THE EX-CON’S COUNTERATTACK – CHAPTER 12 THIRD-PERSON’S POINT OF VIEW. “Are you really sure about this, Barth?” tanong ni Benjamin habang sakay na sila ng kotse ni Barry. Hindi niya ito sinagot. Tumingin lang siya sa labas kung saan ang nagtataasang buildings ang siyang kaniyang nakikita, maging ang mga ilaw na nagmumula roon. Gabi na pero parang umaga pa rin ang syudad dahil sa dami ng kotse sa daan. Nang lumipas ang ilang segundo ay lumingon siya kay Benjamin. “I am,” simpleng sagot niya. Matagal na niyang pinagplanuhan ang lahat at hindi siya puwedeng magkamali, hindi siya puwedeng mabigo dahil alam niyang iyon ang katapusan niya kapag nangyari iyon. “Pero…” Bumuntonghininga muna si Benjamin. “You already know that your life is in danger, at idadamay p

