LAMPAS NA ng alas-dyes ng gabi nakarating sila Shana at Jett sa tinutukoy na Block 13 at nasa loob na sila ng area. Huminto ang gamit nilang van sa tapat ng isang masukal at madilim na kagubatan.
Ni hindi man lang sila nahirapan na makapasok sa lugar dahil hindi naman maayos ang pagkakalagay ng bakod nito. Sa katunayan, bukas ang kabila nitong pintuan nang naabutan nila at tila sadya iyon para makapasok sila.
Napaisip pa nga si Shana nang makita niya ito dahil tanda niya ang sinabi ng waiter sa kaniya na resticted na ang area na papasukin nila pero mukhang hindi yata ito minabuting isinara.
Bumuntong hininga si Jett nang makitang abala si Shana sa pagkakalikot ng kaniyang cellphone at kinailangan niya pa itong tawagin para lang ipaalam na nakarating na sila.
Napatigil naman ang dalaga at sabay pa silang napatingin sa windshield ng sasakyan. They stayed for a moment inside the vehicle and stared at the external surface.
The forest was very unnatural and strange that it almost covered by the fog. There were tall trees that mostly were out of leaves and the tiny branches beckoned the dark and dusky sky.
It was only illuminated by the gleam of the full-moon and was obscured a bit of clouds every now and then. The leaping chirping insects were present and intensify the place with the whistling sound of wind.
Nagkalat din sa daan ang mga nalagas at tuyong mga dahon. There was nothing there but the revulsion atmosphere. Totoo nga ang sinabi ng waiter at mga narinig ni Shana.
The place was indeed horrifying na maaari ngang marami ditong kakaibang nilalang at nawawala pero hindi naman siya nito nasindak. Hindi na bago ang ganito sa kaniya or sa kanila ni Jett because this is actually their field.
She leered a smile to what she saw and quickly got out of the ram van while her video camera was hanging on her neck. She took a snapshot of the area using her cellphone and immediately tag it on her e-mail account sending to Mr. Buenaventura.
Kanina pa kasi siya nito kinukulit sa e-mail tungkol sa nangyayari sa kanila. At buti na lang sa e-mail at hindi sa text o tawag dahil panigurado mala-Mesozoic Era na naman ang tema at ritmo ng boses no'n.
Isa pa, iyon talaga ang isa sa mga ibinilin sa kaniya ng terror-nasaur nilang boss; ang magbigay ng status sa ginagawa nilang research. Ang totoo, nakalimutan na nga niya kaagad 'yon at mabuti na lang may silbi ang kakulitan ng boss niya at naalala niya.
She was waiting to send her e-mail at napakunot noo na siya sa kahihintay and up until now was still sending. God! just send already! 'Wag kang mag-topak. Punyemas! She told herself.
Lumayo siya ng bahagya at nagpaikot-ikot habang itinataas ang aparatus niya. Nawawala-wala na kasi ang signal ng cellphone.
"Hindi ka pwedeng hindi mag-send!" Pagmamaktol niya pa sa sarili habang napapatalon na siya para lang mag-connect ulit at magdagdag ang signal.
Subalit napalingon na lang siya nang napasigaw at napamura si Jett na nasa labas at gilid na ng kotse at nakayuko. Hinampas nito ang parte ng hood ng van at iniilawan ng hawak niyang flashlight ang gulong.
"O, anu problema?" Tanong ni Shana nang makalapit siya sa binata at napailing na din sa tinitignan nito.
"Na flat-an tayo and we got no extra tire here" Sagot ni Jett na hindi pa rin naalis ang tingin sa gulong na tinitignan niya.
"Anu?" Shana replied back as to what she heard and hung her few hairs in the back of her ears. Pagkatapos ay napatingin siya bigla sa kaniyang cellphone.
"Oh shoot! Pati cellphone ko tuluyan nang nawala ang signal. Ugh!" She snarled and frowned right after she saw her cellular phone and turned it back to her jeans.
"Otis, 'yong totoo may balat ka ba sa pwet?" Shana questioned as she put her two hands on her waist and limiting the size of her eyes pointing to Jett.
"Shana naman...stop talking nonsense. Papanu ta'yo nito makakauwi?" He asked while getting upright from sitting in a crouche posture.
Napa-crossed arms naman si Shana nang maisip ang tanong ni Jett. She turned aside her eyes and thought of instant. "Just let it be, magpapalipas na lang tayo ng gabi diyan sa loob pagkatapos ng gagawin nating paglilibot. Okay naman diyan eh" She suggested.
Lumaki naman ang mata ni Jett and mouthed the word "no way" but he was just closed straightaway when Shana had shook her head for "yes". He closed his eyes for a second and took a deep breath.
Ito na naman ang sitwasyon na 'to na hindi siya mapakali at nagsisitakbuhan na naman ang pintig ng puso niya. He couldn't still used to it. Lalo na naman ngayon na pumasok sa isipan niya ang sinabi ni Shana na matutulog sila sa iisang lugar.
Okay, take it easy Jett. You're fine. You're calm. Yeah, I'm calm. He chattered and convinced himself.
Jett traced another look at Shana and showed a face of agreement. "What are we going to do in here anyway?" Tanong niya sa dalaga. Naglakad siya pa-unahan at tinuturo-turo ang nakabukas na flashlight sa lahat ng bahagi ng kagubatan.
Nag-isip naman si Shana. Hindi pa pala niya nasasabi kay Jett ang nalalaman niya. If she told him, It'll be sure that he'll make a way to avoid or get out of this place as soonest. Lalo na kung hindi pinaghahandaan at nagpapaalam sa may awturidad ng lugar. 'Yon pa naman ang ayaw ni Jett.
"Ito daw kasi ang part ng Montgomery na may kababalaghan so I thought to checked this as soon as possible para sa next day eh mapaghandaan natin," She filtered the words while she twisted around to Jett's view and crossed her fingers behind her back.
"In this hour? Pwede namang bukas na lang saka 'di ba dapat nagtatanong at nagpapatulong muna tayo?" Balik na tanong ni Jett na ngayo'y humarap na kay Shana.
Napahigpit pa ng pag-cross ng daliri si Shana sa narinig na sabat ng kaniyang kaibigan. Mukhang hindi yata siya lulusot.
"No. Hindi pwede. Humihingi na si Sir Buenaventura ng files saka hindi naman ta'yo tatagal sa paglilibot. Isa pa, resticted na 'to kaya for sure hindi ta'yo papasukin dito---" She covered her mouth and realized she had said it. Siya na mismo ang pumutol sa pagpapaliwanag niya dahil nadulas siya sa pagsasabi. Damn this tongue!
Lumapit naman sa kaniya ng kaunti si Jett at nakasalubong ang mga kilay nito. "Restricted? You didn't say that before, Shana" The man suspiciously gazed his friend.
Nagpakamot-kamot naman ng ulo si Shana and imprinted a smile as a sign of favor to spare her. Wala na naman kasi siyang maisip na palusot. She exhaled and started to explain everything to Jett.
I guess I have no choice after all.
Ikwenento niya mula doon sa narinig niyang usap-usapan at nakuha niyang impormasyon sa waiter. Inisip pa nga niyang sabihin ang tungkol sa matandang lalaki sa hotel pero hindi na lang niya tinuloy dahil ayaw niyang maiwan ulit ito sa utak niya. Nakakatakot pa naman ang boses at itsura no'n.
Matapos ang mahabang paliwanag ni Shana sa kaibigan, sa wakas ay sumangayon naman ito sa kaniya. Dapat pala kanina niya pa ito sinabi. Hindi naman pala aayaw si Jett,pinahirapan pa siya.
"Fine lets finish this" Finally, Jett had decided.
Napangiti lang si Shana saka ipinasa kay Jett ang video camera at nagdala rin siya ng sariling flashlight.
Block 13 here we come!
PUMASOK SILA sa gubat at mas lalong dumilim ang paligid. The haze continued to suspend in the atmosphere and was a bit total of vague to see things. Nawawala-wala naman ito kahit papanu at meron naman silang flashlight para makita ang dinadaan nila.
As they continue, Shana and Jett lifted once again their attention to the surroundings while filming the video. There were soaring dark thin trees everywhere.
They could here the crickets and squeak of insects and even the howling noise of an owl. There were also some eyes fluttering and lurking in the dark as if they were following by those gazes.
Dumampi naman sa balat ni Shana ang isang malamig na hangin dahilan para magtaasan ang mga balahibo niya. Nainis lang siya nang tinignan niya ang balat. Hindi naman kasi siya natatakot talaga pero kung makataas ang balahibo niya ay advance na agad. She rubbed her skin to stopped the goose bumps.
"Shana, sigurado ka ba dito sa ginawa natin? 'Tong pagbabaliktad ng suot nating damit?" Jett inquired. Palinga-linga siya sa paligid habang kumukuha pa rin ng video.
Bago pa man kasi sila tumuloy sa paglilibot ay nagsuhesyon na si Shana na baliktarin muna ang kanilang suot na damit. She reasoned out that It'll make an amulet for engaging in something risky they're doing right now. And they couldn't afford to lose track while undertaking it, nakasalalay pa naman ang trabaho at sweldo nila kay Mr. Buenaventura.
"Oo noh. 'Di ba nga ang sabi ng mga matatanda kailangan baliktad ang suot na damit sa mga maligno o halimaw na nangliligaw. 'Yon daw ang panglaban do'n," Seryusong turan ni Shana na abala rin sa pagtitingin-tingin at pagkukuha ng iilang imahe gamit ang kaniyang cellphone.
"E, hindi ba sa tikbalang 'yon? Saka wala naman yata no'n dito and besides we are looking for a vampire's trace or even a real one. And how'd you know that we could find it here?" Tinanggal pa ni Jett ang video camera na nakatututok sa mata niya para lang harapin muna ng saglit si Shana.
"Nag google lang ako and I accidentaly found this spookiest information and so I picked this place. And about the tikbalang, hindi ko din alam. Wala naman nabanggit na meron pero marami nga raw nawawala dito 'di ba? So it means they couldn't find their way out at baka masabay ta'yo do'n so this is much better" Shana notioned and move her both hands in the air.
"I just hope this one is effective. But are you sure that there's a vampire here? O makakahanap ba ta'yo ng impormasyon tungkol sa mga bampirang 'yan?"
Napabuga ng hangin si Shana and rolled her eyes once she heard another question from Jett. Naisipan niyang itutok sa may baba niya ang flashlight na hawak niya and widened her eyes as if she wanted to make a scary look.
"Oh, I don't know Mister Jett Kabble" She mimic a voice of a terrifying some sort of monster. Trying to tease her friend. Natigil lang din naman siya no'ng pinakitaan siya ni Jett ng blankong ekspresiyon.
Bumusangot naman ang dalaga at binalik ang dating itsura; nagseryuso at nauna ng kunti sa paglalakad. "I don't know but I trust my instinct. Saka kung wala eh di aalis tayo dito at pupunta sa ibang lugar. We could explain that to our boss"
"Tch. Padalos-dalos ka talaga kung minsan"
"'Wag ka na ngang magreklamo. Sisingilin ko naman ng dagdag na sweldo si Sir Buenaventura dito sa pinapagawa niya. Anu siya sinuwerte? Ang hirap kaya nito. Ay, teka Otis nakakakuha ka ba ng maayos na footage?"
Lumingon si Shana as soon as she finished her word ngunit laking gulat na lang niya nang wala na siyang makitang Jett sa kaniyang likuran. Mas lalo ding kumapal ang hamog na nasa paligid. Where could be that man? Or maybe he was mocking her now. Pero hindi naman gumagawa no'n si Jett.
Nagpalingon-lingon siya sa paligid. "Jett?" She called.
"Jett Kab-ble ng kuryente, yuhoo where are you? Naririnig mo ba ako?"
"Hey don't tell me this is your way for getting your own back" She continued to call. Nilipat-lipat niya pa ang hawak na flashlight sa iba't ibang gawi pero hindi niya talaga makita si Jett. Ni hindi na nga rin niya alam kung nasaang bahagi na siya ng kagubatan.
"Otis bumalik ka na sabi! Sasaksakin ko na talaga 'yang adams apple mo!" Once again she shouted.
Naligaw na yata si Otis o di kaya ako 'yong naliligaw? She confusingly asked. Pagkatapos ay tinignan niya ang sarili pati ang suot. Napasapo siya sa noo nang makitang hindi pala baliktad ang suot niyang parka tanging ang panloob lang niya.
Shana what were you thinking!
Itinuon na lang niya ang atensyon sa hawak na cellphone at nagsimula itong gamitin para mag-video ng paligid. Naglakad-lakad siya at nagbakasakaling makikita niya pa ang daan o mahanap si Jett ngunit nagulat siya bigla nang mahagip ng cellphone niya ang imahe ng isang tao sa di kalayuan.
Tinignan niya ang screen ng kaniyang aparatus saka tumingin sa direksyon ng imaheng natatanaw niya. Totoo ngang may tao doon and abruptly put her cellphone inside her parka. Napangiti siya at naglakad papalapit.
Una, hindi niya sigurado kung lalaki o babae ba ito dahil takip na takip ito ng kaniyang suot. The person was wearing a black velvet cape with hood that covered the entire body and couldn't identify well its face. Pero nasiguro na ni Shana na babae ito when she got close at her. It was an old woman that held a lantern and without the visibility of its hands.
Magsasalita pa lamang siya ay lumingon na agad ito sa kaniya which it took her by surprise. She was taken aback once more when she couldn't see the old woman's face and instead was covered by its white thick long hair; only the left pupil she could spotted.
"Tao?" The old woman in a dreadful voice asked.
Nagtaka naman si Shana sa tanong ng matanda. Weird. Why would she asked a strange question when it was obviously yes?
Tumango na lang si Shana ng walang anu-ano. "Ah eh---" She was interrupted by the old woman.
"Hm, ngayon lang kita dito nakita at mukhang nagkahiwalay kayo ng kaibigan mo. Halika tutulungan kitang hanapin siya" Utas ng matanda at pagkatapos nito ay nagmuthawi ang bibig niya ng kakaibang linggwahe sa pinakamahinang boses.
Nagsimulang maglakad ang matanda at wala naman sa isip na sumunod ang dalaga. Nagging blanko ang kaniyang isipan at tila na hypnotismo siya.
Parang isang robot na susunod-sunod at nakabuntot si Shana sa matanda. Mayamaya ay natigil siya sa paglalakad, iniling-iling ang ulo at napakunot ng noo.
"Teka, I know that this place is already abandoned at wala na ditong pumupunta pero bakit ikaw andito ka? Who are you? At hindi ko naman sinabi sa'yo na hinahanap ko ang kaibigan ko"
Natigil din ang matandang babae at sumama ang timpla ng itsura niya dahil ang bilis na maka-recover ng dalaga sa ginawa niya. Ilang segundo pang hindi tumitinag ang matanda at mayamaya ay nakarinig si Shana ng isang malakas na tawa.
Unti-unting lumingon ang matanda sa kinaroroonan ni Shana at humahalakhak ito. Lumalaki at nag-iiba ang itsura niya. The sinister looking old woman drifted in the midair. Her head was turned downward while her long white hairs float, frizz and shaping in curve in the air.
Her face was nothing but formed a huge and dark diamond-shaped eyes on it; veins were detectible and at the middle was a horrifying pupil that moved rapidly from side to side and in every corner of the eyes.
Samantala ang kapa nito ay bumukas at nagsilabasan ang mahahaba at malilikot na galamay at may matatalim itong mga ngipin.Namilog naman ang mga mata ni Shana sa gulat at parang na istatwa siya sa nakita.
Nakagalaw lang siya nang marinig niya ang pag-ungol ng halimaw at paulit-ulit nitong sambit na "bene olet" kahit hindi niya alam kung saan at papanu ito nakakapagsalita dahil wala naman itong bibig.
Napaatras siya ng dahan-dahan habang hindi pa rin pinuputol ang pagkakatingala sa halimaw. The old man's warning was right. Hindi pala dapat siya pumunta dito.
"Humani Sanguinis Incidisset"
"Benidect Mihi Anima Tua Unique Sanguine"
Sambit ng halimaw habang papalapit ito kay Shana. Hindi na naproseso pa ng dalaga ang linggwahe at sinasabi nito dahil sa takot na nararamdaman niya kaya't naisipan niyang tumakbo at tumakas.
Ngunit bago pa man iyon mangyari ay nakaramdam na siya ng sakit sa gawing tiyan niya. Pagkayuko ay nakita niyang nakatusok na pala ang isa sa mga galamay ng halimaw. Umagos ang dugo niya at nagkalat sa buong damit. Napaluha siya sa sakit at napaungol.
"Sanguine Tuo Mea" Salita ng halimaw at tumawa ito. Lumalapit na siya sa dalaga nang napasigaw naman ito ng malakas dahil biglang naputol ang nakabaon niyang galamay sa katawan ni Shana. Napaatras ang halimaw at nagwawala ito samantalang napabagsak naman ang dalaga sa lupa.
Inalis ng dalaga ang nakatusok sa kaniya and she was pressing her wounds with her hands. She heavily breath and was sweating in her situation as she felt the severity of the pain. Is this the end for me?
Parang mawawalan na talaga siya ng malay nang maaninag niya ang pigura ng isang lalaking nakatalikod sa kaniya at nilalabanan ang halimaw until she saw how the man ripped the monster's body with its bare hand that has a long claws at natupok ito ng apoy.
After that, the man turned to her direction and it all went black for her.
***
Latin Words:
*Human blood
*Give me your unique blood
*Your blood is mine