THE EX-CON'S COUNTERATTACK - CHAPTER 12 AMARAʼS POINT OF VIEW. Narating namin ni sir Barry ang kaniyang opisina. Sumunod ako hanggang dito sa loob at laking pasasalamat ko dahil hindi ako nito tinaboy. Nakaginhawa rin ako nang maluwag dahil wala rin dito si Benjamin na siyang ikinakatakot ko, kasi baka mamaya ay hindi lang baril ang itutok nito sa akin kundi iyong tanke na ng mga sundalo. Ewan ko ba kasi sa lalaking iyon, kung bakit may dala-dalang baril. Hindi naman daw siya Pulis. Sabi nga pala ni sir Barry, para sa proteksiyon nila iyon dahil mapanganib ang buhay ng isang businessman. Bakit kami? Nabi-business din naman kami, bakit wala naman kaming natatanggap na death threats o hindi kaya'y hindi naman napapahamak ang buhay namin ni Papa. At laking pasasalamat ko na hindi iyon na

