CHAPTER 6

2310 Words
"Beauty begins the moment you decide to yourself." — Coco Chanel. Paulit-ulit kong binabasa ang quotations na iyon na nabasa ko sa google. Ito ang naging inspiration para maging positive sa buhay sa kabila ng mga mapanglait na tao sa paligid ko. Kinuha ko ang pitaka ko at binilang ko nang paulit-ulit ang unang sahod ko. First job ko ito at ito unang pagkakataon na hahawak ako ng pera. Dahil gusto kong maging memorable ang sahod ko. Pumunta ako sa kapitbahay namin na may computer shop at pagkatapos ay pina-scan at pina-print ko sa photo paper ang perang sinahod ko maging ang payslip ko. Balak ko kasi siyang iframe at isabit sa kuwarto ko. Gusto kong maging motivation ang sinahod na super proud ako dahil bukod sa palagi kong nakikita ang future husband ko. Hindi rin biro ang magtrabaho bilang secretary. Ang daming calls na sasagutin at minsan kailangan mong sumama sa boss mo kapag may meeting siya. Madalas hindi na rin ako nakakain sa tamang oras dahil sa pagiging busy. "Anong trip mo Fatty? Bakit mo pina-frame ang unang sahod mo?" reklamo ni Ate Chenie nang makita niya akong sinabit sa dingding ng kuwarto. "Gusto kong lang para maging inspiration ko sa pagtatrabaho." sagot ko. Nakapamaywang pa rin si Ate at nakataas ang kilay. Lumapit ako sa kanya at dumukot sa bulsa ng tatlong libo. "Sa'yo na ito Ate, magpa-rebound ka para naman may laban ka sa kagandahan ko." biro ko sa kanya. Isang batok ang natanggap ko imbes na thank you mula kay Ate Chenie. "Gandang-ganda sa sarili. Kulang pa nga sa pambili ng pagkain mo ang binigay mo sa'kin." Isinilid niya ito sa kanyang bulsa at pumihit patalikod. "Maraming salamat pa rin dito." sabay alis ni Ate. Sumimangot ako habang nakatanaw sa kanya. Pagkatapos ay muli kong tiningnan ang nakasabit na sahod ko. "Dahil payday today ililibre ko ang sarili ko." Kinuha ko ang towel na nakasabit sa likod ng pinto ng kuwarto ko at pagkatapos at naligo ako. Pupunta ako sa Mall upang ilibre ko ang sarili ko. Halos fifteen days din akong hindi nagpunta ng Mall para kumain mga paborito kong pagkain. Una kong pinuntahan siyempre ang fast-food na unli rice. Bumili ako ng dalawang order na chicken, palabok at siyempre halo-halo. Naghugas ako ng kamay at kumain akong nakakamay. "Miss ilan kayo rito?" tanong sa'kin ng lalaki. "Dalawa kami rito." pagsisinungaling ko. "Ah, okay." sabay alis niya. Ayoko kasing may kasama sa table dahil baka mawalan sila ng gana sa'kin. Kung kumain kasi ako ganitong fast-food ay sobrang takaw. "Waiter! Rice, please!" sagot ko sa lalaki. Lumapit naman ang lalaki. "Pakilagyan ito ng dalawa tapos ako dalawang cup na rice ulit." sabi ko. Hindi naman umimik ang lalaki kahit nagtataka siya kung bakit nauubos ang kanin ng kaharap kong plato. Strategy ko talagang kumain ng dalawang order para may reserba. Halos makapitong cups na rice ang nakain ko plus halo-halo. Halos hindi na ako makakilos sa kabusugan. Labing limang minuto ang lumipas bago ako umalis ng fast food na iyon. Nagpa-ikot-ikot ako sa Mall hanggang sa makita ako ang isang women's wear dresses. Pumunta ako upang bumili ng bagong damit. Naghanap ako ng magandang damit hanggang sa pumukaw ng pansin sa'kin ang isang casual dress na pwedeng isuot sa trabaho. Sky blue na polo at black pants na pwedeng lagyan ng mahahaba necklace. "Miss may extra large kayong damit na ito?" tanong ko sa sales lady. "Para po ba sa kapatid n'yo Ma'am?" "Hindi para sa'kin stretchable naman siya. Ang ganda kasi ng tela niya malambot hindi mainit kapag sinuot." "Sigurado po kayong kasya sa inyo ang extra large subukan n'yo po ang double extra large baka kasya na sa inyo." Umangat ang kilay ko. "Bakit ba nakikialam ka sa customer n'yo?" pagtataray ko. Bigyan mo ako ng extra large at size 38 na pantalon." Tumango ang sales lady. "Okay, hintayin n'yo po." "Mas marunong pa sa'kin ako naman ang magsusuot." inis kong bulong. Ilang saglit pa ay dala ng salelady ang extra large at dinala rin niya ang double extra large. Maging ang pantalon ay dala na rin nila. American size kasi sila kaya may malaki silang size. Pumunta ako sa fitting room. Pagsuot ko pa lang ng kamay masikip na pero pinilit ko pa rin kaya napunit ito. "s**t! nasira." hindi ko malaman kung paano ko itatago ang damit na iyon dahil napunit ang bandang kilikili. "Kainis! Dapat nakinig na ako sa sales lady para hindi ako nakapagbayad." Bagsak ang balikat kong lumabas ng fitting room pagkatapos ay binayaran ko sa cashier. "Babayaran ko na lang nasira ko." sabay yuko ko. "Sabi ko sa inyo Ma'am hindi kasya sa inyo ang extra large." nakangiting sabi ng sales lady. "Oo nga, tama ka nga girl. Hayaan mo na lagi naman akong mali." Nasayang ang one thousand five hundred ko sa damit na hindi ko naman magagamit. Wala tuloy akong choice kung hindi ang itago kay Ate Chenie. Balak kong ipatahi para lumiit at ibigay sa kanya para hindi naman masayang. Nanood ako ng sine na mag-isa. Love story na may halong e*****a ang kwento. Ang laki ng binili kong popcorn at talong mineral water at tubig. Bumili rin ako ng burger. Habang nasa kalagitnaan ako ng napanood. Nakarinig ako ng ungol. Tiningnan ko ang pinapanood ko. Nandoon pala naman sila sa scene na naghahalikan. Hinanap ko ang nagmamay ari ng mahinang daing na iyon. "Putspa!" bigla akong nag iwas ng tingin nang makita ko sa kanang inuupuan ko si Sir Franco may kasama siyang babae na sexy at maganda. Nakita kong hinahalikan niya ang babae at kapag may guard ay nagpapanggap silang walang nangyari. "Bakit kaya ang ingay ng babae?" Pasimple ko siyang tiningnan at nanlaki ang mga mata ko nang makita ko ang kamay ni sir Fraco sa loob ng suot na palda ng babae. Tinakpan lang ng bag ang harap para hindi obvious. Nakatitig si sir Franco habang nakatingin sa babae. Malamig ang loob ng sinehan ngunit pinagpawisan ako ng malapot. Nag-iinit ang pakiramdam ko na para akong aatakihin sa puso. "My gosh! My virgin eyes." Bigla akong tumayo at buong tapang akong lumapit kay sir Franco. Hindi ba alam ni Sir Franco na nakakainsulto sa aking p********e na may nilalandi siyang iba na dapat ako lang ang nilalandi niya. "F-Franco" Gulat na gulat ang dalawa nang makita ako. Inalis niya ang kamay niya sa loob ng palda ng babae. "F-Fatty?" "Sino siya Babe?" nakataas ang kilay ng babae. Tumingin ako sa babae. "Ako lang naman ang girlfriend niya." matapang kong sagot. "What!" sabay nilang sigaw. Napukaw tuloy ang atensyon ng ibang nanonood. "Paano mo maatim na makipagrelasyon sa babae na puro mantika ang katawan?" pailalim na tumingin ang babae at pagkatapos ay pang-asar na ngumiti sa'kin. "It's hurt naman." sabi ko. Matalim na tumingin sa'kin si Franco. "What are you doing Miss Fatima?" Namaywang ako. "Bakit ganyan ka magsalita sa future wife mo?" "What!" Humarap ang babae kay Franco. "Magsama kayo!" sabay sampal ng babae kay sir Franco. "Ouch!" sambit ko. Pagkatapos ay umatras ako palayo sa kanila. Kinuha ko ang bag ko at lumabas ako ng sinehan. Paglabas ko ng sinehan ay tumawa ako nang tumawa. Hindi ko akalain na mag walk out ang girlfriend ni sir Franco. Hindi ko natapos ang pinapanood ko pero okay lang dahil nainis naman ang babae na kasama ni sir Franco. Naghanap ako ng fast-food chain para kumain bago umuwi. Nag take out din ako ng pagkain para sa'ming dalawa ni Ate Chenie. Nasa pinaka dulo ako umupo kung saan hindi masyadong napapansin ng mga customer. Isa-isang inilagay sa table ko ang mga pagkain ng waiter. Pagkatapos ay inuna kong lantakan ang fried chicken nilang sobrang crunchy at sarap. Habang nasa kalagitnaan ako ng pagkain may taong tumayo sa harapan ko ngunit hindi ko iyon binigyan ng oras para tignan dahil abala ako sa pagkain. "Pwede bang maki-share ng table." narinig kong sabi ng boses lalaki. "Sa ibang table ka na lang pumunta— dahan-dahan akong tumingala nang marinig ko ang boses na iyon. "Sir Franco." Nalunok ko tuloy ang nginunguya kong pagkain kanina. Para akong binabad sa suka. Ngiting aso si Sir Franco sa'kin at pagkatapos ay inilapag ang mga pagkain sa table ko. Napadako ang tingin ko sa mga daliri niya kaya napangiwi ako. Parang kanina nasa loob ng palda ng kasama niyang babae 'yon. "Maghugas muna kayo ng kamay bago kumain." Kapag naalala ko kasi ang ginawa niya pagkatapos kakain siya parang babaliktad ang sikmura ko. "Naghugas na ako ng kamay at nag-alcohol." sabay simangot niya. "Busog na pala ako." Tatayo sana ko pero pinigilan niya ako. "Dito ka lang girlfriend." sarcastic niyang sabi. Medyo masarap pakinggan ang sinabi kaya kinikilig ako ng palihim. Umupo ulit ako at pinagpatuloy ko ang pagkain. "Bakit dito kayo kumain sir Franco?" "Sinusundan kita!" pasigaw niya. Kulang na lang magkahiwa-hiwa ang laman loob ko dahil sa mga titig niya. "Prank lang po 'yon 'wag po kayong magalit sa'kin." Hinampas niya ang lamesa dahilan para tumingin ang mga tao sa'min. "Galit ba kayo?" "Hindi mo ba alam na beauty queen ang kasama ko kanina at may plano kaming magsex mamaya pero naudlot dahil sa ginawa mo. Anong gusto mo ikaw ang i-s*x ko!" "Ah— pwede naman kung gusto n'yo talaga. Isa pa, beauty queen naman ako. hindi na kayo lugi." "Damn! Baka piggy queen." sagot niya. Nagkibit-balikat ako. "Okay." sagot ko. Hindi ako naapektuhan sa mga pang-iisulto nila sa'kin dahil sanay ako. Normal na sa'kin ang gano'n. "Do you like me?" tanong niya sa'kin. Natulala ako at parang umurong ang dila ko kaya hindi ako makapagsalita sa kanya. "Hindi ko gusto ang katulad mong balyena, baboy, at puro cholesterol." Itinapat niya ang mukha niya sa mukha ko. "Hindi ikaw ang klase ng babae na gusto ko." ngumisi siya. Napalunok ako para kasing tinamaan ako sa sinabi niya. Nakaramdam ako ng sakit sa heart. "Okay, wala naman akong sinabing type kita 'wag kang feeling gwapo." alibi ko. "That's good. "sagot niya. Mabilis kong tinapos ang pagkain ko. Hindi na ako natutuwang makita siya ngayon parang babagsak na kasi ang luha ko. Nangangalahati na si sir Franco sa pagkain nang tumayo ako para umalis na pero hinila niya ang kamay ko pababa upang umupo. "Don't leave me." sabi niya. "Kailangan kong dalhin ito sa Ate ko. " Tinuro ko