala akong kahit na anong naramdaman bukod sa pagkailang. Which is the opposite whenever I’m with Eros. “Kapatid? But you don’t have any resemblance to each other?” komento ni Thyone ng nakarating kami sa bakanteng puwesto sa isang sulok ng cafe. “That’s because the three of us are not blood related,” sagot ni Couper na para bang isang simpleng bagay lamang ito. Pareho kaming gulat na tumingin ni Thyone sa tatlong lalaki na nasa aming harapan. Paano niya nagagawang sabihin ang ganoong uri ng bagay na tila ba balewala lamang ito? Na para bang isang napakaliit na bagay lamang nito at hindi na dapat pang alalahanin. Where in fact, that kind of matter was kind of a sensitive topic. Pero, para sa kanila ay tila balewala lamang iyon, at para bang kaswal lamang sa kanila na sabihin at ipaalam sa ibang tao ang bagay na ito. “We will explain it later. But for now can we ask a question?” Couper asked us. Na pareho naman naming sinagot ng tango ni Thyone. “Bakit kasama n’yo si Eros?” “We need to do our report and the three of us are in one group,” mabilis at walang paligoy-ligoy na paliwanag ni Thyone. Alam ko na katulad ko ay gustong-gusto na rin ni Thyone na umpisahan ang aming experiment at report para matapos na namin ito. At para makapag-focus kami sa sarili naming research papers. Lihim akong bumuga ng hangin dahil sa pagkailang na nararamdaman. Ilang segundong naghari ang katahimikan, walang nagsasalita at para bang pare-pareho nilang tinitimbang ang sitwasyon. Katulad ko, hindi ko kilala si Couper at hindi ko rin lubos na kilala si Deimos, kaya naman hindi ko alam kung paano ko sila kakausapin, o, kung paano ko sila patutunguhan. Ganoon rin si Thyone na maliban sa akin ay hindi niya kilala ang mga kalalakihan na kaharap namin. Gusto ko man na tumayo upang lumabas ng cafe at lumanghap ng sariwang hangin, pero, hindi ko magawa. Dahil kapag umalis ako ngayon ay automatically aalis na rin si Thyone. At kapag nangyari ‘yon, hindi na namin maipagpapatuloy ang dapat naming gawin. Mahihirapan kami sa schedules namin dahil katulad ko, ay research assistant din siya ng isa sa mga professor namin. “Sa tingin ko dapat na kaming umalis. Dahil bigla na lang umalis si Eros, at kami na lang naman ni Cyllene ang narito. Kami na lang ang bahalang gumawa ng report,” Thyone said in monotone that killed the awkward atmosphere. “Why bother leaving when you can freely do it here. Eros will be coming home later. I’m sure of it,” pigil ni Clyde sa amin ni Thyone na nagbabadya ang pag-alis. “At saka, ready na rin ang materials na gagamitin n’yo sa makeshift laboratory ni Eros na nasa basement,” dagdag pa niya ng ibaling niya sa akin ang kaniyang tingin. “Pero baka maabala lang namin kayo,” I hesitantly said. Pinanlakihan lamang ako ng mata ni Clyde. Na para bang may mali akong nagawa o nasabi. “Hindi. Hindi kayo abala. Kaya sige na, sasamahan ko kayo sa laboratory ni Eros. Para magawa n’yo ang group activity na ‘yan,” saad naman ni Couper ng abutin niya ang kamay namin ni Thyone. At saka kami hinila papunta sa kusina ng cafe. “Okay,” we both said in defeat as we followed him. “Kasalanan din naman namin ni Deimos kung bakit bigla na lang tumakbo si Eros. Hintayin n’yo na lang siya dito,” pagpapatuloy ni Couper hanggang sa makarating kami sa pinto palabas ng kusina. At paglabas namin ng kusina ay sumalubong sa amin ang iba’t-ibang uri ng sasakyan. Nasa parking area na kami nitong building. Nagtataka kaming nagkatitigan ni Thyone ng bigla ay hinawakan ni Couper ang aming balikat. “This way,” bulong niya bago kami bahagyang itulak papunta sa direksyon ng pintuan sa isang sulok nitong parking area. Ang malamig na temperatura at ang malaking white board na puno ng sulat kamay ni Eros ang sumalubong sa amin ng buksan ni Couper ang pinto ng laboratory ni Eros. Sa tapat nito ay naroon ang isang mahabang laboratory table kung saan nakapatong ang iba’t-ibang uri ng aparato katulad ng test tube rack, microscope, burner at iba pa. Sa kaliwang bahagi naman ng white board ay may isang glass steel cabinet na puno ng iba’t-ibang laboratory apparatus. At sa kanang bahagi nito ay may bookshelf na gawa sa kahoy at punong-puno ng iba’t-ibang chemistry books. Sa tapat naman ng bookshelf ay naroon ang study table at computer ni Eros. Marami ring papel sa table ni Eros na maayos na nakasalansan. Kaagad na nagpaalam sa amin Couper kaya naman kaming dalawa na lamang ni Thyone ang naiwan sa loob ng laboratory ni Eros. At para hindi masayang ang aming oras ay inumpisahan na namin ang aming group project, tutal naman may pahintulot na kami ni Eros. Isa pa, siya ang nagsabi at nag-offer kanina na gamitin namin ang labortory niya. Kung hindi lang sana siya tumakbo kanina ay mas mabilis at madali naming magagawa ang group project na ito. More than an hour had passed since Thyone and I started conducting our experiment while we both wrote down our observations and drafts for the report. And only silence filled the air between us inside this quite spacious room. But, that silence didn’t last long when Eros finally showed up. Because in less than a minute they began bickering again. . . . It’s been three days since we began our group project. At ngayon, nandito na naman ako cafe kasama Eros. Kaslaukuyan naming hinihintay si Thyone na dumating para ipagppatuloy ang paggawa ng aming report at presentation. At habang naghihintay ay ipinagpatuloy ko na lamang ang draft ng aking report. “Not blood related. . . Not blood related. . . Not blood related. . . Not blood related. . . Not blood related.” Paulit-ulit na tumatakbo sa isipan ko ang katagang ito habang abala ang aking mga daliri ay abala sa pagtipa sa keyboard ng aking laptop. Hindi ko alam pero parang may nag-uusig sa akin na alamin ang kuwento sa likod ng tatlong salitang iyon. Tatlong salitang binitawan ni Couper na nagawang bulabugin ang isipan ko at ang pagnanais na mas kilalanin pa si Eros. Because just as what the saying goes; “Curiosity killed the cat, but satisfaction brought it back.” Higit sa lahat, hindi ko matiis ang kuryosidad na naglalaro sa aking utak. “Uhmm. . . Can I ask a question?” nag-aalinlangan kong tanong ng mag-angat ako ng tingin mula sa aking laptop papunta kay Deimos na narito rin ngayon sa cafe. Mabuti na lamang at nagawa kong pigilan si Eros sa muli niyang pagtakbo palabas ng dumating sina Couper at Deimos. At kasalukuyan siya ngayong abala na maging kahero dahil wala si Clyde at maraming customer ang dapat nilang asikasuhin. “Sa amin?” nagtatakang tanong ni Couper na itinuro pa ang sarili at si Deimos. “Okay. What is it?” he asked as if he already knew what I would ask. “When you say that you’re not blood related, what do you mean by that?” nahihiya man ay nagawa ko pa rin na itanong matapos kong muling ibaling ang aking atensyon sa kanila mula kay Eros. Hindi ko na naman namalayan na tinititigan ko na pala siya. “Deimos, you can do the explanation,” sabi ni Couper at saka nito tinapik sa balikat si Deimos.
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD