THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 19 AMARA’S POINT OF VIEW Nakatunganga lang ako buong maghapon dito sa puwesto ko, wala kasing costumer ngayon kaya hindi ako abala. Hindi rin ako nakapag-deliver ng bulaklak kay sir Barry ngayon dahil kay Papa, na siyang pinagbawalan ako at siya mismo ang nagdala ng bulaklak sa opisina nito. Gusto ko sanang umangal ngunit wala naman akong magawa dahil siya ang nasusunod, baka itapon niya ako’t itakwil pa bilang anak. Kung gagawin niya iyon, papaano ko siya maiaahon sa hirap at makapagbayad sa lahat ng kaniyang sakripisyo? Ang negative kasi ni Papa, hindi ko maintindihan kung ano ang tumatakbo sa isipan niya’t bigla na lang nagbago ang kaniyang ugali. Hindi naman siya ganiyan, ah! Hindi kaya’y sinunod niya iyong sinabi ko noon

