THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 31 AMARA’S POINT OF VIEW Saktong pagdating namin sa bahay galing palengke ay naabutan namin si sir Barry sa sala. Prente lang itong nakaupo roon habang may hawak na wine glass at umiinom. Tanghaling tapat pero alak ang nilaklak ng lalaking ito. Pero bahala na, normal lang naman siguro ito sa mga mayayaman, na ginagawang tubig ang alak. Ibinaba nito ang hawak na baso at saka tumingin sa dereksiyon ko nang mapansin niya ako. Kinabahan ako sa paraan nang pagtingin niya, kaya naitago ko sa aking likuran ang mga kamay. Gusto kong tumakbo papalayo dahil pakiramdam ko’y hindi maganda ang timpla niya ngayon. “Where have you been?” tanong niya. Deretso ang tingin niya sa aking mga mata ngunit agad akong umiwas ng tingin. “S-Sa pale