pa ang nakabalot na pagkain na take out ko. "The hell I care." sagot niya. Bumuntong-hininga ako pagkatapos ay hinintay ko siyang matapos kumain. "Saan tayo pupunta?" tanong ko sa kanya. Pinilit niya akong sinakay sa kotse niya. "Ipapakilo na kita." sagot niya. "Makunat na ako mahirap na ako palambutin. Ihinto mo na ang sasakyan mo at magta-taxi na lang ako. "No way!" sagot niya sa'kin. Dinala niya ako sa disco-bar at pagkatapos ay umorder siya ng alak. Ibinigay niya sa'kin ang isa ngunit tinanggihan ko 'yon. "May allergy ako sa alak." sagot ko. "Psh! Kaning baboy nga kinanain mo pagkatapos alak allergy ka." Pambubully niya sa'kin. "Ang bastos ng bibig mo sir malapit na akong mainis sa'yo." inis kong sagot. "Just kidding." sagot niya. Hindi ibig sabihin na may atraso ako sa kanya ay pwede na niya akong insultuhin ng unlimited. Nakasimangot ako habang pinapanood siyang uminom ng alak. "Bakit po ba kayo nagpapakalasing?" tanong ko. Imposible naman dahil sa ginawa ko ay nagpakalasing na siya mababaw na dahilan 'yon. Namumungay na ang kanyang mga mata habang nakatingin sa'kin. "I saw my ex-girlfriend. She will marry someone else. I thought we still had a chance to get back together. It hurts. I love Lara." Natahimik ako. Hindi ko inakala na ang isang gwapo, mayaman at macho na lalaki ay broken hearted sa babae. Sa loob ng isang buwan ko bilang secretary niya. Hindi na mabilang sa kamay ko ang mga babae na kasama niya sa loob ng cubicle ng kanyang comfort ng dalawang oras. Akala ko hindi siya marunong mag seryoso. "Ako na lang kasi." Bahagyang umangat ang kanyang kilay habang nakatingin sa'kin. "What?" Hindi siya tumanggi ng ilapit ko ang mukha ko sa kanya. "Ako na lang kasi ang mahalin mo Popoy." "Huh? Who's Popoy?" "I-I mean sir Franco." "But you are a pig, and I am a human. We cannot love each other." Sumimangot ako. "Ano ba itong lalaki na ito lasing ba talaga kung makapanglait kota na." Hinawakan ko ang mukha niya ng dalawang kamay ko. Hindi naman siya tumanggi. Ang bilis-bilis ng t***k na puso na parang aatakihin na ako sa puso. "Franco." Dahan-dahan kong inilapit ang mukha ko hanggang sa magdikit ang labi namin. Para akong nakakita ng fireworks display sa kalangitan nang maramdaman ko ang lambot ng labi niya. Ang sarap pa lang sumama kay sir Franco kapag lasing nakahalik ako. Pinagalaw ko ang aking labi upang pumasok ang dila ko sa loob niya ngunit nanatiling nakatingin siya sa'kin. Kaya huminto ako at umatras. "Binabangungot ba ako ulit?" tanong niya. Napahiya naman ako sa sinabi niya. Imagine ako pala ang bangungot niya. Pulang-pula ang mukha ko sa ginawa ko. "Yes, sir binabangungot ka." sagot ko. Mas magandang isipin niyang bangungot ang lahat ng ito para hindi siya mandiri sa'kin. Pinainom ko siya ng alak ulit hanggang sa malasing na ito. Sa tulong ng bouncer ay naisakay ko si David sa kotse niya. Kinuha ko ang susi ng kotse niya para ako ang magdrive. May licence naman ako. "Lara!" sabay hila niya sa'kin palapit sa kanya. "H-Hindi ako si Lara." Hinawakan niya ang chin ko pagkatapos ay siniil niya ako ng halik. Nanlaki ang mga mata ko sa gulat pero panandalian lang iyon dahil hindi ko na ito pinalampas tumugon ako sa mga halik niya. "OMG Ang sarap niya."
Free reading for new users
Scan code to download app
Facebookexpand_more
  • author-avatar
    Writer
  • chap_listContents
  • likeADD