THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 32 THIRD-PERSON’S POINT OF VIEW NANG makasakay siya sa kaniyang kotse ay agad niya itong pinaandar at mabilis na umalis sa kaniyang bahay. Nakatanggap siya ng tawag mula kay Benjamin at sinabi nitong may lead na siya sa kaniyang ipinapahanap. Benjamin was good at investigating. Kaya pinagkakatiwalaan niya ang lalaki sa mga bagay na ito. Magaling din itong mang-hack ng mga computers at CCTV. Mabilis siyang nagmaneho papunta sa sinabi nitong tagpuan nilang dalawa. Madilim na ang buong lugar pero ang Metro ay tila buhay na buhay pa rin dahil sa mga ilaw at mga taong gising na gising pa rin. Inapakan niya ang break ng kotse nang makarating siya sa lugar. The place looks familiar but he couldn’t clearly remember it. Pakira

