THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 18 THIRD-PERSON’S POINT OF VIEW Tahimik lang siyang nakatingin sa lalaking nakaupo sa counter at abala sa pakikipag-usap sa babaeng nasa kaniyang harapan. Napangisi siya nang makitang sinampal siya ng babae at iniwan doon. Mabilis siyang umiwas ng tingin nang mapansing lilingon ito sa direksiyon niya. Itinuon niya ang pansin sa alak na kaniyang iniinom. “So, ano na nga ang plano?!” Hindi niya pinansin ang sinabi ni Evander dahil muli siyang lumingon sa dating kaibigan at ngumisi. Itinaas niya ang hawak na bote ng beer. Hindi na nawala ang ngisi niya sa labi nang mapansing aligaga itong bumunot ng pera sa kaniyang bulsa at dali-daling umalis sa kaniyang puwesto. Tila ba nakakita ng isang multo ang lala

